nakaw na halik

1887 Words
Third person pov "Making no mistakes is what establishes the certainty of victory, for it means conquering an enemy that is already defeated. If you know the enemy and know yourself, you need not fear the result of a hundred battles. If you know yourself but not the enemy, for every victory gained you will also suffer defeat. If you know neither the enemy nor yourself, you will succumb in every battle. We are profoundly grateful for the courage and resilience you demonstrated on the battlefield. Your victory is a testament to your unwavering dedication. You guys did it! We're so proud of your grit and determination throughout this tough fight. Please accept my sincerest congratulations on your triumph in this difficult battle. Your leadership and commitment to duty have been exemplary.”taos pusong pasasalamat ng presidente. Buong kagalakan ang ipinahiwatig ang taos pusong pasasalamat ng lahat. Pasasalamat sa pagkakaroon ng pangalawang buhay matapos ang matinding pakikipag sapalaran sa kamay ng mga terorista. Ang sanib pwersang pakikipaglaban ng mga mandirigma. Ang mataktikang plano para tugisin ang mga halang na kaluluwang terorista. Nakaatas kay agent one Andrew Peralta ang kaso ni Shizada a.k.a Aftab Ansari. Mapalad rin na siya ang nakapatay sa demonyong leader ng mga terorista. Kaya pinaparangalan siya na maging bagong chief operating officer ng CIA. Si Fretzy naman bilang Antennas and Propagation Research and Engineer: A technical expert who designs antennas, measures propagation, and monitoring the operation ay umakyat sa bagong rank. She is promoted to deputy director of CIA for analysis: A title in the order of succession for the CIA. Labis ang pasasalamat ng CIA director sa cooperation ni attorney Jeremy Aragon at sa asawa nitong si Lieutenant General Afsheen Aragon. Pinapasalamatan rin nito ang military team nila Captain Smith, captain Carter. Lalo na ang mga binatang Della Torres na nagpakita ng abilidad para masugpo ang mga terorista. “Congratulation everyone and cheers!” sigaw ng director sabay angat ng baso sa ere. oooOooo Birthday ni Rhea ang anak ni Andrew. Nakalimutan na naman ni Andrew na magda-dalawang taon na ang kanyang anak na babae. Mula pa kahapon ng hirangin itong bagong chief operating officer ng CIA walang tigil na itong nakatutok sa kanyang computer. Gumawa si Fretzy ng paraan para mapasaya si Rhea at para na rin mapasaya si Andrew. Nagbabaka sakali na sana mapansin na siya nito sa maliit na effort niyang gagawin. Nais niyang bumalik ang dating sigla nito katulad no'ng mga panahon na buhay pa si Jasmine. Andrew is a strict person but he is a good friend too. Nang malaman nito na Filipina ang mommy nya naging ka close na ito ni Fretzy. Kaso nga lang ayaw nito ang conyo accent ni Fretzy. Lumalabas ang pagka maldito ni Andrew kapag inaasar ng conyo accent ni Fretzy. Inaamin ni Fretzy na na-love at first sight siya kay Andrew. Ngunit nang malaman ni Fretzy na may asawa na pala si Andrew agad niyang binura ang paghanga dito. Ayaw niyang maging kabit kaya pure workmate na ang tingin niya sa lalaking katrabaho. “Kimberly, can I asked you a favour? Can you replace me here in my place just today. I need to excuse today because I have something important to do. Today is Andrew's daughter birthday. I think he forget it, so I plan to prepare a little surprise.”saad ni Fretzy si kaibigan na si Kimberly. Kimberly Johnson is Fretzy's best friend since high school. Nagulat si Fretzy kahapon nang makitang namamaga ang mata ng kaibigan sa kakaiyak. Nagalit pala ang kuya Froilan niya dito dahil sinagot ang tawag ni Yette. Natawa si Fretzy sa sumbong ni Kimberly. Kwento pa nito hindi daw ito binigyan ni Yette ng oras para mag-explain. At ang kuya Froilan naman ni Fretzy ay hindi agad tinawagan ang fiancé instead binasag daw kaagad nito ang cellphone. Tanga to tanga nga ang sistema ng dalawa. “I'll take care of it. Don't forget to send me food and drinks, okay?”sqbi pa ni Kimberly. “Okay ma'am your food and drinks will be here on time. Thank you Kim, babushh,”sabi ni Fretzy saka umalis. Dumaan muna si Fretzy sa grocery para bumili ng mga sangkap sa kanyang mga lulutuin. Naisipan nitong mag-roast chicken, the chicken adobo, beef kare-kare para maging kare-lasyon na niya si Andrew haha. Spaghetti and fruit salad for a desert. Bumili din siya ng mga balloons at ang huli ay dinaanan nalang niya ang inorder niyang princess Elsa two layers cake design. “Nanay Elma kumusta po kayo dito?”tanong ni Fretzy sa Yaya ni Rhea. Kasambahay ito ng pamilya ni Andrew sa Pilipinas. Matagal nang naninilbihan sa kanila at mapagkatiwalaan kaya ito na ang kinuha ni Andrew para alagaan ang anak nila ni Jasmine. “Oh hija ikaw pala, sa awa ng diyos mabuti naman kami ni Rhea. Ano ba yang mga pinamili mo? Bakit parang ang dami naman niyan?”tanong ng yaya. “Birthday po kasi ni baby Rhea ngayon at sa tingin ko nakalimutan ni bossing dahil subsob siya sa trabaho. Tulongan nyo po ako sa paghanda nay.”sabi ni Fretzy. “Oo naman, para sa apo ko ang gagawin natin kaya game ako dyan,”sabi ng ginang. Tinulungan kaagad nito si Fretzy na ibaba ang mga pinamili. Todo effort ang dalawa habang tulog pa si Rhea. Hinahabol din nila ang oras dahil baka umuwi ang si Andrew. “Anak may sasabihin ako sa'yo huwag mo sanang ikagalit,”sabi ng matanda habang naghuhugas ng mga utensils. “Ano po yon nay? You're free to ask po.”sagot naman ni Fretzy. “Eh kasi alam kong mabait ka na katrabaho ni Andrew. Nakikita ko rin naman napalaki ka ng maayos ng magulang mo,”sabi ng matanda. Biglang kinabahan si Fretzy sa tinuran nito. Napatigil siya sa pagsalin ng mga nalutong pagkain. Naisip niya na hindi nito nagustuhan ang pagdikit niya kay Andrew. At the same time nalungkot siya dahil hindi ito pabor sa ipinapakita niya. Hindi siguro nagustuhan nito ang unang pagpapakita niya ng motibo kay Andrew. “Nay Elma, kung mali po ang nakikita ninyo sa mga ginagawa ko I'm sorry po. Aaminin ko po na love at first sight ako kay Andrew nang una ko siyang nakita sa opisina. Pero nang malaman kong may asawa na siya kinalimutan ko na po yung paghanga ko sa kanya. Hindi ko naman po pinangarap na maging kabit. Sa ngayon po okay naman po kami bilang magkatrabaho. Pure work yung samahan namin sa opisina at bilang magkaibigan okay naman kami. Kampante sa isa't isa at madalas parin nakikikain sa mga baon ko. Nang mawala nga lang si Jasmine nawalan na siya ng sigla. Yung dating masayahin niyang hitsura ay naglaho na. Kakatapos lang po ng mission namin at alam nyo naman kung gaano ito ka dilikado. Ngunit sa awa ng diyos napagtagumpayan po namin. I believe that Rhea is her lucky charm po nay. Ang promotion niya ay isang magandang regalo sa kaarawan ni Rhea. Nakita ko na sobrang busy niya sa bago niyang posisyon. Since naalala ko ang birthday ni Rhea kaya naisipan ko po na gumawa ng ganitong surprise kahit simply lang.”mahabang saad ni Fretzy. “Naku hija hindi ko sinasabi na may mali sa ginawa mo. Alaga ko si Andrew simula pa no'ng bata pa siya. Sa akin na lumaki iyan at alam ko na ang ugali nyan. Nakatadhana na mawalan siya ng asawa at mawalan ng ina ang apo namin. Ang sa akin lang hindi naman pwedi na manatili nalang siya sa nakaraan. Kailangan rin niya ng katuwang sa buhay at isang babae na pweding maging ina ni Rhea. Nagustuhan ko ang ugali mo at ipinagdasal ko sa diyos. Na sana kung magkagusto ulit siya o may mapupusuang babae ikaw nalang iyon.”malumanay na sabi ng matanda. Napahalakhak naman si Fretzy sa kanyang narinig. “Inaykopo bigla akong kinabahan sa'yo nay Elma. Gusto nyo lang pala akong ligawan para sa alaga ninyo. Hayaan mo siya nay kung sino ang gustohin niya. Makunat na po ang alaga ninyo at sa tingin ko may menopausal syndrome na yon. Palaging mainit ang ulo eh, antipatiko, maldito at gurang.”sabi ni Fretzy. Hindi alam ng dalawa na nakapasok na si Andrew sa loob ng unit nito. Mataman lang itong nakaupo sa gilid at pinapakinggan ang mga pinag-uusapan ng dalawang babae. Kinilig siya sa sinabing na love at first sight ito ng una siyang makita. “Si Jasmine at Fretzy ay may similarity ng ugali. They are both kind and funny, nakakawala ng stress. Hindi rin naiintindihan ni Andrew ang kanyang sarili kung bakit kapag tinawag siyang Andrew nito biglang bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Masaya si Andrew na kasama ito sa trabaho. Para matakpan ang pagkailang at kaba ni Andrew sinasadya niya itong sungitan. Humahanga ang binata sa pag-uugali at kagandahan ni Fretzy. Pero hindi rin naman nito inisip noon na pagtaksilan ang kanyang asawa. Nainis si Andrew nang marinig ang mga sinasabi ni Fretzy. Na siya ay may menopausal syndrome, dahil mainit daw ang kanyang ulo, antipatiko, maldito at gurang. What the heck Fretzy Smith? Ako gurang? Hell no,”anas ni Andrew. “Diyos por santo kang lalaki ka, kailan ka pa nandyan?”gulat na sabi ng matanda. “Shhhhh!”sabi ni Andrew, binalaan niya ang matanda na huwag maingay. “Tapos na kami sa ginagawa namin, check ko lang si Andrea kung gising na ba para mabihisan ko na. Wife material ang kaibigan mo kaya huwag mo nang pakawalan anak,”pambubuska pa ng nanay Elma ni Andrew. Napakamot naman si Andrew sa kanyang ulo dahil sa sinabi ng kanyang nanay Elma. Nang umalis ang matanda tiningnan ni Andrew si Fretzy na masayang inaayos sa lalagyanan ang mga pagkain. Tinalian pa nito ang ulo ng panyo na nagpadagdag ng kaastigan nito. Naisip tuloy ni Andrew na may gangster chef ang kanyang kusina. Nakasuot ito ng black backless bodycon vest. Naramdaman na naman ni Andrew ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. “Hi lovey! What are you doing?”sabi ni Andrew sabay akbay at halik sa pisngi ni Fretzy. Si Fretzy naman ay parang natuklaw ng ahas sa labis na pagkagulat. She's busy preparing everything while humming slowly. “What?”nakangiting sabi ni Andrew. At mas lalo pa nitong inasar Si Fretzy dahil hinalik-halikan ni Andrew ang natural pinkish lips nito. Nagpalingon-lingon pa si Fretzy sa kanyang paligid. Tiningnan kung nakita ba ni nanay Elma ang ginawa ni Andrew. “What are you doing Peralta? Why did you steal the hmmmm----” Hindi natapos ni Fretzy ang kanyang nais sabihin dahil hinawakan ni Andrew ang kanyang ulo at muli siyang hinalikan. “The kiss love? Is it your first kiss? Sa akin na yon love, gift mo na yon sa akin dahil na promote ako. At na promote ka rin naman kaya kiss ko ang aking regalo para sayo. Wow ang sarap naman ng mga niluto ng future wifey ko. How did you know na favourite ko ang beef kare-kare?”sabi ni Andrew at isinubo ang isang piraso ng kare-kare. “Thank you love!”sigaw ni Andrew at umalis na. Si Fretzy naman ay parang tinakasan ng kaluluwa. Hindi nag-sink sa utak niya ang mga nangyari....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD