Chapter 4

5166 Words
"Okay lang po ako, mommy. Medyo exhausting lang yung unang araw ko pero masaya naman ako." Sabi ko sa kanya sa phone. Kakauwi ko lang dito sa dorm at kausap ko ngayon si mommy sa phone. ["That's good to hear, baby. How about your roommate? Maayos ba ang pakikitungo sayo?"] Pinindot ko muna yung loud speaker button sa screen para makapagbihis ako kahit kausap ko sila. Maayos kong isinabit sa closet ko yung palda ko. Tapos yung blouse ko naman ay inilagay ko muna sa kama ko. Wala pa kasi akong basket na pwede paglagyan ng mga laundry. "Yes po, mom. Napakabait at masayang kasama. Nagkasundo nga agad kami kahapon e." Hinubad ko yung cycling shorts ko at isinama ko yun sa blouse na nakapatong lang din muna sa ibabaw ng kama ko. ["Oh. Really? Thats great, anak. I'd love to meet her soon."] "Nako mommy, siguradong magkakasundo din kayo nun. And I'm sure kilala mo siya." Tapos pumili lang ako ng simpleng demin pants. Mamaya na ko magsusuot ng pang itaas kapag aalis na ko. Ganito muna ako. Nakabrassiere at pantalon. Magisa lang naman ako dito sa dorm e. Kinwento ko na din kay mommy yung nangyari kanina sa school. Pero hindi ko na binanggit yung part na kung paano ako pinagtitinginan ng mga tao. Basta sinabi ko lang yung tungkol kila Laura at sa mga pinsan niya tapos kung ano yung systema ng klase. Medyo naging masaya siya nang malaman niya na Ross ang apilyido ni Laura. Maayos na naman daw kasi ang pakikitungo ng mga Ross sa amin at madalas ay nagkakasundo kapag usapang negosyo. Which made me happy as well. Kasi hindi lang pala ako ang okay sa kanila. Pati din pala sila sa pamilya ko. Ang awkward naman kasi diba kung magaaway din pala ang Ross at ang pamilya ko dahil lang sa negosyo diba? Nagpaalam na din ako sa kanya na aalis ako mamaya papuntang mall after namin magusap. ["I almost forgot, saktong sakto napagisipan namin ni daddy mo na bilhan ka ng bagong kotse para may magamit ka kung sakaling bibili ka ng gamit para sa school or kapag may pupuntahan ka. Malayo kasi yung mall dyan sa dormitory niyo. At para hindi ka na din magcomute papasok sa school."] Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko dahil sa sinabi niya. Ano bibilhan nila ako ng bagong kotse? "Mommy, hindi na po kailangan. Pwede naman po ako magtaxi papunta dun." ["Wala na tayong magagawa anak, na bilhan ka na kahapon ng daddy mo bago kami pumunta ng airport. Buti nga naalala niya e. You can get your car today if you want. Isesend ko sayo yung address nun after nitong call."] Nasaan ba yung blazer ko? Hindi ko ba suot suot yun nung pumasok ako dito sa kwarto? Naiwan ko kaya sa labas? "Hala mommy, bakit hindi niyo muna sinabi sakin? Pwedeng pwede naman akon— Ay palaka!" Gulat na sabi ko ng makita ko si Chase sa sala. ["Anak? Anong nangyari? Okay ka lang?"] Nagaalalang tanong ni mom sa kabilang linya. "Opo. Mommy, tatawag nalang po ulit ako mamaya pagkauwi ko galing sa mall okay? i love you po. Pakisabi nalang din po kay daddy." ["Okay, dear. You take care alright. Isesend ko na agad yung address ng car dealership. I love you too." ["Opo. Thanks, mom."] At binabaan ko na siya ng tawag at muling lumingon kay Chase. "I'm sorry if I startled you. I didn't know you're here already. May pinapakuha lang sakin si Laura. Pinahiram niya ko nang susi kaya nakapasok ako." Pinakita niya pa sakin yung susi na may keychain ni Laura. Nakauniform pa din siya pero hindi niya na suot yung blazer at necktie niya. Naka unbuttoned yung una't pangalawang butones niya sa puting polo niya at nakatiklop ang sleeves niya hanggang siko dahilan para makita ko yung malaking tattoo niya sa pulso. Hindi ko alam kung ano yung tattoo niya pero mukha siyang symbol. "Di okay lang. Wala bang nakakita sayo sa baba habang papasok ka dito?" Umiling siya at nakita ko na napakagat labi siya bago agad na tumalikod pagkatapos niya tignan ang kabuan ko. Nang tignan ko yung sarili ko ay napagtanto ko na wala nga pala akong pangitaas! Hala! Nakakahiya! Pakiramdaman ko umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Tumakbo ako papasok sa loob ng kwarto ko at naghanap ng tshirt. Nakakahiya talaga! Nakayuko akong bumalik sa labas. "Do you know where is Laura's makeup bag? Color nude pink daw yung kulay e. Kanina ko pa kasi hindi mahanap hanap pati sa loob ng kwarto niya wala." Makeup bag? Alam ko sa drawer sa tabi ng sofa niya lagi nilalagay yun. Pagkabukas ko ng drawer ay nandon nga yung maliit na bag. Aha! Tama nga ako andito nga sa drawer. "Tss! Andito lang pala. Kung saan saan pa ako naghahanap. Thank you." Sambit niya nang ibigay ko na sa kanya yung makeup bag ni Laura. "Kahapon kasi nakita ko na dyan niya lagi nilalagay yan. Speaking of Laura, nasaan nga pala siya?" Tanong ko. "Nasa practice siya ngayon. Pero magkikita kami mamaya para ibigay lang sa kanya 'to. Are you going somewhere?" Tumango ako. "Sa mall lang. Madami kasi ako kailangan bilhin e. Pero dadaan muna ako sa car dealership na tinext ni mommy sakin para kunin ko yung binili nilang kotse para sakin." "Really? Tara, hatid na kita don para hindi ka na magtaxi." Agad akong umiling sa offer niya. "Hindi na. Kaya ko naman e." "Come on, mahihirapan ka lang kapag nagtaxi ka pa. Matraffic pa naman mamaya." Kagaya kay Lucas kanina ay wala na din akong nagawa kundi ang pumayag. Sinabi ko sa kanya na pwede niya nalang ako hintayin sa labas dahil kukunin ko lang listahan ko at yung shoulder bag ko. Tanging yung ilaw lang sa sala ang iniwan kong nakabukas. Sinigurado ko din na nakalock yung main door bago kami bumaba ni Chase. Deretso sa basement yung pinindot niya sa elevator dahil doon ang parking lot ng dorms. Kinuha niya agad yung susi ng kotse niya at pinatunog iyon kasabay ng pagilaw ng kulay itim na Audi R8. Wow. Ang ganda ng kotse niya. Ross nga naman. Syempre hindi na nakakagulat kung sports car ang kotse niya. Pinagbuksan niya muna ako ng pintuan sa passenger's seat. "Thank you." Sabi ko nang makaupo na ko. "You're welcome." At sinara na niya yung pintuan sa gilid ko tapos umikot na siya papuntang driver's seat. Pagkalabas ng parking lot ay tumigil muna siya sa tapat ng isang lalaki na staff din dito sa mga dorm. Nakita ko na inabutan niya iyon ng pera tapos umalis na kami nang tuluyan. Siguro yun yung lalaki na nagpalusot sa kanya kaya ganon ganon nalang kung makapasok sila ni Lucas sa dorm. "May I see the address?" "Yeah sure. Wait nandito kasi sa cellphone." Inunlock ko agad yung cellphone ko at binigay sa kanya. Tumango lamang siya nang matapos niyang basahin yung text ni mommy na address. "Malayo ba yun?" "Not really. We'll be there within 30mins." Napansin ko sa damit niya na parang may mantsa na kulay pula yung sa bandang collar at lower part ng polo niya.  Natapunan siguro siya ng ketchup o red wine. Meron din konti sa gilid ng labi niya. Hinanap ng mata ko kung may tissue box ba siya dito kaso parang wala kaya chineck ko naman yung bag ko baka sakaling meron ako. Sa pagkakatanda ko meron ako maliit na nakapack ng tissue e. Nang makita ko na yung tissue ay kumuha ako ng dalawang piraso at binigay sa kanya. "Para saan yang tissue?" Tanong niya habang nakatingin sakin. "Sa gilid ng labi mo. May red stain ka e. Pati nga sa damit mo meron kang mantsa." Mariin siyang napalunok sa sinabi ko at tinanggap ang binigay kong tissue. Punasan niya yung labi niya habang nakatingin sa rear mirror. Sinubukan niya din punasan yung nasa damit niya kaso ayaw naman matanggal. "Hayaan mo na hindi naman masyadong halata kapag malayuan" Sabi ko sa kanya. Pero sinubukan niya ulit ng isang beses pero wala talaga kaya tumigil na din siya. "Nagtaxi ka lang kanina pauwi sa dorm niyo?" "Hindi. Hinatid ako ni Lucas kasi nagkita kami sa parking lot sa school." Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Si Lucas? He didn't try hitting on you again, right?" "He didn't. Sincere naman siya kanina nung sinabi niya na ihahatid niya lang ako kesa naman daw magtaxi ako. Baka daw may mangyari pa saking di maganda lalo na usap usapan ako." "That's kinda surprising. But he does got a point though." Kinuha niya yung cellphone niya at inunlock iyon habang yung isang kamay niya ay hindi pa din bumibitaw sa manibela. "Add your number on my phone." Tapos pinatong niya yun sa binti ko. Nakita ko sa screen na nasa phone contacts iyon. Nagtataka akong napatingin sa kanya at sa cellphone niyang nakapatong lang sa binti ko. Tama ba yung narinig ko? "Huh? Bakit?" "For you to contact me whenever you need a help." Kahit hindi ko pa din nagegets yung punto niya ay ginawa ko pa din yung pinauutos niya na i-dial doon sa cellphone niya ang number ko. Pagkaabot ko nun pabalik sa kanya ay pinindot niya yung number ko kaya narinig namin pareho namin narinig ang pagring ng cellphone ko mula sa loob ng shoulder bag ko. "Make sure to save my number. From now on, you should call me if ever you need a ride home. Wag ka na magpapahatid kay Lucas or kahit kanino." Sa tono ng boses niya. Parang hindi yun pakiusap e. It sounds more like an order. Gusto ko man siya tanungin kung bakit pero mas pinili ko nalang manahimik nalang hanggang sa makarating na kami sa car dealership na sinasabi ni mommy. Akala ko ihahatid lang talaga ako ni Chase dito tapos aalis na siya agad pero hindi. Nagpasya na daw siya na samahan ako tutal mamaya pa naman daw sila magkikita nila Laura. Nagpasalamat ako doon sa guard na nagbukas sakin ng pinto tapos nilapitan ako nang isang babae na nakaputing tshirt at may suot suot na ID. "May I help you, ma'am?" Pormal na tanong niya. "Uhm, gusto ko po sana malaman kung dito nga po binili ng parents ko yung kotse ko kahapon." "Ano po full name niyo?" "Scarllet Eva White, po." Nanlaki agad ang mga mata niya sa sinabi ko. May nakakagulat ba talaga sa pangalan ko? "Yes po, ma'am. Nanggaling nga po sila Mr. and Mrs. Ross dito kahapon. Sumunod nalang po kayo sakin, ma'am at sir. Para po yung mismong manager na po namin ang kakausap sa inyo." Nakangiti akong tumango sa kanya at sumunod ako sa kanya. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pinto ng manager bago niya iyon binuksan. Hindi na hinintay nung matandang lalaki na magsalita yung babae dahil agad na siyang tumayo mula sa upuan niya upang lapitan ako. "Good afternoon, Ms. White." Bati niya habang inilalahad sakin ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkamayan. "Nandito po ba kayo para kunin na yung kotse niyo?" "Opo. Pwede na po ba kunin yun ngayon?" "Yes. But you still need to sign a few documents." Pinaupo niya ko sa upuan na nasa tapat ng desk niya. Si Chase naman ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ko. Sinabihan ko na siya na umupo muna dito sa isa pang upuan sa tabi ko pero tumanggi siya. Mga tatlong dokumento lamang yung pinapirma sakin. Proof daw iyon na nai release nila ngayong araw yung kotse. Ipapadala din daw kasi nila yung copy na yun sa assistant ni daddy e. Lumipat kami patungo sa likod ng building na 'to. Meron ding mga kotse dito sa labas. Pagkabukas ng isang garahe ay lumantad samin ang kulay pula na Mazda.6 Sport. Akin 'to? Matagal na kong marunong magmaneho pero hindi ako pinapayagan ni daddy na magmaneho ng ganitong klase na kotse. Lalo na yung mga sports car dahil nagaalala sila baka daw matuwa ako masyado sa speed tapos hindi ko daw makontrol. Kaya madalas may personal driver ako o ibang kotse pinapagamit sakin. May binigay sakin yung manager na maliit na box. At pagbukas ko nun ay nandoon yung susi ng kotse. Hinayaan na nila ako na sumakay sa kotse ko at buhayin ang manika. oh my! Ang ganda nito. Talagang tatawagan ko ulit sila mommy mamaya paguwi ko para magpasalamat. "Are you gonna drive that now?" Tanong ni Chase. Tumango ako sa kanya. "Oo, why?" "No, you're not. Bukas mo na gamitin yan. Sasamahan na kita sa mall ngayon." Nagulat ako sa sinabi niya na iyon. "Huh? Eh paano 'tong kotse ko? Edi sasabay ulit ako kay Laura bukas papasok sa school?" "No. Papakuha ko sa tauhan namin yang kotse mo ngayon tapos papaiwan yan sa parking lot sa dorm niyo. Now, let's go. Baka gabihin ka pa." At walang pasabi ay pinatay niya yung manika ng kotse ko tapos pinababa na ko. Sayang naman. Akala ko talaga magagamit ko na ito ngayon e. Medyo excited pa naman na ko idrive 'to.  Si Chase naman ngayon ay kinakausap na yung manager. Siguro sinabi na niya na di ko kukunin ngayon yung kotse pero ipapakuha nalang sa tauhan niya. Nakipagkamayan na din si Chase sa kanila atsaka kami umalis na. Habang nasa byahe na ay tinext ko na si mommy para sabihin na nakita ko na yung kotse at nagpasalamat na din ako. At dahil malapit lang yung mall mula sa car dealership ay wala pang 20mins ay nandoon na kami. Habang naglalakad kami ay maski dito sa mall ay agaw na agaw pansin si Chase lalo na sa mga babae. Literal na bawat babaeng nakakasalubong namin ay napapalingon sa kanya. Yeah right. Expected naman na. Sa gwapo ba naman niya sino ba naman hindi makakapansin nyan diba? Inuna namin puntahan ay yung National Book Store para bumili ng mga kailangan ko sa school. Nagpumilit na si Chase na siya na daw magtutulak ng trolley basta ako daw kuha lang nang kuha ng mga kailangan ko. Tatlong binders ang binili ko, extra pens, stapler, staple wires, markers, at makakapal na journal books. Mas gusto ko yung ganitong journal notebooks kesa sa regular na notebooks dahil mahilig ako na magdesign at i-arrange sa way na gusto ko kung paano ko siya susulatin. Buti nalang meron na din dito nung iba na kailangan kong organizers kaya kumuha na din ako. Nang magbabayad na sana ako sa cash register, bago ko pa mai-abot yung credit card ko sa babae ay naunahan na ko ni Chase. "Hala! Bakit ikaw magbabayad e akin naman yung mga gamit?" "Because I want to." Simpleng sabi niya. "Bahala ka dyan. Babayaran kita mamaya. Hindi pwedeng hindi kita babayaran dyan." Ngumisi lamang siya sakin. "As if I would let you." Sunod naman na pinuntahan namin ay yung supermarket dahil may mga kailangan ako na personal stuffs sa dorm. Like toiletries, laundry basket, hangovers, and what's so ever. Hanggang dito sa Supermarket ay wala na kong nagawa kay Chase nang siya na naman ang nagtulak ng shopping cart. Nandoon na din yung mga pinamili ko na school supplies sa loob ng mga paperbags. Gusto ko sana mamili din ng mga damit kaso baka mabored lang itong kasama ko dahil medyo matagal ako mamili ng mga damit. Sa weekend nalang siguro ako mamimili kapag nag grocery kami ni Laura. Atleast yun talagang makakasama ko sa pagsa shopping. Tinext ko na din si Laura para tanungin kung may gusto siyang ipabili. Nagreply naman siya agad at sabi niya ay kahit anong pagkain lang sa kanya. Tapos maya maya ay tumawag na siya through video call. "Is that Chase?" Gulat na tanong niya sakin nang makita niya ang kasama ko sa likod. Lumapit naman ako kay Chase at ipinakita sa kanya si Laura. Wala manlang siyang sinabi at tinignan lang ang pinsan niya. Ang suplado naman nito. "Bakit kasama mo siya? Inutusan ko lang yan na kunin yung makeup bag ko kanina." "Uh oo. Naabutan ko kasi siya kanina sa living room habang kausap ko si mommy. Hindi niya nga daw mahanap yung makeup bag mo. Buti nalang alam ko kaya ako yung nakakita." "Eh bakit kasama mo siya ngayon dyan na mamili?" "He offered me a ride earlier on the way to the car dealership for me to get my new car. Kaso ayun nagbago yata ang isip kaya sinamahan nalang ako dito." Nakita ko na kung paano kumunot ang noo ni Laura sa sinabi ko tapos ngumiti siya sakin na parang may ibang meaning iyon. Nasa school pa din siya at ngayon ko lang nalaman na captain pala siya ng cheerleading squad dahil sa suot niya. Hawak hawak ko pa din yung cellphone ko habang naglalakad sa bawat aisle na nadadaan namin para makita din ni Laura kung sakaling may gusto pa siya ipabili. Maya maya ay may biglang humablot ng cellphone ko muna sa kamay ko. Akmang kukunin ko sana iyon mula kay Chase pero sa tuwing babawiin ko ay itinataas niya para di hindi maabot. Ang unfair! Dahil lang napakatangkad niya e. "You're talking too much, Laura. Uuwi ka naman sa dorm niyo. Mamaya nalang kayo magusap." "Wait what? Don't you dare ha-" Hindi niya na pinatapos na pasalitain si Laura dahil agad niyang pinatay ang tawag. "Bakit mo pinatay?" "She's getting annoying." "But she's your cousin." "Exactly." Iritadong iritado pa yung boses niya. Grabe ang sungit talaga nito. Binalik niya naman yung cellphone ko pero nakapatay na ulit. Bubuksan ko sana kaso narinig ko na naman siyang iritado na napabuntong hininga. Sabi ko nga. Mamaya ko na ulit bubuksan. Ipinasok ko nalang ulit sa loob ng shoulder bag ko yung cellphone ko bago kami nagpatuloy na maglakad. Pagdaan namin sa mga air freshner ay nahirapan ako sa dalawang magkaibang amoy kung ano ang pipiliin ko. Kaya tinanong ko si Chase."So? Which one is better?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ko ipa amoy sa kanya yung dalawang air freshner. "This one." Sabay turo niya sa violet ang kulay na packaging. "It's lavender, right?" "Oo. Ang bango no?" "I don't like the other one. Masyadong matamis ang amoy. Nakakahilo." Sabay pinakita ko sa kanya yung fruit fragrance na air freshner. "Ay ganon? Sige ito nalang lavender." Sabi ko atsaka nilagay sa pushing cart yung napili ko na lavender tapos binalik ko na yung isa. Halos mahigit isang oras din kami na nagpaikot ikot dito sa supermarket hanggang sa pumila na din kami sa cash register. Hindi pa puno yung shopping cart pero sa tingin ko madami pa din yun dahil sa mga pagkain. Medyo natatawa nga ako kasi napasobra yata sa listahan ko yung naibili ko. Pero okay lang. Atleast madami kaming snacks ni Laura tuwing gabi or kapag naisipan namin manood ng movies sa living room. Kanina pa ring nang ring ang cellphone ni Chase pero hindi niya naman sinasagot. Titignan niya lang tapos ibabalik sa bulsa. Baka girlfriend niya yung tumatawag. "Bakit hindi mo sagutin? Baka importante yun." "No. Makakapaghintay naman yun." Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Girlfriend mo?" Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip kung may girlfriend siya? Jusko. Imposibleng wala siyang girlfriend. Duh he's Christian Chase Ross! Bigla na kong nagalala dahil panigurado ay mababalitaan na naman ito sa school. Paano kung bigla ako awayin ng girlfriend niya? Sh*t! I really should've known. "I don't have a girlfriend. Sila Lucas yung tumatawag." Pagkatapos pinakita niya pa sakin yung screen at totoo nga si Lucas yung tumatawag sa kanya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko nang sabihin niya na wala siyang girlfriend. Teka. Bakit parang hindi naman talaga gumaan yung pakiramdam ko? Feeling ko mas natuwa pa yata ako. Oo nga pala nabanggit niya kanina sakin na magkikita sila. Nawala kasi sa isip ko kaya hindi ko sinasadya na matagalan kami dito. "Ako na sabi magbabayad e. Para naman kasi sakin yung mga binili ko tapos ikaw nagbayad. Nakakahiya kaya." Pagrereklamo ko. Paano ba naman. Naunahan niya na naman ako na magbayad dahil ang bilis niya i abot yung credit card niya kesa sakin. "Gusto mo talaga makabayad?" Tanong niya pagkatapos ilagay yung pin code ng credit card niya. "Oo naman. Nakakahiya kaya. SInamahan mo na nga ako dito tapos ikaw pa nagbayad ng mga pinamili ko." "Alright. Then let's have a dinner next time. Okay ba yun?" "Sure. Walang problema." Habang isa isa pa ding inilalagay sa paperbag yung mga pinamili namin ay may nakita akong ice cream shop sa harap. Saktong sakto, medyo nacacrave pa naman ako ngayon sa matamis. Nagpaalam lang ako saglit kay Chase at tinanong ko na din siya kung anong gusto niyang flavor. Sabi niya magorder nalang daw ako ng pinakamalaking size tapos maghati nalang daw kami. Ibibigay niya sana yung credit card niya pero sinamaan ko na siya ng tingin. Ang tigas ng ulo talaga. Cookies and cream, butterscotch, at coffee almond fudge ang mga napili kong flavors. Tig isang malaking scoop lang iyon pero malaki na. Pagkabayad ko humingi pa ko ng isang spoon para kay Chase. Sa kotse nalang siguro namin 'to kainin.. Pagbalik ko nasa labas na si Chase. Nakita ko din na may dalawang babae ang nakatayo sa gilid niya tapos pasimple siyang pini picturan. Syempre hindi napapansin ni Chase yun dahil nakatingin siya sa cellphone niya. Tss. "Are you done?" Tanong niya. Tumango ako at pinakita pa sa kanya yung ice cream na hawak ko at tinulak niya ulit yung pushing cart na puno ng mga pinamili namin. Hinanap namin yung elevator dito sa mall para papuntang parking lot. "Tulungan na kita ilagay sa kotse yan." Sabi ko at akmang kukuha na sana ako ng mga paperbags para ilagay sa storage ng kotse niya kaso pinigilan niya ko. "Let me take care of this. Pumasok ka na sa loob ng kotse." "Ayaw. Tutulungan na kita." Pamimilit ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat ko tapos dahan dahan akong tinulak patungo sa passenger's seat. Pinagbuksan niya muli ako ng pinto bago ako pinaupo doon tapos siya na din nagsuot ng seatbelt ko atsaka niya sinara yung pinto. Nakakainis naman e! Hindi niya ba maintindihan na nahihiya ako sa ginagawa niya? Kanina niya pa ko ayaw hayaan na magbayad nung nasa Book Store kami. Ganon din yung ginagawa niya kanina sa supermarket. Tapos ngayon ito lang na pagtulong sa kanya na mailagay sa harapan ng kotse niya yung mga pinamili ay ayaw niya pa din ako hayaan. Alam ko naman na mayaman siya. Pero ako din naman e. Kaya dapat hayaan niya na ko. Haynako. Binuksan ko yung bintana sa side ko para tignan siya. Nagaalala kasi ako baka di magkasya sa harapan yung mga pinamili namin. Sa pagkakaalam ko kasi sa mga ganitong kaganda na kotse hindi kalakihan yung storage. Pagkasara niya nun ay may hawak hawak pa siyang tatlong paperbag. Iyon siguro yung sobra na hindi na kasya doon sa storage. "Dyan mo na muna ilagay sa may paa'nan mo itong mga 'to." Sabi niya nang makasakay na siya. Inusog ko yung mga paa ko nang ilagay niya doon yung mga paperbag. "Sorry ah. Nakalimutan ko kasi na hindi nga pala ganon kalaki ang storage ng kotse mo." "Well, then I need to get another car with a bigger storage." Sabi niya sabay tumawa siya. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa pagtawa niya. Ibang iba na Chase ang nakikita ko ngayon. Hindi siya mukhang suplado o cold-hearted kagaya nung mga nakita ko buong araw ngayon. Mas lalo siyang gumwapo sa pagtawa niya. Habang nagmamaneho siya, binuksan ko na yung binili kong ice cream. Pinatong ko yung siko ko sa pagitan ng upuan namin para makakuha din siya. Nung kumuha ako ng ice cream gamit ang itsura ko kakainin ko na sana iyon kaso sa bilis nang pagkakahablot niya sa pulso ko imbes na ako ang susubo nung kinuha ko na maliit na scoop sa kutsara ko, e siya ang kumain. "Much better." Sabi niya sabay kuha nung extra na kutsara na para sa kanya na nasa sundot lang sa ice cream. "Hala! Bakit mo tinapon? Eh ano na gagamit mo?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niya itapon sa labas ng bintana yung kutsara niya. "Subuan mo nalang ako." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano daw? Tumingin siya sakin kasi natahimik ako bigla. "What? Don't tell me nandidiri ka?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "Hindi naman. Ang weird lang kasi." "I consider mo nalang yan na isa sa mga bayad mo sakin for today." Wala na kong nagawa kundi maghati nga kami gamit sa iisang kutsara. Hindi naman talaga ako nandidiri. Siguro na wi-weirduhan lang dahil first time kong maranasan na kumain tapos may kahati sa iisang utensil. Sinusubuan ko nga din siya ng ice cream habang nagmamaneho siya. Nagke-kwentuhan din kaming dalawa dahil naabutan din kami ng traffic. Pinagusapan namin yung about sa decision kung bakit ako lumipat dito na magisa at kung ano yung buhay ko noon sa Italy. Nakakatuwa kasi hindi na gaanong nagsusungit si Chase ngayon kaya feeling ko mas nagiging comfortable na ko sa kanya. Mabait naman talaga siya actually. Siguro karamihan sa mga tao sa school nagsasabi na cold-hearted siya at misteryoso dahil sa pagiging tahimik niya. Pero once talaga na nakilala mo siya doon mo talaga makikita na mabait talaga siyang lalaki. At napaka gentle man pa. Halata naman kanina e. Pagkarating namin sa dorm, pinagbuksan ako ng pinto nung lalaki na pinagbigyan ni Chase kanina ng pera. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya. "Paki dala nalang lahat ng 'to sa dorm nila ni Laura."  Utos ni Chase doon sa lalaki nang lumabas siya ng sasakyan. "Yes po, Mr. Ross." May dalawa pang lalaki ang dumating para bitbitin yung mga pinamili ko papunta sa loob ng building. Binigay ko nalang yung susi ko doon sa lalaki at pinaki usapan ko nalang na sa kusina nalang nila ilagay yung mga gamit. "Salamat ulit ah. Pasensya ka na kung naabala pa kita." "Don't mention it. Sige na, pumasok ka na sa loob." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kumaway muna ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng building. Kakapasok ko lang ng elevator ay kinuha ko agad yung cellphone ko para i-on muli yun. Maya maya ay nag vibrate iyon. From: 095******** Goodnight, Eva. Kahit unknown number yun alam ko na si Chase ang nagsend nun. Hindi ko napigilan na gumuhit ang maliit na ngiti muli sa mga labi ko. Ewan ko ba kusa nalang ako napangiti sa simpleng "goodnight". Pagpasok ko sa loob ng dorm nasa kitchen counter na nga yung mga paperbags at nasa tabi nun ang susi ko. Inilapag ko muna yung shoulder bag ko sa kwarto at itinali ang buhok ko bago ko sinimulan na isa isahin na tanggalin mula sa paperbag yung mga pagkain at gamit. Sa kitchen cabinets ko inilagay yung mga snacks namin ni Laura tapos yung lulutuin ko bukas na almusal namin ay sa freezer ko muna nilagay. Sunod naman ay nagpunta ako sa banyo ko para ayusin naman yung mga toiletries ko. Yung mga school supplies naman mamayang gabi ko na aayusin. Magbibihis muna ako ng mas komportable na damit. Inilagay ko na sa maliit na laundry basket na bagong bili ko yung uniform na ginamit ko kanina. Alas syete na pala. Kaya pala nakakaramdam na ko ng gutom. Ano kaya pwede kong lutuin dito sa refrigerator? Pagbukas ko ng ibabang bahagi ng refrigator ay may nakita ako doon na styrofoam at may nakasulat na note sa itaas. Brought you some food in case you get hungry. Painitin mo nalang sa microwave. - Laura. Ang sweet naman nitong roommate ko. Umuwi na siguro 'to kanina tapos umalis din ulit. Inilipat ko muna sa plato yung pagkain atsaka ko inilagay sa microwave para painitin. Habang hinihintay kong matapos yun, kumuha ako ng isang Raspberry juice na naka sterilize sa loob ng refrigerator tapos binuksan ko yung TV sa living room. Dali dali kong tumakbo pabalik sa lababo ng mainom ko yung juice. Argh! Ano 'to? Bakit ganun yung lasa ng raspberry juice na'to parang bakal at ang pait? Nagmumog ako ng tubig sa bibig at kinuha yung juice para isalin sa baso. Hindi naman siya amoy panis o sira. I don't remember na ganito ang lasa ng Raspberry juice ah. I really don't understand why does this juice looks so thick and red. Kasing lapot ng consistency nito yung wall paint e. Nang isawsaw ko yung isang daliri ko, nagtaka ako bakit nagmantsa siya sa balat ko. Is this blood? No no no. That's impossible. Ano ba yang pinagiisip mo, Eva?  Why would Laura even store blood in a juice pack? Ano tingin mo sa kanya? Halimaw? I'm just thinking nonsense again. This is just probably some protein drink that's why it taste so awful. _______________ Kinabukasan nandito na kami sa swimming pool area sa loob ng WSU. Nandito ako ngayon sa loob ng Girl's Locker Room para magbihis ng swimsuit namin. Hindi daw kasi pwede na hindi naka swimsuit e. Itinali ko muna into bun yung buhok ko atsaka ko sinuot sa ulo ko yung swimming cap. Paglabas ko, nakita kong naghihintay na si Laura at kasama na niya sila Lucas at Chase. Di ko maiwasan na hindi mapatingin sa katawan ni Chase. O God! Those abs are unbelievable. He looks so hot lalo na't halatang kakaahon niya lang dahil tumutulo pa yung tubig mula sa buhok niya. Maganda din yung katawan ni Lucas pero kung ikukumpara mo siya kay Chase ay makikita yung difference pagdating sa defined ng muscles nila. "Whoo, girl! You're so damn sexy, gorgeous." Sabi ni Lucas nang makita niya ako. Napatingin na din sakin yung iba kaya medyo nailang na ko. Yung ibang lalaki naman napapasipol na. Napansin kong sinamaan iyon ng tingin ni Chase kaya tumigil sila. As usual, hilig na hilig batukan ni Laura si Lucas tuwing nakikita niya ko o sinusubukan akong sabihan ng kung ano anong banat. "Kahit kailan ka talaga hindi mailugar yang bungabunga mo, Lucas! Gusto mo bang ilunod kita sa pool?" Galit na pagbabanta niya. Mukhang hindi niya narinig iyon. Hinawakan ako ni Lucas sa bewang at hindi pinansin si Laura. "Bakit kaya sa tuwing nakikita ko yang mga mata mo. Feeling ko inaakit mo ko. You can always seduce me somewhere else though. I totally won't mind." Malanding sabi niya sabay kindat. Biglang may humila sakin sa braso at dumikit ang balat ko sa mainit na katawan ni Chase. "Shut the f*ck up, Lucas. Get away from her. She's not like your type of girls." Bulyaw niya. Mahina lamang na tumawa si Lucas at sabay na itinaas ang mga kamay na para bang sumusuko na siya. "Okay okay. Chill!. Geez no need to be mad, bro." Maya maya ay napatingin kaming apat sa isang babae na mahaba at straight ang kulay itim nitong buhok na naglalakad papalapit sa amin. Or should I say, papalapit kay Chase? "Hi Chase. I've been looking for you. Ang galing mo kanina ah." Tapos napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Oh inaano ko siya? "Who are you ?" "Leave her alone, Bianca. She's a friend." Iritado na sabi ni Chase sa kanya. Mas lalo niya akong tinarayan at bumaling muli ang tingin niya kay Chase tapos dahan dahan niya na hinaplos ang dibdib nito ngunit tinanggal agad iyon ni Chase. Nang may dumaan pa na isang babae ay hindi nito sinasadya na bungguin siya . "I'm sorry." Natatarantang sabi nung babae pero pinigilan siya nung babae na panay ang haplos sa braso ni Chase. Ano nga ulit pangalan niya? Bianca ba yun? "What the hell? Ang laki laki na nga ng daan pero sakin ka pa bubunggo." Pagkatapos sunod sunod niya na 'to pinagtuturo sa noo. Sa irita ko hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para lapitan siya. "What the fvck?! Let me go you b*tch!" Pasigaw na sabi niya ng hawakan ko yung kamay niya nang akmang sasampalin niya na sana yung babae. "What if I don't want to? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa sa kanya atsaka ako ngumisi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD