Tahimik lang si Feriona na patuloy paring nangungulekta ng mga ebidensya. Hindi niya sinasabi sa kanyang mga magulang o kahit sa bunsong kapatid na si Fretzy ang kanyang mga nalalaman. Kinakalkyola na niya ang pag-alis ng kanyang kapatid noong nakaraang mission. Ilang buwan itong nanatili sa vacation at kung ilang buwan itong nasa mission noon. Dapat noong nakaraang buwan pa nanganak si Lara. Walang bata na isinilang matapos ang sampong buwan. Over due date na ito, grabeh napaka busy nga naman ng mga magulang niya at hindi pa napansin na late na ang delivery nito. Nagulat silang lahat ng marinig ang sigaw si Lara. Kaya nagmamadali silang tumakbo patungo sa silid ni Lara. Nakita nilang namimilipit na ito sa sakit. Manganganak na ngayon si Lara kaya agad itong binuhat ng kanyang Daddy Frank

