Pagkatapos namin kumain ay nagyaya si Brixel mag-sine. Pumayag sina Kyril kaya wala nang sense kung magpoprotesta pa 'ko. Si Brixel at Ate Kim ang bibili ng ticket. Nanghihinayang akong kumuha ng pera sa wallet ko, kaya ayokong mag-sine ay dahil nagtitipid ako.
"Here, Kim, sa aming dalawa ni Vera." Napaangat ang tingin ko kay Sage na ngayon ay nagbibigay ng one thousand kay Ate Kim. Tumango naman si Ate Kim at inabot ang pera. Gusto ko mang umangal ay huli na ang lahat dahil pumunta na si Ate Kim sa bilihan ng ticket.
"Thanks!"sabi ko at nahihiya ako. Tumango lang si Sage.
Pagkabili nila Ate Kim ay pumasok na kami sa loob. Nagpaalam muna ako na pupunta lang sa restroom. Paglabas ko ay nakita ko si Sage na nakasandal at nakakrus ang mga braso sa labas ng restroom.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sabay kunot noo.
Hindi niya 'ko sinagot at naglakad na papasok sa loob ng cinema.
Ganito ang nadatnan naming pwesto pagpasok namin sa loob.
Si Ate Kim, Brixel, Alezander, Kyril, Bri, Shin, Stephen, Andrea so wala akong choice, tumabi ako kay Andrea at tumabi sa'kin si Sage. Isang horror film ang pinanuod namin. Tili nang tili sina Kyril dahil sa sobrang nakakatakot 'yong movie pero ako ay pinipilit ko labanan ang takot ko at umaastang normal sa kinauupuan ko, pero nang biglang magkaroon ng scene na sobrang nakakagulat at nakakatakot ay hindi ko napigilan ang sarili ko na ipakita ang takot ko. Huli na nang makita kong nakabaon na ang mukha ko sa dibdib ni Sage. Hiyang hiya ako tsaka tinanggal ang mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko pa ang munting halakhak niya.
"Shut up, Sage!" saway ko sa kanya. Parang lalamunin na ako ng kahihiyan. Simula noon ay kahit sobrang natatakot ako ay umaayos na lang ako sa pagkakaupo at hindi nagpadala sa emosyon ko.
"Muntik na 'kong atakihin sa loob!" sabi ni Kyril sabay halakhak.
"Ako muntik na mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tili mo," sabi naman ni Alezander kay Kyril sabay tawa.
"Shut up, Zander! Maging ikaw ay nagtititili din sa loob. Gay!"
Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Kyril.
"Hindi na nga 'ko makahinga dahil sa higpit ng yakap ni Kim," pang-aasar pa ni Brixel kay Ate Kim. Umulan naman ng panunukso lalo na nang mamula ang pisngi ni Ate Kim.
"If I know, kaya mo naman talaga pinili ang movie na 'yon ay para makatsansing ka!" Humalakhak naman si Brixel tsaka inakbayan si Ate Kim.
"I'm sure mahihirapan nanaman akong matulog mamaya. Andrea, patulog sa kwarto mo ah?" ani Briana.
"Hindi naman gaanong nakakatakot," sabi ko. Humalakhak naman nang malakas si Sage kaya tinignan ko siya nang masama.
"Talaga ba, Vera? Kaya pala halos ingudngud mo na ang mukha mo sa dibdib ni Sage."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea at lalong lumakas ang halakhak ni Sage.
"Shut up, Andrea!" nahihiyang saway ko. Nagtawanan naman silang lahat.
"Uuwi na tayo? Brixel, doon muna tayo sa bahay nila Vera, okay lang ba sayo Vera?" tanong ni Shin.
"Wag na, Shin. May pasok na bukas at nakakahiya naman kay Vera," pagtutol ni Brixel.
"Hindi, okay lang. Welcome naman kayo doon." Ngumiti ako.
"Iyon naman pala, e." Inakbayan pa ni Stephen si Andrea at isinama sa paglalakad. Rinig pa namin ang pagpoprotesta ni Andrea. Napailing na lang ako.
Walang dalang sasakyan si Alezander at Shin kaya naman magkakasama sina Brixel, Ate Kim, Kyril, at Alezander sa sasakyan ni Brixel habang magkakasama naman sila Shin, Bri, Andrea at Stephen sa sasakyan ni Stephen at nauna na silang umalis. Naiwan naman kami ni Sage.
"Sumabay ka na sa'kin," sabi ni Sage tsaka binukasan ang front seat ng itim na Mazda niya.
"Do I have a choice?"
Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ngumisi lang siya.
"Nagiging uneasy ka when I'm around. Why?" Tumingin pa sa'kin si Sage at sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya.
"Just shut up and focus your eyes on the road!" nahihiyang sabi ko tsaka tumingin sa labas. Narinig ko naman ang munting halakhak niya.
Nasa tapat na ng bahay ang kotse nila Brixel at Stephen. Pababa na sana ako nang biglang hawakan ni Sage ang braso ko. Nagtama ang mga paningin namin.
"When I said that I'm gonna make you fall for me, I mean it," seryosong sabi niya. Kumalabog naman ang puso ko at parang may naghahalukay sa loob ng sikmura ko.
"And when I say that I'm never gonna fall for you, I mean it too."
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya pero napalitan din ng ngisi.
"Then let see."
Inirapan ko lang siya at bumaba na sa kotse niya.
Nadatnan ko sila na nag-aayos ng mga binili nilang pagkain sa mini table sa sala.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Stephen sa kakapasok lang na si Sage. Nagkibit balikat lang si Sage. Kita ko ang panunukso sa mga titig nila Kyril at Andrea, inirapan ko lang sila. Sumalampak ako sa sofa sa tabi ni Kyril. Inalok ako ni Ate Kim ng pizza kaya kumuha ako.
"Bakit ka nga pala lumipat sa St. Celestine, Sage?" tanong ni Briana. Napaangat naman ang tingin ko kay Sage.
"Because of someone."
Derecho ang titig niya sa'kin at halos mabingi naman ako sa lakas nang t***k ng puso ko. Nagtitili pa ang mga girls kaya napatakip ako sa tenga ko habang natatawa naman ang mga boys, binato pa ni Alezander si Sage ng throw pillow.
"Sinong someone na mas mahalaga pa sa'kin para iwan mo ko sa St. Scholastica?"
Nagtawanan kami dahil sa nakangusong si Shin.
"Yuck! Gay!" pang-aasar ni Bri. Lalo namang sumingkit ang mga mata ni Shin.
"Pero sino nga iyong someone?" tanong ni Kyril, makikitaan mo talaga siya ng kuryosidad. Kaming lahat ay naghihintay sa sasabihin ni Sage. Sobrang bilis naman nang t***k ng puso ko. Nagkibit-balikat lang si Sage.
"Ang daya!" reklamo pa ni Andrea. Nahagip naman ng mata ko ang makahulugang tingin ni Ate Kim. Kumunot ang noo ko at ngumiti lang siya sa'kin.
"Naiinis ako kay Sage, sa paglipat niya sa St. Celestine for sure mawawala na din sa'kin ang pagiging Team Captain ko." Umiiling iling si Alezander.
"Hindi 'yan. Magaling ka kaya Alexander," sabi ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Sage na nasa tabi lang ni Zander.
"Yeah right! Until you see this monster rule the court."
Nagtawanan naman sila habang si Sage ay matalim akong tinignan. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga boys. Pare-pareho din kasi kaming may pasok na bukas. Pagkatapos kong magshower ay hihiga na sana ako nang may biglang kumatok sa kwarto ko.
"Hi, Vera! Nakakatakot talaga 'yong movie kanina, so we decided na dito na lang kami matutulog lahat."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea at napansin ko na may kanya-kanya silang dalang unan.
"No!" pagtutol ko pero hinawi na nila ako sa may pinto kaya nakapasok sila. Napairap naman ako. Ang ending ay nagsiksikan kami sa kama ko.
Kinabukasan ako ang unang nagising, pinagmasdan ko naman sila na magkakayakap na natutulog.
They are my sisters and no one can change that.
Bumaba na 'ko para magluto ng breakfast namin.
"Ang aga mo, ah!" Humihikab pa si Ate Kim. Nginitian ko lang siya. Nang matapos ako magluto ay ginising na namin 'yong tatlong tulog mantika.
"Sabi na nga ba mapapanaginipan ko 'yong horror film na 'yon," sabi ni Bri sabay nguso.
"Move on na, te." Tumawa naman si Kyril.
"Hindi siya makamove on, Kyril, kasi nga naaalala niya sa film na iyon 'yong moment nila ni Shin." sabi pa ni Andrea. Nagtawanan naman kami dahil tinignan ni Bri nang masama si Andrea.
"'Yong singkit na 'yon? Yuck!" Mukha namang diring diri si Bri kaya lalo pa kaming nagtawanan.
Pagkatapos kumain ay nag-asikaso na kami.
"Vera! Bilisan mo!" sigaw ni Bri kaya dali-dali ko nang kinuha ang bag ko, binitbit ko na rin ang suklay dahil hindi pa 'ko tapos mag-ayos.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Bri.
"Hayaan mo na, Bri. Alam mo naman, nasa St. Celestine na si Sage, siyempre kailangan laging maganda si Vera," pang-aasar pa ni Kyril. Inirapan ko naman siya. Hanggang makapasok kami sa Odyssey ni Andrea ay inaasar pa rin nila 'ko.
"Tigilan niyo nga 'ko wala naman akong gusto sa ugok na 'yon," sabi ko sabay nguso.
"In denial Queen!" Naghalakhakan sila sa sinabi ni Kyril, kinurot ko naman siya.
"Aray!" daing ni Kyril.
"O, nananakit na, guilty na 'yan!" pang-aasar pa ni Andrea.
"Ewan ko sa inyo!" sabi ko at natawa na lang. Naghigh five pa silang apat. Napailing na lang ako.
Nagpaalam na kami kay Andrea at Ate Kim dahil nasa St. Celestine na kami.
"Hala, May pa banner talaga!" Ininguso ni Bri ang banner sa gate ng St. Celestine.
Welcome to St. Celestine, Sage Wainwright!
"Ibang klase talaga 'yan si Sage." Humagikhik pa si Kyril. Napailing na lang ako. Humiwalay na din si Bri sa amin. Magkalayo kasi ang building namin habang magkaklase naman kami ni Kyril.
"Vera, hintayin mo ako mamaya, ah? May meeting lang kami ng dance troupe tapos ay sabay na tayong pumunta sa agency." Tumango naman ako kay Kyril.
"Vera, nanjan nanaman 'yong manliligaw mo!" Siniko ako ni Kyril at ininguso ang papalapit na si Liam na may dala-dalang bouquet ng rosas.
Napairap naman ako. Halos mag-iisang taon na akong nililigawan ni Liam at kahit paulit-ulit ko na siyang binabasted ay ayaw niya pa rin tumigil.
"For you, Vera!" Inilahad niya ang bouquet sakin.
"Diba sabi ko ay itigil mo na 'to, Liam," sabi ko. Hindi ko na maitago ang inis sa boses ko. Nagkibit balikat lang siya at hindi pa rin umaalis sa harap ko.
"Kunin mo na, Vera. Center of attraction nanaman kayo," bulong sa'kin ni Kyril. Rinig na rinig ko na rin ang maugong na bulungan hindi lang ng mga kaklase ko maging ang mga nasa labas. Labag naman sa loob kong kinuha 'yong bouquet. Lumawak naman 'yong ngisi ni Liam tsaka umalis.
"Kung hindi lang ako team Sage ay malamang kinikilig pa rin ako sainyo ni Liam," bulong pa ni Kyril.
Nahagip ng mata ko sa labas si Sage na nakakrus ang dalawang braso at nakataas ang isang kilay. Inirapan niya lang ako tsaka umalis. Napakunot naman ang noo ko.
Isang prof lang ang pumasok kaya maaga kaming nadismiss. Nagpaalam na si Kyril at sinabing sa cafeteria na lang kami magkita kaya ngayon nandito ako sa loob ng cafeteria. Pumwesto ako sa pinakasulok na seat. Napalingon ako nang may sumitsit sa likod ko.
Kumaway sa akin ang ngiting ngiti na si Alezander. Nginitian ko siya pabalik habang si Sage naman ay kagat kagat ang straw ng yogurt milk na nasa tetra pack na iniinom niya at derechong nakatingin sa'kin. Inirapan ko naman siya.
"Vera!"
Tinawag pa 'ko ni Alezander kaya lumingon ulit ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko. Tinuro naman niya ang bouquet na hawak ko.
"Kanino galing?" May ibinulong sa kanya si Sage at humalakhak siya. Ngumisi naman si Sage sa'kin. Kagat kagat pa rin niya 'yong straw.
Wala na ba siyang makain?
"Sorry! Medyo natagalan," ani Kyril, hingal na hingal siya.
"Okay lang, Ky, tara!" Tumayo na 'ko, tumayo rin sila Alezander tsaka lumapit samin.
"Tara na!" pagyayaya ni Alezander, tinignan ko naman si Kyril.
"Sasabay na tayo kay Sage. Malapit lang kasi sa Queenz agency 'yong subdivision kung saan siya nakatira." Tumango naman ako kay Kyril.
Nang makarating kami sa parking lot ay susunod sana ako kay Kyril sa pagpasok sa backseat ng Mazda Cx-5 sport ni Sage nang pigilan ako ni Alezander.
"Doon ka!" Turo niya sa front seat. Ngumuso naman ako tsaka padabog akong pumasok sa front seat.
Tahimik lang kami ni Sage sa byahe habang nag-aasaran naman 'yong dalawa sa likod.
"Baka mapanis ang laway niyo," sabi pa ni Kyril. Nilingon ko naman siya at tinapunan ng masamang tingin.
Napabahing ako dahil may kung anong tumusok sa loob ng ilong ko na galing sa bouquet. Nagulat naman ako nang agawin ni Sage ang bouquet at ihagis palabas ng sasakyan niya mula sa binuksan niyang bintana. Natahimik naman ang dalawa sa likod. Bigla na lang sumipol si Alezander.
"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko kay Sage.
"I'm just helping you," matigas na sabi niya na hindi man lang ako tinitignan.
"Pwes, hindi ko kailangan ng tulong mo!" galit na sigaw ko. Bigla naman siyang pumreno.
"What? For just a bouquet nagagalit ka na ng ganyan? Ganoon ba kahalaga sa'yo ang nagbigay niyan?" Umigting ang panga niya.
"It's none of your business!"
Inis na bumaling ako sa labas. Mabilis naman niyang pinaandar ang kotse niya.
"First L.Q!"
"Shut up, Kyril!" saway namin ni Sage. Nagkatinginan pa kami at inirapan ko naman siya.
Pagdating namin sa harap ng Queenz ay mabilis akong bumaba. Padabog ko pang isinarado ang pintuan ng front seat. Narinig ko pa ang halakhak ni Alezander.
The Hell, Sage Wainwright!