Sabado ng umaga dumalaw si Abbey sa bahay nina Raphael. Inayos niya ang kanyang vibrant orange dress konti sabay masayang nagtungo sa driveway. Nasalubong niya ang malungkot na kaibigan na palabas ng bahay na may bitbit na mga maleta. “Raffy…what happened?” tanong ng dalaga. “Uy…pinapalayas na ako ng parents ko” drama ng binata.
“What?! Are you serious? Ano ba kasi nagawa mo?” tanong ni Abbey. Todo emote naman si Raffy at niyuko ang ulo niya. “Masyado na daw ako pabigat sa kanila. Wala na ako pagtitirhan. Siguro sa school nalang ako…o kaya kupkupin niyo nalang ako sa inyo my friend” bulong ng binata at lumabas si Phil at binatukan ang anak niya. “Loko! Kung alam ko lang magaling ka mag acting inenrol na sana kita sa artist center” sabi niya at tumawa yung binata.
Tumaas ang dalawang kilay ni Abbey at pinindot ang noo ng kaibigan niya. “Sabi ko na nga ba kalokohan nanaman e” bulong niya. “Oh hello Abbey, halika sama ka at ihahatid namin si Raffy kina lolo niya” sabi ni Violeta. “Bakit po tita?” tanong ng dalaga. “Kasi iha magbabakasyon kami abroad ng tita mo, tapos itong si Raffy doon muna sa lolo niya makikitira” paliwanag ni Phil.
“Pero daddy concerned siya sa akin ano? Kita mo ba face niya kanina nung sinabi ko pinapalayas niyo ako?” landi ni Raffy at bigla siya sinikmuraan ni Abbey. “You deserve that anak” sabi ni Violeta at pinisil ang pisngi ng dalaga.
Lumipas ang isang oras nakarating sila sa bahay nina Franco. Walang gustong lumabas ng kotse kaya nagtataka si Abbey. “Bakit?” bulong niya kay Raffy at napangiti ang binata. “May bad blood sila” banat niya. “Don’t say that anak” sabi ni Phil at nakita nila nagbukas ang pinto at lumabas si Franco. “Wag nalang ata” sabi ni Violeta bigla pero ang matanda sumenyas na magmadali sila pumasok.
Nagkatinginan yung mag asawa, “Wow, pinapapasok niya tayo?” tanong ni Phil kaya mabilis sila lumabas lahat ng kotse at pumasok sa bahay. Sabay sabay natulala sina Raffy, Phil at Violeta habang si Abbey all smiles lang nang makita ang apat na matatanda sa loob ng bahay. “Mommy at daddy ano ginagawa niyo dito?” tanong ni Violeta. Si Raphael lumapit sa apat at nagsimula magbless sa bawat isa. “Mga lolo at lola eto pala si Abbey, she is my friend and classmate…and soon to be apo niyo narin” pakilala ng binata kaya nagtawanan yung mga matatanda.
“Abbey, my lolos and lolas. Si Lolo Franco at Lola Esmeralda the parents of my father. Si Lolo Victor Aviles and Lola Wilma Aviles are the parents of my mother. At oo in shock kami bakit sila nandito kasi dedmahan mga to ever since” sabi ni Raffy at bigla siya inakbayan ng kanyang lola. “Halika Abbey, samahan mo kami ni Wilma sa bahay ng kaibigan ko” sabi ni Esmeralda. “Lola! Majhong nanaman!” reklamo ng binata at nagtawanan yung dalawang matandang babae.
Sa kabilang bahay nagtungo ang apat, doon may tatlong matatandang babae na nakaupo na sa harapan ng Majhong table. Naupo sina Abbey at Raffy sa living room at sinindi ang tv. Ang mga matatanda nagkatitigan at sinimulan haluin ang mga pitsa. Nagbaga ang bawat piraso at nagulat si Wilma nang makita sina Raffy at Abbey na agad nakatulog.
“Ano nangyari sa kanila?” tanong niya. “Wag ka mag alala, pinatulog lang namin sila. They will be safe here with my kumares” sabi ni Esmeralda at nginitian ang kanyang mga kaibigan. “Teka are you all witches?” tanong ni Wilma. “Oo lahat kami, safe ang mga bata dito. Tara na sa bahay para makapag usap tayo lahat” sabi ni Esmeralda at nagpaalam na yung dalawa.
Nang makabalik sila sa bahay ay tumayo si Franco at binuksan ang isang pinto sa may sahig. “Doon tayo sa baba para wala makarinig sa atin” sabi niya kaya lahat sila bumaba sa secret stair way at sa ilalim pala ng bahay ay may isang malaking living room na magara. Naupo ang lahat habang si Esmeralda nagdasal ng isang orasyon para sila ay maprotektahan lalo.
“Nagtataka siguro kayo bakit namin kayo lahat pinatawag. Pero bago sa lahat ay nais namin humingi ng tawad sa inyo. Hindi totoo na we hate you Violeta, I explained already to your parents about the whole situation. Pero kailangan ko ulit ipaliwanag sa inyo bakit namin nagawa ni Esmeralda ang lahat ng yon” sabi ni Franco.
“Mga anak alam namin we caused you so much pain thinking we didn’t approve you marrying Violeta. Sorry talaga pero ganito kasi yon. Alam niyo naman we started to change when Raffy was born diba? Okay pa kami nung mag boyfriend at girlfriend pa kayo hanggang kasal at pagbubuntis” sabi ni Emseralda.
“When Raphael was born…I sensed at once may magic powers siya” sabi ni Franco at nagulat sina Phil at Violeta. “How is that possible?” tanong ni Violeta at tinignan niya ang kanyang asawa. “Yun na nga e, can you imagine how am I going to explain to the magic community pano nagkaroon ng magic powers apo ko e nanay niya non magic user tapos tatay niya tinanggalan na ng kapangyarihan?” tanong ni Franco.
“Anyway patawad talaga. At isa pa dahil sa incident with Felipe, kinailangan namin na mag acting talaga na ayaw namin sa inyong pagsasama. Para yung mga kalaban hindi na babalakin si Raphael. We had to sacrifice for your protection kaya nagmamakaawa kami ni Esmeralda na patawarin niyo kami” hirit ng matanda.
“Dad naiintindihan namin pero si Raffy inborn magic user?” tanong ni Phil. “Oo anak maniwala kayo sa akin. I really sensed it” sabi ni Franco. “Yung daddy mo agad ako kinausap telling me may problema. He told me Raffy had magic powers, I also sensed it kaya malaking problema ito sabi namin. Kasi that time remember the whole magic world saw you as a monster anak diba? Natakot lahat sa iyo dahil sa powers mo but we all know the truth, you were just protecting Pedro”
“Kaya anak namroblema kami ng daddy mo. Sabi namin if the whole magic community learns that Violeta gave birth to a magic user then sigurado magbabalak sila kay Raffy. For sure iisipin nila na malakas ka talaga at dahil don ilalayo sa inyo si Raphael for testing. So we had to lie and pretend we hated you both. Kinailangan naming panatiliin yung acting na galit kami kasi non magic user asawa mo at apo namin. Thank God they believed” paliwanag ni Esmeralda.
“Pero two days after nung bumisita kami sa ospital, Raffy’s powers were gone. I saw the four legendary witches there all together. Very rare diba? Una inisip ko dinetach nila magic body ni Raffy pero hindi e. Walang wala natira sa apo ko that time. Hindi kaya gawin ng mga witch yon. Ang tanging makakagawa non ay isang powerful wizard lang. Pero eto maganda sa lahat, para hindi magmalabis ang mga wizard hindi nila kaya alisin ang magic body basta basta”
“They need to enter the mind of the being. Kailangan nila pumasok pa sa isipan ng tao. Wala silang kapangyarihan gawin yon, mga bruha lang ang may kaya pumasok sa isipan. So connect the dots, the four legendary witches were there, natanggal magic body ni Raffy. Ibig sabihin may pumasok sa isipan ni baby Raphael at tinanggal ang magic body niya”
“Di ko alam ano rason, siguro para protektahan din kayo. Alam niyo dati theory ko lang ito pero may itatapat ako sa inyo Felipe at Violeta. Lately si Raphael inatake ng isang strong magic user. Raffy almost died, he went into a coma” kwento ni Franco at napatayo sa galit si Felipe. “Bakit ngayon ko lang nalaman ito!!!” sigaw niya at pinapakalma siya ng kanyang asawa.
“I took care of it. Nakita mo naman he is okay now. I had to use all my connections to find the new four legendary witches para gamutin siya kasi hindi nakayanan ng mga resident healers ng mga schools. Felipe, Raffy survived the Phoenix flame” sabi ni Franco at napanganga si Phil at di makapaniwala. “Imposible!” bigkas niya. “Yes anak, he did survive the Phoenix flame. Alam mo naman yon, once natamaan ka abo ka agad. Pero look your son is okay”
“Felipe your son has a magic body again” sabi ni Franco. “What the hell is happening here?” tanong ni Phil at hinaplos niya ang kanyang noo. “We were at the school clinic, siya lang ang pwede makapasok don. Siya din sigurado ang nag alis sa magic body ng anak mo, pero ngayon sinoli na niya. I don’t know why, maybe Raffy needed it to get healed. Di ko na masasabi” sabi ng ama niya.
“Siya? Are you serious? Are you saying that Raffy is that lucky?” tanong ni Phil. “In the grand event nagpakita siya kina Abbey at Raffy. He gave Raphael his magic wand and dragon robe. He gave Abbey his golden dragon bracelets” sabi ng matanda at napanganga sa tuwa si Phil at inalog talaga ang kanyang utak. “Oh wow, ha? Wala ako masabi” bigkas niya. “Hon whats wrong? What does that mean at sino siya?” tanong ni Violeta.
“Mamaya mo na ikwento anak. Now, going back to nung baby pa si Raffy. Hindi ako nakuntento kaya nagresearch ako. I found out that Violeta is a magic user” sabi ni Franco. “No I am not!” sigaw n Violeta. “Pati nanay at tatay mo magic user” hirit ng matanda. “Sigurado ako hindi” sabi n Victor.
“Victor, Wilma, its alright you can tell them the truth or ako nalang kung gusto niyo” sabi ni Franco at napatingin si Violeta sa kanyang mga magulang. “Hindi naman sa ginusto namin itago sa iyo yon anak. We decided to have our powers cut off before you even born” sabi ni Wilma.
“Ano? So magic users kayo? That means magic user din ako? But why did you have them cut off?” tanong niVioleta. “Kailangan ko pa ba sabihin?” tanong ni Victor na niyuko ang kanyang ulo at huminga ng malalim. “Oo kailangan mo para malaman nila ang lahat. Wala ka naman dapat ikahiya e. Your father has changed” sabi ni Franco.
“Si lolo? Dad ano ba talaga?” tanong ni Violeta. “Lolo Verardo mo was one of the dark warlocks. Makapangyarihan siya pero lahat ng ginawa niya ay kasamahaan. Dahil hindi siya napili bilang elder nagrebelde siya. Dahil don kinampihan siya ng lola mo, sad to say namatay lola mo sa isang gera. Lalong nagwala ang lolo mo pero lagi siyang bigo. Wala siya ginawang tama until one day natauhan siya at sinabi niya kasalanan naman niya lahat”
“Pero it was too late, kasi pinaghahanap na siya…pinaghahanap na kami. Binata na ako noon at magnobyo at nobya na kami ng mommy mo. Lolo mo decided in order to keep us safe and live normally he detached my magic body and changed my name. Verardo Silva, ako si Victor Silva pero ginawa nalang namin na Aviles. Pinapalitan din namin lahat ng records”
“Mahal ako masyado ng mama mo at pati siya nagpaputol ng magic body niya. Your lolo was right, mas naenjoy namin ang buhay. Mahirap dalhin apelyedo niya that time. Nagtago narin siya at never na namin nakita mula noon. But I know he came back when you were born to detach your magic body. I don’t even know if he is still alive” kwento ni Victor at agad siya niyakap ng kanyang asawa. “Iha, we never meant to lie to you. Bagong buhay na kami, we wanted na di mo na malaman yon so we just told you the stories of how good your lolo was. Sa totoo mabait naman siya” sabi ni Wilma.
“He is still alive, I know where he is. Kaya ko kayo pinatawag dito kasi I need his help to attach again the magic body of Felipe” sabi ni Franco. “Dad? Sigurado ka?” tanong ng anak niya. “Iho, I need you to protect your son. Wala na ako maisip na ibang makapangyarihang wizard kung hindi ikaw” sabi ng ama niya. “Felipe mag oo ka, anak natin yan” sabi ni Violeta at nagtawanan ang mga matatanda.
“Of course I will, natatakot lang ako kasi may malaking target pa ako sa ulo ko” sabi ni Phil. “Wala na, I asked permission from the Institute. Protektado ka ng mga elders. No one can touch you now” sabi ni Franco at halos maluha na si Felipe at mga kamao niya nanigas. “Can I teach my son?” tanong niya. “Ikaw bahala, he does not know we have powers. Abbey saw me that day but pinabura na sa memorya about me having powers”
“Payo ko lang wag mo bibiglahin anak mo. Sabihin mo sa kanya ang kwento sa magandang paraan kung hindi baka magrebelde din yan dahil sa ginawa sa iyo. Kung hindi ka lang nakiusap sa akin anak noon pinatay ko sila lahat. Kausapin niyo ng maigi si Raffy kung gusto mo magpakilala at turuan siya, make sure hindi siya maghihiganti o magtatanim ng galit kung hindi anak, malaking problema yan. Anger can shape his magic body. He might become a very dangerous wizard if that happens” sabi ni Franco.
“Just like my lolo” bulong ni Violeta. “There are so many things I want to teach him. Akala ko never na magkakatotoo pangarap ko. Of course I will never let that happen to my son. So kailan kami magpupunta?” tanong ni Phil. “Immediately of course. Dito muna si Raphael. Pasensya na at di ako makakasama baka isipin ni Verardo na nandon ako para huliin siya. That is why Victor and Wilma will accompany you and Violeta. Sigurado ako gusto niya din makita apo niya. Siya lang makakapagbalik ng kapangyarihan mo, wala ako tiwala sa ibang warlocks and witches” sabi ni Franco.
“Pero pano po sina Abbey at Raffy?” tanong ni Violeta. “Kami na bahala sa kanila iha. Ihahatid nalang namin si Abbey mamaya. Tutal matagal ko rin gusto mo mag mall at makibonding sa apo ko” sabi ni Franco at nagtawanan ang mag asawa. “Alam ko plano niyo mag Europe trip pero sana unahin niyo nalang to” pakiusap ni Esmeralda. “Opo mama, pasensya narin po kayo daddy Vic at mommy Wilma” sabi ni Phil. “Apo din namin yan, anything for Raphael. Tara na lets go” sabi ni Victor at may inabot sa kanya si Franco na maliit na papel. “Diyan mo matatagpuan ang tatay mo” bulong niya at nagkamayan yung dalawa.
Long drive ang naganap at pagkarating nila sa ilang liblib na lugar sa Nueva Ecija agad lumabas si Phil para mag inat. “Daddy sigurado ka ba dito yung address?” tanong ni Violeta nang lahat sila nakalabas na. “Oo sigurado ako, ito yung nakasulat e” sabi ni Victor at lahat sila pinagmasdan ang maliit na kubo sa gitna ng bukid. “Diyan nakatira si lolo?” tanong ni Violeta at napangiti si Phil. “May lahi ba kayong dwende o tiyanak?” biro niya at biglang kumidlat ng malakas kaya lahat sila dumapa.
“Kanina ko pa kayo inaantay” sabi bigla ng isang napakatandang lalake na magara ang suot. Tumayo agad si Victor at nagkatitigan sila ng ama niya. Nagyakapan agad yung dalawa, yumakap din si Verardo kay Wilma at pagtapos agad tumalikod at hinarap si Violeta. “Apo ko” bigkas ng matanda at agad yumakap si Violeta at napangiti si Verardo. “Bakit di niyo dinala si Raphael?” tanong niya.
“Pano niyo po alam pangalan ng anak ko?” tanong ni Violeta at si Verardo tinitigan si Phil. “Felipe, ang pakpak ni Pedro. Sayang ka iho pero bilib ako sa iyo. Napahanga mo ako at my grand daughter deserves you. Bweno tara na doon at alam ko bakit kayo nandito, tulad ng sinabi ko kanina ko pa kayo inaantay” sabi ng matanda at paglingon ng lahat ang maliit na kubo biglang naging mansyon. “Wala naman yan kanina” bulong ni Phil. “Of course, I only choose the people who can see where I live. Come on follow me” sabi ni Verardo at agad inakbayan ang kanyang anak na si Victor.
Halos maluha ang apat pagpasok sa bahay pagkat punong puno ito ng mga litrato nila. Kasala nina Victor at Wilma, nung bata hanggang pagdalaga ni Violeta. Pagkasal nila ni Phil at mga litrato ni Raphael sa mga tae kwon do matches niya. “Wow..lolo pano ka nagkaroon ng mga pictures?” tanong ni Violeta. “Yung mga iba ninakaw ko sa mga bahay niyo, mga picture ni Raphael e natuto din ako gumamit ng digital camera” sabi ni Verardo at napatawa tuloy ang lahat.
“Yang mga litrato na yan magpapaalala sa akin tungkol sa mga mali na nagawa ko. Hanggang tingin nalang ako, mahirap mabuhay mag isa ngunit kasalanan ko naman ito. Pinagbabayaran ko na ang lahat ng masamang nagawa ko” sabi ni Verardo at naupo ang lahat at nagkwentuhan muna.
Nagluto si Violeta at Wilma habang ang mga boys nagkaroon ng konting inuman. Pagkatapos kumain ay nagtuloy ang kwentuhan. Inabot sila ng hating gabi at nagpasya na ang lahat na matulog na. Pinaiwan ni Verardo si Phil, nagtungo yung dalawa sa isang maliit na kwarto kung saan may maliit na kama. “Mahiga ka na at ibalik na natin. Para pag gising mo ayos ka na. Ipapaalala ko lang masasaktan ka kaya lakasan mo lang loob mo” sabi ng matanda.
Nahiga si Phil at agad nagdasal ang matanda at pinatong ang mga kamay niya sa dibdib ng asawa ng apo niya. Sa kalagitnaan ng dasal napasigaw si Verardo at napabitaw. “Ano nangyari?” tanong ni Phil. “Kinakalaban ako ng dragon power mo. Mukhang mahihirapan ako. Tulungan mo ako, wag mo labanan kapangyarihan ko” sabi ng matanda kaya umulit sila.
Sigaw ng sigaw sa sakit si Phil, pinagpawisan ng husto si Verardo pagkat lumalaban talaga yung kapangyarihan ng dragon. Pagkatapos ng isang oras nagtagumpay sila. “Ganyan talaga yan, hindi ka makakagalaw sa umpisa. Dito ka nalang matulog, magpahinga ka at pag gising mo lahat ng kapangyarihan mo dati babalik na sa iyo” sabi ng matanda at lumabas na ng kwarto.
Sa dilim naglakad si Verardo, tumigil siya at huminga ng malalim. “Violeta sigurado ka ba sa gusto mo?” tanong niya at nagulat ang apo niya at dahan dahan lumapit. “Yes lolo” sagot niya. “What for iha?” tanong ni Verardo. “I want to protect my son too. Alam ko mas madami siyang alam kasi magiging beginner ako pero at least masasabi ko na I tried. I am willing to learn. I don’t want to lose them both” sabi ni Violeta.
“Baka hindi mo magustuhan ang magiging kapangyarihan mo” bulong ni Verardo. “I don’t care basta matulungan ko sila. At gagaan loob ni Raffy pag nalaman niya dalawa kami ng papa niya magic user” sabi ni Violeta. “Mom and dad can teach me” hirit niya at napaisip si Verardo at napalunok.
“Pag nalaman ng lahat may kapangyarihan ka. Maaring bubusisihin ka. Magtataka sila bakit kinailangan itago ang sikretong yon. Malalaman nila ang katotohanan tungkol sa nanay at tatay mo at eventually makikilala nila sino ang lolo mo” sabi ng matanda.
“There might be a chance people will hate you because of what I have done in the past iha. Are you sure handa ka harapin ang araw na yon? Lalong magiging target si Raphael” dagdag ni Verardo. “Alam ko po yon, pagdating ng araw na yon kaya ko naman na siguro protektahan ang pamilya ko. Gagawin ko ang lahat para hindi ako mabuking. Hindi ko pwede iasa lahat sa asawa ko ngayon alam ko may kapabilidad din pala akong nakatago” sabi ni Violeta at napangiti lolo niya.
“Violeta, ipangako mo na di mo gagamitin kapangyarihan mo sa paghihiganti” sabi ng matanda. “Opo lolo, alam ko po ang ibig niyo sabihin. Wag po kayo mag alala. I now know my son was born to greatness, and one day lolo siya din ang magiging paraan para malinisan ang pangalan niyo para matanggap narin kayo ng lahat” sabi ni Violeta at agad humarap si Verardo at niyakap ang apo niya.
“Di ko na kailangan matanggap ng lahat, alagaan niyo lang maigi si Raphael. Panatiliin niyo siya sa daan na matuwid. Ang tagumpay niya tagumpay ko narin. In him I shall see what I could have been capable of if I chose the right path. My blood runs through his vein, lagi niyo siya gabayan” bulong niya.
Kinabukasan nagising si Violeta, masakit ang buong katawan niya kaya pagdating niya sa salas ay agad siya tumumba. Mabilis siya binangon ni Victor at Wilma, nagulat ang mag asawa nang makita ang pagbabaga ng mata ng kanilang anak. “Diyos ko Violeta what did you do?” tanong ng nanay niya. “Ayaw ko na po magrason, turuan niyo nalang po ako” sagot ni Violeta at napailing ang mag asawa.
Lumabas sila ng bahay at nagnerbiyos si Violeta pagkat naglalaban sina Felipe at Verardo sa bukid. “Relax they are having a friendly duel. Tinutulungan ng lolo mo asawa mo masanay ulit sa kapangyarihan niya” bulong ni Victor. Napahanga si Violeta at napangiti. “He would just tell me stories about him fighting. Totoo pala lahat ng sinabi niya” bulong niya pagkat kita niya gaano kabilis at kaliksi ni Phil na umiiwas sa mga atake ni Verardo.
Sa kalagitnaan ng laban napatigil si Phil at tinignan ang asawa niya. Lumapit siya at nanginig si Violeta. “I can explain” bulong niya. “You don’t have to, halika turuan kita basics. Lolo salamat sa duel ha” sabi ni Phil at hinila ang asawa niya sa gitna ng bukid. “Hindi ka galit sa akin?” tanong ni Violeta. “Bakit ako magagalit?” sagot ng asawa niya.
“E kasi baka makakadagdag pa ako sa problema e” lambing ni Violeta. “No hon, the more people I need to protect the more powerful I become. Ano pa ngayon pamilya ko ang prinoprotektahan ko. At happy ako kasi we can share something new, everything is okay now” sabi ni Phil at nagngitian yung dalawa.
“Hon, mag isip ka lang ng pasulot natin sa anak natin ha” hirit niya at nagtawanan yung dalawa.
Chapter 24 Lineage