Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi parin nila natagpuan si Feriona. Dahil walang tigil sa paghahanap kay Feriona. Nakaligtaan ng pamilyang Smith na tutokan ang muling pagpa-dna test sa anak ni Larabelle at Froilan.
Hindi tumitigil si Froilan sa paghahanap sa kanyang kapatid. Halos hindi na niya maasikaso ang kanyang sarili. Ang ina naman ni Froilan ay halos hindi na makakain ng maayos. Apektado ang buong pamilya dahil sa mga pangyayari.
Si Lara naman ay sinamantala ang pagkakataon. Muling nagsisinungaling na may sakit ang kanyang ama kaya kinakailangan niyang lumipad patungong Canada. Ang paglayo ni Lara ay ang pagtakas sa kanyang kasalanan. Siya ang prime suspect sa pagtalon ni Feriona sa dagat. Kahit gaano katigas ang kanyang puso may bahagi parin dito na nangangambang mabunyag ang kanyang lihim na sekreto.
oooOooo
“Pre, walang silbi kung magpakalunod ka dyan sa alak. Hindi makakatulong sa problema mo yan. Nakafocus lang kayo sa paghahanap kay Yona. Bakit mo pinalayo si Larabelle? Paano kung nagsasabi nga ng totoo si Yona? Based on my observation hindi ipapahamak ni Yona ang kanyang sarili kung sakaling wala siyang matibay na ebedinsya. Wala ka dito habang nagbubuntis si Larabelle. Ang pamilya mo lang ang palaging nakakakita sa mga galaw ni Lara. At maaari na maraming nakuhang information si Feriona. So she thought of doing a DNA test so that she could show you some evidence. At mukhang nagkasagotan sila ni Lara at nabanggit ang tungkol sa DNA. Kaya ninakaw ni Lara ang totoong resulta ng DNA test ni Lorraine. At sinamantala nito ang pagkakataon na gumawa ulit ng DNA test na tugma ang resulta sayo. Hindi mo kamo napagbuhatan ng kamay since maliit pa sila ni Fretzy. Kaya ng saktan mo siya sa kasinungalingan ni Lara nag-breakdown siya. Hindi niya matanggap na sa kabila ng pagiging konektado nyo ng dugo nagawa mo siyang pagdudahan. Ilang buwan mo bang kasama si Lara pre? At si Yona ba nakitaan mo na madalas magsinungaling nung kabataan nyo pa?”jeremy open his opinion.
“You mean hindi nagsisinungaling si Yona? At ang nagsisinungaling ay si Lara. Yes, she's not a liar ever since. Siya ang straight forward manalita. Mahilig magmasid sa kanyang paligid at hindi natatakot na maglahad ng opinion. Kung walang kasalanan si Yona ibig sabihin si Lara ang nagsisinungaling. Kailangan kong ituloy ang pagpapa- DNA kay Lorraine,"sagot ni Froilan.
“Huli kana pre, pinakawalan mo na ang salarin sa lahat ng pangyayari. Alam mo bang hindi nagkasakit ang ama ni Larabelle. At wala na siya sa Canada ngayon. That means tumakas na siya dahil alam niyang mabubunyag ang kanyang sekreto.”sabi pa ni Jeremy.
“Damn it Larabelle Montejo. Why you do this to me? Why? Ahhhhh b*tchhhh,”sigaw ni Froilan sabay tapon sa bote ng kanyang ininom.
“Nang dahil sa'yo nawalan ako ng kapatid. Bakit ba ako nagpakatanga sa lintik na pag-ibig,”umiiyak na sabi ni Froilan.
“Teka nasaan ba ang DNA results na ipinakita sa'yo ni Lara noong binyag ni Lorraine?”jeremy asked.
Muli na namang napamura si Froilan dahil hindi niya alam kung nasaan ang DNA results na yon. Planado nga ang panlilinlang ni Lara sa kanyang buong pamilya.
“Bakit nga ba tayo naging tanga? Kung kinakalkula lang natin kaagad ang buwan na nasa vacation ka at kung ilang buwan kang nasa mission. Malalaman na sana kaagad natin ang resulta. Think of it pre, lagpas sampung buwan ang kapanganakan ni Lara. Ibig sabihin nabuntis si Lara pagkatapos mong umalis. Kapag biglaan talaga ang mga pangyayari hindi natin naiisip ang mga importanting bagay bago may mapahamak.
Tuloyan na nawalan na nga sila ng pag-asa na muling makita si Feriona. Lugmok at puno ng kalungkotan ang tahanan ng mga Smith.
ooo0ooo
Sa kabilang dako naman ay masayang nakisalamuha si Feriona sa mga batang nagpa-praktis ng kanilang swimming lesson. Yes,you read right! Buhay na buhay si Feriona Gomez Smith.
Flashback!
Nang gabi na tumalon si Feriona sa dagat naroon si John Cedric Lewis Fargo sakay ng kanyang luxury yatch. Hindi siya naroon para manggulo sa isinasagawang binyag ng kanyang anak. Gusto lang niyang pagmasdan ang anak.
Ang kanyang anak ang kanyang kahinaan. Kaya nang pagbantaan ulit siya ni Lara na patayin ang kanyang anak. Hindi na siyang nakipagbangayan pa, at isinasagawa ang DNA test na nais nito.
Na guilty si John Cedric sa kanyang ginawa. Dahil naramdaman niyang may mabuting puso ang kapatid ng naging fiance ni Lara. Malalim itong magsalita at ayaw nitong napapahamak ang sariling kapatid. Tumalon si Feriona sa may di kalayuan sa yate ni John Cedric. Kaya agad itong sinundan sa pagtalon. Mabilis itong lumangoy patungo sa kung saan. Mabuti nalang at Olympic swimmer din ang binata kaya nasasabayan niya ito sa paglangoy. Tantiya ni John Cedric lagpas na sila ng 30 minutes pero hindi parin ito umahon. Naisip niyang suicidal na ang paglangoy nito kaya mas binilisan ng binata ang paglangoy. Hinawakan niya ang baywang ng dalaga at hinila pataas. Maaaring nagulat ito kaya nagpupumiglas at gustong makawala sa pagkakahawak ng binata.
“Ohooo,ohoooo! What are you doing idiot, yawa ka pakialamiro,”mga katagang binitawan ni Feriona na hindi naman naiintindihan ni John Cedric.
“You???”gulat niyang sigaw ng maaninag ang hitsura ng binata.
“Hoy impakto ka bakit narito ka sa laot? Masaya ka na ba sa mga ginawa mo? Masaya na ba kayo ni Lara dahil napagtagumpayan ninyo ang pagsira sa pamilya namin. Mga hayop kayo at dapat sa inyo ipakulong?”pigil hiningang hinaing ni Feriona.
“Speak english so I can understand your questions. But first let's go to the sea side. We can't risk our safety to the sharks around,”cedric said.
Mukhang tinablan naman ng takot si Feriona kaya agad itong lumangoy ng mabilis patungo sa dalampasigan. Nang makaahon ramdam nila ang lamig ng hangin. Kaya naisipan ni John Cedric na humanap ng taxi na masasakyan para makauwi kaagad sila sa bahay.
Nagpupumiglas pa si Feriona dahil ayaw niyang sumama sa lalaki. Pero wala na itong nagawa ng buhatin ng binata at ipinasok sa loob ng taxi.
“I know you are angry but you have to obey me this time. Just keep your eager for awhile and let's go home.”sabi ng binata kay Feriona.
“Ay pocha ka, anong go home letsugas ka?”galit na sabi ni Feriona. Ramdam parin ni Feriona ang gigil dahil sa pakikipag sabwatan ng binata sa hilaw nitong hipag. Wala ng nagawa si Feriona dahil mahigpit ang pagkakahawak ni John Cedric sa kanyang pulso. Ramdam na rin nito ang lamig kaya minabuti nalang nitong huwag makipag bangayan.
Alam ni Feriona na nalulungkot ang kanyang mga magulang. Masama lang talaga ang kanyang loob sa kanyang kuya kaya nakuha nitong tumalon sa dagat. Nobody knows that Feriona can swim dahil may trauma ito sa tubig. Simula ng mahulog ito sa swimming pool at kamuntikan ng malunod ay ayaw na nitong maligo sa pool o sa dagat. Pero nang tumungtong si Feriona sa high school. Uma-attend na ito ng swimming classes pero hindi nito ipinaalam sa pamilya.
“Kaninong bahay yan?”tanong ni Feriona sa lalaki gamit ang tagalog.
“For God sake Ms. Smith speak english so that we can talk property. In your house you probably use English because your father is American. Oh by the way that's my house,”inis na sabi ng binata.
“Magaling kang manlinlang, kaya pwedi ka rin magpanggap na magaling ka sa walang Filipino. Sa bahay namin tagalog ang salitang ginagamit ni daddy. Hindi siya nagsasalita ng english sa harap namin. Siguro taglish minsan pero nang naging bihasa ba siya sa salitang tagalog yon na ang palagi niyang dialect kapag kausap kami. Huwag kang mag-inarte demonyo ka dahil malaki ang kasalanan mo sa akin. Niligtas mo nga ako Kay kamatayan pero kahit sa ganitong paraan man lang makaganti ako sayo,”singhal ni Feriona sa binata.
“You're unavailable stitchy brat! I'm sorry, forgive me for what Lara and I did. She used my daughter to follow her plan. She will kill my daughter if I don't follow her plan. My daughter is my weakness so I was able to deceive. She has a plan that after marrying your brother she will give me my child.”malungkot na sabi ni Cedric.
“Ang laki mong tao at makapagyarihan pero saksakan naman ng kaduwagan. Ipinanganak kang walang bayag hayop ka. Naligaw lang yata ang semilya ng anak mo eh,”galit na sabi ni Feriona.
Gumawa nalang ng paraan si John Cedric Lewis Fargo. At ito ay ang mag-upload ng voice filipino-english translator sa kanyang cellphone para magkaintidihan sila ni Feriona.
End of flashback....
Yona, musta mga bata tinuruan mo maglangoy. Hmmm here's your juice, pahinga ka muna.”John Cedric said. Hindi namalayan ni Feriona na nakalapit na pala ito sa gawi nila.
“Okay naman madali lang naman silang natuto. Hindi naman nila ako pinapahirapan. Malapit na ang Arizona Swimming competition kaya kailangan kong tutokan ang mga athletes,”sagot naman ni Feriona.
Naging swimming coach si Yona sa isang swimming school ni John Cedric Lewis Fargo at ito ay pinangalanan ng binata na “Fargo Swimming Club.”
They trained Olympians na mga participants sa local and international swimming competition. Magaling si Feriona sa ganitong sports kaya siya ni-recruit ni Cedric na maging coach. Sa umaga mga bata ang kanyang tinuturuan. Pagkatapos ng session ng mga bata kasunod naman ang mga athletes. Filipino language na ang gamit ni Cedric kahit bulol-bulol dahil ang pasaway na Feriona pinanindigan ang paghihigante sa binata. Kapag ibang tao ang kausap matino itong nagsasalita ng english. Pero kapag siya ang kaharap ay talagang nag-iingat ito na huwag mahaluan ng english ang kanyang pagsasalita ng tagalog.
“How about your online class Yona? You have to focus on it too. Mag final exam ka na maayos para future mo,”cedric said.
“Hahaha daig mo pa ang Chinese manalita. Ang Chinese laki kita liit mata. Ikaw naman laki mamà liit bayag,”halakhak na sabi ni Feriona.
“Huwag mo ko loko Feriona, alam ko sabi mo.”inis na sabi ni Cedric.
Kahit na miss man ni Feriona ang kanyang pamilya. Nagmamatigas parin ito na huwag silang kontakin. Ika nga niya sariwa parin ang pagsampal ng kanyang nag-iisang kapatid na lalaki. Hahayaan muna niyang maghilom ang hinanakit ng kanyang puso....