Ilang araw ang lumipas halata ang excitement sa buong campus pagkat iisa nalang ang natitirang duel bago yung grand championship. Nakatingala sina Raffy at Abbey at pinagmamasdan nila yung scoreboard. “Kawawa naman sina Gerard no? No wins and four loses” sabi ng dalaga. “Well sana hindi sila madismaya para sumali pa sila next year. Sina Armina one win and three loses” sabi ng binata. “Magmamayabang nanaman sigurado si Teddy, no loses sila pero for sure nagwawala na si Adolph ngayon” sabi ni Abbey. “Pero close fight yon ha, akala ko mananalo sina Adolph don. Madami din palang tinatagong alas si Teddy at Stanley” sabi ni Raffy. “Kinakabahan ka ba na last fight natin sina Adolph at Homer?” tanong ng dalaga. “We are tied with two wins and one loses each, maya kaba ako konti kasi we really hav

