PART 13

1550 Words
“Oops! Where do you think you're going?” pigil ni Brandon nang akmang aalis si Nadia. Masamang tingin ang ipinukol ni Nadia sa kanya. “You think magtatagumpay kayo sa plano niyo? Kung tuso si Westley at Drake, mas tuso ang kapatid ko.” banta ni Nadia sa kanya maski ang mga tauhan ni Nadia sa simbahan walang nagawa dahil mas marami ang tauhan ni Westley na nagsulputan sa simbahan upang pigilan si NAdia na gumawa ng hakbang. “At dahil nakisali na rin kayo sa laro naming tatlo. Humanda kayo sa Kuya ko.” dagdag pa ni Nadia sa kanya. “Dalhin niyo na sila!” Ani ni Thirdy na kakarating lang din kasama ang mga pulis. “Tandaan niyo ito, hindi kayo magtatagumpay. Bago pa ninyo mailigtas si Eliza paniguradong Wala na ito sa isla.” Malutong na tumawa si Nadia na parang mababaliw habang pinoposasan siya ng mga pulis. “Kinakabahan ako sa babaeng yun, paano kung maisahan nga sila Drake at Westley? Baka mapahamak ang mga kaibigan natin.” nag-aalalang Sabi ni Brandon. “Masyado mo namang minamaliit ang mga kaibigan natin. Magtiwala na lang tayo na ligtas silang makakabalik. Sa ngayon, Ikaw na ang bahala sa mga bisita at ako naman ang pupunta sa presinto.” Ani ni Thirdy na kaagad namang sinunod nito. Samantala, ilang minuto na lang ay malapit na sila sa sa isla na pinagdalhan Kay Eliza. “Hindi Tayo puwedeng lumapit sa isla. Baka patamaan nila ang mga banka. Dito na tayo tumalon para lumangoy patungong pangpang.” Ani ni Westley at inabutan siya ng life jacket. Walang naging angal si Drake kahit alam niyang mahirap. Mas mahirap kapag nalaman ng mga kalaban ang pagdating nila dahil manganganib ang kanyang asawa. Kaya sa blindspot sila ng Isla dumaan upang mas makalapit sa hideout. Isa-isang nag-ahunan ang mga kasama nilang lumangoy palapit sa dalampasigan at mabilis na nagtago sa mga puno. Kahit pagod paglangoy ay kanya-kanya silang tangal ng life best nila at agad na hinanap ang hideout. “Sandali!” sigaw ni Westley na napatigil sa mga tauhan niyang magtungo sa hideout. “Bakit? Hindi Tayo puwedeng mag-aksaya ng oras!” Ani ni Drake sa kanya. “May mali, Drake! Simula nang umapak tayo sa isla Wala kahit isang tao tayong nakita.” Sinuri nila ang paligid at narealize ni Drake na tama ang sinabi ni Westley. Pinakiramdaman ni Westley ang paligid. “Boss!!! May b000mba!!!” “Boss!!! Meron din dito!!!” “Fvck! We need to get out of here! Now!!! Leave the island!!!” “Westley, paano si Eliza?!! Hindi pa natin alam kung nasaan siya!!!” Hindi mapakaling pigil ni Drake. “Drake, kung mahalaga sa’yo si Eliza ganun din ang mga tauhan ko. Hindi ko isusugal ang buhay nila sa Wala.” “Boss!!! Wala nang tao sa hide out. Pero marami kaming nakitang b00mba sa paligid. At sasabog na ito within 1 minute!!!” Nagpulasan ang mga tauhan patakbo sa dagat kanya-kanya silang sakay sa mga dumaong na banka hangang sa isa-isa nang sumab00g ang mga b0mbaa. Samantala, nakita ni Eliazar ang nangyayari sa isla. Lulan sila bangka at bago pa makalapit sila Drake ay nakaalis na sila. “Napakasama mo!!!” s!nghal ni Eliza nang makita din niya ang pagsab00g sa pinangalingan nilang isla. Nilapitan siya ni Eliazar at mahigpit na hinawakan ang kanyang baba. “Matuloy man o hindi ang kasal ni Nadia Kay Drake ay hindi ka pa rin niya makukuha. Lalo pa ngayon na Ikaw Ang maswerteng napili ni. Mr. Ong.” nakangising sabi ni Eliazar sa kanya at marahas siyang binitawan. Walang nagawa si Eliza kundi ang umiyak habang nakatingin sa maliit na islang umaapoy na ngayon at umuusok. “Sayang ka Westley, kung hindi mo pinili ang Drake na yun hindi ka sana madadamay.” Naiiling na sabi ni Eliazar. Tumunog ang phone niya at sinagot niya ito. “Ano yun?” “Mr. Mondragon, hindi natuloy Ang kasal peke ang groom na pumunta sa simbahan. At nasa pulisya si Nadia.” Imporma ng pari na Isa sa mga binayaran niya incase na magkaroon ng problema ay tawagan siya. “H@y0p ka Drake!!!” bulalas ni Eliazar at mahigpit ang naging hawak sa phone niya. Hindi man lang nito pinatapos Ang kasal. “Inilayo mo sa akin ang kapatid ko. Ngayon ilalayo ko naman sayo ang babaeng pinakamamahal mo.” mahinang bulong ni Eliazar sa kanya. “Drake! Ano ba?! Kalma ka lang! Bubutasin mo ba ang bangka natin?!” singhal ni Westley nang sa galit nito ay kung saan-saan na tumatama ang b@la ng b@ril na hawak niya at walang habas na pin@gb@baril. “Naisahan tayo ng g@g00 na yun!!! Mas lalong magagalit yun kapag nalaman niya ang nangyari Kay Nadia–baka kung ano pa ang gawin niya kay Eliza!” Pigil ang gal8 na sigaw ni Drake. “Gamutin niyo muna ang sugat niya. At turu Kan niyo na rin ng pampakalma.” utos ni Westley sa medic na kasama nila. “Walang mangyayari kung patuloy Kang magwawala. Ang kailangan nating gawin ngayon ay maging alerto at bantayan na mabuti si Nadia, magagamit natin siya laban Kay Eliazar.” “Kung mas maaga lang sana nating nalaman ang kinaroroonan ni Eliza mas maliligtas natin siya kahit gabi.” “Ganun parin yun Drake, dahil bente kuwatro oras may nakabantay sa bawat kilos mo kaya malalaman at malalaman ni Eliazar kapag kumilos tayo. Ang kailangan nating gawin ngayon ay alamin kung nasaan sila. Paniguradong mag-iba ng tactics si Eliazar dahil Wala na siyang mahihita pa sa’yo.” “Anong ibig mong sabihin?” Napabuntong hininga si Westley. “Kutob ko lang ito pero wala silang mapapala kung pat@yin nila si Eliza. Puwede nilang gamitin si Eliza para pagkaperahan. Baka ibenta nila si Eliza sa mga kilala nitong bumibili ng mga babae.” Ani ni westley sa kanya. Nap@mura si Drake dahil mas mahihirapan silang iligtas ito. Samantala sa isang malawak na templo dinala si Eliza. At karamihan sa nakikita niya ay mga naka-chinese outfit sinalubong sila ng lalaking kalbo at hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan ng dalawa. Wala din siyang panahon para isipin pa ito. Dahil natuyo na Ang kanyang mga mata sa pagluha dahil Wala na si Drake. Para sa kanya imposible na makaligtas pa ito sa lakas ng apoy. “Ang sabi ni Mr. Ong ay iwan niyo na Ang babae yan dito. Kami na ang bahala sa kanya. Sabihin mo lang kung saan idedeposit ang pera. Mamayang gabi na niya gagawin ang seremonya. Kaya kailangan na siyang linisin.” Ani ng lalaking singkit din ang mata. “Anong seremonya?” Usisa ni Eliazar. “Seremonya ng pag-aalay.” nakangising sabi nito. Napatingin si Eliazar kay Eliza na para bang alam na niya ang mangyayari dito. “Sige aalis na kami.” Ani ni Eliazar at pagkatapos at tinalikuran na siya at iniwan. Hindi alam ni Eliza kung ano ang pakay sa kanya ng mga lalaking bumili sa kanya Kay Eliazar pero sa nakikita niyang disenyo ng templo para itong isang kulto at ang aura ng mga tao ay kakaiba. “Shen-shen! Ihanda ang alay! Mamayang gabi ay gagawin ni Mr. Ong ang seremonya.” Utos nito sa dalawang babae. “Saan niyo ako dadalhin?! Bitawan niyo ako!!!” Nanghihinang piglas ni Eliza ngunit Wala siyang nagawa kundi ang napasunod sa mga babaeng humila sa kanya. Pagkabalik nila sa suidad ay agad na nagpunta si Drake sa kulungan. Upang makausap si Nadia at pilitin itong magsalita. “Anong nangyari sa braso mo?” Nagtatakang tanong ni Nadia nang makita siya nitong may Benda sa braso. “Ang Tanong ko ang sagutin mo. Nasaan si Eliza? Saan siya dinala ni Eliazar?” Salubong ang kilay na tanong ni Drake sa kanya. “Pagkatapos mo akong iwan sa church, may mukha ka pa ding haharap sa akin? Kahit nasaktan ka na, si Eliza pa din ang bukambibig mo.” Mapait na ngumiti si Nadia. Habang nakaupo sa harapan niya. Tumayo si Drake at dahan-dahan na lumuhod sa harapan niya. “Patawarin mo ako…patawarin mo ako nasaktan kita, patawarin mo ako dahil hindi kita kayang mahalin pero please…savihin mo kung nasaan siya. Alang-alang na lamang sa pinagsamahan natin noon, Nadia. Huwag mong hayaan na tuluyan Kang lamunin ng paghihiganti mo sa aming pamilya. Wala siyang kasalanan para maranasan ang lahat ng ito. Ako na lang ang Patay!n niyo. Huwag niyo nang idamay ang asawa ko…” nakayukong pagmamakaawa ni Drake na hindi inasahan ni Nadia. Buong buhay niya palagi itong nakatingala at walang taong yinuyukuran. Pero ngayon na nagmamakaawa ito sa kanyang harapan ay nakaramdam siya ng habag para dito. Nagsimulang dumaloy ang kanyang mga luha sa pisngi at niyuko si Drake na nanatiling nakayuko Ang ulo sa kanyang harapan. “Sa dating china town. May malaking templo doon. Hindi basta-basta napapasok ng kahit na sino. May nanaganap na pag-aalay doon tuwing Ika-walo ng gabi. Kapag hindi kayo umalis ngayon, hindi niyo na siya aabutan ng buhay." Wika ni Nadia. Tumayo si Drake at mabilis na umalis. “Bulag ka Drake, kaya kong gawin ang lahat para sayo. Pero kahit siguro Anong gawin ko. Hindi ko mapapalitan si Eliza sa puso mo.” usal ni Nadia pagkatapos ay tumayo na ito at nagpaposas pabalik sa kanyang selda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD