CHANCES 6

2351 Words
Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng St. Celestine ni Kyril dahil ihahatid na daw kami ni Brixel pauwi. Nadatnan namin na nag-uusap usap sina Sage, Alezander at Brixel. "Wag kayong mawawala sa Sabado, Jade will kill me." Humalakhak pa si Sage. Napalunok naman ako. "Hindi yan, love na love ka kaya ni Jade," sabi ni Brixel sabay ngisi. Mas lalong napahalakhak si Sage. "Kyril, sabay ka na sa'kin. Samahan mo 'ko sa Montreal Mall, libre kita!" Napangisi si Kyril tsaka mabilis na lumapit kay Zander. "Sage, baka gusto mo ring isabay si Vera? Baka gusto mo lang naman." Natatawang si Brixel. Umiling lang si Sage tsaka pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin ako sa backseat ng sasakyan ni Brixel. Tahimik at nakatingin lang ako sa labas buong byahe. Mas maganda nga siguro na iniiwasan ako ni Sage. Ito naman 'yong gusto ko, pero bakit parang nalulungkot ako? Pagdating sa bahay ay dumerecho na 'ko sa loob ng kwarto ko tsaka umupo sa may kama ko. Kinuha ko ang picture frame ni Mama sa may side table. "Hi, Ma! Alam ko masaya ka na ngayon, nakita ko nanaman 'yong pinakamagandang ngiti sa lahat." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Ma, I miss you so much!" Sinikap kong ngumiti tsaka niyakap ang picture frame ni mama. "I love you, Mama!" bulong ko pa. Nasa ganoong pwesto ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Kim. Tumayo siya sa harap ko tsaka ako niyakap. "Ang tagal na kitang hindi narinig na umiyak." Lalo akong naiyak sa sinabi ni Ate Kim. "Naalala ko lang si Mama. Napanaginipan ko siya." Humihikbi ako. Umupo naman si ate Kim sa harap ko. "Nakangiti siya sa'kin. She looks very happy." Pinipilit kong ngumiti kahit umiiyak. "Baka iyon din 'yong gusto niyang mangyari sayo, Vera. Your mom wants you to be happy too." Tinignan ko naman si Ate Kim. "Masaya naman ako. Masaya ako at kasama kayo." Hindi ko maiwasan ang paghikbi ko. "Pero hindi ka buo, Vera! Hindi ka lubusang magiging masaya kung may galit pa rin sa puso mo." Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Ate Kim. "Maybe it's about time na patawarin mo na ang papa mo, Vera, na hindi mo na rin sisihin ang sarili mo sa nangyari sa mama mo." Lumuluha na rin ngayon si Ate Kim. "Hindi madaling makalimot, Ate. Sinubukan ko, ilang taon kong sinubukan pero wala pa rin." Lumakas nanaman ang iyak ko. "I never said that you need to forget everything, Vera. I'm just saying that you need to forgive, 'cause forgiveness is the way to genuine happiness and I want you to be happy 'cause I love you." Napahagulhol ako at niyakap si Ate Kim. "But how?" "Acceptance, Vera. Accept it. Acceptance will heal you, I assure you." Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ate Kim. "I will try." Ngumiti siya sa'kin tsaka pinunasan ang mga luha ko. Everything has its own purpose. Iniwan kami ni Papa, nawala si Mama pero dumating sila Ate Kim. After all, God is still really good. Nagpaalam na muna sa'kin si Ate Kim dahil magluluto pa siya ng hapunan. Sila Andrea at Bri naman ang pumasok sa kwarto ko. Humiga pa sila sa magkabilang gilid ko tsaka yumakap sa'kin. "You two are the sweetest." Nangiti ako. Lalo naman humigpit ang yakap nila. "We love you so much, Vera!"sabay na sabi nila. Lalo naman lumaki ang ngiti ko. "But I love you the most!" Napatingin kami kay Kyril na nakakrus ang mga braso sa may pintuan. Natawa naman ako tsaka siya tinawag. Nagkulitan pa kaming apat sa kama, natigil lang kami nang tawagin na kami ni ate Kim para kumain ng hapunan. "Friday bukas, girls. Baka naman may night out?" Taas baba ang dalawang kilay ni Bri. "Pupunta daw dito sila Alezander bukas," sabi ni Kyril. Napatingin naman ako sa kanya. "Ano ba yan! Sila at sila na lang ang nakikita ko." Umirap naman si Bri. "Sinu-sino sila?" tanong ko. "The boys. Sino pa ba?" sagot ni Kyril. Tumango-tango naman ako. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto dahil inaantok na rin ako at ang hapdi ng mga mata ko, siguro ay dahil sa kakaiyak ko. "Vera! Tanghali na!" Parang mawawasak ang pinto ng kwarto ko dahil sa katok ni Andrea. "Oo. Gising na 'ko!" Kinusot ko pa ang mata ko tsaka dumerecho sa banyo para maligo. Binilisan ko na ang pag-aasikaso tsaka bumaba. Naabutan ko si Bri na nakaupo sa sofa. "Vera, kumain ka muna!" sigaw ni Ate Kim galing sa kusina. Pumunta naman ako tsaka uminom ng fresh milk at nagbitbit ng chicken sandwich. "Maaga uli pumasok si Kyril?" tanong ko nang nasa Odyssey na kami ni Andrea. "Oo, may practice siya ulit," sagot naman ni Ate Kim. "Bakit ka naman nakanguso, Bri?" tanong ko sa nakasimangot na si Bri. "Ito kasi si Andrea, kung maka'kalampag sa pinto ko akala mo may sunog. Ang ganda na ng panaginip ko, e!" Natawa naman kaming tatlo. "Isip bata talaga kahit kailan." Tinignan ng masama ni Bri si Andrea. Mabilis lang namin narating ang St. Celestine. Kumaway pa ko kela Andrea bago tuluyang pumasok. "Nakakainis talaga, Vera! Dapat ay magclubbing na lang tayo mamaya kaysa tumambay sa bahay," iritadong sabi ni Bri. "Hayaan mo na, Bri." Natawa ako. Naghiwalay na kami ni Bri. Pagdaan ko sa may gymnasium ay saktong labas naman nila Sage at Alezander. Napawi ang ngiti sa mga labi ni Sage nang makita ako. Nag-iwas na agad ako ng tingin tsaka mabilis na naglakad. Rinig ko pa ang tawag ni Alezander pero hindi ko na siya pinansin. Kung ayaw niya akong pansinin, fine! Anong akala niya? Ikamamatay ko? Tss. Nandoon na si Kyril pagdating ko. "O? Ang aga aga nakabusangot ka," puna ni Kyril. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagiging moody ako masyado at nakakainis na! Nakatuon ang atensyon ko sa prof namin nang biglang may sumitsit sa labas. Sa tabi ako ng bintana nakaupo kaya rinig na rinig ko. Nakita ko si Alezander na isinesenyas si Kyril na nasa tabi ko habang si Sage ay nakapamulsa at busy sa pakikipag-usap sa phone niya. Napairap na lang ako tsaka kinalabit si Kyril at isinenyas si Alexander. Hindi na uli ako lumingon sa kanila. "Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Sage?" tanong ni Kyril habang naglalakad kami papuntang cafeteria. "Aba malay ko! Siya itong nag-iinarte. Bakit hindi siya ang tanungin mo?" inis na sabi ko. Humalakhak naman si Kyril. "Enemy spotted!" Humahalakhak pa si Kyril tsaka itinuro ang table nila Sage. "Ky, sa iba na lang tayo umupo wala naman si Bri jan kaya okay lang kung hindi tayo sasama sa kanila." Hinahatak ko pa si Kyril. "Doon na lang tayo, Vera," sabi ni Kyril tsaka naglakad papunta sa table nila Sage. "Bahala ka!" inis na sabi ko at humiwalay kay Kyril. Pumwesto ako sa bandang dulo ng cafeteria. Bigla akong nawalan ng gana kumain dahil wala akong kasabay. "Hi, Vera! Can I seat here?" tanong ni Liam sabay ngiti. May may dala siyang tray ng pagkain. Tumango lang ako. "For you! Sabi kasi ni Kyril hindi ka pwede sa mga nakakasira ng figure kaya ito puro veggies 'yong binili kong ulam." Inilagay niya sa harap ko ang isang plato na puro gulay ang ulam. "Thanks, Liam. Sana ay hindi ka na nag-abala pa." Pilit akong ngumiti. "Gusto ko ang ginagawa ko." Ngumiti siya. Tumango naman ako tsaka nagsimulang kumain. Nagulat ako nang isipit sa tenga ko ni Liam ang mga takas kong buhok. "It's blocking the beautiful view." Halos masamid naman ako sa sinabi niya. Rinig na rinig ko dito ang malakas na halakhak ni Kyril at mukhang sinasaway siya ni Alezander. Baliw talaga kahit kailan. "Thank you sa lunch, Liam." I smiled at him. Ngumiti lang siya tsaka nagpaalam. Pumunta naman ako sa table nila Kyril. Nakita ko kasing umalis na si Sage kaya ang naiwan na lang doon ay sina Kyril, Zander at Brixel. Natatawa naman akong tinignan ni Brixel. "What?" tanong ko. "Ginalit mo si Lion King, pati ang walang kalaban laban na steak nadamay." Natawa si Alezander tsaka ininguso ang steak na nasa harap niya. Lasog lasog ang steak. "Wala akong ginagawa sa kanya!" inis na sabi ko tsaka padabog na umupo sa tabi ni Kyril. Nagtawanan lang silang tatlo. Nagpaalam na rin sila Zander at Brixel. Nagpaiwan naman kami dahil natanaw namin si Bri na papasok ng cafeteria. Kinawayan pa siya ni Kyril. "O, ano nangyari dito? Parang namassacre?" tanong ni Bri sabay turo sa steak. Napahalakhak nanaman si Kyril. "Wag mo na alamin baka hindi mo kayanin." Hindi na nanaman magkamaway sa pagtawa si Kyril. "Tumahimik ka na nga, Kyril!" inis na saway ko dahil hindi pa rin siya matapos tapos sa pagtawa. Umoorder naman ng pagkain niya si Bri . "Cease fire na kasi," sabi niya sabay ngisi. "Wala namang kailangang icease dahil wala namang fire," iritadong sabi ko. "Talaga lang, ah?" aniya. Hindi ko na siya pinansin. Nagpaalam na rin kami kay Bri dahil magsisimula na ang klase namin. Tahimik lang ako buong klase. Nagcommute lang kaming tatlo nila Kyril at Bri dahil mamaya pa ang tapos ng klase ni Brixel habang walang dalang kotse si Alezander at nakisabay lang siya kay Sage. Nakasalubong pa namin si Sage nang palabas kami ng St. Celestine. Tinanguan niya pa si Kyril at Bri pero hindi man lang siya nag-abalang tignan ako. Sumalampak agad ako sa sofa pagkarating namin sa bahay tsaka sumandal. "Kyril, what's with the steak?" kunot noong tanong ni Andrea. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ipinakita naman niya ang picture nung steak kanina na sinend ni Kyril sa group chat namin. Humalakhak naman si Kyril. "f**k that steak! It made my day." Kunot noo naman sina Ate Kim, Andrea at Bri na nakatangin kay Kyril habang ako tinitignan siya ng masama. "Ano namang nakakatawa sa lasog lasog na steak, Ky?" takadong tanong ni Ate Kim. "Ganyan lang naman ang mangyayari kapag nagselos ang isang Sage Wainwright. Kaya ikaw Vera, lumayo layo ka kay Liam kung ayaw mo matulad siya sa kawawang steak na 'yan," sabi ni Kyril. "Shut up, Kyril!" saway ko sa kanya. Inulan naman ako ng panunukso galing sa kanilang apat. "Pansin ko parang hindi kayo nagpapansinan. Nag-away ba kayo?" tanong ni Bri. Umiling naman ako. "Ano na bang meron sainyo?" Ngumisi si Andrea. "Wala, ah!" mabilis na pagtanggi ko. "Wala kayong makukuhang matinong sagot jan. Alam niyo namang in denial Queen ang lola niyo." Sinamaan ko ng tingin si Kyril na ngayon ay humahagalpak sa pagtawa. "Ang pag-big nga naman minsan tinuturuan tayo na lokohin ang sarili natin." Umiling-iling pa si Ate Kim. "Isa ka pa, Ate! Unang una hindi ako ako in denial dahil wala naman akong kailangan ideny at pangalawa hindi ko niloloko ang sarili ko dahil wala naman talaga akong feelings para kay Sage!" iritadong sabi ko. "Okay," sabi ni Briana na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Bahala kayo!" Padabog na naglakad ako papunta sa kwarto. "In denial Queen na nga, walk out Queen pa!" Sigaw ni Kyril. "Ewan ko sayo!" iritadong sigaw ko. Humagalpak lang sila ng tawa. Naisipan kong manuod na lang ng movie sa laptop ko dahil kapag bumaba ako ay aasarin lang naman nila ako. "Vera, lumabas ka na jan! Nandito na sila Alezander." Kinatok ako ni Ate Kim at dali-dali ko namang pinatay ang laptop ko tsaka nagpalit ng denim short at hanging blouse. Naabutan ko sila sa sala na inaayos ang mga dalang pagkain nila Alezander. Sina Alezander, Shin, Brixel at Stephen lang ang nandito. "Susunod daw si Sage." Tinaasan ko ng kilay si Alezander na nakangisi sa'kin. Bagay na bagay talaga sila ni Kyril pareho silang magaling mangbwiset. "Sana ay hindi na lang kayo nagpunta dito para nakapagclubbing kami," sabi ni Bri sabay nguso. "Tumigil ka nga, Briana! Nawiwili ka na sa pagpunta sa mga club," saway sa kanya ng kuyaniyang si Brixel. Umirap na lang siya. "Sa Wednesday wag kayong mawawala, ah," ani Stephen. "Anong meron?" Nakataas na kilay na tanong ni Andrea. Binato naman siya ng throw pillow ni Stephen. "Birthday ko tapos hindi mo alam?" tanong ni Stephen. "Why? Is it my obligation na alamin ang lahat ng tungkol sa'yo?" Pinagkrus pa ni Andrea ang dalawang braso niya. Natawa naman kami. "Yes, It is! Simula nang sinabi mo na gusto mo rin ako." he smirked. Nanlaki naman ang mata ni Andrea tsaka siya binato ng throw pillow. "Stop it, Stephen. Nakakahiya!" Pulang pula na ang mukha ni Andrea. "Iba ka talaga, bro!" sabi ni Alezander sabay halakhak. Pinaulanan naman namin ng panunukso si Andrea. Halos nakaisang bote na kami ng Jack Daniels. Asaran at walang humpay na tawanan ang ginagawa namin. "Sana ay mahanap ko na rin ang para sakin." Ngumuso pa si Bri tsaka nilagok ang alak sa baso niya. "Shut up, Bri! You're too young for that!" inis na saway ni Brixel. "Why? Silang tatlo ay mas matanda lang sa'kin ng isang taon." Tinuro pa kami ni Bri. Natawa naman kami habang si Brixel ay umiling lang. Nang makatatlong bote na kami ay tumigil na 'ko sa pag-inom. Ayokong magkahang over ng sobra dahil may pasok ako bukas sa Swiftea. Naisipan ko na lang na magbukas ng f*******: account ko. May nag-add sa'kin na isang Jade Alejo. I checked her profile. "Nasaan na si Sage?" tanong ni Shin. "Oo nga. Akala ko ba ay susunod ang isang 'yon?" dagdag pa ni Kyril. Napukol ang atensyon ko sa picture na nasa timeline nung Jade. It's 30 minutes ago sa isang club sa Montreal Heights. Nakahalik siya sa pisngi ni Sage with the caption "my favorite person". Napaangat ang kilay ko. So she's the Jade girl, huh. "Tawagan mo nga si Sage, Alezander," utos pa ni Kyril. "Wag niyo na hanapin ang wala and beside mukha namang enjoy na enjoy siya with his Jade." Nagtataka naman nila akong tinignan. "Just saw it on facebook." Ipinakita ko pa ang phone ko. "Jealous, huh!" sabi pa ni Stephen. "Of course not...over my dead body!" inis na sabi ko tsaka nagmartsa paakyat sa kwarto ko. What's going on with you, Veranica?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD