Froilan pov Nagising nalang ako na nabungaran ang isang may kaedaran na lalaki. Nagulat pa ako dahil napakalapit niya. Saka ko lang naalala na suot ko parin pala ang lens na ibinigay ni Cedrian. Masakit ang aking katawan at may bandage ako sa ulo. Marami ring mga galos ang aking braso. Nasaan ako? Sino po kayo? "Ako po si Nestor isang katutubo. Natagpuan ka ng aking anak sa paanan ng matayog na bundok. Nawalan ka ng malay, nawala na rin ba ang memorya mo lalaki?”sabi ng lalaki. Ah hindi po! I mean hindi po ako nagka-amnesia. Saglit lang tataglin ko lang itong suot kong lens. Ako po si Froilan Smith isa po akong sundalo. Hinahanap ko pa ang aking nawawalang asawa. Kanina lang habang inikot ko ang aking helicopter nakita ko po siya doon. “Saan?”tanong ng matanda. Doon sa may puno par

