“WHAT do you think, Madeleine?” Tinaas niya pa ang simpleng dress para makita nito.
“Bagay po sa ‘yo, ma’am.”
“Thank you, Mad. Simple lang, noh, pero ang ganda.” Sumang-ayon naman si Madeleine sa kanya.
Ilang set ng dress, shirts, shorts na mumurahin ang binili niya nitong nakaraan. Hindi niya pwedeng suotin ang mga damit niya na nandito sa bahay dahil halatang galing sa mayamang pamilya siya kapag nagkataon.
"Mga ilang buwan po ba tayo doon?" anito.
"Depende, Mad. Kapag namulat na sila kay Daddy." Nasasaktan talaga siya kapag nakakabasa o nakakabalita nang hindi maganda tungkol sa Daddy niya.
Tinulungan siya ni Madeleine na ibaba ang maletang nasa ibabaw ng kama niya. Itinabi nila iyon sa gilid ng mesa.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit ay nanood siya ng balita. Sa telebisyon lang siya nakatutok kapag walang magawa.
Akmang ililipat niya ang istasyon nang mabasa ang kasunod na headline sa telebisyon.
“Tuloy tayo sa iba pang mga balita. Governor ng San Simon, patay sa pananaksak. Punyal na ginamit, may tatak ng letrang M. Narito ang buong balita ni Chini Roxas…”
Napaayos siya nang upo at pinanood ang buong balita. Napapikit siya nang makita ang kalunos-lunos na nangyari sa Gobernador. Isa ‘yan sa kinatatakutan niya para sa ama. Kaya nga dapat, makita ng mga tao kung gaano kabuti ang ama para maiwas sa mga ganyang p*****n. Alam niyang mabuti ang ama dahil anak siya nito. Hindi lang sa pamilya nila gano’n ang ama, maging sa mga taong nakapalibot sa kanila.
Nagtagal pa siya sa panonood. Kung hindi pa siya inantok hindi niya papatayin ang TV. Late na pala. Kailangan niya nang matulog.
KAAGAD na minadali niya ang pag-alis nang banggitin ng ama na handa na ang mga security na magbabantay sa kanya sa pupuntahan niya. Balak niyang mag-eroplano papunta ng Bicol mula dito. At, from Legazpi, mag-bus na lang siya. Dahil isla iyon, sasakay pa siya ng bangka ng ilang oras, makarating lang.
Kakababa lang niya mula sa van nang makatangap nang tawag mula sa ama. Kakarating lang nila ngayon dito sa airport. Pinagalitan siya nito dahil hindi man lang daw niya ito hinintay na dumating.
“God, Dad, tatawag na lang po ako nang madalas para makita niyo po ako Saka nagpaalam naman po ako sa ‘yo kahapon pati kay Mommy.”
Dinig niya ang marahas na pakawala ng ama nang buntonghininga. Wala naman na itong magagawa, anytime, aalis na siya.
“Okay. Take care. I love you, anak.”
“Love you too, Dad.”
Ang Daddy niya ang unang pumutol sa linya dahil may biglang nagsalita.
“Sabi ko naman po na hintayin natin si President. Binilinan pa naman niya ako bago umalis.”
Maagang umalis kasi ang ama niya dahil nag-out of town ito para makiramay sa naulila ng gobernador. Kaalyado nito rin kasi ang yumao, sa pagkakaalam niya.
Nagpaalam siya kay Madeleine na magbabanyo saglit habang hinihintay pa ang anunsyo. Anumang oras ay sasakay na sila ng eroplano.
“Samahan ko na po–”
“C’mon, Mad. May mga nagbabantay naman sa akin,” aniya sa mahinang tinig. “Bantayan mo na lang ang mga gamit. Okay?”
May tiningnan si Madeleine bago tumango sa akin. Ngumuso din siya sa naka-civilian na nagbabantay sa kanya.
Pagtayo niya nga ay may sumunod sa kanya. Kabilaan pa silang dalawa. Hindi niya alam kung meron pa sa likod niya. Pero malamang meron pa.
Pila pagdating sa labas ng restroom kaya saglit pa siyang naghintay. Siya na na yata ang pinakahuli dahil wala pang sumunod sa kanya. Wala pa siyang nalingunan. Pero bago siya pumasok ay may dumating din. Sabay pa silang pumasok sa loob dahil nagmamadali ito. Inunahan pa siya nito, buti na lang, maraming toilet sa loob. Baka ihing-ihi na talaga ito.
Sa pinakadulo siya pumasok.
Hindi pa niya naila-lock nang marinig niyang lumabas na ang kasabayan niya. Siya na lang ang naiwan sa loob.
Natigilan siya sa pagbaba ng suot niyang leggings nang makarinig ng malakas na pagbukas ng pinto. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto sa unahan niya banda. Sumara din iyon kaagad.
Hindi niya maiwasang magtaka nang makarinig ng mga yabag, at mukhang papalapit sa kinaroroonan niya.
Kagat niya ang labi habang pinapakiramdaman ang nasa labas. Nawala tuloy bigla ang nararamdaman niyang nai-ihi.
Nanlaki ang mata niya nang biglang bumukas ang pintuan ng kinaroroonan niya. Pumasok ang isang matangkad at nakasombrerong lalaki. Nagulat pa ito nang makita siya. Marahil hindi nito ini-expect na may tao pa sa loob dahil nga tahimik.
Akmang sisigaw siya nang takpan nito ang bibig niya.
“Ssshhh…” anito sa kanya.
Natigilan siya nang malanghap ang amoy nitong pagkabango. Bahagya pang dumampi ang labi nito sa tainga niya na ikinapitlag ng katawan niya. Inulit pa nito kaya napalunok na siya. Inaamin niyang may kakaibang hatid kasi iyon sa kanya at parang may binuhay ito na pakiramdam sa loob niya.
“Kapag may nagtanong mula sa labas, ‘wag mong sabihing may kasama ka rito,” anang baritonong boses nito sa tainga niya. “Understand?”
Imbes na sagutin, napatitig na lang siya dito nang mapansin ang bumubukol sa loob ng jacket nito. Nakatutok sa kanya kaya kinabahan siya.
Baril kaya o kutsilyo?
Bahagya itong nakatingin sa pintuan kaya pinag-aralan niya ang mukha nito pero nakatakip pa rin sa bibig niya ang kamay nito. Pinagsawa niya ang mata sa guwapo nitong mukha. Sayang at mukhang masamang tao. Nagbaba pa siya nang tingin sa bumubukol sa loob ng jacket nito.
Bakit kaya ito nagtatago sa pambabaeng banyo? At sino ang tinataguan niya?
Napababa siya nang tingin sa dibdib nito mayamaya. Sunod-sunod ang paghinga nito. Ngayon lang niya napagtantong hingal na hingal ito. Ang bilis pa nang pagtaas baba ng balikat nito.
“Zale?” Napatingin ito sa kanya ang marinig ang boses ng babae sa labas. Itinapat din nito ang kamay sa bibig nito at parang sinasabing ‘wag siyang maingay.
Mayamaya ay narinig ang pagbukas ng babae ng mga pintuan. Mukhang iniisa-isa nito. Ini-expect na niyang bubuksan din nito ang pintuan ng kinaroroonan niya.
Tinanggal nito ang kamay sa bibig niya kaya nakahinga siya nang maluwag. “Magkunwari kang umiihi,” bulong nito. Sinabay nito talaga habang maingay sa labas dahil sa pagbukas ng pinto ng babae.
Dahil naiihi naman talaga siya, ibinaba niya ang suot na leggings pero hindi niya hinayaang malilis ang suot na damit. Tinago niya ang bahaging iyon. Loose at medyo mahaba sa kanya ang damit na suot niya. Talagang iyon ang isinuot niya para matakpan ang harap niya. Bakat kasi ang kanya kapag naka-leggings lang.
Pumuwesto ang lalaki sa likod ng pintuan. Hindi pa rin nito tinatanggal ang kamay sa loob ng jacket nito na nakatutok sa kanya.
Saktong pag-upo niya sa bowl ang pagbukas ng pintuan. Tinanggal pala ng lalaki ang pagkaka-lock.
“Yes?” ani ko nang bumulaga sa akin ang magandang babae. Ang taas ng takong niya kaya nagmukha siyang matangkad. Pero sa tingin niya, kasingtaas lang niya ito.
“Natatae na ako, Miss. Pakiusap lang pakisara nga ng pintuan,” ani ko sa masungit na himig.
“I’m sorry. Hinahanap ko lang ang boyfriend ko.”
Napaangat siya ng kilay. “Boyfriend mo tapos dito mo hahanapin sa banyo ng mga babae? Okay ka lang?” Saglit siyang natigilan pa. “Bakla ba siya para pumasok siya dito?” ani pa niya.
Kita niya ang pagsalubong ng kilay ng lalaki nang sulyapan niya.
“No! He’s a man,” tanggol nito. “Nakita kong tumakbo siya dito banda. Wala siya sa banyo ng mga lalaki kaya nagbakasakali ako dito. Nahuli ko kasi siya na may ibang kasamang babae. At paalis sila ngayon.”
“Oh, babaero pala ang boyfriend mo.”
“Yeah. Sumasakit na nga ang ulo ko.”
Kinuha niya ang wipes na nasa likod niya.
“Pwede na ba akong maghugas at magpunas?” aniya sa babae. Hindi naman siya tumae, umihi lang. Baka mangamoy pa sa loob ng banyong iyon.
“S-sure.” Sabay sara nito ng pintuan.
Pero bago siya nagpunas ay tumingin siya sa lalaki na noo’y napahilot sa noo.
Nang marinig niya ang pagsara ng main door ay tiningnan niya nang masama ang lalaki.
“Pwede ba, lumabas ka na? Baka mapagkamalan pa akong kabit mo kapag nakita ka niya dito.”
Itinaas nito ang dalawang kamay na ikinaawang niya ng labi. So, wala siyang weapon na dala? Tinakot lang siya? Aba!
Imbes na ipunas ang wipes binato niya iyon sa lalaki kasabay ng lalagyan. Nasalo nito ang mismong isang pack ng wipes niya. “Walanghiya ka, pinakaba mo ako! Akala ko may baril o kutsilyo ka!”
“I’m so sorry, okay? Baka kasi sumigaw ka. Kailangan ko lang siyang taguan. Anyway, she’s not my girlfriend,” seryosong sabi niya
“‘Wag ka ng mag-explain, labas! Bilis!” inis na sabi niya dito.
Lumabas naman ito pero napasigaw siya nang mapagtantong hawak nito ang wipes niya.
“Ang wipes ko, pakibalik!” Biglang bukas naman ng pintuan nang marinig ang sigaw niya.
Pumasok ulit ito at ibinigay ang wipes pagkuwa’y lumabas.
“Hindi man lang nagpasalamat. Niligtas ko kaya ang araw niya sa babaing iyon,” mahinang sabi niya sabay iling. “Sana mahuli siya,” wala sa sariling sambit niya.
SAMANTALA, mabilis ang mga hakbang ni Zale palayo sa hallway ng banyo na iyon. Hindi na niya makita ang anak ni Ninong Matias na si Bliss kaya naipagpasalamat niya.
Naka-jacket at sumbrero na siya lahat-lahat, nakilala pa siya? Ang talas ng mga mata!
“Boss,” ani ng kanang kamay niya na si Mauro.
“Could you please explain what Bliss is doing here?” malakas ang boses na tanong niya.
“Hindi ko rin alam, Boss, kung paano niya nalamang nandito ka.”
“Alam mo ba ang ginawa ko sa loob? Nagtago lang naman ako! Damn it! Hindi ko tuloy nakita ang anak ng Pangulo!” Kumamot lang si Mauro sa ulo sa narinig. Mataas na rin kasi ang boses. Ito lang ang sinadya niya dito tapos hindi pa niya nakita.
“Sorry po, Boss. Pero papunta na po si Kalo. Nakuhaan niya ng video ang anak ng Pangulo.”
Marahas pa siyang nagpakawala nang buntonghininga nang pumasok sa sasakyan. Saglit siyang natigilan nang maalala ang mukha ng babae sa banyo. Siguro kung hindi niya tinakpan ang bibig nito, baka maraming sinabi na ito sa kanya at nahuli na siya ni Bliss. Ang daldal. Alam din kung paano mapaalis si Bliss.
Hindi niya namalayan ang pagsilay nang ngiti sa labi niya. Pero pinalis niya nang makita si Mauro na papalapit sa sasakyan nila, nasa likod nito si Kalo.
Nandito siya dahil sa anak ng Pangulo. Kailangan niyang mapalapit sa pangulo kay inaalam niya ang whereabouts ng anak niya. Napag-alaman niyang dalaga pa kaya gagamitin niya ito laban sa ama nito. At napag-alaman niya ring ka-close nito si Ian. Close niya rin naman si Ian– noon. Pero nang mamatay ang ina, umiwas na siya sa mga Madrid. Kaya lagi ang Daddy niya lang ang uma-attend kapag may family gathering.
“Nandito si Kalo, Boss,” ani ni Mauro nang buksan ang pintuan ng sasakyan.
“Let me see.” Ngayon lang niya makikita ang mukha ng anak ng Pangulo dahil kailan lang niya nalamang aktibo ang dalaga sa ilang programa ng ama. Pero walang makikita na mukha niya online.
Hinintay niyang tanggalin ni Kalo ang camera sa tripod nito. Pero nang ibigay nito ay kaagad niyang tiningnan ang kuha nito.
“Holy fvck!” malakas na sambit niya nang i-zoom ang litrato sa unahan. Halos mukha ng babaeng nakasama niya sa banyo ang naroon. Ito rin ang nakita niya sa video ni Kalo.
“S-siya ba ‘to?” Tumingin pa siya kay Kalo.
“Opo, Boss. Si Miss Cinderella.”
“Cinderella,” wala sa sariling ulit niya sa pangalan nito.
Napatingin siya kay Mauro. “Saan nga ulit ang punta niya?”
“Bicol po, Boss.”
“Alamin niyo ang lahat at kung saan talaga siya mag-stay. May aayusin lang ako sa opisina, susunod ako,” aniya.
Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa natuklasan. Mukhang mag-e-enjoy siya sa Bicol, magku-krus ulit ang landas nila ng babaeng iyon. Hindi rin niya makalimutan ang sinabi nitong baka bakla siya.