Third person pov
Sa hindi inaasahan na pagkakataon nagkita si Froilan at Lara. Nagkausap silang dalawa at humingi si Lara ng kapatawaran sa mga kasalanan na nagawa niya kay Froilan noon.
Ang isang matalino at may magandang trabaho sa amerika ay namuhay sa iskwater dito sa Pilipinas. Nalulong sa droga, nabuntis at iniwan ng kanyang kinakasama. Ikinwento ni Lara kay Froilan na simula ng umuwi siya sa Pilipinas. Sunod-sunod na ang kanyang kamalasan sa buhay. Idagdag pa ang pagkawala ni Lorraine. Dahil kinidnapped ito ng nasa Mindoro sila kasama ang kanyang kinakasama noon na nakilala rin niya sa Canada. Ito ang tumulong sa kanya para makauwi ng Pilipinas.
Matapos ubusin ang kanyang pera sa ATM at mga alahas. Bigla nalang itong naglaho na parang bula. Matapos silang iwanang mag-ina, ilang buwan ang nakalipas ay nawala rin si Lorraine sa nursery house na pinag-iiwanan niya. Habang nasa trabaho siya sa isang super market bilang casher pina-pabantayan niya ito. Ngunit isang araw gumulantang nalang kay Lara ang isangasamanh balita.
Lumuwas siya ng maynila at muling nakipagsapalaran. Dahil wala siyang dalang mga certificate na magpapatunay na isa siyang CPA account. Kaya hindi siya nakahanap ng magandang trabaho. Nakilala niya ang lalaking nagpapatibok muli ng kanyang puso. Ngunit hindi niya namalayan na isa rin pala itong patapon ang buhay. Isang drug addict at kumikita sa pagbibinta ng mga ipinagbabawal na gamot. Si Lara rin ay nalulong sa druga kasama ng kanyang kinakasama. Nang malaman nito na nabuntis si Lara. Palagi na siyang binubugbog ng lalaki. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at tinakasan nalang niya ito.
Kaya ngayon nakatira na si Lara sa isang iskwater area. Habang nagdadalang tao ng limang buwan. Paglilinis ng kalsada ang kanyang naging trabaho.
Init ng araw, pagod at ulan ang kanyang sinusuong. Ang dating buhay prinsesa ay naging pulubi sa lansangan. Ang lugar na dati niyang kinasusuklaman ngayon ay kanya ng naging tahanan.
Nadaanan ni Froilan si Lara sa kalsada habang nagwawalis. Nakilala siya ng binata kaya nilapitan siya nito. No'ng una nahihiya pa siyang kausapin ito dahil sa mga kasalanan na nagawa niya sa lalaki. Ngunit kailangan niya ang tulong nito kaya kinapalan nalang ni Lara ang kanyang pagmumukha. Lumuhod siya sa harapan ni Froilan at humingi ng kapatawaran.
Naawa naman ang binata sa dalaga kaya nagdesisyon siyang tulongan nito. Dinala niya ito sa mall binilhan ng damit. Dahil ayaw na niyang tumira ito sa iskwater. Dinala niya muna si Lara sa kanyang condo. Hahanapan nalang niya ito ng apartment pagkatapos ng graduation ni Yette. Kinagabihan Justine invite him na mag-inoman. Mukhang may problema ang kaibigan kaya dinamayan na muna niya ito.
Medyo lasing na si Froilan ng makauwi sa kanyang condo. Nagluto si Lara ng dinner pero hindi na niya makakain dahil gusto na niyang ipahinga ang kanyang katawan.
Habang tulog si Froilan pinakialaman ni Lara ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mga convo ni Froilan at Yette. Binuksan niya ang profile ni Yette, nakita niyang bata pa ang dalaga at isa itong OB-GYNE. Umusbong ang panibugho ni Lara. Nais niyang mapasakanya muli si Froilan. Binura niya ang mga mensahe ng dalaga. At bumuo ng plano kung paano niya paghihiwalayin ang mga ito.
Kinaumagahan kumuha siya ng pera sa wallet ng binata. Pumunta sa boteka at bumili ng sleeping pills. Dinadahilan niyang hindi siya makakatulog.
Pagbalik sa condo ng binata agad niya itong nilutuan ng sabaw. When she serve the foods nilagyan niya ito ng sleeping pills. Muling nakatulog si binata hanggang sa muling gumabi.
Kinagabihan tumawag si Yette at naka video call ito. Kaya dali-daling hinubad ni Lara ang kanyang suot na t-shirt at tumabi sa ilalim ng kumot ni Froilan. Sinagot niya ang tawag, at nakita niya ang malaking pagkagulat ng dalaga. Ang masiglang hitsura nito ay napalitan ng sakit. Inayos niya ang kumot ni Froilan. Tumayo na walang pang-itaas na saplot. Pati umbok ng kanyang katawan ay ipinakita niya sa dalaga. Nang patayin ng dalaga ang tawag laking tuwa naman ang naramdaman ni Lara. Sa isang iglap lang naitaboy niya ang girlfriend ng dating kasintahan na walang kahirap-hirap. Dahil sa labis na katuwaan masaya niyang nilinis ang buong condo ni Froilan.
Si Yette naman sa kanilang banda ay labis ang pighating nararamdaman. Nanggigigil na kinasusuklaman ang kasintahan. Ayaw niyang umiyak dahil ayaw niyang makita ng mga magulang at kapatid. Tinawagan ni Yette si Lucy. Sa kaibigan siya humingi ng tulong para mailabas ang lahat hinanakit.
