Naglakad lakad si Raffy sa labas ng university tila tuliro at wala sa sariling isip. Lumipas ang isang oras tumayo siya sa may dead end at sakto paparating ang matandang guro na may mahabang buhok. Bumagal ang lakad ni Peter nang makita niya si Raffy at napahawak siya sa kanyang makapal na kwintas nang lumapit ang binata.
“Kilala kita!” bigkas ni Raffy. “Iho nagkakamali ka ata. Ngayon lang kita nakita” sabi ni Peter. “Oo kilala kita! Ikaw yung vocalist ng isang banda. Ano na ba pangalan ng band niyo?” sabi ng binata at natawa ang guro at napakamot. “Iho talagang nagkakamali ka” sabi niya. “Pwede ba humingi ng autograph mo? Please? Star struck ako talaga kasi ngayon lang ako makakita ng rockstar up close. Please sir” makaawa ni Raffy.
Tinitigan ni Peter ang binata sabay hinaplos niya ang noo ni Raffy. “May sakit ka ata iho, gusto mo dalhin kita sa ospital para ipatingin?” tanong niya pagkat medyo guilty siya sa nagawa niya kahapon at iniisip baka nasiraan na ng bait ang binata. “Bakit ba lahat ng makikita ko ngayon yan ang sinasabi? Lahat sinasabi may sakit ako” tampo ni Raffy sabay nagsimangot at tumalikod.
“Ah iho kasi itsura mo parang may sakit ka e. Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?” tanong ni Peter. “Well to be honest oo e” bulong ng binata at pasimpleng ngumiti. Kinabahan na ang guro at inakbayan ang binata. “Ah ano naman nararamdaman mo?” tanong niya. “Kahapon umuwi ako di ko namukaan parents ko. Pero after one hour ng sermon natauhan ako. Pero kaninang umaga di ko nanaman sila nakilala” kwento ng binata.
“Tapos kanina din sa enrollment nung pipirma ako hindi ko alam pangalan ko. Tapos hindi ko pa alam bakit ako nandon. Sorry ha pag napagkamalan kitang rockstar. Baka sinusumpong nanaman ako. Di naman ako ganito e. Di ko alam ano nangyari sa akin. Teka po tatawagan ko ata tatay ko para magpasundo nalang” drama ni Raffy at naglabas siya ng nakafold na papel at dinikit ito sa kanyang tenga.
“Hello daddy?” bigkas niya at lalong sumama ang loob ni Peter at naawa na sobra sa binata. “Wala ata signal tong phone ko, teka itetext ko nalang” sabi ni Raffy at hinawakan ang papel pero biglang natauhan sabay tumawa. “Hindi ko naman telepono ito e!” sigaw niya at nakitawa kunwari si Peter at muling inakbayan ang binata.
“Iho sama ka sa akin, kasalanan ko lahat ito” sabi niya. “Ha? Excuse me! Bitawan mo nga ako. Bakit mo ako inaakbayan? Ikaw ha! Bading ka ano? Akala mo maloloko mo ako ha!” sigaw ng binata at napaatras si Peter. “Hindi iho, I can help you get better” sabi niya. “Weh! Get better your face! Style mo! Hindi ako uto uto” sabi ng binata. “Raffy, name mo yon diba? Come I really can help you pero not here. Kailangan natin pumasok sa school” sabi ng guro.
Nanigas konti si Raffy at natulala. “Uy nasan na autograph? Binibigay ko sa iyo yung papel ayaw mo naman pirmahan. Sige na, ngayon na nga lang ako makakakita ng rockstar nagdadamot ka pa. Sige naiintindihan ko, porke sikat na kayo di na kayo mareach” drama ng binata at muling tumalikod. “Sige pipirmahan ko yan pero kailangan mo sumama sa akin. Sama kita sa practice session naming” sabi ni Peter.
Nagliwanag ang mukha ni Raffy at pumayag nang magpaakbay. “Talaga? Practice session? Makikiala ko din band mates mo?” tanong niya. “Oo halika na” sabi ni Peter at nagtungo sila sa dingding, lumingon sa paligid ang guro at nang wala makitang tao pumasok na sila ni Raffy.
“Holy wow! Ano nangyari? Nasan na tayo? Pano tayo lumusot don?” tanong ng binata. Napakamot si Peter pero biglang tumawa ng malakas ang binata at tinitigan siya. “Okay ba sa acting sir Peter?” banat ni Raffy at nagulat ang guro. “Anong acting? Oh no, don’t tell me hindi ka nasisiraan ng bait?” tanong niya at lalong natawa si Raffy. “Oh yeah, I remember everything” sabi ng binata at dahan dahan lumayo sa guro.
“Labas!” sigaw ni Peter. “Hindi! Kikilalanin ko muna si Abbey. See I even remember her name. Ano sabi mo kahapon? I doubt if you will remember her name after I erase your memory. Weh!!!” banat ng binata sabay tumakbo ng mabilis papasok ng campus. Humabol si Peter kaya lahat ng estudyante napatingin sa kanila.
“Abbey!! Abbey!!” sigaw ng binata habang tumatakbo. “Walanghiya ka bumalik ka dito” sigaw naman ni Peter at naaliw ang mga estudyante pagkat kita nila ang gigil sa mukha ng kanilang propesor. Paikot ikot yung dalawa sa campus grounds nang may sumigaw sa pangalan ng binata. Paglingon ni Raffy nakita niya si Giovani kaya kinawayan niya ito.
Sa center ng campus tumigil si Raffy at napatigil din ang hingal na hingal na Peter. “Hmmm hinahabol mo ako? E pwede mo naman ako gamitan ng powers. Hmmm interesting fact. Tapos pwede mo naman utusan mga students mo na pigilan ako pero di mo ginawa. Hmmm kasi mapapahiya ka dahil ikaw nagpasok sa akin dito” bulong ni Raffy sabay sumabog sa tawa at muling tumakbo ng mabilis.
“Yan si Raphael, transfer student galing sa kabila” pasikat ni Giovani at kay daming estudyante lumapit sa kanya. “Totoo ka? Galing sa kabila?” tanong ng isang dalaga. “Oo galing siya sa kabila” sabi ng binata sabay inayos ang salamin niya at ngumisi. “At kaibigan ko siya” pahabol niya at nabilib ang iba sa kanya.
“Sa kabila? Hala e di malakas siya?” sabi ng isang binata. “Scary ang taga Norte no, grabe bakit siya nag enroll dito?” sabi naman ng isa pang dalaga. “Well sabi ni bestfriend Raffy...uy pero secret lang natin to ha” bulong ni Giovani at lahat lumapit sa kanya para makinig. “Sabi ni bestfriend ay pinunta siya dito para daw maengganyo tayo mag exert effort. Kasi medyo napagiiwanan na tayo sa magic” sabi niya at nagulat ang lahat. “Gaano ba sila kalakas?” tanong ng isang dalaga. “Trust me he is very strong, really very strong” banat ni Giovani at nangilabot ang kanyang mga schoolmates.
Hindi makahabol si Peter sa bilis ni Raffy. Ang binata mala ballerina pang tumatakbo habang sinisigaw ang pangalan ni Abbey. Nang makaabot ulit siya sa gitna ng campus ay may malakas na kidlat ang biglang tumama sa harapan niya. Napatalsik si Raffy konti at pagtingin niya sa bubong ng isang building nakita niya ang isang matangkad na kulot na binata. Umuusok pa ang mga kamay nito at may mga kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Titigan yung dalawa ng matagal hanggang sa nakalapit si Peter at hinila si Peter.
“Mister Javier! Ilang beses namin sasabihin sa iyo na you don’t use magic to kill or hurt people!” sigaw ni Peter. “I didn’t hurt him or kill him. I just helped you stopped him. Pag ginusto ko siya patayin bangkay niya na ang buhat niyo sir” sagot ng kulot na binata sabay ngumisi. “Mayabang ka!” sigaw ni Raffy sabay tinuro ang binata sa bubong. “Hinahamon mo ba ako? Game! Tara ngayon na!” sagot ni mister Javier.
“Trespassing ka nga balak mo pa mag suicide ata. Di ka tatagal ng isang minuto sa kanya with or witout powers. He is one of our top students” bulong ni Peter sabay kinaladkad si Raffy palayo. “Bitawan mo nga ako, mayabang yan e” sigaw niya at pumiglas siya at nahawakan ang kwintas ng guro. May malakas na liwanag ang biglang sumabog kasabay ang malakas na sigaw ni Peter na napatapis palayo.
Gulat na gulat ang lahat ng estudyante, pati si mister Javier sa bubong biglang nangilabot konti. Si Raffy napanganga at tinignan ang mga kamay niya. Nilapitan niya agad ang guro pero si Peter biglang tumayo at pinulot ang putol na kwintas at tumakbo papasok ng building. Napakamot si Raffy pero bigla siyang sinugod ni Giovani at pumapalakpak.
“Wow pare! Napatumba mo si sir Peter!! Ikaw palang unang nakatalo sa isang propesor!” sigaw ng binata at kasunod niya ang ibang mga estudyante para lapitan ang dayo. “Ha? Ah hindi, ah wala yon no” sabi ni Raffy at dinumog talaga siya ng mga mag aaral at si Giovani proud na proud umakbay at pinasikat ang kaibigan niya. “O eto si Raffy, transfer student galing sa Norte!” sigaw niya sabay titig kay mister Javier na nasa bubuong.
Si Raffy nabibingi na sa dami ng mga tanong pero tumingin siya sa bubong at nakipagtitigan muli kay mister Javier. “Ano boy kidlat?! Baba ka diyan laro tayo!” hamon niya pero tumalikod lang ang kulot na binata at naglakad palayo. “Ano ginamit mong spell kay sir? Ang lakas non ha” sabi ng isang dalaga at napakamot si Raffy at napapaisip. “Ah complicated yon e, ah bale halo halo kasi malakas si sir Peter” banat niya at lalong nabilib ang mga estudyante sa kanya.
Samantala sa loob ng building sumugod si Peter sa opisina ng principal. May matandang babae na busy sa computer na galit na tumayo. “Di ka ba marunong kumatok Pedro?” tanong niya. “Sorry madam pero may problema tayo” sabi ng propesor sabay pinakita ang putol niyang kwintas. “Oh my pano nangyari yan?! This is bad Peter!” sigaw ng matanda at agad nilapitan ang guro.
Pumalakpak ang matandang babae at agad sila napalibutan ng mahiwagang bolang asul. “Temporary itong mahika na ito kailangan maibalik yang kwintas mo sa leeg mo. How did this happen?” tanong ng matanda. “Yung dayo, si Raphael, hindi nabura ang memorya niya at nauto niya ako. Akala ko nasiraan siya ng bait dahil sa ginawa ko kahapon kaya dadalhin ko sana siya sa inyo para ayusin yung mali ko”
“Kaya pala nag acting lang siya para makapasok dito. Naghabulan kami, mister Javier shot a thunderbolt to stop him, don’t worry napaupo lang siya at nung kinakaladkad ko siya palayo nahawakan niya kwintas ko at eto naputol” kwento ni Peter at natulala ang matanda. “Hinawakan lang niya? Naputol na?” tanong ng principal at hiyang hiya ang propesor.
“Pedro itong kwintas na ito hindi pwede sirain kahit sino pang napakalakas na nilalang. This necklace is forged by magic and only the one who wore this on your neck has the power to remove it. Siya lang ang may kapangyarihan na ganon…so do you know what this means?” tanong ng matanda at nagkatitigan yung dalawa.
“Imposible! Baka may anomalya lang na nangyari. Baka nasira ang kwintas dahil sa old age” sabi ni Peter. “Wag mo ako patawanin Pedro. Where is the boy now?” tanong ng matanda. “Nasa field” bulong ng propesor sabay niyuko ang kanyang ulo. “Alam ko pareho tayo ang iniisip, there is only one way to find out pag totoo hinala natin. Pag naayos niya ang kwintas at naibalik sa iyong leeg then…” sabi ng matanda. “Then what?” tanong ni Pedro pero biglang naglaho ang principal sa harapan niya.
Sa gitna ng campus bidang bida parin si Raffy. Sumulpot bigla sa tabi niya ang matandang babae at lahat ng estudyante napaatras at binate ang kanilang principal. “Excuse me everyone may I borrow Rapahel for a moment” sabi ng matanda at hinawakan ang braso ng binata at bigla sila nawala.
Sumulpot yung dalawa sa loob ng mahiwagang bola kung saan naiwan si Peter. “Wow! Astig! Pumikit lang ako nasa ibang lugar…oh patay…grandma naman kakatayin ako ni sir dito sa loob ng magic ball” sabi ni Raffy nang makita ang galit na propesor. Natawa ang matanda at tinapik ang binata sa balikat.
“Raphael, my name is Hilda Linares, ako yung principal dito. This is professor Pedro Hizon” pakilala ng matanda at napangisi ang binata. “Pedro pala huh, Pa Peter Peter ka pang nalalaman” bulong niya at lalo nanlisik ang mga mata ng guro. “Granmama look he is trying to kill me. Sorry po kanina hindi ko alam ano nangyari. Siguro si kulot yon sa bubong. Wala naman ako powers para sa ganon sir” sabi ni Raffy habang nagtatago siya sa likod ni Hilda.
Natawa ang matanda at kinuha ang kwintas sabay inabot kay Raffy. “Iho alam mo dito sa school namin pag may sinira ka dapat ayusin mo” sabi ni Hilda kaya kinuha ng binata ang kwintas at pinagmasdan ito. “Opo aayusin ko na po. Madali lang naman o nabinat lang yung lock kaya natanggal. Grabe naman di pa ba magawa ni Sir Pedro ito? Pero I understand, its part of your values formation so aayusin ko to” bulong ng binata.
Nanlaki ang mga mata nina Hilda at Peter nang kay daling naayos ng binata ang kwintas. Agad sila nagtitigan at di parin makapaniwala. “O ayan, tapos na. Baka gusto niyo ako narin magsuot nito sa leeg niya grandmama?” banat ni Raffy. “Ah…oo iho sige nga pakisuot nga sa kanya” sabi ni Hilda. Tumayo si Raffy sa likuran ni Peter, “Mababa siguro sahod dito kaya di mo afford magpagupit” bulong niya at natawa ang principal.
Tinaas ni Peter ang buhok niya at kay dali rin naisuot ng binata ang kwintas sa kanyang leeg. Agad naglaho ang mahiwagang bola at muling nagtinginan sina Hilda at Peter. “Iho, this school is a school of magic. Hindi alam ng pangkaraniwang tao ito. Pero ngayon na alam mo may malaki tayong problema” sabi ni Hilda at dahan dahan naglakad paatras si Raffy. “Ayaw ko na po yung buburahin niya memory ko” sabi niya.
“Of course I wont let him. Since nalaman mo na ang tungkol sa school namin, how would you like to study here?” alok ng principal at nagulat pareho sina Peter at Raffy. “Ako po? Mag aaral dito? E wala po akong magic grandmama” sabi ng binata. “Ah I see, okay pero balita ko kaya ka pumasok dito para makilala yung isang babae? Si Abbey?” landi ng matanda at napakamot si Peter at napailing. Super ngiti ni Raffy at naglakad lakad, “Hmmm grandmama you are tempting me” bulong niya.
“I can introduce you to her” sabi ni Hilda at napangiti nanaman si Raffy. “Pero ako na mismo magbubura sa memory kasi iho this school has to remain a secret” sabi ng principal. “Nakita ko kahapon that students duel here. Grandmama mapapaaga pagpapakilala ko kay Lord kung mag eenrol ako dito. Ang lupit naman ng tadhana o” drama ng binata at muling naglakad lakad sabay tumigil at huminga ng malalim.
“Kung namatay ako maaga…worth it naman kasi at least nakilala ko siya. Kesa naman burado memory ko sa labas tapos nasaksak ako ng adik. Pagpunta ko langit malungkot ako, pero pag namatay ako sa duelo dito at least happy ako pagtungo ko sa langit kasi may magandang alaala na nakilala ko siya. Tapos baka maging kaklase ko pa siya o e di more happy memories. So grandmama pano ba enrollment dito at masimulan ko na?” bigkas ni Raffy.
“Iho all you have to do is say yes then enrolled ka na dito” sabi ni Hilda. “Yes!” sigaw ng binata at muling napakamot si Peter. “Okay then, iho let me tell you we don’t follow the usual standards here. Alam ko sa labas ikaw ay first year college? Tama ba? Pero dito iho iba ang standards. Students start at grade one, we have up to grade ten here. Then Junior and Senior highschool and then four years of college” paliwanag ni Hilda.
“Ha? Highschool ulit ako? And how did you know my name at pano mo nalaman na first year college ako?” tanong ni Raffy. “Its magic iho, anyway in terms of Academics yes, and don’t worry wala kang namiss. Pero in terms of magic lesson, you already missed ten years of schooling” sabi ng principal. “Ten years nga pero wala talaga ako magic e” drama ni Raffy. “Kaya nga tinatawag na school ito diba? We teach and you learn. All the students enrolled in this school have inborn magic kaya mas madali sila turuan” sabi ni Hilda.
“Are you saying kaya ko matuto kahit wala akong inborn magic?” tanong ni Raffy. “Mission impossible” banat ni Peter kaya natawa ang principal. “Well iho there is only one way to find out diba? This will be a big challenge for us professors” sabi ni Hilda. “Grandmama you better teach me well…ayaw ko pa po mamatay e” bulong ng binata at nagtawanan yung dalawang matanda.
“So grandmama, are you saying this school is also like a normal school pero may side lessons of magic? So ano naman courses ng college niyo dito?” tanong ng binata. “Saka ko na ipapaliwanag yon iho. For now you have to go home and tell your parents about this. Pero take note, you cant tell them about this school. You just say you want to enter an international standard school” sabi ng principal.
“Malaking problema yan. Pano po kung gusto nila bisitahin tong school?” tanong ni Raffy. “Kami na bahala don if that time comes. Just say nag enroll ka sa isang international school. Do not tell a lie, pag naipit ka invite them here at ako na bahala” sabi ng principal.
“Pero grandmama, kinakabahan parin ako. What if hindi ako matuto?” tanong ng binata. “Iho di kita papabayaan. I will assign you a really good professor to look over you” sabi ni Hilda. “Oh talaga po? Sino po?” tanong ng binata. “I will look over him” sabi bigla ni Peter at nagulat ang principal at napangiti. “Patay gagantihan ako nito” bulong ni Raffy. “Iho Pedro is the strongest professor that we have and he knows what happened a while ago was just an accident” sabi ni Hilda.
“If you want to learn then I am willing to teach you. Wag lang matigas ang iyong ulo take note mission impossible itong gagawin ko. I will do my best to teach you the ten years you missed. You will enter your normal classes, for sure mahihirapan ka kasi wala kang alam. So choice mo kung magmamatigas ulo ka then wala ako maituturo sa iyo. Pag nangyari yon, ipapahiya mo lang sarili mo sa mga kaklase mo at sigurado mamatay ka pag nakipag duel ka” sabi ni Peter.
“Oh yeah! Gusto ko matuto! Sige po pero ayaw ko po sana dumaan sa grounds pag lalabas ako. Kasi dudumugin nanaman ako ng iba at madami silang tanong” sabi ni Raffy at pinindot lang ni Peter ang noo ng binata sabay ngumisi. “Bye bye” bigkas niya at agad nawala ang binata.
Naupo ang principal sa harapan ng kanyang lamesa habang si Peter palakad lakad at kumakamot. “Nakakagulat ka naman at nagvolunteer ka maging mentor niya” sabi ni Hilda. “Proven naman na diba? Naayos niya yung kwintas at naisuot niya sa akin. Bestfriend ko tatay niya and I owe him my life. Sapat lang na ako mag alaga sa kanya dito” sabi ni Peter.
“Pero Pedro wala ako masense na kahit konting magic power sa batang yon” sabi ni Hilda. Huminga ng malalim si Peter at naupo. “Alam ko, ramdam ko din na wala kaya nga sabi ko mission impossible. Pero the mere fact natanggal niya kwintas ko at naibalik ng maayos makes it more strange. Pero anak ni Felipe si Raffy so malay natin baka meron” sabi niya.
Sumandal si Hilda at huminga ng malalim. “Pedro at Felipe, I was the proudest professor at naalala ko pa ang bawat segundo ng mga araw na yon” sabi niya sabay ngumiti ng malaki at parang nakikiliti. “Pero manang mana siya sa tatay niya ano?” tanong ni Peter at nagtawanan yung dalawa. “He calls me grandmama, si Felipe dati grandpapa tawag niya kay Principal Montero at iritang irita siya” sabi ni Hilda.
“At ikaw ayos lang na tawagin ka niyang grandmama?” tanong ni Peter. “Masaya ako, kasi lalo ko naalala si Felipe tuwing naririg ko yon. Unang sabi palang niya halos maiyak na ako sa tuwa. Para ko kayong anak ni Felipe, ang I do miss him a lot. Ang dami niyang sinakripisyo para sa ating lahat. Buhay pa tong school natin dahil sa kanya” kwento ni Hilda at sabay yumuko yung dalawa.
May nilabas na papel si Hilda sa drawer niya at bigla niya ito pinunit. “Alam mo magreresign na sana ako bilang principal. Tapos ikaw yung sinuggest kong papalit sa akin. Pero I change my mind, six more years is not bad” sabi niya. “Bakit parang excited ka?” tanong ni Peter at tumawa si Hilda. “Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba. Binuhay ng batang yon ang katawang lupa ko” banat ng matanda at muling nagtawanan yung dalawa.
Samantala sa kwarto ni Raffy tuwang tuwa siya pagkat doon siya sumulpot. Huminga siya ng malalim at bumaba sa living room para hanapin ang kanyang mga magulang. Sa salas magkatabi nakaupo ang mag asawa habang nanonood ng telebisyon. “Mom, dad I have to tell you something” sabi ng binata at napasigaw ng todo si Violeta sa gulat.
“Nandito ka? Pano? Di kita nakita pumasok” sabi ng nanay niya. “Shhh hon relax this is a good sign” bulong ni Phil. “Ah bukas po yung backdoor. May importante po akong sasabihin” sabi ni Raffy at naupo siya. “Naka enroll ka na ba?” tanong ni Phil at napabuntong hininga ang binata.
“Opo dad pero…nag enroll po ako sa isang international school. Kasi po gusto ko yung international level ng utak. So bale Junior highschool ulit po ako. Kasi po hanggang grade ten po doon then junior and senior high bago pumasok sa college na meron din po sia. E yun na nga po sana ang sasabihin ko po sa inyo e” sabi ni Raffy.
“Good choice anak” sabi lang ni Phil at humarap sa telebisyon. “Yes indeed a good choice iho” sabi ni Violeta. “Ha? Wala kayong violent reaction man lang? That means dagdag pong two years na pag aaral ko” sabi ng binata. “Oh whats the problem? Kung ikabubuti mo then happy kami ng mama mo na pag aralin ka ng two more years” sabi ni Phil.
“So okay lang?” tanong ni Raffy. “Anak, sinasabi nila napagiiwanan na daw ang Pilipinas in terms of education. Sabi ng mga mambabatas dagdagan years sa schooling pero madami may ayaw kasi yung pera ang iniisip nila. Kami ng papa mo very happy at ikaw na mismo nag exert ng effort iho. Kasi tignan mo ang graduate dito hindi agad makapagtrabaho sa abroad dahil di credited kahit good school na. Kasi may kulang daw. Pero ikaw if you complete and international standard then its easier for you to get work abroad if ever magdecide ka magwork doon. So walang problema” sabi ni Violeta.
“Yes! Thank you so much!” sigaw ni Raffy at masaya siyang umakyat sa kanyang kwarto. Pag akyat ng binata tumayo si Phil at binomba ang dalawang kamay sa ere at nagtatalon. Tawa ng tawa si Violeta at nakipagsaya sa kanyang asawa. “You seem very happy” bulong niya.
“Alam mo may five major happy events ako sa buhay. Take note major ha, pero every day is a happy day with you. First major happy event ko is when you said yes to me. Second was nung nag yes ka ulit nag propose ako. Third was nung nagyes ka sa kasal natin. Then nung napanganak si Raffy and today”
“This is vindication for us. My heart chose you at di nila matanggap yon. Ngayon nakapasok si Raffy doon I do hope magbago na isip nila. Hiyang hiya ako sa iyo kasi ako tanggap ng pamilya mo habang pamilya ko di ka matanggap dahil wala kang kapangyarihan. This changes everything already. So now I want you to be the one to tell them the good news” sabi ni Phil.
“You know naman how much I value family diba? Happy din ako sobra. Yes I will be the one to tell them. Pero pag di parin nila ako matanggap ayos lang yon Phil. Masaya na ako kasi pinagtatanggol mo ako at di ka sumangayon sa gusto nila. That means a lot” bulong ni Violeta at nagyakapan yung dalawa.
“Tapos iwanan natin si Raffy don for one week” banat ni Phil. “Ha? Bakit naman?” tanong ni Violeta. “Kasi mag Carribiean cruise tayo. Don’t worry Raffy will be safe with my parents. At sigurado ako safe siya sa school na yon, alam ko hindi siya pababayaan ni Pedro at ni mamita Hilda” sabi ni Phil.
“One week sa parents mo tapos one week sa parents ko” banat ni Violeta sabay kumindat at nagtawanan yung dalawa at nagyakapan. “Ipaampon nalang natin gusto mo?” dagdag ni Phil at napahalakhak yung mag asawa.