“Ano itong nabalitaan namin Elias? Biktima kana pala ng pambu-bully sa University pero hindi mo pinaalam sa amin ng mommy mo at mga kuya mo. Kay Yette ka pa talaga nagpasaklulo eh babae iyang kapatid mo. Oh my God Eliasson Peralta Marcos nag-isip ka pa ba? Paano kung may nangyari ring masama sa kapatid mo huh? Maibabalik mo ba ang nag-iisang babae sa buhay natin?”sermon ni daddy.
Hello, kailan kaya nag-transform si mommy bilang lalaki? Oh mhie, kailan ka nagkalawit po?
Aray Elias ang sakit nun, bakit ka ba nambabatok?
“Bwesit ka Yette, bunganga mo pasmado. Ginalang mo pa talaga si mommy, eh kabastosan naman yang tanong mo,”binatukan ako ni Elias.
Eh ang sabi ni daddy nag-iisa lang daw akong babae sa pamilya.
“Kailangan kong pumunta sa university mo bukas. Hindi natin pweding balewalain ang situation na ito. Mabuti nalang at matalino itong prinsesa natin at nakuhanan ng video ang ginagawa nila. Graduating na si Elias this year at kung hindi siya nasagip ni Yette sigurado mag-viral ang video na yon. Magkaroon ng trauma si Elias, masisiraan ng ulo o baka magpakamatay pa,”daddy worriedly said.
“We have to file a case against them dad at ako na ang bahala sa kaso. Princess give me your phone because I need the video. Ilang beses kana nilang binu-bully Elias?”malumanay na tanong ni kuya Raiden.
Oh yeah! Kuya Raiden is a lawyer pero bago pa man ang lahat graduate siya bilang psychiatrist. Ibinigay ko na kay kuya ang aking cellphone at nagpaalam na rin ako na papanhik na sa aking silid para magbihis ng aking damit.
Ambush question and answer portion na kasi ang naabutan ko sa living room. Natawa pa si Lucy ng sabihin ko sa kanya ang nangyaring eksina sa University ni Elias. Pati ang video na nakuha ko ay ipinakita ko sa kanya. Bali-bali na ang buto ng apat na iyon. Kapag hindi tinanggal ng University ang mga iyon tiyak masisira ang reputation ng buong University. Lalo na at hawak ni kuya Raiden ang kaso.
oooOooo
“Good morning Yette! Ito oh sariwang bulaklak para sa magandang dilag ka katulad mo,”asungot na Dr. Lemuel Sonio na naman
“Para sa nag-iisa, para sa natatangi,
nais ko lang sabihin na paborito ko ang ‘yong ngiti.
Lahat ng pangamba ay napapawi,
sa aking pagmamahal ay wala kang kahati.
Para sa nag-iisa, sa aking inspirasyon,
hindi magbabago ang pagsinta, lumaon man ang panahon.
Pagtingin ay lalong lumalalim na parang balon,
Pag-ibig ay nadaragdagan din na parang mga taon.
Para sa nag-iisa, sa walang kasing ganda,
pati na ang kalooban at hindi lamang ang mukha.
Kaya naman lalo ako sa iyong nahahalina,
sa mundong ito’y nag-iisa, walang kapareha.
Para sa nag-iisa, sa aking walang hanggan,
nais ko lamang na iyo laging pakatatandaan.
Ikaw lang ang gustong kapiling sa bawat kinabukasan,
Hanggang sa pagtanda ikaw lamang ang hahagkan.”
Umandar na naman ang pagiging Apolinario Mabini niya.
Gusto mo bang sagutin ko iyang nakakakilabot mong tula Dr. Sonio?
“Yes please Yette! Ikinalulugod kong marinig ang iyong kasagutan sa aking madamdaming emotion na tula. Ito ay ginamitan ko ng purong pyesa ng aking puso para sayo lamang.”baliw ni Sonio na sabi.
Dr. Lemuel Sonio sa aking sasabihin ikaw ay makinig,
Alam mo bang sa sobrang inis ko, kalamnan ko'y nanginginig.
Nakakilabot mong tula sa aking tainga nagpapayanig,
At ito ay nagbibigay takot sa aking pandinig.
Maraming salamat sa iyong napakahabang tula,
Nang bigkasin mo ito si Lucy ay natulala.
Ngayon magiging buo na ang kanyang hinala,
Na ikaw ay galing sa Mandaluyong na nakawala.
Maaari bang ako ay iyong lubayan,
At pag-aaral mo ang iyong gabayan.
Alalahanin mong ikaw ang pag-asa ng bayan,
Mga kamag-aral natin ikaw ang tinutunghayan.
Mga thesis mo muna ang iyong antabayan,
Saka mo laanan ng oras ang pagsinta ng tuloyan.
Sa ating bansa isa ka sa kayamanan,
Kaya pag-aaral mo muna ang iyong pagtuunan.
“Wooooohhhhh Dra. Yette Marcos is that you? Lucy Galang mawalang galang muna aking Lola ayoko na sa Earth at ako'y lalayas na. Napakahirap namang paamuhin iyang kaibigan mo. Hindi ko makuha-kuha ang kanyang kiliti at kilig,”pagdadrama pa ni Dr. Sonio.
“Hahaha huwag kang magpumilit doctor Sonio dahil baka magiging baldado ka. Alam mo bang apat na estudyante ang binalian ni Dra. Yette Marcos sa U.P noong isang araw. At ang pinakamalala pa ay mukhang matatanggal sila sa unibersidad at hindi na makakasama sa final exam. And the most worst thing is hindi na sila makakasama sa gagraduate this year,”kwento pa ni Lucy de madaldal.
“What? Ibig sabihin si Dra. Yette Marcos ang nasa blind item na mag-viral,”gulat na sabi ni Dr. Sonio.
Oo ako nga Dr. Sonio dahil kamuntik na nilang mabura sa mundo ang aking binabaeng kapatid dahil sa pambu-bully nila. Sabi nga sa kasabihan “ang pagsira sa kapwa ay may dahilan, pero kung hindi pa oras maraming paraan.”
Paraan na makaligtas o paraan na makaiwas.
“Oh yes! Seriously isang malaking bagay nga ang pagligtas mo sa iyong kapatid Dra. Marcos. Mabuti naman at naroon ka sa pinangyarihan ng kanilang pambu-bully,”biglang seryosong sabi ni Dr. Sonio.
Hindi ko nga din alam doc kung bakit ako ang pinapunta niya sa University nila. O baka talagang sinasadya ng aking kapatid na iwanan ang files na naglalaman ng kanyang final report para hindi makuha ng mga demonyo niyang kaklase. Candidate for Dean Lister of the year kasi ang kapatid ko eh.
“Hmmm kaya pala siya pinag-iinitan dahil may dahilan. At ang kanilang taktika ay sirain ang iyong kapatid at ito ay sa pamamagitan ng bullying. Karma is real dahil nahuli mo ang kanilang kasamaan.
“Dra. Yette Marcos ipinatawag ka sa guidance office,”sabi ng aming kaklase. Nakatinginan kami ni Lucy at Dr. Sonio.
“Goodluck beshy, I think the issue is about yesterday,”sabi ni Lucy.
Pagdating ko sa opisina kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Laking gulat ko nalang ng bigla akong sinugod ng isang ginang.
“You slutty b*tch, how dare you to ruin my son's reputation. Don't you know that he came from a respective clan. He is the son of a Governor and my family is a wealthy people of our region,”pagwawala ng babae.
“Ma'am please calm down!”our school president said.
Tiningnan ko ang cctv camera sa office kung gumana ba ito. Naka- On kaya siguradong nakuhanan ang pagwawala ng ginang.
“No, I can't calm down because she ruined my son's life. I want to put her on jail. I want this b*tch to be punish,”she shouted.
“Ma'am are you done? By the way, I am Maria Yette Peralta Marcos.”
“Put*ng*na mo I don't care who are you o kanino kang anak ang gusto ko ay mabulok ka sa kulungan,”sigaw ulit niya.
Mukhang hindi ko ito mapaliwanagan ng mabuti sa maayos na paraan. I have no choice kundi ang ilabas ang scandal video ng kanyang magaling na anak.
I used my mobile screen flash at ipinunterya ko ito sa puting wall para malinaw nilang makita ang lahat ng mga kaganapan. I off the office light para ang video ay mas malinaw nilang mapanuod. Alam kung nakukuha ito ng cctv dahil nakapukterya doon ang isang camera. Napatakip ang ginang sa kanyang mga nakikitang kaganapan. Hanggang sa napaiyak nalang ito sa eksinang mapanuod.
Nang matapos ang video, binuksan ko ang ilaw and I off my phone. Panay parin ang iyak ng ginang na tila naging duwag. Ngayon mo sabihin ma'am kung sino ang mabubulok sa kulongan. Buhay ng kapatid ko ang nais sirain ng anak ninyo. Angel in disguise lang ang naging papel ko sa eksina na yan. Kung hindi ako dumating sa tamang oras tiyak may alas ng hawak ang inyong anak para sirain ang reputation ng aking kapatid. Idagdag nyo na rin po sa kaso ang inyong pagsugod at pagwawala dito sa aking eskwelahan. Kuhang-kuha sa cctv camera ang inyong mga masasakit na salitang binibitawan laban sa akin. Reputation ko na rin po ang inyong sinira at hindi ko po hahayaan na makalampas ito. Kahit gaano po kayo ka kilalang tao sa lipunan o kahit gaano kayo kayaman. Ang lahat ng iyan ay walang silbe dahil sa inyong masamang pag-uugali. May pinagmanahan pala ang kabastusan ng inyong anak ma'am. At alam na natin kung kanino siya nagmana. Sayang po ang talinong taglay ng inyong anak at dahil sa masamang impluwensya nasisira ang pangalan niya at pati pangalan ninyo nahihila sa kahihiyan. Nakikita niyo naman kung kaninong utos sumunod ang inyong anak bago niya ibaba ang kanyang trouser.
Si Atty: Raiden Peralta Marcos na ang bahala sa kaso ma'am. Magkikita nalang tayo sa korte kapag kailangan na ako sa witness statement. I willing to give you the whole details on how I broke their legs, fingers and arms. My brother is a victims of cyber bullying. So we can file a civil suit for damages against the perpetrator. He can also seek compensation for the harm caused by the cyber bullying, including emotional distress and loss of reputation. Am I right Mr. President?
At isasama ko sa pag-apila ng kaso ang pagbitaw mo ng masasamang salita laban sa akin. Pwedi na ba akong umalis sir? Tumango naman ang aming principal.
“Wa-wait Ms, Please wait for awhile,”pigil ng ginang sa akin.
Sorry ma'am but I don't have time to listen your nonsense sentences. See you in the courtroom soon....