KABANATA 19 Dahil labis pa rin akong nag-aalala at kinakain ng konsiyensiya, palihim akong umalis ng hindi alam nila Hyacinth. Saktong umalis sila ni Franciz para bumili ng meriyenda naming lahat para pagbalik nila Raine ay kakain na lamang kami. Nagpaiwan ako hindi dahil tinatamad akong umalis kung hindi dahil plano ko nang pumunta sa faculty kung nasaan sila Raine at Mark. “Sorry, Hya,” bulong ko sabay takbo patungo sa faculty room. Hindi ko talaga maatim na sila lang ang paparusahan samantalang ako ang sangkot. Kami lang nila Sam iyon, nadamay lamang talaga sila Raine at Mark dahil niligtas nila ako. Naalala ko iyon. Naalala ko na bago ako mawalan ng malay ay pinagsusuntok nila ni Mark ang ibang kasamahan na mga lalaki nila Sam samantalang sila Sam ay hindi ko na nakita. Hindi maaari