Pumunta sila sa tabing dagat at doon niya isinasalaysay ang lahat sa kaibigan. Ipinakita pa niya ang screenshot ng babaeng nakahubad na katabi ni Froilan. Kahit na blanko siya kanina nagawa parin niyang kuhanan ng screenshot ang walanghiya babae.
Pinakalma naman ni Lucy ang kaibigan at hinayaan na sumigaw para maibsan ang labis na pighati nitong naramdaman. Hanggang sa maging okay na ang mga ito at napagdesissyonan na umuwi na sa kanilang bahay.
Hindi pa pala natutulog ang kanyang pamilya. Tinanong pa si Yette kung saan galing.
May emergency mission pala ang kapatid ni Yette na si Yasser sa Negros Oriental. Kasama ang anak ni mama Nina niya na si Reigan. Madaling araw daw ang byahe ng mga ito kaya nag-bonding muna ang buong pamilya.
Nang pumasok ang mga magulang sa kanilang silid. Pinuntahan kaagad ito ni Yette para kausapin ng masinsinan.
“Mom, dad pwedi ko po ba kayong makausap?”si Yette.
“Sure princess come here.”sagot ng ama ni Yette.
Humiga siya sa pagitan ng mga magulang. Sinabi ni Yette Sa mga magulang ang kanyang gustong gawin.
“Mom, dad I'm sorry po kung hindi ko masasabi sa inyo ang aking problema. Gusto ko pong sumama kina kuya Yasser at Reigan sa oriental Mindoro. To breath a fresh air maybe. At lumayo muna sa toxic na paligid. Isa lang po ang hihilingin ko sa inyo huwag nyo po sana sabihin sa kanya kung nasaan ako. Mom, dad, magiging okay din ang lahat. Ayoko lang magmukmok at magpakalasing dahil sa naramdaman ko ngayon. Di ba na pressure din naman ako sa aking pag-aaral. Isabay pa ang pagkuha ko ng licensure examination para maging ganap at lisyensyado ng doctor. Habang hinihintay natin ang resulta ng aking licence palayain nyo muna ako mommy, daddy. Naroon naman ang dalawa kong kuya kaya wala po kayong dapat ipag-alala.”sabi ni Yette.
Ramdam naman ng mga magulang ni Yette ang hinanakit ng nag-iisa nilang prinsesa. Kaya niyakap nila nito ng mahigpit. At pinayagan na magsaya muna sa lugar na nais nitong puntahan. They are proud of their daughter dahil kahit ramdam nila ang pighating naramdaman nito. Nakikitaan parin nila ito ng katatagan at nais pang aliwin ang sarili kaysa magmukmok. Alam nilang ang binatang si Froilan ang naging dahilan. Kung anuman ang problema ng dalawa ay hindi na muna nila panghimasukan. They will respect their daughter's decision.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap agad namang lumabas ng silid si Yette para mag-impake ng kanyang mga kakailanganin na dalhin sa byahe. Sa kabila ng pasakit, naging excited siya na marating ang oriental Mindoro. Hindi rin niya sinabi kay Lucy kung saan siya pupunta. Baka kapag sinabi niya madulas pa ang bibig nito kapag piniga ng deputing Afam.
oooOooo
“I'm ready!!!”biglang sigaw ni Yette.
Ikinagulat naman ito ng dalawang binata.
“Saan ka punta?”si Reigan.
“Hayaan nyo ang prinsesa na sumama sa inyo. Nakiusap yan na nais daw niyang marating ang oriental Mindoro. Kaysa bumyahe mag-isa pinayagan nalang namin ng mommy nyo na sumama Sa inyo”yette dad explained.
“Please huwag ninyong sabihin kung nasaan ako. Pati po kay Lucy huwag nyo pong sabihin kung saan ako pumunta mama at papa.”pakiusap ni Yette.
Buti nalang at hindi nagising si Elias at ang mga Lolo at Lola ni Yette. Apat na tao lang ang nakakaalam sa pag-alis ni Yette.
Natuwa rin ang kapatid ni Yette na si Yasser. Dahil alam niya kung saan niya isasabak ang makulit na doctor niyang kapatid. Licence nalang ang kulang nito pero magaling na doctor ito. Mas magiging excitement ang vacation nito kapag isinabak niya ito sa mission bilang military doctor. Sayang naman ang pass rate 98.65 percent nito kung hindi gagamitin. Ganun pa man hindi nila hahayaan ni Reigan na may masamang mangyayari sa kanilang bunsong kapatid.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak mo para sumama sa amin. Ang kulit mo pa naman bunso baka hindi ko na mapopormahan ang crush ko.”biro ni Reigan.
“Anong kinalaman ni Yette sa crush mo anak?”tanong naman ng ama ni Reigan.
“Kasi papa baka orasyonan ni bunso eh at baka hindi na ako sagutin.”sagot naman Reigan.
“Luhhh ang sabihin mo torpe ka kuya. Sa bakbakan magaling ka pero sa babae tiklop ka. Huwag ka ngang o-a dyan, baka kapag naroon ako magkakajowa kana.”sabi naman ni Yette.
Kinaumagahan napabalikwas ng bangon si Froilan mula sa kanyang higaan. Nakita niyang tulog pa si Lara sa silid nito at naka-panty lang ang dalaga.
Tiningnan niya ang orasan sa sala 10 am na pala. Kinuha ni Froilan ang kanyang cellphone para tawagan si Yette. Nagulat nalang si Froilan na 2 days ago ang nakalagay sa lumang SMS nito.
“What???? What the hell happened?”gulat na reaction ni Froilan.
Larabelle Montejo!!!!!!Froilan shouted like a thunder.