Melvin POV.
Nathalia..
Pagka tawag ko ng pangalan niya ay agad din siyang lumingon.
kaya agag agad akong tumakbo papunta sa harap niya.
Uyy vivin? kamusta bakit ka andito?
Ahh nag pa enroll kase kami ni Haru, ikaw anong ginagawa mo dito?
Hmm wala naman nag aassist lang kami ng mga bagong student sa department namin.
Ohh ganun ba sige garod punta nadin ako baka hinahanap nako ni Haru ehh.
Hmm mamaya na dito ka muna. aniya sabay hawak sa braso ko
Ahh sige sige pwede naman kaso saglit lang.
Oo saglit lang tayo. aniya sabay hila sakin sa skinita ng dalang room
Nathalia hindi pwede.
Ha? bakit naman diba single ka?
Nathalia hindi may jowa ako. pigil ko sakanya habang hinihimas himas niya ang katawan ko pababa
Alam mo kung alam kulang na magiging ganto ka kasarap ngayon dina sana pala kita iniwan. aniya habang patuloy padin ang pag himas sa katawan ko, kaya naman agad kong hinawakan ang mga kamay niya at pinigilan yon.
Pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan, kaya agad agad ko siyang tinulak palayo sakin.
Saktong pag tulak ko sakanya ay napalingon ako sa dalawang taong nasa gilid namin.
At laking gulat ko ng makita kong si Haru at Gio yon
Agad agad lumapit sakin si Gio at sinapak niya ako sa mukha.
Wala nakong nagawa dahil ang atensyon ko ay nakay Haru
Tulala at may nag babadyang mga luha sa mukha pero nanatili siyang kalmado.
Bitawan moko! sigaw ko kay gio habang hawak hawak niya ang kwelyo ko
Gago ka nag pa enroll lang kami ni haru saglit tapos madadatnan ka naming nakikipag laplapan dito. ani gio na galit galit
Tama na! gio tara na!! Galit na saad ni Haru habang may mga luhang umaagos sa mata niya
Baby let me explain? sigaw ko sakanya at pilit kumawala kay gio
Tinignan niya lang ako at hinila na si gio
Baby please let me explain! sigaw ko sakanya
Wala kanang kailangang ipaliwanag malinaw sakin ang lahat melvin! Malamig niyang saad na nag pabagsak sakin sa lupa at tuluyan ng bumuhos ang luha saking mga mata
Alika na vivin tumayo kajan! sigaw sakin ni nathalia
Bitawan moko! wag mokong hawakan!
Nakita muba kung ano yung ginawa mo!
Hindi ko naman alam ehhh sorry.
Sorry? ilang beses kong sinabi sayo na may jowa ako pero ginawa mo padin!
Hinawakan niya ako sa braso pero agad kudin tinangal yun at hinabol sila Haru pero wala na sila sa loob ng Campus.
Billy POV.
Mack yung requirements ko nasayo diba?
Ha? baliw kaba binigay ko sayo kahapon nung nag pa print tayo sa bayan.
Nehh nilagay kunga sa binder mo kasama nung mga photo copy ng form 137 natin.
Wait check ko.
Brad diba pinsan muyun? ani kenneth
Ha asan?
Ayun ohh nakikipag talo sa babae.
Pag tingin ko sa tinuturo niya ay nakita ko si melvin at mukang hinahabol siya nung babae kase nakakapit sakanya yun pero agad niya din tinanggal at tumakbo palayo sa babae.
Mga brad wait lang ahh.
Nehh san ka pupunta mag papass na tayo loko. ani mack
Wait lang puntahan kulang pinsan ko saglit. Paalam ko at agad din tumakbo sa direksyon na pinuntahan ni melvin
Ilang minuto kudin siyang hinanap pero hindi ko siya naabutan at medyo umuulan nadin kaya tumakbo nako pabalik sa registrar
Pero malayo pako sa registrar ay natanaw kuna si Melvin na basang basa na naka tulala, kaya agad ko siyang nilapitan kahit malakas ang ulan
Tol anong nangyari bat nag papaulan ka?
Tinignan niya lang ako at kitang kita sa mukha niya ang lungkot
Agad ko siyang hinila at lumilim kami sa isang room
Tol anong nangyari? tanong ko ulit sakanya
Tol wala na. mahina niyang saad
Ha? pano wala na?
Tol wala na kami ni Haru. maiyak iyak niyang saad habang naka tulala
Pano? ano nangyari?
Nahuli niya kami ni Nathalia na nag hahalikan. saad niya na may pang hihinayang
Pano? bakit? bakit naman kase nag halikan kayo ni nathalia?
Si nathalia hinalikan niya ako kaagad at diko siya napigilan, sakto namang dumating si Haru saka yung kaibigan niya kaya ayun.
Tol problema nga yan.
Kaya nga hindi manlang ako nakapag paliwanag kay Haru. malungkot niyang saad
Hayaan mo nalang muna siguro, bigyan mo muna siya ng space.
Di pwede billy ayokong mawala si Haru. aniya habang umiiyak
Oo tol maaayos yan tutulungan kita, kilala ko naman si Haru mag paliwanag kalang maiintindihan kanun.
Hmm sana nga tol kase hindi ko kayang mawala si Haru, lalo nat madami na kaming plano ngayon kase dito nako mag aaral.
Oo tol mag kaka ayos kayo ni Haru tiwala lang maiintindihan kanun, bigyan mulang siya ng pagkakataon para makapag isip isip.
Hmm sige sige uwi nadin garod ako gusto ko mag pahinga. aniya at agad din tumayo
Sigurado ka? ayaw muba munang uminom samahan kita?
Sige pwede mas mabuti panga tara sabay kana sakin.
Agad din naman kaming nag tungo sa prism para uminom, pero pag dating namin dun ay nadatnan namin si Haru at yung kaibigan niya na umiinom
Agad naman umamba na lalapit sa melvin dun pero pinigilan ko siya.
Tol hindi ngayon. malumanay kong saad sakanya
Mukang naintindihan niya naman ako at nag tungo na siya sa lamesa na medyo malapit kila Haru kaya naman umupo nalang din ako at nag order ng mga iinumin namin.
Wala pang dalawang oras ay mukang lasing na si melvin at mukang nag babalak na talaga siyang puntahan si Haru pero pag tinitignan ko siya ay bumabaling nalang siya sa iniinom namin.
Di nag tagal napansin kong madaming lumalapit na lalake kay Haru pero pinapaalis naman nung kasama niya yon.
Medyo lasing nasi Haru at kita ko sa mukha niya kung gaano siya kalungkot.
Ilang minuto pa ay may lumapit nanamang lalake kay Haru yung nangungulit sakanya kanina pa at nagulat ako ng bigla siyang hinalikan nito.
Pilit yon tininanggal ng kasama niya pero sinuntok siya at parang nawalan ng malay kaya agad agad akong tumayo pero di pako nakaka lakad ay nakita ko nalang na bigla yon sinapak ni Melvin.
Agad akong tumakbo para pigilan siya kase alam kong baka mapatay niya yon.
Tol tama nayan baka mapatay moyan!
Pag hawak ko sakanya ay medyo masama ang tingin niya pero ng makilala niya ako ay agad din siyang bumitaw dun sa lalake.
Nilapitan siya ni Haru pero nag dalawang isip ito kung kakausapin niya si Melvin, at ganun din si Melvin
Nagka tinginan silang dalawa pero parehas walang emosyon ang kanilang mga mukha.
Halos ilang minuto lang din silang nag titgan at kita sa mukha nilang dalawa ang lungkot pero agad din bumaling si Melvin sakin na parang walang nangyari.
Balak pa sana siyang habulin ni Haru pero sa pangalawang pag kakataon nag pigil ito.
Nag tungo ako sakanya para kausapin saglit.
Haru?
Agad din naman niya akong nilingon pagka baba niya dun sa kaibigan niya sa sofa
Ikaw nalang muna bahala kay melvin. bungad niya sakin
Hmm Oo walang problema, baka gusto mo mag kwento sakin?
Kase ano nahuli ko siyang may kahalikan.
Oo na kwento nga niya sakin, pero ayaw muba manlang marinig yung paliwanag niya?
Hindi na niya kailangan mag paliwag, ayoko lang muna talaga kase masakit sakin yung nakita ko.
Oo naiintindihan naman kita pero alam mubang di niya naman ginusto yung nangyari kanina?
Alam ko.
Ohh alam mo naman pala ehh.
Diko siya kayang harapin ngayon billy masakit sakin yung nakita ko kanina kahit alam kong yung babae naman talaga ang may gusto nun.
Oo naiintindihan kita pero kausapin mo siya pag okay kana at pag inapproach ka niya ha.
Oo gagawin kuyun bigyan mo muna ako ng panahon para makapag isip isip.
Sige sige mauna na kami iuuwe ko nalang muna samin si Melvin o ihahatid ko nalang muna siya sakanila.
Hatid mo nalang muna sakanila at kanina nag paalam siya kay tita na mag eenroll kami, dipa umuuwe sakanila yan kahapon pa.
Ohh sige sige salamat una na kami ahh ingat kayo.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ko ang likod niya at ramdam ko sa pag hinga niya kung gaano kabigat yung nararamdaman niya ngayon
Dito lang ako mag chat kalang at iinom tayo sa inyo. saad ko na nag pangiti sakanya
Agad din ako nag tungo kay Melvin na naka dukdok na sa lamesa kaya ginising ko na siya at sumakay na kami sa motor niya
Ako na nag drive at dumiretso na kami sakanila
Diretso lang ang lakad niya papunta sa kwarto niya habang sinalubong naman ako ni tita.
Ohh anong nangyari dun billy?
Ahh tita may konting problema lang po hayaan niyo nalang po muna.
Ohh ganun ba sige sige, kumain ka naba?
Opo kumain napo ako, sige tita samahan ko nalang po muna si melvin
Sige sige salamat ahh.
Pag pasok ko sa kwarto ay nadatnan kong umiiyak si melvin naka pikit siya pero diretso ang pag agos ng luha sa mga mata niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dont forget to follow!