Third person pov Masayang natapos ang kasalan NJ na puro kulitan sa loob ng simbahan. Isang bagong yugto sa buhay nina Rochelle at Yasser. Ang ate Raiza ni Yette ay hindi nakasama sa simbahan dahil kabuwanan na pala nito. May bagong myembro na parating sa tahanan ng mga Marcos. Sa Della Torres Pavilion Hotel ginanap ang salu-salo. Isang napaka engrading salu-salo ang ihinanda para sa mga bisitang dumalo. Puno ng sayawan at kantahan. Mga kababaihan na kinikilig sa mga kalalakihan na nagugwapohan. Pati si Yette kinilig sa mga pinsan ng kanyang ate Rochelle. “Baby akin kana kaya huwag mo nang pagpantasyahan ang mga unggoy na yan. Baka pagbabarilin ko na ang mga iyan.”inis na sabi ni Froilan. “Uy hala nai-insecure din pala ang mga Afam. Hayaan mo na ako crush lang naman pero hindi pa naman

