Ikalawang Kabanata

3549 Words
" Hey! Magpapakalunod ka ba sa alak ?" hindi pinansin ni Jessa Mae ang tinuran ng kaibigan.  Tuloy lang siya sa paglagok ng tequila. Nakaka tatlong shot pa lang siya ngunit dahil alam naman nila na hindi siya umiinom niyon at tanging vodka lang ang madalas iniinom niya dahil mababa ang alcohol tolerance niya, ay mabilis siyang tinamaan. Sinaway din siya ng iba pa niya na kaibigan ngunit animo wala siyang naririnig.  Paulit-ulit na umiikil sa isip niya ang sinabi ng binata, ang lamig ng pagkakasabi nito. Dapat masanay na siya. Baka hanggang empleyado lang talaga ang tingin nito sa kanya,maaaring hindi talaga ito ang destiny niya- No. Iniling niya ang ulo. Hindi siya pwedeng mag-inarte. Sus! Magbabago rin ito. Magugustuhan rin siya nito. Hindi niya pwedeng isuko na lang basta ang destiny  niya. Naniniwala siya na lalambot rin ito sa kanya. Mag kakagusto rin ito sa kanya. Iiyak lang at iinom lang siya ngayon ngunit bukas ay balik siya sa tabi ng binata. Ang mabait at martyr nitong sekretarya. Napangiti siya ng mapait. Iniumang niya ang baso ng pigilan siya ng kaibigan. " That's enough Jessa ! " inagaw sa kanya ni Roe ang shot glass na hawak niya at binigyan siya ng juice.   Nasa paborito nila na bar sila. Ang Haven's. College pa lang sila ay magkakaibigan na silang lima nina Roe, Chantal, Gwyneth at Haven. Si Haven ang may-ari ng nasabing bar. Minana nito iyon sa mga magulang. At nasa kolehiyo pa lang ay doon na sila tumatambay lalo na pag friday nights at hindi sila busy. Ngayon na busy na sila sa kaniya-kaniyang trabaho ay bihira na lang silang magkita kaya sinusulit nila ang pagkakataon pag may oras sila para sa bonding nila,  ngunit sa pagkakataong 'yon ay hindi niya makuhang mag-enjoy.Nasasaktan siya. " What's wrong ? May problema ka ba ?" tanong ni Chantal sa kanya. Ang iba ba nilang kaibigan ay nakatingin din sa kaniya, bakas ang concern sa mukha ng mga ito. " Come on ,girl.You can tell us. Best friends tayo " udyok ni Gwyneth. " Sa pera ba? Maybe I can help. " sinamaan nila ng tingin ang nagsalitang si Haven. " What? I'm just trying to light up the mood. Alam ko naman na hindi, eh mas mayaman ka pa nga sakin eh ." naka peace sign pa na depensa nito. Napailing na lang siya. Wala talagang pinagbago. Alam niya naman na gusto lang ng mga ito na gumaan ang pakiramdam niya kahit papano. She sighed. " Si Jarren. " mahinang usal niya. Hindi niya alam kung narinig ng mga ito. Nasa VIP room naman sila at soundproof iyon. " The hell- Jessa naman. Hindi ka parin pala sumusuko ?" iniwas niya ang tingin kay Roe. Alam ng mga ito ang tungkol sa kabaliwan niya sa lalaki.Noong una ay natatawa lang ang mga ito sa kanya ngunit ng isang beses na iniyakan na niya ang lalaki ay nagalit na ang mga ito. Gusto ngang sugurin ang lalaki ngunit pinigilan niya lang. " Dapat pala hindi na lang kita tinulungan. " Dagdag nito.Ito kasi ang nagsabi ng mga ilang impormasyon tungkol kay Jarren sa kanya. " Do you want us to talk to him ?" Iling lang ang naging sagot niya. Ano bang sasabihin ng mga ito kay Jarren ? Na nasasaktan siya dahil mahal niya ito ngunit tila wala itong pakialam sa kanya. Ni hindi alam ng lalaki na gusto niya ito. Baka bigla na lang siya nitong tanggalin sa trabaho.At baka hindi na niya ito makita. Hindi niya 'yon kaya. " We care for you, Jess. At alam namin na hindi makakabuti para sayo ang lalaking iyon.Matagal na naming sinasabi sayo diba? You're too good for him. " concern na sabi ni Chantal.  She was touched alright dahil sa concern na ipinapakita ng mga kaibigan ngunit anong magagawa niya? She's in love. Baliw siya sa lalaki. Hindi niya naman ginusto eh. Kung kaya niya lang kalimutan ang binata ay matagal na niyang ginawa, ngunit hindi niya kaya. Isipin pa lang na hindi na niya ito makikita ay sumisikip na ang dibdib niya. Gusto niyang sabihin iyon ngunit alam niyang walang magagawa iyon. " Mahal ko siya. " sa halip ay sabi niya. Iyon naman talaga ang rason. Ilang tao na ba sa mundo ang napagdaanan ang pinagdadaanan niya? Ngunit hindi rin nagtagumpay ang mga ito dahil nga 'Mahal' nila. She tried so many times to forget about her feelings for Jarren.Sinubukan na rin niya na ibaling sa iba ang nararamdaman niya. Ngunit walang nangyari. Nagkatinginan ang mga ito, bakas sa mukha ang pinipigil na inis. " Then siguro mas mabuting bumalik ka na lang kila Tita. Magpakasal ka na lang sa fiancé mo " si Roe ang nagsabi niyon. Tila pagod na rin sa pagpapayo sa kanya. She sighed. Iyon ang rason kung bakit siya umalis. Gusto siya ng ina na ipakasal sa lalaki na hindi niya kilala. Sa lalaki na ni hindi niya alam ang hitsura o pangalan. Funny! " Tama ! Kesa naman magpakatanga ka diyan sa hinayupak na yan " may galit na sabi ni Gwyneth. Tumulo ang luha niya. Nataranta naman ang mga ito.Marahas na bumuntong-hininga ang nga ito. " Oo na, hindi na " " Sorry, Alam mo naman na mahal ka lang namin at ayaw ka namin na nasasaktan " " Bahala kana .Basta nandito lang kami pag sinaktan ka niya." napangiti siya kahit puno ng luha ang mata at pisngi niya. She's thankful to have them in her life, really. " AHH! " napaungol si Jessa ng maramdaman ang pagkirot ng ulo. Last night, pagkatapos ng dramahan nila ay nagpatuloy sila sa inuman. Nagtakha nga siya dahil hindi siya sinaway ng mga kaibigan. Ang mga ito pa ang nagbibigay sa kanya ng alak. Hindi na niya maalala ang lahat. Ang huling natatandaan niya bago siya mawalan ng malay ay may tinawagan si Haven. Nakahawak sa ulo na bumangon siya ngunit napatigil nang may mapagtanto .Hindi sa kanya ang kwarto na iyon. Masyado iyong malaki at maganda kumpara sa kuwarto niya sa apartment. Plain white ang wallpaper ng kwarto. May dalawang black leather sofa sa isang gilid. May dalawang pinto na sa tingin niya ay ang walk-in closet at bathroom. King size bed , may coffee table din at maliit na shelves na may nakasalansan na mga libro.There's also a huge flat screen TV hanging on the wall. Spacious din ang kwarto at- natigilan siya ng may mapagtanto. May kamukha ang kwarto na iyon. Sigurado siya.She can't recall but- Tila nawala ang sakit ng ulo niya ng bumukas ang pinto at pumasok si- "Jarren!" napatakip siya sa bibig. Tumaas naman ang kilay ni Jarren ngunit hindi nagsalita. Tuluyan na itong pumasok sa kwarto. May dala itong isang tray ng pagkain.  Gusto niyang kusutin ang mga mata ngunit may parte sa kaniya na ayaw din sapagkat natatakot siyang magising mula sa isang magandang panaginip. " Kung panaginip po ito Lord, huwag na sanang matapos " mahinang usal niya na mukhang narinig ng lalaki. Kumunot ang noo nito ngunit hindi iyon nakabawas sa taglay na kagwapuhan ng lakaki. " Lord, I love you na talaga. Promise, susulitin ko 'to." Nakapikit na wika niya. Pag mulat niya ay nakita niya ang lalaki.Nakatingin ito sa kanya ,tila naguguluhan.Maya-maya ay tumawa ito ng marahan.  Holy s**t! Nananaginip nga siya. Nalungkot siya sa isiping iyon. Malabo naman kasi na tumawa ang amo niya. Daig pa nito ang babaeng may dalaw. Iyon nga lang, sa lalaki yata ay araw-araw. Napahikbi siya. Mukhang wala na talaga siyang pag-asa.Miski sa panaginip ay nandoon ang binata.Nababaliw na siya. " Hey , Why are you crying ?"  pati ang boses nito ay parang totoo. Ramdam niya sa balat niya ang init ng hininga nito. Mabango iyon at kaaya-aya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila paupo sa gilid ng kama. Itinabi nito ang pagkain. " Shh why are you crying? Tell me " inalis nito ang mga kamay niya na itinakip niya sa mga mata. Nakita niya ang gwapong mukha nito. Nakatingin ito ng napakasuyo sa kanya. Naiiyak na naman siya. It's one of her dream. To Jarren look at her that way. With softness and fondness. " Alam mo Sir ? Alam kong panaginip lang ito at pag nagising ako. Iiyak na naman ako. Pero gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito . " Jarren raised his left eyebrows as if waiting for what she's gonna do. Kinabig niya ang batok nito at bahagyang tumingala upang maabot ang labi ng lakaki. She kiss him with passion. Ramdam niya ang paninigas  ng binata ngunit saglit lang iyon.Nakaramdam siya ng kaligayahan ng maramdaman niya ang pagkabig nito sa bewang niya habang ang isang kamay ay humawak sa pisngi niya upang palalimin ang halik.Hindi siya marunong humalik sa totoo lang ngunit tila may sariling isip ang bibig at dila niya. Jarren stick out his tongue and urge her to open her mouth. She gladly oblige and let him invade her mouth. Ginaya niya ang ginagawa nito.She suck his tongue causing him to moan. She love it! She love the soft sound of his moan.She can kiss him like this forever. She left out a sigh inside his mouth. Maya-maya ay tumigil ito. Idinikit ang noo sa noo niya. Namumula ito, mabilis ang paghinga. It's her first kiss. Hindi siya eksperto ngunit hindi rin ganoon kainosente. Nanonood rin siya ng p**n. Hindi nga lang niya tinatapos dahil nandidiri siya. Ngunit alam niya ang epekto niyon sa isang lalaki. Wala sa sariling napahawak siya sa gitna ng hita nito. " Oh my gosh !" Napatili siya ng maramdaman ang laki at haba niyon. Sobrang tigas din niyon na parang bato.Pakiramdam niya ay kinuryente ang buong katawan niya habang ang isip ay biglang nag-isip kung anong hitsuta niyon. Sinamaan naman siya ng tingin ng lalaki at lumayo. Namumula parin ito ngunit nabawasan na. Tumayo ito na parang napaso." Eat ,may pain killer din diyan if ever masakit pa ang ulo mo. " hindi na siya nito hinintay sumagot. Pumasok ito sa isang pinto roon na sa tingin niya ay ang banyo. Marahil ay upang pawiin ang init. Napahagikgik siya.She felt so happy. Kinurot niya ang pisngi at hinintay na magising siya para kung sakali man na panaginip lang iyon ay at least maganda ang nangyari. Nahalikan niya ang binata. Malalim, mainit at masarap. Ngunit ilang beses na ay hindi parin siya nagigising. Narinig rin niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas doon ang binata na nakakunot-noo na pinapanood siya sa ginagawa niya sa ginagawa. " What are you doing? Why are you pinching your cheek ?" may pag-aalala sa tono na tanong ng binata. Lumapit ito sa kanya. Amoy na amoy niya ang mabangong amoy ng lalaki. Pinaghalong sabon at shampoo, napaka-fresh.Idagdag pa ang mabangong hininga nito. Bigla tuloy siyang na-concious sa hitsura niya. Ni wala pa siyang hilamos. Sa palagay niya ay mukhang bruha pa siya at isa pa ,wala pa siyang toothbrush! Mahinang tinulak niya ito. " Ahm- kuwan alam ko kasi panaginip lang 'to.Gustong gusto ko na ganiyan ka, mabait sakin pero gusto ko yung totoo. Hindi yung panaginip lang. " nakayukong saad niya. Sa gulat niya ay humalakhak ang binata. "Silly!" Nang makabawi ay sumeryoso ito at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. " Do you really think, nananaginip ka lang ?" Tumango siya. Malungkot ang mukha. Umalog ang balikat nito ngunit tila pinipigilan na ang pagtawa. " Masyado ka kasing kakaiba ,parang hindi normal. Tignan mo, natatawa ka pa. " nakangusong saad niya. Nakita niya na bumaba ang tingin nito sa labi niya. " Eh kung halikan uli kita ? Masasabi mo pa kaya na panaginip ito ?" Hindi pa siya nakakasagot ay naramdaman niya muli ang paglapat ng malambot na labi nito sa kanya. Shoot! Hindi nga panaginip! It's real, real na real. At isa pang shoot ! Wala pa siyang sepilyo ! WALANG nagsasalita sa kanila habang kumakain. Matapos ng mainit na halik na pinagsaluhan nila ay wala ng nagtangkang magsalita. Pareho lang nilang pinakikiramdaman ang isa't-isa. Nasa sala na sila. Inilabas ng binata ang pagkain at doon inihanda. Halos hindi parin siya makapaniwala na iba ang trato nito sa kanya ng mga sandaling iyon. It was so surreal.So unreal. Ngunit anuman ang dahilan niyon ay masaya siya.He's treating her differently now. Ngunit sana ay magtagal iyon. " Ahm - paano nga pala ako napunta dito ?" naalala niyang itanong maya-maya. Tumikhim naman ito. " Your friends called me last night , they said lasing na lasing ka raw at hindi nila alam kung saan ka ihahatid. " tumango na lang siya. Malamang palabas lang yon ng mga kaibigan niya. Alam ng mga ito ang apartment niya dahil madalas sila doon noon. " I'm sorry pala, mukhang naistorbo ka kagabi " hinging-paumanhin niya. Umiling naman ito. " Actually it's okay. I'm going to ask for your help. Tatawagan din sana kita ngayon para magpatulong. " Uminom muna siya ng kape bago nagtanong " Tulong ? Para saan po ba ?" nakangiting tanong niya. Nakita niya ang paglunok nito.Bumalik ang lamig sa mga mata. " For my wedding proposal " sagot nito na ikinalusaw ng ngiti niya. Nakita niya ang matamang titig nito sa kanya na tila binabasa ang nasa isip niya. She plastered a fake smile. She's a good actress naman kaya sana ay hindi nito mapansin na peke ang ngiti na iyon. She was a theater actress when she was in high school. At ang hiling niya ay ganoon parin siya kahusay. Damn him! He just kissed her earlier and now he have guts to asked for her help to his proposal for another woman. Damn him! " But you're the one who kissed him first. Ginantihan ka lang niya para hindi ka mahiya and besides he's just a guy ! Natukso lang, tumikim ". Anang isang bahagi ng utak niya and she agreed. Siya nga naman ang humalik. Ano bang inaasahan niya? Na may unawaan na sila dahil lang hinayaan siya nitong halikan ito. Nasaktan siya sa naisip niya ngunit pilit niya iyong binura sa isip niya. She swallowed the lump on her throat. Pigil ang luha. " S-sure Sir .Kalian ka ba magpo-propose ?"  Pilit ang siglang tanong niya. Kahit sa loob niya ay masakit. Sobrang sakit. *** " WHAT ? " sabay na sigaw ni Roe at Chantal matapos niyang ikuwento ang nangyari. Tatlong araw na matapos ang nangyari. Naisip niya na marahil ay farewell kiss nito iyon sa kanya dahil magpapakasal na ito. Sa susunod na araw ay aasikasuhin na niya ang plano ni Jarren.Nasabi na rin nito sa kanya ang nais nitong mangyari. Naroon sila sa Apartment niya, nakasalampak sa sala at kumakain ng pizza. Abala kasi ang iba pa nilang kaibigan kaya ang dalawa lang ang nandoon. " Ang kapal naman pala ng apog ni Kuya eh " ni Roe. " Tangina niya ah.Shit siya !" " Hindi lang, aba kingina niya ah. Sarap pektusan " dagdag ni Chantal. Gigil na gigil ang dalawa. Namumula na ang mga ito tanda ng matinding galit. Sinamaan niya ng tingin ang dalawa ngunit inirapan lang siya ng mga ito at kumagat sa hawak na pizza. " Ano? Ipagtatanggol mo na naman yung panget na yon? Akala namin may pag-asa kana Jess, kaya ka nga namin tinulungan diba ?" Ang tinutukoy nito ay ang pagtawag ng mga ito sa lalaki noong lasing siya. Tama nga ang hula niya, sinadya ng mga ito ang nangyari. " Hindi niya naman kasalanan na gusto ko siya eh " totoo naman ang sinabi niya. Walang kasalanan ang binata kung nasasaktan man siya ngayon. Kagustuhan niya ang mahalin ito kahit alam niyang malabo na masuklian ang pag-ibig niya. " Listen, Jessa. Tigilan mo na siya. Hindi ka niya gusto. If you want, pwede ka naman maghanap na lang ng iba. Roe ,remember Marco ? Yung may gusto kay Jessa ?" animo nagningning ang mata ng mga bruha. Nag-uusap gamit ang mga mata. " What ? No - " No buts. " pinandilatan siya ni Roe. " We're going to set you up on a date. " ani ni Chantal, smiling from ear to ear. " And we won't take 'no' for an answer. " Roe added, smiling mischievously. Napailing na lang siya. " We'll see. " " Anyway , sama kayo girls ah ? Cebu, ang ganda doon sa resort na gaganapan ng wedding " Kumuha siya ng pizza at sumandal sa sofa. " Diba sa Cebu rin yung last na sinabi mo ?yung last client mo na pinsan mo ?" She asked ,nawala na sa isip ang tungkol kay Jarren. Tumango naman si Chantal, sumang-ayon. " Oo nga , hindi ka ba nagsasawa sa Cebu ?" Inirapan sila ni Roe. Taga Cebu kasi talaga ang babae , lumipat lang ito sa manila ng magdalaga.Well, taga Cebu rin siya. " Hoy! Cebu is a beautiful place. It's one of the most tourist attraction here in the Phil. no ? At maganda ang resort, parang paraiso.Bakasyon na rin " well, may point naman ito. Matagal na rin ng huli siyang nag beach. Siguro naman ay walang makakakita sa kanya sa pamilya niya. " How about the others ?" Aniya matapos uminom ng juice. " Done na.Ako pa ba ?" Nginisian sila nito. " At isa pa, Hindi mo ba nami-miss ang parents mo ?" Natigilan siya sa tanong na iyon ni Roe. Natigilan din ito at napatakip sa bibig, tila noon lang napagtanto na mali ang sinabi. Ngumiti na lang siya at iniba ang usapan. Nagkuwentuhan lang sila hanggang sa may tumawag kay Chantal. Kailangan na daw nito umuwi.Ang boyfriend nito ang tumawag. " Sasabay na ko kay Chan, Jessa.Ingat ka ah. " nagbeso sila. Bineso rin siya ni Chantal. " Don't forget about the date ?" Bulong nito   bago umalis.Napaungol na lang siya. Ilang taon narin mula ng makipag-date siya. Hindi rin naman maganda ang Kinalabasan kaya itinigil na niya. But this time, maybe. Just maybe , it's for the best at ng makilala na niya ang totoong destiny niya.At Sana..sana makalimutan na niya si Jarren.           *** NAMAMAWIS  ang mga kamay ni Jessa habang hinihintay ang pagdating ng amo. Iyon na ang araw ng proposal nito sa kung sinuman na babae. Kinakabahan at nasasaktan siya pero masokista yata siya dahil hindi niya parin magawang umalis doon at hinintay pa niya ang dalawa. Meron din sa loob niya na gustong mapanood kung paano mag po-propose si Jarren sa ibang babae.Baka sakaling matauhan na siya sa kagagahan niya pag nakita niya kung gaano ito kasaya sa babae at kung gaano nito kamahal. Ganoon naman diba ? If you love someone, mas gugustuhin mo na makita sila na masaya kahit sa iba.Baka hindi talaga ito ang "destiny" niya. Baka hindi talaga sila ang para sa isa't-isa. "Pinagtagpo lang sila pero hindi sila ang itinadhana."She remembered that quote. Nabasa niya lang iyon sa kung saan pero napakasakit ng meaning.Masakit pero totoo. " Maybe, hindi nga kami ang para sa isa't -isa. " She can taste the bitterness in her own words.Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. Saktong pagtunog ng pagbukas ng pinto. Nagtago siya sa cr na nasa kusina at sala lang rin. Gusto niya marinig ang mga sasabihin ng lalaki. Bahagya niyang inawang ang pinto upang makasilip sa dalawa. Maganda ang pagkaka-ayos niya. May scented candles sa palibot ng mesa at may mga talunton ng rosas ang nakakalat. Um- order rin siya sa malapit na resto ng pagkain dahil tila hindi siya makakapagluto ng maayos. Baka malagyan niya pa ng lason. She saw Jarren kneel down and open a red velvet box .Bumungad ang isang kumikinang na singsing. Maraming maliliit na bato ang nakapaligid roon. And she saw the girl. Hindi na siya nagulat na mukha itong diyosa sa ganda. Ayaw man niya ay hindi niya maiwasang ikompara sa sarili rito. Patay ang ilaw ngunit sa tulong ng liwanag ng mga scented candles ay kita niya ang babae. Maputi ito ,mahaba ang kulot na buhok ,matangkad at well endowed sa dibdib at sa buttocks. While her, she doesn't have a fair skin.Tuwid na tuwid ang itim na itim na buhok, matangkad din naman siya but hindi kasintangkad ng mga babae ng lalaki. Hindi rin kasing blessed sa mga ipinagmamalaki ng babae. At least mabait siya at isa pa. Maganda rin naman siya ah! Pwede naman siya mag paputi. Sinaway niya ang sarili sa pagsisintir. " Will you marry me ?" Nagbalik siya ng marinig ang usal ni Jarren. Pansin niya na naging peke ang ngiti ng babae. " Jarren , You're joking right? Masyado pang maaga. I'm a model !" Natatawa na sabi ng dalaga. " No, Celine. I want to marry you." natigilan ang babae.Kapagkuwan ay umiling. " I-I'm s-sorry Jarren, I-I can't .'' nagulat na lang siya ng biglang tumakbo  ang babae. Leaving Jarren dumfounded, na nanatiling nakaluhod, tigagal ito. Tila hindi inaasahan ang nangyari. Miski siya ay hindi makapaniwala. Like what the hell just happened? Si Jarren Kirk Vincent Cardarelli-na reject ? Ilang saglit rin siyang natulala bago lumabas sa pinagtataguan niya. Maingat siyang lumabas sa cr at tahimik na niyakap ang nakaluhod parin na lakaki-ang lalaking mahal na mahal niya. Sa pagyakap niya ay sana maramdaman nito na nandito lang siya.At hindi niya ito iiwan. " It's Okay. I'm here. " masuyong bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD