Ambrixyl's POV "Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko sa ugok na 'to. Bigla na lang kakatok sa kwarto ko at manggigising. Tch. Tapos ngayon, pati sa team building namin mambubulabog. Mga utak ng mga kaibigan kong ito minsan hindi ko rin maintindihan. Sobra na yata akong namimiss kaya sinadya na ako dito. Tch. "Chill ka lang, Lacrose. Nandito lang kami para ihanap ng mapapangasawa itong si Laxus. Nabubulok na eh." Natatawang sagot ni Veen. Binatukan naman siya ni Laxus. "Pwede ba, Veen? Hindi porket may asawa ka na, igagaya mo ako sayo. Ini-enjoy ko pa ang pagiging single ko,", sagot ni Laxus. "Ang sabihin mo, hinihintay mo si Cass. Kung bakit ba naman kasi nasa iyo na, pinakawalan mo pa," sabat naman ni Simon at tinawanan si Laxus. Ang gago talaga eh. Pero mas gago ako. "Oo nga. Aya

