Nagising ako dahil nakaramdam ako ng mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti kong minulat ang aking mata at itim na kisame agad ang aking nasilayan. Tiningnan ko ang bagay na nakadagan sa aking tiyan at nanlaki ang aking mata. Napaharap ako sa aking kanan at doon nakita ang pagmumukha ni Xyl na mahimbing na natutulog. Umawang ang aking bibig sa pagkabigla. W-What.. the.. h-heck... Ba-Bakit? Bakit nandito si Xyl? At nakayakap sakin?! What the hell?! T-Teka! A-Anong gagawin koooo?! Sa katarantahan ay mabilis kong inalis ang braso ni Xyl na nakayakap sakin at bumangon. Sinuri ko muna si Xyl kung magiging siya pero hindi naman. Phew. Akala ko'y magigising eh. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may lagnat pa ba ako o wala na. Hinipo ko ang sarili ko. Hindi na ako mainit. Buti nama

