I mouthed him the word 'Gago' kaya naman natawa lang siya sa'kin. Wala akong katabi sa kaliwa dahil wala pang nakaupo do'n. Kaya naman laking gulat ko nu'ng biglang may umupo na lalaki sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Hey Bry, may nakaupo?" Tanong niya kay Brian.
"Wala naman, Kiel. Sa pagkakaalam ko pinareserve 'yan nu'ng dalawa para sa'yo dahil for sure raw ay tatakas ka sa seat ng family niyo." The guy named Kiel just chuckled.
Hindi ko pinahalata pero nakikinig lang ako sa usapan nila. Hindi ko gusto mag-eavesdrop pero kasi sobrang pamilyar nu'ng boses nung kausap ni Brian.
Saan ko nga ulit narinig 'yon?
Maya maya pa ay lumapit sa table namin ang dalawang may kaarawan.
"OMG IYA SUPER PRETTY MO!" Bigla akong nahiya kasi ang lakas ng pagkakasabi ni Joan sa'kin kaya naman napatingin yung mga katable namin sa'ming dalawa.
Sa hiya ay niyakap ko na lang siya. "Tone down your voice birthday girl. Nakakahiya at nakatingin sa'tin yung iba." Joan just chuckled. "Happy birthday Jo." pagbati ko bago ako bumitiw sa kanya.
"Sabi sa'yo ang ganda mo eh." Glenn said before he winked at me.
Ako naman ay hiyang hiya na sa pagcocompliment nila sa'kin. Hindi pa tapos ang gabi pero ang dami ko na ring natatanggap na compliment. Nakakahiya tuloy lalo. Isa pa, hindi talaga ako sanay.
"Masanay ka na Iya." Sabi pa ni Pat nang natatawa sa mukha ko kaya nginusuan ko na lang siya.
Busy pa sa pagkkwentuhan si Joan at sina Glenn kaya naman inuna ko na ring batiin si Joshua. "H-Happy birthday Joshua. Yung gift niyo nasa table na."
Nagulat siguro si Joshua sa pagbati ko sa kanya kaya ngumiti siya sa'kin. "Thanks Iya! You bought a gift for me too? Sana hindi ka na nag-abala. Nakakahiya naman."
"It's okay. Mas nakakahiya kaya kapag wala akong ibigay tapos sa kapatid mo meron. Birthday mo rin naman." Kasi nakakahiya naman talaga.
Glenn coughed kaya naman napatingin sa kanya si Joshua. I chuckled. Go Glenn, get your man! Ngayon tuloy ay sila ng dalawa ang magkausap.
"Uy Juan sabi na dito ka uupo eh." Pangangasar ni Joan kay Kiel? Kiel just gave Joan a glare.
"I know it's your day, Eila but for the nth time, stop calling me Juan."
Juan.
Parang biglang nagflashback lahat at ang mga tanong na iniisip ko kanina pa ay nasagot na.
He was the guy na nasa likod ni Joshua when Joan introduced me to them.
He was the guy na lagi kong nakakasabay sa jeep t'wing pagpasok ng school.
He was the guy who Joan asked for a water. It was his water! I drank his water!
He was also the guy na katabi ko noong ipinatawag kami sa office. Shet! Tinitigan ko siya nang matagal! Kaya pala sabi ko parang familiar! Siya rin pala yung nakakasabay ko lagi!
Kaya ba kilala ako ni Brian kasi nakita niya yung pagtitig ko sa kaibigan niya? Nakakahiya kung gano'n! Hindi niya naman siguro nakita na nakatitig ako sa kaibigan niya, 'di ba?
Sa gulat ko sa naisip ay bigla na lamang akong napayuko at nahiya. There, I saw his rolex watch.
Don't tell me yung balikat niya yung nagawa kong unan nung nakatulog ako sa jeep nu'ng nakaraan?!
What the hell Ariya! Nakakahiya ka!
na para bula na animo'y kinain ng kawalan bago siya mawalan ng malay.
Kasabay nito ang pagbabago sa kanyang paligid at natagpuan niya ang sarili na nakatayo sa gitna ng kalsada kung saan ngkatirik ang mga makalumang gusali sa magkabilang gilid ng daan.
Sa may bandang unahan sa kaliwa'y tanaw niya ang animo'y plaza na napapaligiran ng naglalakihang mga puno.
Ramdam n'ya sa nakayapak niyang mga paa ang lamig ng konkretong kalsada at pansin din niya ang paligid na animo'y tinakasan na ng kulay at buhay.
Iginala niya ang paningin sa paligid at saka pa lang niya napansin ang kanyang kinalalagyan na natakatayo sa gitna ng daan at napapalibutan ng mga kabahayan at gusaling makaluma ang disenyo na para bang napag-iwanan na ng panahon.
Sa tahimik na kapaligiran, isang iyak ng sanggol ang kanyang narinig sa di kalayuan sa tapat ng isang makalumang bahay, agaw-pansin ito pagka't sa buong paligid, ang sanggol lang ang natatanging may buhay na kulay.
Hahakbang na sana siya palapit sa sanggol nang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa palabas ang dalawang nilalang na singputi ng papel ang balat. Ang medyo may edad nang lalaki ay may katabaan at halos sinakop na ng kanyang nahihimagsik na nuo ang halos kabuu-an ng kanyang bumbunan.
Gano'n din ang postora ng babae maliban sa buhok nitong lampas tenga.
Mababakas sa kanilang mukha ang awa at simpatya para sa sanggol na nasa harap nila.
Kinarga ng babae ang sanggol nang may pag-iingat at sabay silang pumasok pabalik sa pinto.
At sa puntong ito siya hingal na napabangon at nagising.
Kasabay ng pagpapatak ng kanyang pawis ang luha niyang lumalandas sa kanyang magkabilang pingi. Ang buhay ng tao ay puno ng misteryo.
Para itong aklat na blangko at wala pa'ng laman at isusulat palang ang mga mangyayari sa bawat pahina nito.
Ito ay sobrang kumplikado.
Wa'g mo nang subukang hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong nito dahil pa'g sinubukan mo, mag-iiba lang ito ng tanong.
May mga bagay na hindi pwedeng ipilit sapagkat ito'y salungat sa pag-agos nito.
Ngunit tayo ang gagawa ng ating sariling kwento.
May mga bagay din na akala nating hindi pwede pero pwede pala kung atin lang susubukan, ika nga kung gusto, palaging merong paraan.
Sa bawat tuntunin ay laging may eksepsyon at kasama na dun kung ano ang gusto nating isulat sa ating sariling libro.
Kakapasok palang ng bahay ang motorsiklong lulan ang may katadaan narin na si manuel, ngunit bakas pa rin sa kanyang postora ang malakas na pangangatawan.
Pumasok siya sa loob ng bahay at dumitso sa kusina sabay bukas ng ref.
"Mariel," tawag nito sa asawa.
"Oh, nakauwi ka na pala," sagot ng asawa nito na kalalabas palang ng silid.
"Nakita mo yung bote na inilagay ko dito sa ref kahapon, yung kulay pula ang laman na may mapait na maanghang sa panlasa na nakakasuka pero pa'g nakasanayan na, binabalik-balikan," tanong niya sa asawa.
Di ba may pinagmahan talaga ang pinakatalintadong nabubuhay sa balat ng lupa nilang anak, mapa-sana all kana lang.
"Asus, diritsohin mo nalang, yung tanduay, dami mo pa'ng pasakalye"
"Ayun, nadali mo, teka sa'n na at dadaan dito si kumpare mamaya"
"Nan'dyan lng yun, nakita ko pa yun kahapon eh"
"Asan na ba yun," sabay halughog sa laman ng ref.
"Dibali nalang, wa'g nang hanapin ang ayaw magpahanap, bibili nalang ako ng bago mamaya, teka si jay a'san?" tanong niya sa asawa habang patuloy parin sa paghahalungkat sa loob ng ref.
(Wag nang hanapin ang hindi nagpapahanap pala ha)
"Umalis kaninang tanghali, kasama sila jo, pupunta daw yun sila sa...san ba yun... sa agusan del norte yata"
Napatigil bigla si samuel sa ginagawa. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pangamba.