Third person pov Tatlong buwan na ang lumipas mula ng mawala si Yette. Naging busy na rin si Froilan sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo. Ang dating masayahin na Afam ay naging cold na ngayon. Kinakausap lang ang mga empleyado kapag kinakailangan. Kapag dumating ito sa opisina hindi na nakikita ng mga empleyado ang dating masayahin na awra nito. Dati ay sila pa mismo ang inuunahan nitong batiin. Ang dating afam na hinahangaan dahil sa taglay na kagwapuhan. Ang sabi ng mga kaibigan “Ngayon ay para ng Oranggutang mula sa Manila zoo". Pinahaba na ang balbas at buhok, kinatatakutan na ng mga empleyado. Kunting pagkakamali ang boses ay dumadagundong. Ang dating mga kinikilig, ngayon ay kinikilabutan dahil sa matinding takot sa kanila amo. Hindi naman sila sinisisante sa trabaho. Ang dating h

