KABANATA 30 “Hindi pa ba hilom ang mga sugat mo, Shan? Ako naiinitan sa jacket mo, eh,” puna ni Hyacinth habang nasa baba kami ng lilim ng puno. Break time ngayon at as usual, sinundo nila ako sa room namin para makasama sila. Nang sinabi niya iyon, kaagad akong napahawak sa aking jacket. Hilom na ang mga sugat ko, ngunit nakasanayan ko na ito kaya hindi ako handa na tanggalin. “Ayos lang naman ako sa ganito…” alinlangan kong sagot. “Ako naiinitan sa iyo, eh.” Ngumiti ako kay Hyacinth. “Tatanggalin ko na lang kapag handa na ako.” Bumuntong-hininga na lamang siya at muli ay tinanaw namin sila Raine na naglalaro sa harap. Malapit na ang intramurals namin at narinig kong sumali si Raine at Mark sa soccer habang si Franciz ay sa gaganaping school debate kaya

