Sa loob ng isang kweba sa isang isla malapit sa Pilipinas may limang mga lalake ang nagpupulong. Si Gustavo nakasandal sa upuan at hinihimas ang kanyang dibdib, bukas parin ang kanyang sugat at si Froilan nasa tabi niya at titig na titig sa kanyang dibdib. “Sir masakit ba?” tanong ng binata. “Ano sa tingin mo? Kung ikaw kaya laslasin ko ng ganito kalalim at wag mo din hilumin?” sagot ng matanda at natawa si Oswaldo at yung dalawa pa nilang kasama. “Kung di kasi tatanga tanga sa pagplano mo e di hindi ka inabot ng ganyan” kantyaw ng dating assistant head ng magical institute. “At kung hindi ka din mahina e di sana nandon ka parin sa institute. Ayan alam na ng lahat kung sino ka talaga” sumbat ni Gustavo. “Walanghiya ka tinulak mo ako! Ikaw dapat yung tinosta nung batang yon!” sigaw ni Oswa

