Yette pov
Isang karangalan na mapasama ako sa isang gyera. Kahit pa sabihin na hindi ko ito inaasahan dahil sa mga pala-desisyon kong mga kapatid malugod ko itong tinatanggap. Siguro kapalaran ko ang dumaan sa ganitong eksina para maranasan ko at makita ang buhay na ginagalawan ng ating mga magigiting na sundalo ninyo. Kung ano ang hirap ng inyong mga pinagdadaanan para lang protektahan ang ating bayan o ating bansa laban sa mga masasamang tao na tumataliwas sa batas ng ating mga pinuno.
Hindi ko namamalayan na umabot na pala ako ng isang buwan dito sa Mindoro kasama kayo. Sumabak na ako sa digmaan dahil kailangan kong gamotin ang mga sugatan. May mga sundalo tayong hindi pinalad at iyon ang pinalamasakit na parte na aming kinakaharap bilang doctor.
Hindi na ako natatakot na humiwa oh magtahi ng sugat. Lumakas ang aking loob dahil nakikita ko kung paano kayo lumaban at nagbuhis ng inyong mga buhay para mapuksa ang mga rebelde at maprotektahan ang ating mga kasamahan. Syempre kasama na rin akong pumapatay ng mga armado bilang self defence at para iligtas ang ating mga kasamahan. Ipinapangako man ng aking mga kapatid na puprotektahan nila ako. Pero sa oras ng digmaan hindi lang isa ang obligasyon nila. Ang pagiging alerto natin ang tanging makakapagligtas sa ating mga sarili. Huwag mong asahan ang iyong mga kasamahan at isipin na “hmmmm nariyan siya para protektahan ako kaya safe ako”.
Manalangin lang tayo ng taimtim sa maykapal at siya na ang gagabay sa atin. At magliligtas sa atin sa kapahamakan. Nasa diyos ang awa pero nasa atin parin ang gawa. #1 gawaing magdasal, #2 gawaing magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos, #3 manalig sa sariling kakayahan.
Kaya sa mga taong walang alam sa buhay ng mga sundalong handang ialay ang kanilang buhay para sa bayan. Huwag naman sana natin silang maliitin. Huwag sabihin na “Sundalo lang pala siya, alagad ng batas”.
Ang bawat paghihirap ng ating mga sundalo para lumakas ang katawan. Para tumibay ang loob para sa paparating na digmaan hindi nyo kayang tapatan. Ang arte ng mga tanga, iniwan lang ng jowa daig pa ang nasa gyera. Lugmok bhe, tinamaan ng ligaw na pag-ibig hindi na daw kayang umahon dahil sa sakit. Yong iba daplis ng pagmamahal nga lang ang natamo. Kay gin bilog na lumapit para sandaling makalimot. Tipsy nga lang pinagkalat na ang mga sekreto ang yayabang daw 2 inches lang pala.
Huwag kayong mag-josawa ng mga babaeng walang ibang iniisip kundi ang mga luho lang nila. Piliin ninyo ang mga babaeng walang ibang priority kundi ang ipagdasal ang kaligtasan ninyo sa bawat misyon.
“Wowww what a word of wisdom Doctora Marcos tagos sa puso,”sigaw ni doc Galvez.
Daplis sa atay doc, talsik sa baga kaya ayown tuloy ang hinga at tuloy ang laban. Napuno ng tawanan ang buong kampo. Ganito kami kaingay kapag tapos na kami sa aming haponan. Saglit na nakikipag-bonding sa lahat at nakikipagkulitan. Ano pa ba ang rule ni aning-aning Yette sa grupo? Eh di tagabigay ng word of kalokohan.
“Comrades get ready may natanggap tayong tawag na may umaaligid daw na mga armado sa bayan ng Sagana. At mukhang ang bahay ng mga matatanda na haciendiro ang kanilang punterya.”sabi ng isang sundalo.
Commander pwedi po ba akong sumama?
“Delikado doc dahil mukhang pinaghandaan nila ang paglusob.”sabi ni commander.
Sir palagi naman tayong nasa delikadong situation. Gusto kong maranasan ulit ang maging tikbalang este mandirigma sa gabi.
Kahit aayawan nila ako sa aking desisyon wala parin silang magagawa. Dahil alam nilang susunod ako.
Sniper ang mga kasama ko patungo sa lugar na aming pupuntahan. Kaibigan ko na nga pala ang sniper na naghamon sa akin sa shooting range. Binutikian ko na para sigurado ang aking panalo sa target. Nakipag-deal pa ako sa kanya. I am Yette Marcos hindi tumatanggap ng hamon na walang kapalit.
Flashback...
Five bull's eye equivalent to his rank. Kailangan niyang bumaba sa kanyang pwesto bilang number one sniper at ako ang papalit sa kanyang pwesto charot. Basta ang deal five bull's eye at kailangan niyang bumaba ng isang hakbang. Ogag tinanggap eh dahil babae ako sa paningin niya. Nalinlang siya sa pagiging angelic face ko ayehhh.
Habang hinanda ko limang bala sa loob bullet case at nilagay sa loob ng 45 caliber magsalita si sir.
“Walang nakapagpababa sa akin sa pwestong ito doc. Galingan mo dahil ikaw pa naman ang nakikipag deal na ibaba ang rank ko bilang sniper. Huwag mong ipahiya ang mga kapatid at pinsan mo. Sila pa naman ang may mga malalaking rank dito sa 10th infantry battalions.”sabi ni sir sniper.
“Bang, bang, bang, bang, bang!”
Happy new year! Wala sa salita ang katibayan, dahil kailangan sa gawa mo patunayan, sir.
Nagulat ang lahat, dahil hindi nila inaasahan ang biglaan kong pagkalabit sa gatilyo. Habang nagsasalita siya kinakalkula ko na ang layo ng target. Focus the target at huwag makinig sa ingay. Bawat pagkalkula sa target isabay sa pag-angat ng kamay. Kapag ang mata ay tumugma na ang kalkulasyon para pakawalan ang pwersa na hawak ng kamay “Hit the target”. Isa sa pinaka-importanting leksyon ng Donnie Geisler Taekwondo Training Academy.
Matapos maka-recover sa kanilang pagkagulat. Nakita ko ang ngiting tagumpay ng aking mga kuya. Ang major mismo ang nag-check kung saan tumama ang mga bala. Ang labis na pagkamangha ay nakikitasa relasyon ng heneral. Nag-reklamo pa ang sniper dahil chamba lang daw ang aking ginawa. Gusto pa ng second chance dahil nanghihinayang sa kanyang rank. Kaya ang ginawa ng heneral pinadistansya niya kami. Tatakbo pa isalansan ang mga bala sa kaha pagkatapos ay ipasok sa loob ng baril “Hit the target”.
Sa awa ng diyos pumabor ang tadhana dahil lahat ng bala sa isang butas lang pumasok. Hindi ko naipapahiya ang aking mga kuya sa challenge nila.
“Sir salamat po sa challenge ikinagagalak ko po na maipakita ang aking potensyal sa paghawak ng baril. Pero mas mahal ko po ang umaalalay sa pagsilang ng mga sanggol kaysa pumatay ng mga masasamang tao. Self defence lang po ang aking karunungan sa paghawak ng baril. Ang technique na aking natutunan ay mula po yan sa Taekwondo Training Academy. “Focus to get your goal, your aim is to hit your target”. I am Maria Yette Peralta Marcos ang pansamantala ninyong makakasama. Sumaludo ako sa kanilang lahat. Tinanggap naman nila ito at pagkatapos ibinaba ang mga kamay isang malakas na palakpakan ang iginawad ng lahat. Nakakatuwa dahil nagpapakilala ako sa aking sarili sa kakaibang pamamaraan.
“Pilot Marshall Yasser Marcos and vice marshal Reigan Fuentes congratulations to both of you.”sabi ng heneral.
“Thank you sir!”sabay nilang sagot.
Halos maglupasay na ang aking mga kapatid sa tuwa.
“Par, isalang na natin sa pilot study si bunso.”suggestion ni kuya Reigan kay kuya Yasser.
“Huwag mo nang pag-aksayahan na turuan yan sa pagmamaneho ng sasakyan panghimpapawid. Si Captain Smith na ang bahala dyan. Kaya na ng Afam niya ang makikipag bardagulan.” natatawang sabi ni kuya Yasser. Nagsimula na naman sila para asarin ako.
“Oonga para, magpasalamat nalang tayo dahil broken si bunso. Kung hindi broken yan hindi niya magagawa ang lahat ng mga kaganapan kanina.”humalakhak na sabi ni kuya Reigan.
They hug me dahil alam na nilang naaasar na ako. Dinala nila ako sa room na malapit sa kanilang dalawa.
End of flashback....
“Stay close to my side doc,”sir Kal said. Nag-umpisa na ang putokan nakakakilabot ang pakikipagpalitan ng putok. Kailangan saw namin na makapasok sa loob ng bahay para maprotektahan ang mga matanda. Gaano ba katanda ang punterya ng mga rebelde? Bakit kailangan pa na ang buong pamilya ay i-m******e?
“Doc, gumapang ka para hindi ka matamaan ng ligaw na bala.”he said.
Sir, don't worry about me dahil natamaan na ako ng ligaw na pag-ibig kaya sanay na akong gumapang para maka-move on.
“Maging seryoso ka doc Marcos dahil nasa gyera tayo,”gigil na sabi ni sir Kal.
Sir kalma lang po huwag masyadong seryoso dahil baka mauna pa tayo sa sementeryo.
“Sir Kal, pakitanggal ng radio ni Doc. Marcos dahil nahihirapan kaming mag-focus.”reklamo ng isang sundalo.
Ay grabeh siya napaka seryoso niya pati radio ko kinalaban.
Wait papatay muna ako ng rebelde bago nyo patayin ang aking radio. Bang, bang, bang, bang, bang, bang, bang, bang, bang, bang, bang...wooohhh 11 down sir over. Epektibo ang gapang style ni sir Kalixto dahil nakachamba ako ng labing-isa, bang!!!!!. Naku sir humabol ang pang-isang dosena. Oh ayan naka-dose na ako kaya hindi na kayo lugi sa akin. Pwedi nyo nang patayin ang aking radio na walang kalaban-laban. Ang mga ogag puro na halakhak ang tunog ng radio. Kabagan sana kayo...
Cover me sir, susubokan ko na rin ang maging akyat bahay. Pag-uwi ko ng maynila magbabago na ako ng propesyon. Easy money nalang ba, akyat bahay.
Galit na yata si sir Kal dahil hindi na umimik. Si tama na ang pagpigil ng utot masama sa tiyan yan. Cover nyo na po ako para makaligtas na ang mga matatanda.
Sh*t put*ngina, nakahandusay na ang babaeng matanda at natamaan ito sa ulo. Ang matandang lalaki naman ay may tama sa balikat at tagiliran.
Sir Kal, one dead and one injured.
Kinuha ko kaagad ang medical kit kong dala-dala. Kailangan kong maalis ang bala na nakabaon sa balikat ng matanda. Nawalan na ito ng malay pero tinurukan ko parin ng Anesthesia. Nasa kalagitnaang bahagi ng ito bumaon kaya medyo mahihirapan ako. Letche may tama din sa binti ang matanda. Pinagpapawisan na ako dahil na rin sa pag-aalala na maubosan ito ng dugo. Sa wakas nakuha ko rin ang bala sa kanyang balikat. Binuhusan ko ng alcohol at powder ng antibiotic para hindi ma-infection. Agad kong tinahi ang sugat at pinuliputan ng bindahe. Sinunod ko ang binti at panghuli ay ang kanyang tagiliran. Pinabuhat ko na kaagad sa kanila para i-rush sa hospital. He need oxygen ang blood transfusion. Dinala na rin nila ang bangkay ng matandang babae. Tiningnan ko ang ibang bahagi ng kabahayan dahil baka may mga kamag-anak pang nakatago. Sa isang kahon may narinig akong humihikbi kaya agad ko itong binuksan.
Oh my God, sir Kal may maliit na bata na itinago sa loob ng bakal na kahon. Ibinigay ko kay si Kal ang aking baril. At agad na binuhat ang batang umiiyak.
“Huuussshhhh baby girl your safe now. Huwag ka nang umiyak dahil ligtas kana.”pang-aalo ko sa bata. Ang ganda naman ng hitsura niya. Hindi siya lahing filipino dahil blue ang kanyang mata, maputi ang balat, blonde ang buhok.
“Sino ka baby girl?????”