Ambrixyl's POV Nakaramdam ako ng mainit na bagay na tumatama sa aking mukha. Nagmulat ako ng aking mata at agad ding napahawak sa aking ulo. Ang sakit. Argh. Nag-inom ako kagabi. Anniversary sana namin ni Astrid kaya naglasing ako para mawala man lang siya sa isip ko. Pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Napabaling ako sa gawing kanan ko ng makaramdam ng paggalaw. Laging gulat ko ng makita doon si Sabrina. Mahimbing siyang natutulog. Ang kaniyang ulo ay nakapatong sa kama at ang ibabang bahagi naman ng katawan niya ay nakaupo sa sahig. Ngayon ay napapaisip na ako kung ano ang nangyari sakin kagabi. Naistorbo ko pa yata si Sabrina. Hay. Tumigil ang tingin ko sa labi niya. May sugat ito. Ano na namang ginawa ng babaeng ito at pati labi ay may sugat? Muli siyang gumalaw. Akala

