Ang Diyos ng Buwan.

8394 Words
KABANATA 4 "Oh, Mahal na Libulan. Pakinggan ang aking dalangin, nagsusumamo po akong tuparin ang aking hiling. Ibigay sa akin ang matagal ko ng minimithi para sa aking anak" Tinig ng pag susumamo ni Aryana. Ang asawa ni Alpha Dylan at ang katuwang nito sa pag papanatili ng katiwasayan sa loob ng kanilang kampo. Lingid sa kaalaman ng marami, gabi gabi itong nag tutungo sa santuaryo sa loob ng kweba, kung saan naroroon ang ibat ibang rebulto at sagisag ni Libulan. Ang dyos ng buwan at ang panginoon ng mga lobo. Iilang nilalang lang ang nakakaalam sa lihim na kwebang iyon. Sinasabi ng mga matatanda na kapag nag punta ka raw roon, nag alay ng mahalagang bagay o pag kain at taimtim na nanalangin kay Libulan, ay tutuparin nito ang iyong kahilingan. Kaya naman madalas mag punta rito si Aryana, upang manalangin at mag alay sa diyos ng buwan. Mula noong mag umpisa syang manalangin rito, hanggang ngayon ay iisa pa rin ang hinihiling nito. Ang matagpuan na sana ng anak nito, ang itinadhana para rito. Ramdam na ramdam kasi ni Aryana ang gulong idudulot sa kanilang pack, kung hindi si Derek ang mag kakamit ng posisyong Alpha. Hindi lang kasi ang kayamanan, liderato ang mawawala sa kanila. Maging ang kapangyarihang maipapasa ng asawa nitong si Dylan. Natatakot si Aryana, na kapag sa pamangkin nya napunta ang kapangyarihang iyon ay baka ito ang mag dulot ng pag kakawatak watak ng kanilang grupo. Ramdam rin nya ang kasamaan ng puso ng pamangkin. Ito kasi ang napipisil na mag mamana ng pagiging Alpha. "Parang awa nyo na, mahal na Libulan. Dinggin ang aking dalangin." Pag susumamo pa rin ni Aryana. Alam nitong unti unti ng nauubusan ng oras ang kanyang anak. Tutuntong na ito sa edad, na kung saan ay hindi na nito mahahanap pa ang itinadhana rito. Kaya habang may oras pa pipilitin nyang mag sumamo araw araw, pursigido itong marinig ni Libulan ang dalangin nito. Matapos makapag alay at manalangin ay muli ng tumayo sa pakakaluhod si Aryana. Kailangan na nyang umuwi sa kanilang tahanan, kailangan kasi sya sa ipinatawag na pulong ng kanyang esposo sa may bulwagan. Lalabas na sana sya ng kweba ng biglang mag liwanag ang rebulto ni Libulan. Sa sobrang liwanag na nililikha niyon, ay halos mapapikit sya sa silaw. Mayamaya lang ay lumamig lalo ang temperatura sa buong kweba. Animo'y nasa loob ka ng freezer sa ginaw noon. Hindi gumalaw si Aryana sa kanyang kinatatayuan, subalit ramdam nya ang isang makapangyarihang presensya na kasama nya sa loob ng kwebang iyon. Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat sya sa kanyang nakita. Halos napanganga ito sa isang lalaking nag liliwanag sa kanyang harapan. Hindi matatawaran ang kagwapuhan at kagandahan nitong taglay. Napaka elegante ng kasuotan nito na naka labas ang maganda at macho nitong dibdib ng kaunti. Wala itong suot na tsinelas o anupaman na sapin sa paa nito. Maamo ang mukha nito, kulay abo, ang buhok, maging ang kilay nito at mapapangiti ka na lamang pag nasilayan ang mga mata nitong kulay violet. Ramdam din ni Aryana ang napakalakas na kapangyarihang taglay ng lalaki. Eto na ba si Libulan? Teka, bakit lalaki? Kailan pa naging lalaki ang dyos ng mga buwan? Nananginip ba ako. Subalit bakit napakaganda at napaka gwapo nyang nilalang. Ngumiti ito kay Aryana. Hindi tuloy malaman ni Aryana ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon. Subalit tinatagan nya na ang loob nya at lakas loob tinanong ang gwapong lalaki. "Ikaw ba si Libulan. Ang dyos ng mga lobo at gumagabay sa amin?" Inosenteng tanong ni Aryana. Bakas sa kanyang tinig ang pangamba sa sinambit nito. "Ako nga, Aryana. Ako nga si Libulan" Nakangiting pag sangayon ng lalaki. Agad naman lumuhod si Aryana sa harapan ni Libulan at hindi na nito napigilan pang lumuha sa labis na kagalakan. "Hindi nyo lamang po alam, kung gaano ako nagagalak na nag pakita po kayo sa akin, mahal na Libulan." Mangiyak ngiyak pa ring sabi ni Aryana rito. "Tumayo ka na riyan, Aryana. Maari mo ba akong samahan, may ipapakita lamang ako sa iyo" Tinig ng dyos ng buwan na nag patingala kay Aryana sa kanyang pag kakaluhod sa lupa. "Saan po tayo mag tutungo, mahal na Libulan?" tanong ni Aryana. "Sa senado. Gagawin nating dolomite sand ang babaeng may kagagawan ng pag kaubos ng mga kagubatan sa pilipinas. On second thought, pwede ring nating gawin syang kalabaw ng maramdaman nya kung gaano kahirap ang trabaho ng mag sasaka. Char. gawin na lang natin lamok para mapatay agad" Nakangiting sabi ni Libulan. Inabot ni Libulan ang kamay nya kay Aryana. Hinawakan naman iyon ni Aryana at bigla silang napunta sa pusod ng kagubatan. Nag tataka itong napatingin kay Libulan, nag tatanong kung bakit dinala sya nito sa gitnang bahagi ng kagubatan kung saan nakatayo ang pinaka mataas, mayabong at matandang puno ng balete. Nag lakad ang dyos ng buwan paikot sa puno ng balete habang dinadama nito ang katawan ng puno. Sinusundan na lamang ni Aryana ang bawat kilos ni libulan. Namamangha rin si Aryana dahil tila nakalutang si Libulan, dahil hindi man lamang sumasayad sa lupa ang mga paa nito sa tuwing hahakbang at mag lalakad ito. "May matinding pag subok na kakaharapin ang inyong lahi, Aryana. Isang malaking digmaan na ikauubos ng inyong buong lahi." Pag sisimula ni Libulan. Pag katakot ang bumakas at pangamba kay Aryana, sa narinig nitong sinabi ni Libulan. Mag tatanong na sana sya rito ngunit hindi pa pala ito tapos sa sinasabi nito. "Ibat ibang nilalang sa mundong ibabaw ang mag aaway away, teritoryo laban teritoryo, kaharian laban sa kaharian, uri laban sa uri at kasamaan laban sa kabutihan. Mag dudulot ito ng kawakasan sa inyong lahi." Pag tigil ni Libulan sa pag lalakad at pag titig ng mariin kay Aryana. "Ano po ang dapat kong gawin para maiwasan ang napipintong digmaan na iyan, mahal na Libulan."Hindi na napigilan pang itanong ni Aryana. Takot na takot sya sa sinabi ni Libulan sa kanya. Ngunit hindi sya nito pinansin at nag tuloy tuloy lamang ito sa kanyang sinasabi. "Isang kauri ninyo ang pag sisimulan ng digmaang iyon. Gusto ko man pigilan ang magaganap na digmaan na iyon, ay wala akong magagawa. Pagkat yun ang itinadhana." sagot nito sa napaka lungkot na tinig. "Wala na po ba talagang paraan para matigil iyon?" Umaasa pa rin nitong daing sa dyos ng buwan. Hindi pa rin maalis ang mariing pag titig nito kay Aryana. "May isang paraan, upang hindi maubos ang inyong lahi sa digmaang sasapit. Subalit hindi ko alam kung ito ay inyong papayagan mangyari." Sagot ni Libulan kay Aryana. "Ano po iyon, mahal na Libulan. Sabihin nyo po sa akin, kahit ano pa yan ay tatanggapin ko. Kung yan lamang ang magiging paraan upang hindi malipol ang aming lahi" Sagot ni Aryana kay Libulan. Nakakita sya ng pag asa sa sinabi nito. "Kailangan mahanap ni Derek ang mortal na naka tadhana sa kanya" Sagot ni Libulan. "Mortal? Hindi isang babaeng lobo ang nakatadhana kay Derek? Babaeng mortal?" Gulat na gulat si Aryana ng malaman iyon. Isang kalapastanganan sa kanilang uri ang mag karoon ng mate na mortal. Masyado yung sagradong batas sa kanila na mahigpit na ipinag babawal. "Subalit, hindi iyon matatanggap ng aming lahi mahal na Libulan. Isa iyong karumihan sa lahi namin, ang makipag isa sa isang hamak na mortal" sagot ko rito. "Alam ko, Aryana. At hindi lang babaeng mortal ang tinutukoy ko rito. Ito ay lalaking mortal." Sagot ni Libulan kay Aryana na lalo pang nag pagulat sa gulat na gulat na nyang estado. "Hindi ito maaari. Isa iyong kasalanan, mahal na Libulan. Isa yung karumihan sa aming lahi. Masaklap na nga ang pag iisa sa isang tao, mas lalo pang makasalanan ang ipareha ang isang lalaki sa kapwa lalaki. Isa itong kalokohan" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Aryana. Hindi nya matanggap ang sinabing ito ni Libulan. Hindi ito katanggap tanggap sa kanilang mundo. Agad na tinalikuran ni Aryana si Libulan at akma na sana itong aalis ng muling mag salita ang lalaking dyos ng buwan. "Yaan lamang ang paraan para matigil ang paparating na digmaan, Aryana. Ang anak mo ang magiging susi sa lahat. Mag kagayon mo, hindi ikaw ang mag dedesisyon nito. Kapag bukas na ang isipan mo, balikan mo ako at isama mo si Derek sa kweba." Sabi pa ni Libulan kay Aryana. Alam nyang nais lamang nito syang tulungan at ang kanyang lahi. Subalit hindi iyon katanggap tanggap talaga. Wala pa syang nabalitaan na ang kapwa kasarian ay pwedeng mag sama. Kalokohan lang talaga iyon. Kailangan ko siguro itong ikunsulta kay Tata lino. Baka sakaling mas maunawaan nya ito. Agad na syang umalis roon at iniwan ang dyos ng buwan. "May paparating na panganib. Naway makayanan nyo ito" Sambit pa ni Libulan bago ito nag laho. ---------- Matapos ang pulong na ipinatawag ng kanyang asawa ay nag tungo si Aryana sa bahay ni Tata lino sa masukal na gubat, gusto nyang personal itong makausap at ikunsulta na rin ang kanyang mga nalaman. Nang makarating sa Kubo kung saan naninirahan ang matandang si Tata Lino. May nakita syang isang magandang dilag ang paikot ikot sa bahay nito. Tatanungin nya sana ito kung sino ito ng bigla na lamang itong mag laho. Kinurap kurap pa nya ang kanyang mata para masigurong tama ang nakita nya. Sa sobrang pag aalala ay kung ano ano na ang nakikita nya. Isinawalang bahala na lamang nya ito at kumatok na sa pintuan ni Tata lino ng makalapit. Kakatok pa lamang sya ng marinig na nya ang boses nito. "Bukas yan, Aryana. Maari kang pumasok" Tinig ni Tata Lino na nanggaling sa loob ng Kubo. "Magandang gabi, Tata lino" simulang bati ko sa matandang kabilang sa taga payo ni Alpha Dylan. Tumango ito at iminuwestra na ako'y maupo sa upuan malapit rito. "Alam ko kung bakit ka narito, Aryana. Alam ko rin ang madalas na ginagawa mo sa altar ni Libulan sa may kweba" Sabi ni Tata Lino. Nagulat si Aryana kung bakit nito nalaman iyon. Nakatingin lang ito ng mariin sa kanya. "Kailan nyo pa alam, Tata Lino?" Tanong ko rito. Ang lakas naman ng pang ramdam ng unanong ito. Ngumiti lamang ang matandang unano sa kanya. May kaliitan kasi ito. "King ina mo, narinig ko yun unanong sinabi mo. Buwakanang ina ka. Paano kong hindi nalalaman, malapit lamang ako sa kweba na kinatitirikan ng bahay ko, gunggong. Kung manalangin ka, pag kalakas lakas pa. Nag dadala ka pa ng speaker at mikropo sa kweba. Ano concert mong hayop ka? Kulang na lang mag videoke ka sa loob na gaga ka. Kailan pa naging bingi si Libulan, para ganun ang panalangin na gawin mo. Tonta ka!" Sermon ng matandang unano sa akin. Sanay na kami sa pag ka tabil ng dila nito, kapag nag sasalita ito. Pero iba pa rin talaga ang masermunan nito. Masakit sa ulo. "Pasensya na po, Tata Lino. Naging desperada lamang ako para sa anak ko. Hindi ko naisip na may hearing aid na nga pala kayo" sabi ko rito. "Bigwasan ko kaya yang puday mo! Wala akong hearing aid, ulol! Ano ikukunsulta mo ba yang pinunta mo rito o mag lalaitan tayong hudas ka. Tadyakan kita sa gulugud makita mo" sabi pa nito sa akin. Kumalma naman ako at sinabi rito ang saloobin ko sa sinabi ni Libulan. "Oh, yun naman pala may solusyon syang ibinigay sa'yo. Eh, bakit kung maka arte ka dyan, akala mo ikaw yung makikisama sa mortal na iyon?" Tanong ni Tata lino sa kanya. "Hindi nyo naiintindihan, Tata Lino. Isang malaking kasalanan sa ating lahi ang makipag isa sa isang hamak na taga lupa at ang pinaka malala pa ay sa isang lalaki. Puking ina naman! Nakakadiri" sabi ni Aryana na diring diri. "King inang to, homophobic ang hayop. Kailan pa naging mali ang mag mahal? Sinong tanga ang nag sabi sa'yo na kasalanan ang mag mahal? Ikaw nga nakamukha mo si Nancy Biiknay may tumutol ba sa amin. Halos kalevel mo na nga ang burak sa kanal, pero may narinig ka bang nilait lait ka namin. Itsura mo, mukha kang taeng ulikba. Kung makapag maganda ka." Sagot ni Tata Lino sa akin. "Wala nga akong narinig pero ngayon naman grabe ka maka lait. Mahal ako ni Alpha Dylan. Saka oa naman sa burak ng kanal, Tata Lino." Naasar kong sabi rito. "Mabuti na lang talaga at hindi ikaw ang naging ina ni Derek, juskolerd! Ano na lang ang magiging itsura nya kung sakali. Sagwa na nga ng itsura mo tinerno mo pa sa ugali mo. Ang galeng!. Kaya hindi ka ginagalang ng buong pack sa ginagawa mo, eh." Sermon pa nito. "Anak ko si Derek! Anak ko sya! Mag tigil ka na Dagul!" galit na sabi ko sa unanong kaharap ko. "Laway mo tumalsik pa, buwakanang ina ka. Anyway, anong gusto mong gawin sa sinabi ni Libulan sa'yo?" Tanong ni Tata Lino. "Hindi ko alam, hindi ko pa rin kayang tanggapin na gwapo kong anak ay maipag kakaisa sa isang lalaki" Naiiyak na sabi ni Aryana kay Tata Lino. "Kami nga, hindi kami nag inarte ng ganyan na pinili ka ni Alpha Dylan. Biruin mo, babaeng Negi ka lang, tapos kamukha ni James Reid si Alpha Dylan. Sabagay, si Nadine ka rin naman. NadiMUNYO." Sagot rito ni Tata Lino. "Tutulungan mo ba ako, o lalaitin mo akong matanda ka. Seryoso naman, Tata Lino. Lahi natin ang nakasalalay rito" pakikiusap ni Aryana. "Yun na nga, lahi natin. Bakit tutol na tutol ka sa pag iisa ni Derek at kung sino man ang lalaking itinadhana sa kanya? Ikaw ba kakantot? Ikaw ba ang makikisama?" Walang prenong sabi ni Tata lino. "Hindi na sila mag kaka anak, mapuputol ang lahi nila Alpha Dylan! Naiintindihan mo ba yun!Tangina mong matanda ka, nanggigil ako sa'yo." Sagot ni Aryana rito. "Ano naman kung maputol? Mas gugustuhin mo pa talagang maubos tayo kesa sa pag kaputol ng lahi nila Alpha Dylan. Nahihibang ka na ba?" Nabubuwisit na tanong ni Tata Lino. "Isa iyong kahihiyan, hindi ka tanggap tanggap sa mata ng mga kauri natin. Lalo lalo na sa kalikasan! Wala pa akong narinig na nag sama ang dalawang lalaki sa mundo natin. Nakakadiri!Isa iyong kasalanan." Naiinis pa ring turan ni Aryana. "Mas nakakadiri yang sarado mong utak, Aryana. Imbes na ikaw ang dapat makaunawa dahil babae ka, ikaw pa itong unang nanghahamak. May puso ka pa ba? Diyos ka ba para sabihin kasalanan iyon. Hindi ka naman dating ganyan, ano itong nangyayari sa iyo? Kakainom mo iyan ng kopiko blanca. Kahit kailan hindi mo magiging kamukha si Marian Rivera. Mas papasa ka pang si Diego" inis pa rin turan ni Tata Lino. "Ah, basta tutol pa rin ako sa suhesyon ni Libulan" sigaw ni Aryana at dali dali na itong lumabas sa Kubo ni Tata Lino. "Kaawa awang babae. Natuyo na ang utak sa pag kasarado nito. Patawarin mo nawa sya mahal na Bathala at Libulan." Usal na dalangin ni Tata Lino. Bago mawala sa paningin ni Tata Lino si Aryana ay narinig pa nya itong nag paalala sa kanya. "Wag mo muna sabihin kay Alpha Dylan ang lahat ng ito Tata Lino. Hayaan mong makapag isip muna ako. Salamat sa oras" Sabi nito na rinig na rinig ko. --------- Lumipas pa ang tatlong araw at nag karoon ng malawakang karumal dumal na pag patay sa ibat ibang uri ng mga hayop. Pati ang iilan sa mga kauri nilang lobo ay may nabiktima na rin. Pito sa mga ito ay walang awang pinaslang at isinabit pa ang ulo sa puno ng balete. Dahilan para mag simula ang mainit na pag tatalo sa bawat pack sa ibat ibang panig na lugar. Isa na rito ang kalapit lang nila Alpha Dylan na pack. Kaya naman mas lalong umigting ang takot na nadarama ni Aryana. Alam nya sa sarili na nag sisimula ng mag ka totoo ang babala sa kanya ni Libulan. Pero pilit nya itong nilalabanan. Hindi pa rin kasi nya matanggap na ang anak nya ay sisiping sa isang hamak na lalaking mortal. Madalas pa rin syang tignan ni Tata Lino ng palihim, mas lalo lamang syang nasstress sa mga tingin nitong ibinibigay. Natsistsimis tuloy na tila may gusto ito sa kanya. Kadire lang. Ngunit hindi aasahan ni Aryana ang isang trahedyang mag kukumbinse sa kanya para payagan na si Derek sa nais ni Libulan at samahan ito sa kweba gaya ng sabi ng dyos ng buwan. Muntikan na kasing mawala ang kanyang anak dahil sa pag atakeng kinasangkutan ng mga SIGBIN. Kaya naman ng mabalitaan nito iyon ay agad nag bago ang pananaw nito at dali dali itong kinausap para samahan ito sa pag punta kay Libulan. -------------- DEREK Narito kami ngayon sa loob ng kweba kung saan ay isa palang santuaryo na ginawa para sa dyos naming si Libulan. Noong una ay hindi ko pa maunawaan kung bakit ako'y pilit isinasama ng aking ina rito. Nag tataka pa nga ako kung bakit nya ako dinala rito. Nasagot lamang ang aking katanungan ng may isang nilalang ang nag pakita sa amin. Maganda at gwapo ito kung pag mamasdan mo, nakakaakit din itoag masdan. Lalo na ang maamong mukha nito at ang napaka ganda nitong kulay lilac na mga mata. Nag uumapaw rin ang malakas na kapangyarihang nitong taglay. Kulay abo ang buhok nito at ang kilay nito. Napaka elegante at regal nitong pag masdan. Nag liliwanag rin ang buo nitong katawan. Dali daling lumuhod ang aking ina sa harapan nito kaya naman ginaya ko ito. Pakiramdam ko kasi na ito na si Libulan. Ang nangangalaga sa aking lahi. "Mahal na Libulan. Narito na ang aking anak na si Derek." Simula ng aking ina. "Alam kong mahirap sa iyo ang nakatakdang mangyari, Aryana. Pero ang tanging paraan para mapigilan natin ang tuluyang pag kaubos ng inyong lahi" Sagot ni Libulan na aking ikinalito. Pag kaubos ng aming lahi? Anong ibig nitong sabihin? At bakit nais nito akong makita at makausap? ano ang hindi sinasabi sa akin ng aking ina? "Maari mo na kaming iwan ni Derek" Wika ni Libulan ng makatayo na kami at makatitigan ito. Ramdam ko ang pag aatubili ng aking ina, pero sumunod pa rin ito. Tinapik muna nito ang aking balikat bago nito iniwan kasama ang diyos ng buwan. "Alam mo ba kung bakit ka narito, Derek?"Simulang tanong sa akin ni Libulan. Umiling ako rito. "Wala po akong idey, Mahal na Libulan" Sagot ko na may pag galang rito. "Isa ka sa mga napili para pumasok at tumira sa bahay ni Kuya. Char!"Sagot nito na hindi ko maunawaan. Natawa lang ito sa nakuhang reaksyon ko. "Pinapagaan ko lamang ang bigat ng atmospera dito sa loob ng kweba. Mabalik tayo sa tanong ko. Narito ka dahil hiniling ng iyong ina ang isang mate para sa iyo" Sagot nito sa akin. Pag karinig ko palang ng salitang mate ay hindi ko na napigilan ang umangil. Isa iyong malakas na ungol ng lobo, hindi ko na napigilan ang hindi maexcite sa sinabi nito. Napangiti lamang ito sa ginawa ko. Tipong naunawaan ako sa nangyari. "Paumanhin mahal na Libulan" sabi ko rito. "Nauunawaan ko. Alam ko na marami kang katanungan para sa akin Derek. Hindi ko maipapangako na masasagot ko ang lahat ng ito sa ngayon, subalit isa lang ang natitiyak ko sa iyo. Meron isang taong nakalaan para sa iyo. Isang taong magiging sandigan mo habang buhay. Ang magiging lakas mo at sya naring kahinaan mo. Ang kahati ng iyong puso" mahabang salaysay nito sa akin. Tao ang binanggit nito. Ibig bang sabihin ay hindi namin kauri ang itinadhana nito sa akin? "Oo, tama ka sa naisip mo. Isa syang mortal Derek. Hindi naman na siguro lingid sa kaalaman mo na ipinag babawal iyon sa inyong lahi. Ngunit wala kasi akong nakita na kauri mo ang nababagay sa iyo. You see, napaka espesyal at halaga ng magiging gampanin mo sa iyong lahi. Kaya tama lang na isang mortal ang maging mate mo" Sagot nito sa mga katanungan ko sa isip. Hindi naman ako tututol kung sakaling mortal nga ang maging mate ko. Tinanggap ko na nga noon na wala na akong mate, ngayong binibigyan ako. Mag rereklamo pa ba ako. "Alam na ba ito ng aking mga magulang. Mahal na Libulan?" Tanong ko rito. "Ang iyong ina lang ang aking sinabihan. Gusto kong maunawaan mo, Derek ang lahat ng sasabihin at ipapakita ko sa'yo. Nais kong wala kang pag sasabihan nito kundi ang mga magiging pack mo lang. Nauunawaan mo ba ako?" Tanong nito sa akin. Tumango lamang ako rito bilang pag sang ayon. "Pack? Mag kakaroon ako ng pack? Magiging Alpha na ba ako at papalitan ang aking ama?" Tanong ko rito. Malungkot itong ngumiti sa akin. "Ikinalulungkot ko, subalit hindi ka magiging Alpha ng pinapamunuan ng iyong ama. Mag kakaroon ka ng sarili mong pack Derek. At alam kong alam mo na ang kaunaunahang mong miyembro. Tama ba?" Tanong nito sa akin. Tumango muli ako rito. Alam kong si Kyross ang tinutukoy nito. Naalala ko tuloy ang eksena ng malaman ng aking ama na nawala na sa pack nito si Kyross. Labis na nagalit ang ama nitong si Kai kaya naman ikinulong ito sa bahay at iyon na ang huli naming pag kikita. Nakakulong ito ngayon sa bodega sa ilalim ng bahay nila Kai, ginagawan ito ng ritwal ni tandang Irene para maputol ang pag kaka sanib nito sa ibang pack sa utos na rin ng ama nito at pinahintulutan ng aking ama. Hindi rin kasi nag sasalita si Kyross na naririnig nito ang nasa isip ko. Alam kong alam na rin nito ang nangyari sa kanya subalit hindi na lamang ito nag tatanong sa akin. Maging kasi ako ay hindi pa siguro sa nangyayari kaya wala rin akong kongkretong sagot na maibigay rito. Wala pa rin akong pinag sabihan ng mga nangyayari. Tanging kay Tata Lino lang ako nag kukunsulta. "Ibig bang sabihin nito, hindi ko makukuha ang kapangyarihang ng aking ama" tanong ko rito. Ngumiti ito sa akin, na aking ipinag taka. "Matagal ng wala sa ama mo ang kapangyarihang nya. Hindi nya lang sinasabi sa'yo dahil nahihiya sya. Hindi ka va nag tataka kung bakit kahit hindi ka nakakapag palit ng anyo ay may mga katangian ka na kahalintulad ng sa kanila? Ang pagiging mabilis mo, ang malakas na pang amoy at ang mind link mo sa kanila. Alam mong tanging mga lobo lamang na nakapag palit ng anyo lang ang nag kakaroon nyan. Mas malakas ka pa nga sa ordinayong lobo, diba. Ilan lang yan sa nakuha mong kapangyarihang mula sa iyong ama" Paliwanag nito sa akin. Akala ko ay dahil lang sa pag susumikap kong mag ensayo ng palihim. Hindi ko alam na dahil pala ito sa kapangyarihang na ipinasa ng aking ama. Ngunit kailan iyon nangyari, wala akong matandaan? "Noong tumuntong ka sa edad na trese. Ang edad kung saan dapat ay nakapag palit ka na ng anyong lobo. Hindi din alam ng iyong ama na naipasa nya sa'yo ang kapangyarihang nya. Hindi rin nya alam na sa edad mong trese ay isa ka ng ganap na Alpha. Kaya nagagawa mong makapasok sa utak nila na hindi nila nalalaman dahil sa pagiging Alpha mo" Paliwanag pa nito. "Subalit, kung naipasa na sa akin ang kapangyarihang nya. Bakit hindi pa rin ako nakakapag palit anyo?" Tanong ko rito. "Malalaman mo iyan sa tamang panahon. Enough of that, akina ang kamay mo. May ipapakita ako sa'yo" sabi nito sa akin ay sabay abot ng kamay nito. Walang pag aatubili ko itong hinawakan. Sa isang iglap ay napapad kami sa puso ng kagubatan kung saan nakatayo ang pinaka malaking puno ng balete. Kasing laki ito ng Eiffel tower. Dito nanggagaling ang lahat ng buhay na mayroon sa mundo namin. Kabilang na kaming mga lobo. Nag sisilbi rin itong proteksyon namin laban sa nga tao. Nag sisilbi itong barrier para hindi makatawid ang mga mortal sa mundo namin. Subalit, may napansin akong kakaiba sa puno ng balete na iyon. Unti unting nalalagas ang mayayabong na dahon nito. "Nilason ang puno na ito, Derek. Tama ka ng nasa isip mo, Unti unti na itong namamatay. At kagagawan yan ni Bakunawa. Oras na masira ang barrier na nililikha ng punong ito, malayang ng makakalabas ang ibat ibang uri ng nilalang at elemento sa mundo ng mga tao. At kaguluhan ang magiging dala nito sa kanila. Malaya na ring makaka pasok rito ang mga MANGANGASO ng walang kahirap hirap"Sagot nito sa akin. Ang mga MANGANGASO ay ang mortal na kaaway naming mga lobo. Mga tao sila na may abilidad na pumatay ng ibat ibang uri ng elemento, lalo na ang mga lobong gaya ko. "Kaya naman binalaan ko ang iyong ina, na kung hindi ka nya dadalhin sa akin at kung hindi nya tatanggapin ang itinakda ko sa'yo ay magiging mabigat ang resulta ng pag tanggi nya, pero nasa sa'yo parin ang magiging desisyon Derek. Kung tatanggapin mo ba ang mate mo o hindi.," Dugtong pa nito. "Paanong hindi ko sya tatanggapin? Hindi ko maunawaan at ano ang kinalaman nya sa pag kasira ng punong ito?eh isa lamang syang mortal?" Naguguluhan tanong ko rito. "Malaki ang magiging papel nya sa digmaan at kaguluhang nakaamba, Derek. At iyon ang dapat mong tuklasin. Kailangan mong mag tungo sa mundo ng tao, upang hanapin sya. Pero hindi magiging madali ang lahat ng ito Derek. As you can see, hindi ito magiging normal na paraan ng pag iisa gaya ng sa lobo pares sa lobo. Tandaan mong tao ang mate mo. " Sabi pa nito. "Hindi ko ba malalaman kung sino ang mate ko? Wala bang mate bond na magaganap sa pagitan namin? Hindi ko ba sya maamoy sa scent nya?" Tanong ko rito. "Ang normal na nangyayari sa mga lobo para matagpuan nila ang mate nila ay dahil sa amoy sariling scent nila na nilalabas para mag tagpo ang bawat itinadhana, tama?" Wika nito. Agad akong tumango rito. Bukod pa sa scent ay ang tinatawag na mate pull, kung saan ay parang may invisible na pulang sinulid ang nakatali sa bawat kamay ng itinadhana kaya madaling malaman kung sino ang mate ng isa isa. "Pero dahil mortal at kakaiba ang magiging mate mo. Hindi mo iyon mararamdaman lahat. Tanging yung mate mo lang ang makakaramdam nito. " Pag tatapos nito sa Paliwanag nito. "Hindi ko maunawaan? Bakit hindi ko mararamdaman. Eh, paano ko malalaman kung sino ang mate ko?parang ang gulo naman nun, mahal na Libulan" tanong ko rito parang pagulo ng pagulo ang Paliwanag nito sa akin. "Natural na mag lalabas ka pa rin ng scent mo, gaya ng sa mga lobo. Pero hindi mo maamoy ang scent ng mate mo. Magiging normal scent lang sya sa iyo. Wala ka ring makikitang pulang sinulid sa mga kamay mo na mag dudugtong sayo at sa mate mo." Sagot nito sa akin. "Eh, paano ko sya matatagpuan kung hindi ko iyon mararamdaman.? Ang hirap naman nito Libulan" reklamo ko rito. "Puso mo ang paiiralin natin. Kung paano umibig ang isang tao ay iyon ang mararamdaman mo. Walang mate bond ang mag didikta sa'yo Derek. Kailangan maging totoo ang nararamdaman ng puso mo, para malaman mo kung sino ang mate ko. Yan lang ang paraan para matagpuan mo sya" Sagot ni Libulan sa akin. Fuck! Sobrang hirap nga. Paano ako iibig kung hindi ako naniniwala sa pag ibig ibig na yan. Mas magiging madali sana kung may mate bond na lang sana ang mag uugnay sa amin. Marami man akong katanungan pa kay Libulan subalit alam kong hindi nito iyon masasagot ng basta basta. Gaya nga ng sinabi nito kanina. Muli nitong inabot ang kamay nito para hawakan ko. Nang maabot ko iyon ay sa isang iglap ay nakabalik na kami sa kweba. "Alam kong marami ka pang tanong Derek, pasensya ka na kung hindi ko pa iyan masasagot sa ngayon. Kailangan ikaw ang makatuklas niyon. Sana maunawaan mo ako. Alam mo naman na labag sa batas namin ang makielam sa kapalaran ninyo. Naway kapag natuklasan mo na ang mga sagot sa mga tanong sa isipan mo, sana ay maunawaan mo ako kung bakit iyon ang mga ibinigay ko sa iyo." Paliwanag nito. Tumango na lamang ako rito. Ayoko na lang mag isip, dahil putang ina nahihilo lang ako. Hindi ko kasi maunawaan kung ano ang nais nito sa buhay ko. Nakaamba na digmaan. Ang mate ko. Ang pagiging Alpha at ang mundo ng tao. "Bago mo lisanin ang kwebang ito Derek. Nais lang kita bigyan ng babala. Wag kang mag titiwala basta basta o kahit kanino. Sa puso mo ikaw mag tiwala. Paalam" babala nito matapos niyon ay nag laho na lamang ito basta sa harapan ko. Nang maka labas ako ng kweba ay hindi lamang si ina ang naroon maging si Alpha Dylan at ang beta nitong si Kai ay naroon. Nagulat man ay hindi ko na iyon ipinahalata. Pansin ko rin na aligaga ang aking ina sa tabi nito. "Anong ginagawa mo rito sa kwebang ito, Derek?"Tanong sa akin ni Alpha Dylan. Nabasa ko sa isip ng aking ina ang isinagot nito sa aking ama kaya naman yun rin ang sinabi ko rito. "May narinig kaming ingay sa loob ng kwebang ito, ama. Habang patungo kami ni Ina kay Tata Lino. Kaya naman Chineck ko muna at iniwan ko si ina rito sa labas." Sabi ko rito. Nakita ko ang pag rehistro ng gulat ng aking ina, dahil tumugma ito sa sinabi nito sa aking ama. "Ano may nakita ka bang kakaiba sa loob?" Tanong muli ng aking ama. Umiling ako rito. "Wala naman. Mag paniki lamang at nakita ko at ang santuaryo ni Libulan. Ama." Dagdag na sabi ko pa rito. Tumango tango naman ito at inaya na kami na mag tungo kila Tata Lino. Nais pala ako nitong kausapin upang pigilan na sa pag punta ko sa mundo ng mga tao. Narito kami ngayon kasama ang mga matatandang taga payo. Lihim lamang ang pulong na ito, sa pamumuno ng aking ama. "Hindi na kita pinahihintulutan na mag tungo sa mundo ng mga tao, Derek. Hayaan mong ang grupo na lang nila Max ang mag tungo roon." Mariin nitong pag kaka sabi. "Bakit naman, Alpha? Akala ko ba ako ang nais nyong mag tungo roon. Bakit bigla na lang nag bago?" Tanong ko rito. "Hindi ka pa nakakapag anyong lobo. At walang ibang gustong miyembro ang sumama sa'yo papunta sa mundo ng mga tao. Hindi kita papayagan na mag isa lang roon na pumunta" sagot muli ng aking ama. "Si Kyross, alam kong sasama sya sa akin. Kailangan ko lamang syang makausap" tutol ko sa sinasabi nito. "Hindi maaari. Hanggat hindi natin nalalaman sa traydor na iyon kung kaninong pack sya nabibilang ay hindi sya pwedeng umalis rito!" Sigaw ng aking ama. Nababasa ko na nag papalitan ito ng mga mensahe sa loob, at alam kong nag aalala lamang ito sa akin. Subalit buo na ang desisyon ko. Pumayag man ito o hindi ay tutuloy ako at isasama ko si Kyross. Ang aking beta. Mariin kong pinakinggan ang lihim nilang usapan. "Hindi pa rin ba sinasabi ni Kyross kung saan na sya napabilang, Kai?" Tanong ng aking ama. "Wala pa rin hanggang ngayon, Alpha. Humihingi ako ng pasensya sa inaasal ng aking anak. Duda namin ng aking esposo na malamang na ginamitan ito ng mahika upang makontrol ang kanyang utak para umanib sa ibang pack ng di nito kagustuhan. Kaya nga sinasabi ko sa iyo, Alpha na wag na wag mong papayagan si Derek na umalis rito sa kampo" sagot ni Kai sa aking ama. "Yun naman talaga ang balak ko. Nagawa na ba ni tandang Irene ang inumin para mapatulog itong si Derek? Ikukulong ko ri kasi ito sa selda sa bahay para hindi makatakas. Kabisado ko itong anak ko, alam kong kapag ginusto nito ay tatakas ito. Siguraduhin nyo rin may naka bantay kay Kyross buong mag damag!" Sagot ni ama. "Opo, Alpha. Nag lagay na ako ng mga tao roon para mag bantay." Tugon ni Kai. "Sumunod ka na lamang sa utos ko, Derek. Mas makakabuti sa'yo ang sinasabi ko. Hayaan mo na lamang kaming lumutas nito" pinal na desisyon ng aking ama. Nakita ko pang nag sitanguan ang lahat ng tao sa loob ng silid na iyon. Maliban lang kay Tata Lino. Maging ang aking ina ay tutol na pumunta ako sa mundo ng mga tao. Paanong nangyari iyon? Eh. Nung nakaraan lamang ay gustong gusto nito na mag tungo ako roon para Wala na itong sakit ng ulo. Bakit bigla biglang nag bago? "Opo, Alpha" sagot ko rito. Sumang ayon na lamang ako rito. Hahayaan kong isipin nito na susundin ko ito. Agad na kaming nag siuwian sa kanya kanya naming tahanan. Kasama ko ang aking mga magulang. Tahimik ang mga ito pero nag uusap naman ang mga ito gamit nag mind link ng mga ito. Isinasalaysay ng aking ina ang pag papakita rito ni Libulan. Ang lahat lahat ng sinabi ng dyos dito. Kita kita ko ang pag kagalit ng aking ama lalo na ng banggitin ni Ina na ang magiging mate ko ay isang mortal. Ngunit hindi lamang iyon ang mas nakaka gulat. Isa itong mortal na lalaki. Hindi ko tuloy naiwasan mapatigil bigla sa nalaman ko, dahilan para mapansin iyon ng aking mga magulang. "Bakit ka napatigil, anak?" Tanong ng aking ama. Wala itong ideya na alam ko ang pinag uusapan nilang dalawa. At ramdam na ramdam ko ang pag kamuhi na nadarama nito sa dibdib sa kaalamang lalaki ang aking magiging mate. Tinignan ko muna ang aking ina bago ko sinagot ang aking ama. Nag isip ako ng maidadahilan rito. "Nakaramdam lang ako ng pag kahilo, Ama. Pero okay na din. Siguro kailangan ko lamang itong itulog" sagot ko rito. Nag tataka man silang dalawa ay tinanggap naman nila ang sinabi kong dahilan. Kaya nag patuloy na kami sa aming pag lalakad. Nang makarating sa aming tahanan ay agad akong nag tungo sa aking silid. Inempake ang mga gamit na kakailanganin ko. Lahat lahat. Habang ginagawa ko iyon ay pinilit kong maka konekta kay Tata Lino. Hinanap ko ang kulay ng isip nito. Mahirap man sa simula pero pinilit ko itong makita. Alam kong ito lang ang makakatulong sa akin. Hindi ko pa kasi gamay ang bagong tuklas na pag kausap sa isip. Oh iyong pag sync ng isip mo sa isip ng nais mong kausapin. Lalo pa't doble pag subok pa ito sa layo ng agwat namin. Bawat utak kasi ng tao ay may kanya kanyang kulay, hugis, anyo at pakiramdam. Para itong finger print na iba iba bawat nilalang. Gaya na nga lamang ng kulay ng isip ni Tata Lino. Kulay luntian ito, hugis bilog at napaka kalmado lang sa pakiramdam ng isip nito. Naka ilang subok muna ako bago ko ito nagawa. Nagulat pa ito ng sa wakas ay nagawa ko rin kausapin ito sa isip. "Kailangan ko ng tulong, Tata Lino!" Sigaw ko rito sa isip ng may pag mamadali. "Dyaske kang bata ka! Derek ikaw ba yan?Oh, Bathala! Nagawa mo. Nasaan ka?" Natutuwang sabi sa isip ni Tata Lino. "Nasa aking silid. Kailangan ko ng tulong Tata Lino, wala ng oras para mag paliwanag pa. Kailangan kong mailabas sa selda si Kyross, upang mag punta kami sa mundo ng mga tao" mabilis kong sabi rito. "Wag kang mag alala, kahit hindi mo sabihin ay tutulungan talaga kita. Naihanda ko na ang mga gamit ni Kyross. You see, may pakiramdam ako na kakailanganin mo ang tulong ko. Hahahaha. Mag kita tayo sa kweba ngayon, tiyakin mong hindi nila mapapansin na wala ka na sa lugar na yan. Ako ng bahala kay Kyross" sabi nito sa akin. "Talaga po? Salamat Tata Lino. Maasahan ka talaga" sagot ko rito. "Don't mention it. Maari mo bang kausapin ang beta mo para sa akin?" Tanong nito bigla. Hindi na ako nagulat kung bakit alam nito ang tungkol doon. Agad na lang akong sumangayon at sinabi kay Kyross ang nais nitong sabihin. "Sige po Tata lino, mag hahanda na ako. Aantayin ko na lamang kayo roon" sagot ko rito at agad na inalis ang pag kakaisa ng isip namin. Sunod kong tinanggal ang pag kakaharang ng isip ko kay Kyross. Panandalian kong blinock sa isip ko si Kyross dahil ang daldal nito. "Finally, akala ko hindi mo na ako papansinin Alpha" bungad nito agad sa akin. "Wala na tayong oras, Kyross. Makinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Papunta ngayon dyan si Tata Lino. Sundin mo lahat ng sasabihin nya sa iyo. Kailangan na natin lisanin ang lugar na ito at mag tungo sa mundo ng mga tao sa lalong madaling panahon" Sabi ko rito. "Alright Alpha! f**k , excited na ako sa magiging adventure natin sa labas!" Excited na wika nito. "Don't call me that. Anyway, antayin mo na lang si Tata Lino. See you later." Sagot ko rito at agad na blinock muli ito sa aking isipan. Mukhang magiging mahirap ang pag takas ko rito. Bitbit ang backpack kung saan nakalagay ang mga importanteng bagay na kakailanganin ko sa mundo ng tao. Kumuha rin ako ng marami raming ginto para maipalit sa mundo ng tao. Masyado itong mahalaga sa kanila na sya namang ordinaryo lang sa amin. Nag kalat ito sa ilog ng alala at sa kweba na santuaryo ni Libulan. Nang matiyak na kumpleto na ang kailangan ko ay maingat na akong lumabas sa aking bintana. Tahimik ang mga naging pag galaw ko. Agad akong tumalon ng matiyak na walang tao. Sa taas na walong palapag ay naging madali lang itong talunin para sa akin. Kaya naman hindi na ako pinabantayan ng aking ama dahil akala nito ay hindi ko kayang makatakas at makatalon roon. Nang maka baba na ako ay mabilis na akong tumakbo patungo sa usapang tagpuan namin ni Tata Lino at Kyross. Sa bilis ng pag takbo ko ay nakarating agad ako sa kweba kung saan ang tagpuan namin. Tiniyak kong hindi ako nasundan nino man. Kumunekta rin ako sa isa sa mga isip ng miyembro ng pack ni Ama. At base rito ay hindi pa nila napapansin na wala na ako sa silid. Nag hintay na lamang ako at pumaupo sa may bato na naroon. Mayamaya ay nag liwanag ang rebulto ni Libulan at bigla na lamang itong lumitaw sa aking harapan. "Kailangan nyo ng makalabas sa lalong madaling panahon, Derek! Balak wasakin ng iyong ama ang portal na nag kokonekta sa mundo nyo at ng mga tao. Oras na masira iyon ay hindi ka na makaka punta sa mundo ng tao. Agad ka ng pumunta roon at doon na lamang papuntahin ang iyong beta!" Wika nito at agad ng nag laho. Sa taranta ko ay napatakbo na lamang ako agad. Hindi ko na naisip na maaring may mga pack na nakakalat si ama sa buong kagubatan. "Kyross. Nasaan na kayo? Change of plan. Sa Arko sa lagusan na lamang tayo magkita. Sabihin mo kay Tata Lino ito, madali!" Hindi ko magawang maipasok ang isip ko kay Tata Lino dahil hindi ako makapag concentrate kaya kay Kyross ko na lang pinaabot ito. "Alpha, on the way na kami. Grabe, ang tindi pala nitong lumaban ni Tata Lino! f**k! Hahahaha. Mabilis inalerto ng mga tauhan ng ama mo ang pag takas ko. Mabuti na lang din at wala ang aking ama rito. Yahoooooo mundo ng mga tao. Here I come! Yeaaàh!" Tuwang tuwa na sabi nito. Mabilis lamang akong nakarating sa Arko. Alam ko na kung bakit wala ang tatay ni Kyross sa bahay nila. Dahil narito ito sa harap ko. Kasama ang mga babaylan upang ganap na sirain ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Limang babaeng babaylan ang nakahilera. Nakataas ang kanilang mga kamay at may sinasabit na orasyon o mahika sa likod ng Arko. Mabilis akong nakapag tago sa puno. Alam kong anuman oras ay maamoy ni Kai ang scent ko kaya naman hindi ako nahinga sa pag pipigil habang hinihintay sila Tata Lino at Kyross dito. Nakita kong unti unting bumabagsak ang bawat parte ng arko. Senyales na nag tatagumpay ang mga ito. Pag wakas noon. Desidido talaga sila na makulong kami rito. Hindi ba nila alam na sa ginagawa nito ay lalo lamang kaming mapapahamak. Unti unti ng namamatay ang puno ng balete. Anytime soon, ay mababalewala rin ang pag wawasak nila sa portal kung hindi magagamot iyon. Imbes na ikulong nila kami dito mas mainam na solusyunan na lang nila ang kinakaharap namin. "Kyross, nasaan na kayo?" Pag kausap ko muli sa aking beta. "Sorry, Alpha. Medyo napapalaban kami rito. Pero wag kang mag alala malapit na kami ni Tata Lino. Antay lang, Alpha. f**k!" Sagot nito sa akin. Naramdaman kong nasaktan ito sa sapak na natamo nito. Mayamaya pa nakita ko sa isip ko na nag anyong lobo na ito. Sa kakatingin ko sa isip ni Kyross hindi ko na namalayan na kumalat na ang scent ko, dahilan para matagpuan ako ni Kai rito sa pinag tataguan ko. "Anong ginagawa mo rito, Derek. Hindi bat sinabi ni Alpha Dylan na pumirme ka sa loob ng iyong silid. Pasaway ka rin talaga gaya ni Kyross. Tumayo ka riyan at ihahatid kita pauwe sa inyo" utos nito sa akin. Agad akong umatras palayo rito. Sakto iyon ng pag dating rin ng tsokolateng lobo na nasa likod ko. Hinahabol ito ng limang mga lobo rin na natitiyak kong grupo nila Max. "Tangina! Kyross????!!! s**t. Paanong kang nawawala?" natatarantang sabi ni Kai. Agad akong nilapitan ni Kyross. Kinausap ko ito sa mind link namin. "Si Tata Lino?" Tanong ko rito agad. "Nasa likod lang. Ano ng gagawin natin Alpha?" Tanong nito sa akin. Agad kaming napalibutan ng grupo nila Max. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang ama ko, sila Ina at ang iba pack ni Alpha Dylan. Nakaharang sila sa amin sa pagitan ng mga nag oorasyon na babaylan. Tumatakbo ang oras at unti unti ng nawawasak ang Arko. Mayamaya ay nakita ko na naroon na rin si Tata Lino. "Anong ginagawa mo, Derek. Hindi ba sabi ko sa'yo na sa bahay ka lang. Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinama mo pa sa kalokohan mo si Kyross." Tanong ni Alpha Dylan sa akin. "Kailngan kong mag tungo sa mundo ng mga tao, Ama. Alam kong alam mo kung bakit ko ito ginagawa." Nag pipigil kong inis rito. "Kapag sinabi kong hindi, HINDI! Dito ka lang sa lugar natin! Wag mong hayaan na pilitin pa kitang mapasunod Derek! Im warning you!" Galit ng sabi nito sa akin. Tinignan ko ang Arko, at halos nasa kalahati na ang nasisira rito. Masyadong mabilis ang pag kawasak na nililikha ng mga babaylan. "Max, lumabas na kayo ng lugar na ito. Eto ang medalyon. Magagamit nyo yan, sakaling natapos nyo na ang misyon nyo doon at nais nyo ng mag balik rito. Kai ang mga gamit nila?" Utos ng aking Ama. Biglang nag anyong tao ang grupo nila Max. Dalawa ang pinahintulutan na isama nito. Todo ngisi pa ito sa akin ng kunin ang mga inaabot rito ng aking Ama at bi Kai. "Paano ba yan, Insan. Better luck next time na lang." Nakangising sabi ni Max sa akin. Nag suot na ito ng mga damit na ibinigay rito. Habang ginagawa nito iyon ay ipinapaliwanag ng ama ko ang mga dapat gawin nito at kung saan ito mag pupunta. Suportado talaga ng buong pack ang pag alis ng mga ito. Subalit hindi ako papayag. Kailangan kong mag tungo roon. Sa ayaw man at sa gusto nito. Hinintay muna namin makadaan palabas sila Max bago kami kumilos ni Kyross. Nakita ko pang inilapag ni Tata Lino ang isang malaking bag sa gilid, ng mapatingin ako sa gawi nito. Kumunekta ako sa isip nito. "Nariyan na ang lahat ng kakailanganin nyo ni Kyross. Andyan na rin ang instructions ko kung saan kayo mag tutungo sakaling makalabas kayo. Good luck Alpha Derek" sagot nito sa akin. Agad kong pinutol ang koneksyon ng mga isip namin. Tumingin ako sa paligid. Pitong lobo ang nakabantay sa bawat kilos namin. Hindi pa kasama ang aking ama, si Kai at Ina sa bilang. Bukod pa dyan ang apat na matatandang taga payo na naroon din. "Anong ng balak, Alpha. Kung ano man ang balak mo, makakaasa kang nasa likod mo ako." Desididong sabi nito sa akin. "Sigurado ka? Kahit kalabanin mo pa ang iyong sariling Ama?" Tanong ko rito sa mind link namin. "Kinakalaban mo na nga ang sarili mong Amo. Sino ako para hindi pumares sa'yo. Maiintindihan rin ako nito balang araw. Kaya ano ng gagawin natin. "Kapag nakatawid na ang grupo nila Max ay saka tayo kikilos. Nakikita mo ba yung malaking bag na nasa bandang gilid ni Tito Kai?mabilis mong kunin iyon. Ako ng bahala sa iba pa. Basta kailangan mong makuha iyon!" Sabi ko rito. "Ako ng bahala roon, Alpha" sagot nito. "Derek, Anak. Sundin mo ang ama mo, kung ano man ang binabalak mo ay wag mo ng gawin pa. Dumito ka na lang, anak" Pakiusap ng aking ina na bumasag sa katahimikan. Nang makatawid na sa Arko ang grupo nila Max ay iyon na rin ang hudyat ng pag lundag ni Kyross kung nasaan ang bag. Siugod ito ng mga lobong naka paikot sa amin. Subalit mabilis ko lang iyon pinag sasapak kaya tumilapon ang dalawa sa kanila. Nakita ko ang pag kagulat na rumehistro sa mukha ng aking Ama. Maging sila Kai at ang mga matatandang taga payo. "Paanong..??? Derek! Itigil mo na ito! Sinasabi ko sa'yo mapipilitan akong pasunurin ka!" Babala ng ama ko sa akin. "Patawad, ama at ina. pero kailangan ko talagang gawin ito" sabi ko sa mga ito. Iyon na ang naging mitsa para mag palit ng anyo ang aking Ama at si Tito Kai. Agad na umalulong ng pag kalakas lakas si Alpha Dylan. Ginagamit nito sa akin ang pagiging Alpha nito. Ramdam ko ang pwersa ng lakas nito. Agad na nag sipag yukuan ang mga lobo na nasa paligid, lumikha iyon ng ingay na waring nasasaktan ang mga ito. Maging ang mga babaylan ay napatigil sa kanilang orasyon na ginagawa. Isa iyong pwersa na tanging Alpha lang ang may kakayahan na pasunurin ang bawat miyembro ng pack nito o ang kahit sino nilalang ang nasa paligid. Sa sapilitang paraan, na naayon sa kagustuhan nito. Naramdaman ko ang epekto nito sa aking katawan, kusang gumagalaw ang katawan ko para sundin ang utos nito. Napapaluhod talaga ako ng dahan dahan kahit anong pigil ko, sa paningin ko pa nga ay parang mas dumoble ang laki ni Alpha Dylan kumpara sa regular size nito. Maging si Kyross ay umaangil na nasasaktan dahil sa bigat ng salitang pinakawalan ni Alpha Dylan. Subalit, desidido akong masunod ang gusto ko. Kailangan kong mag tungo roon para mahanap ang taong itinakda para sa akin. Kaya naman nakaramdam ako ng init na nag mumula sa aking katawan. Hindi ko namalayan na umuusok na pala ang buo kong katawan. Nawala na rin ang pwersa ng kapangyarihang na nag uutos sa akin para manikluhod sa aking ama. Unti unti kong nakokontrol ang katawan ko hanggang sa nawalan na ng epekto ang utos na ibinigay sa akin ng ama ko. Maging si Kyross ay muling nakatayo ng maayos sa gilid ko. "Hindi mo ako mapipigilan, Ama!. Halika na Kyross!" Sigaw ko at una na itong tumawid palabas ng Arko. Kitang kita ko ang pag kagulat sa mata ng mga lobo na nasa paligid namin. Lalong lalo na ang aking ama. Nabasa ko pa sa isip nito ang pag tatanong nito. Kata naman kumunekta na ako sa isip nito. "Paanong nagawa mong kontrahin ang utos ko?????" Sabi nito sa isip nito. "Dahil isa na akong Alpha! Patawad ama, hanggang sa muling pag kikita." Sabi ko rito sa isip na ikinagulat nito. Agad na akong tumawid sa Arko. Kasabay rin noon ang pag kawasak na ng tuluyan ng buong Arko. Nakita kong nag palit anyo na si Kyross at hubot hubad itong nakatayo habang hawak ang bag na ipinakuha ko. Nakatayo lang kami sa harap ng dating pwesto ng Arko, na ngayon ay wala na. Wala na ang lagusan na nag durugtong sa mundo namin at sa mundo ng mga tao. "Ano ng gagawin natin, Alpha?" Tanong sa akin ni Kyross pag karaan. Napatingin ako rito. "Sa ngayon, kailangan natin ang mate ko" sabi ko rito. "f**k! May mate ka????" Gulat na gulat na sabi nito. Itutuloy... --------- Magandang Umaga guys. Kumusta kayo? Okay lang ba kayo? Ako, ayos lang din naman ako. ? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag update rito. Kinailangan ko kasing mag concentrate muna sa iba kong story para matapos na iyon. Pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan ito at si Santino. Yung mga reporter kasi, paboritong paborito ako ireport kaya hindi ko matapos tapos yung SABIK at TAKSIL. Di bale, matatapos ko rin iyon. Upang matuon na ang atensyon ko rito. Nga pla, wala na yung Twitter account ko. Nasuspinde kasi, may nilabag daw akong rules ek ek. Eh, isa pa naman un sa pinaka mabilis kung paano nyo ako makokontak. Anyway, ito na ang bago kong Twitter account. Paki follow na lang ako sa mga may nais. Maraming salamat. @KritikoApollo At maari nyo rin akong mahanap sa sss, search nito lang yung Kritiko Apollo at lalabas na ako roon. Sumali na rin kayo sa Group na Kritiko Apollo Stories. Para todo na. Hahaha Ganun pa rin ang Dreame account ko, kaparehas lang ng Kritiko Apollo na name na masesearch nyo. At ang blogsite na www.kritiko-apollo.blogspot.com Updated na rin iyon. Sa ngayon yan lang muna. Iniisip ko pa kung irerepost ko ang mga nakaraan chapter ng Sabik at Talsik. Medyo inaayos pa kasi ng Daddy nyo. Muli po salamat po sa lahat ng mga nag dm, hindi nyo lang alam kung gaano iyan nakakatulong sa akin. Maging sa walang sawang suporta. Mahal ko kayong lahat. Mag ingat pa rin palagi ah. At wag kalimutan ang manalangin okay. Mwaaaaaaaah? PS May 2nd account nga pala si Lodi AmariFlames. AmariFlames2 ayan po ang ikalawang account nya, dyan nya irerepublish ang Bugso Sa Laman kaya sa mga dila nakakabasa noon ay paki follow na. Isabay nyo na rin ifollow si JoesunkoOfficial at MonsterTucker naku magaganda rin talaga ang gawa nila. Ni lubos lubos ko na ang pag propromote ah. Hahaha o sya mahaba na ito hahahaha kritikoAPOLLO

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD