Yette pov Iniwan na namin ang mga kalalakihan sa kanilang bonding. Kaming mga kababaihan ay sa pagsa-shopping kami magbo-bonding. “Punta muna tayo sa department store ni yette.”si ate Afsheen. Huwag kanang magtaka pinsan dahil mayaman ka. Si Danaya kapit na kapit sa akin dahil nahihiya siya sa mga ate ko. Kung sa bagay sa bundok namuhay kaya naiilang. Huwag kang mahiya Dana, nakikita mo naman kung gaano sila kabait. Masanay ka rin dahil madalas mo na silang makakasama kapag dumayo sila dito sa Baguio. “Ma'am Yette!!! Biglang sigaw ng babae na nasa loob ng tindahan ng mga damit. “What?????”sabay din na reaction ng lahat na tila gulat na gulat. Nagtaka tuloy ako sa mga ginawa nila. “Sinong Yette ba ang nakita mo? Huwag kang magbiro ng ganyan, tahimik na ang amo mo,"seryosong sabi ni

