Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Ayoko pa sanang bumangon kaya lang ay may pasok pa ako sa Swiftea.
Pagkababa ko ay dumerecho agad ako sa kusina para kumuha ng fresh milk. Nadatnan ko pa doon sina Kyril na pare-parehong masasama ang titig sa'kin.
"What?" Kunot noong tanong ko.
"Ang daya! Si Sage pala ang naghatid sa'yo kagabi," sabi ni Briana sabay ngumuso.
"E, ano naman kung siya ang naghatid- Ano? 'Yong presko na 'yon ang naghatid sa'kin?"
Halos maibuga ko ang iniinom kong gatas.
Sabay-sabay naman silang tumango.
"Paanong siya ang naghatid sa..'kin." Napahilamos pa ako nang maalala ang nangyari kagabi.
Pagtingin ko sa apat ay pare-pareho silang nakangisi.
"Ano nanaman 'yon?" singhal ko sa kanila.
"Si Vera, magkakalovelife na!" sabi ni Bri sabay pumalakpak.
"Ako? At kanino? Doon sa preskong Sage na 'yon? My God! Over my dead body!" nandidiri pa na sabi ko.
"Sus. Kunwari ka pa!" pang-aasar pa ni Kyril.
"Ewan ko sainyo! Lalong sumasakit ang ulo ko sainyo." Nilayasan ko sila tsaka nagpunta sa sala.
Sumalampak naman ako sa sofa. Grabe! Ang sakit ng ulo ko.
"O!"
Kinuha ko ang binigay na pancakes ni Ate Kim.
"Thank you, Ate. May pasok ka?" Tumango naman si Ate Kim.
"Oo, partner tayo."
Lumawak ang ngiti ko. "So pwede pala akong magpetiks."
"Shut up, Vera! Masakit rin ang ulo ko."
Natawa naman ako.
Maganda kasi ang tandem namin ni Ate Kim sa Swiftea, madali kaming natatapos sa mga gawain namin at kapag si Ate Kim ang partner ko ay hinahayaan niya akong umupo-upo lang lalo na kapag galing akong photoshoot at halos wala akong tulog.
Sumunod na rin dito sa sala sina Andrea. Humiga pa si Bri sa hita ko.
"Grabe! Kagabi ko lang ata nakitang kasama nila si Sage na gumimik." Ngumisi pa si Bri.
"Kaya nga! Kagabi ko lang din sila nakitang kasama si Sage sa inuman." sumang-ayon pa si Kyril.
"Teka! Ano bang nangyari kagabi? Bakit bigla tayong umuwi?" tanong ko habang kunot ang noo.
"Oo nga pala, Bri, alam mo ba kung bakit? Nagulat na lang ako nang makitang hila hila na 'ko ni Zander," tanong rin ni Kyril.
"Ito kasi si Ate Kim." Humagikhik pa si Bri. Tumingin naman ako kay Ate Kim at namumula siya.
"Binastos siya nung kasayaw niya kaya nagalit si Kuya. Sinapak niya 'yong nambastos kay Ate Kim." Ngumiti pa si Bri kay Ate kaya lalo siyang namula.
"Ate, ano na ba talagang real score sainyo ni Brix?" Nakangising tanong ni Kyril.
"Mukhang mayroon kang hindi ikinukwento sa amin, ah?" dagdag pa ni Andrea.
"W-wala! Ano, friends lang kami," nauutal na sabi ni Ate Kim.
"Bakit nauutal?" Panunukso pa ni Kyril.
"Tsaka, Ate, nagbablush ka." Natatawang sabi ni Bri.
Nanlaki ang mga mata ni Ate Kim. "Tigilan niyo nga ako!"
Lalo lang siyang inulan ng kantyaw nung tatlo habang ako ay nakikitawa lang. Pinaghahahampas niya pa ng throw pillow si Bri dahil sobra kung makaasar.
Naisipan ko naman na makisali sa pang-aasar nila kay Ate Kim.
"Naks naman si Ate Kim, may lovelife na." Lahat sila ay nagtinginan sa akin. Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa.
"Shut up, Wainwright!" sigaw pa nila nang sabay-sabay pagkatapos ay nagtawanan sila.
Binato ko naman sila ng throw pillow bago tumayo para umakyat sa taas.
"Ewan ko sainyo!" sabi ko at napa-iling na lang.
"Uy! Umiiwas sa topic," sabi ni Bri sabay halakhak.
"Baliw! Mag-aasikaso na 'ko, may pasok pa ako sa Swiftea," depensa ko.
Nagtawanan lang sila.
Mga baliw talaga!
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na din ako. Naabutan ko pa si Ate Kim na nag-aayos ng babaunin naming pagkain. Si Kyril at Briana naman ay tulog sa sala habang si Andrea ay nanunuod ng movie sa laptop niya.
"Ready ka na, Vera?" Tumango naman ako kay Ate.
"Andrea, aalis na kami," pagpapaalam ko pa kay Andrea.
"Hatid ko kayo?"
Umiling naman si Ate Kim. "Wag na, magtatricycle na lang kami."
"Sige. Ingat kayo."
"Grabe! Ang init!" reklamo pa ni Ate nang makalabas kami.
Kailangan pa kasi naming maglakad hanggang sa dulo dahil doon dumadaan ang mga tricycle papuntang Sentro.
Kumunot naman ang noo ko nang biglang tumigil sa paglalakad si Ate Kim.
"Bakit may pasa ka jan?" Tinuro niya pa ang braso ko.
"Hindi ko nga din alam, siguro ay dahil sa higpit nang pagkakahawak noong Sage sa braso ko habang kinakaladkad ako palabas ng club nila Bri." Ngumisi si Ate Kim na may halong panunukso.
"Ate naman!" Ngumuso ako. Tumawa lang siya.
Pagdating namin sa Swiftea ay walang customer.
"Matumal?" tanong ko kay Lora, iyong kasamahan namin dito.
"Sobra! Hindi ko alam kung nasaan ang mga tao. Badtrip nanaman tuloy si Michelle."
Patungkol niya doon sa kabit ng Chinese na may-ari nitong shop.
Sumunod na 'ko kay Ate Kim sa loob ng locker room para magpalit ng uniform.
"Mamaya lang ay dadaldal nanaman si Michelle na akala mo siya talaga ang may-ari nitong shop," inis na sabi ni Ate na sinang-ayunan ko naman.
Paulit-ulit lang na pagpupunas ang ginagawa namin ni Ate Kim dahil sa pareho nga kaming walang magawa dahil wala namang mga customers.
"Good afternoon, sir! Welcome to Swiftea!" bati ko sa kakapasok lang na customer.
Ngumiti naman sakin itong lalaki na halatang nagpapacute. "Miss, one large hazelnut milk tea."
"One large hazelnut milk tea. Pangalan na lang po nila, Sir."
"I'm yours." Kumindat pa siya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ate Kim na nasa likod ko.
Pilit ko siyang nginitian. "Okay po, Sir I'm Yours. Serve na lang po." Ngumisi pa siya bago tuluyang umalis sa harap ko.
Ang mga lalaki nga naman.
"Iba talaga yung charm mo, Vera." Pang-aasar pa ni Ate Kim. Inirapan ko lang siya.
"Hoy, Veranica!" Agad akong lumingon kay Michelle na kalalabas lang sa office.
"Ano?" walang ganang tanong ko. Mainit talaga ang dugo ko sa mga kabit.
"Kapag may mga ganoong customer sakyan mo na lang, wag kang umarte. Kikita tayo jan."
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Baka nakakalimutan mo na hindi katawan ang binebenta dito kaya wag mo 'kong ibugaw jan." Kinurot pa ko ni Ate Kim bilang pagsaway sakin.
"Leche ka talaga! Kung pwede lang kitang sisantihan. May araw ka rin sa'kin!" Padabog siyang pumasok sa loob ng office.
"Ginalit mo nanaman ang dragon." Natawa si Ate Kim.
"Ayos nga 'yon, para naman hindi na siya lumabas dito at magkulong na lang siya jan sa office." Nakipaghigh five pa sa'kin si Ate Kim.
Hindi na ulit nagkaroon ng customer kaya pareho kaming nakapanghalumbaba dito sa counter ni Ate Kim.
"Nakakaantok!" daing niya pa.
May nag-sipasukan na grupo ng mga kalalakihan. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Ate Kim tsaka mabilis na pumwesto sa likod ko.
Kaya naman pala. Grupo nila Brixel ang pumasok. Napako pa ang tingin ko sa lalaking nakapamulsa at derechong nakatingin sakin.
Ang preskong si Sage.
"Hi, miss!" bati sa'kin ng isa sa mga kasama nila Brixel.
Tipid ko naman siyang nginitian.
"Paul, wag mo ngang tinatakot si Vera. Hi, Vera!" bati naman sa'kin ni Alezander, varsity sa University at kaibigan din ni Kyril.
"Hi, Alezander!" bati ko pabalik.
Nanlaki naman ang mata nung lalaking unang bumati sa'kin.
"Magkakilala kayo?" tanong pa nung Paul na halatang hindi makapaniwala.
"Oo. Schoolmate kami. Sabi ko naman sainyo lumipat na din kayo sa school namin." Tumawa pa si Alezander. "7 large caramel milk tea, Vera."
"Pangalan na lang nung iba, Alezander." Nakangiting sabi ko.
"Okay. Shin, Dave, Stephen, Dexter, Calvin at Paul plus ako." Tumango naman ako kay Alezander.
"Tawagin na lang kita." Tumango pa siya tsaka hinila iyong singkit na parang bata.
"Hi, Vera!" Nakangiting bati ni Brixel tsaka ininguso si Ate Kim senyales na gusto niyang si Ate Kim ang kumuha ng order niya.
"Ate, ikaw daw ang gusto ni Brixel."
Namula pa si Ate Kim. Napangiti na lang ako.
"Smile naman jan, Kim," sabi pa ni Brixel.
Habang ginagawa ko ang order nila ay biglang inagaw ni Ate Kim.
"Ako na jan, kunin mo na iyong order ni Sage."
Nalaglag naman ang panga ko.
"Bakit hindi mo pa kinuha?"
"Para quits." Ngumisi pa sa'kin si Ate Kim.
"Wala bang kukuha ng order ko?" madiin na tanong ni Sage. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya hinarap.
"Ano pong order niyo, Sir?" Pilit kong itinatago ang inis ko.
"One large caramel milk tea." Lalo naman akong nakaramdam ng inis. "Hindi pa sinabay kanina ganoon din naman pala ang order."
"May sinasabi ka?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya.
"Sabi ko pangalan na lang po nila."
"Just call Alezander!" inis na sabi niya tsaka ako nilayasan.
Tumawa naman si Ate Kim.
"Seloso pala si Sage."
Kumunot lang ang noo ko.
Nang matapos ang order nila ay tinawag ko na si Alezander sa microphone. Agad naman na lumapit sakin 'yong Paul.
"Okay na 'yong order niyo." Nakangiting sabi ko.
"Hi, I'm Paul." Inilahad niya ang kamay niya para makipagshakehands.
"Vera!" Nakangiting sabi ko.
Hindi niya agad binitawan ang kamay ko hanggang sa pareho kaming nagulat dahil sa ingay nung natumbang upuan.
Nakatumba ang upuan sa tabi ni Sage at magkasalubong ang dalawang kilay niya.
Problema ng isang 'yon?
"Halika na kasi, Paul!" Hinila pa ni Alezander sa damit si Paul.
Tumawa si Ate Kim. "Kakaiba pala talaga si Sage."
"Ang sabihin mo maluwag na ang turnilyo sa utak." Ngumisi lang sa'kin ng nakakaloko si Ate Kim.
Naging mabilis ang oras dahil sa biglang dumami ang mga tao.
Pagdating ko sa locker room ay agad akong nagpalit ng damit. Pagpasok ni Ate Kim galing sa restroom ay nakafloral dress na siya.
"May lakad ka?" tanong ko.
Nag-aalangan naman siyang tumango. "Niyaya ako ni Brixel."
Lumawak naman ang ngiti ko. "Ingat kayo!"
Pagdating namin sa labas ay naghihintay na si Brixel kasama ang mga kaibigan niya kay Ate Kim.
"Vera, sure ka okay lang kung uuwi ka mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Ate.
"Oo naman! Brixel ingatan mo si Ate Kim, ah!" Sumaludo pa sakin si Brixel.
"Zander, Shin kay Stephen na kayo sumabay," sabi ni Sage.
"Ang sikip sikip na namin doon!" pagpoprotesta pa ni Shin.
"Halika na." Sumipol pa si Zander bago hilahin ang nagpoprotestang si Shin.
"Vera, I'll bring you home."
Parang may kumalabog naman sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Sage.
"Hindi na kaya ko-" Pinutol niya ang sinasabi ko.
"I said I'm gonna bring you home!" maawtoridad na sabi niya.
Sa tingin ko ay hindi naman ako mananalo kaya sumakay na ako sa itim na Mazda niya. Ngumisi pa sa'kin si Ate Kim.
Sobrang tahimik namin sa byahe at pinirmi ko ang mga mata ko sa labas.
"My God!" nasambit ko nang biglang magpreno si Sage.
Nag-igting ang mga panga niya. "Bakit may pasa ka?"
"Ask yourself! Masyado kang biolente sa pagkaladkad sa'kin kagabi." Inirapan ko pa siya tsaka tumigin uli sa labas.
Rinig ko pa ang mahihinang mura niya.
Pagdating sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse niya. Naabutan ko pa sa labas si Kyril na may kausap sa phone.
"Kotse ni Sage 'yon diba?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako tsaka siya nilampasan.
"Si Ate Kim?" bungad sa'kin ni Andrea.
"Bakit ka niya hinatid, Vera? Saan kayo galing?" pang-uusisa ng kapapasok lang na si Kyril.
"Sinong naghatid? Tsaka nasan si Ate Kim?" naguguluhang tanong ni Bri.
"Hinatid lang naman siya ni Sage! O, diba? Ang haba ng hair ng friend natin!"
Nanlaki pa ang mga mata nung dalawa tsaka nagtitili.
"Si Vera in love na!" Pang-aasar pa ni Kyril.
"Shut up, Kyril!" Padabog akong umakyat sa kwarto ko.
'Yong preskong 'yon magugustuhan ko? No way!
Nagpalit ako ng oversized shirt at maikling short bago matulog, sa ganito kasing suot ako komportable sa pagtulog.
Naalimpungatan ako pasado alas dos ng madaling araw. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisapan kong bumaba.
"Hi, Vera!" Malaki ang ngisi ni Shin. Nadatnan ko silang nag-iinuman dito sa sala.
Tinawag pa ko nila Kyril kaya lumapit ako. Uupo sana ako sa tabi ni Andrea kaya lang ay siniksik ni Sage si Shin palapit kay Andrea at ang ending ay sa tabi na lang niya ang may space kaya no choice ako kung hindi tumabi sa kanya.
Mabuti na lang at hindi napansin nila Kyril pero si Ate Kim ay binigyan nanaman ako ng isang makahulugang ngiti.
"f**k! Anong klaseng damit 'yan?" inis na bulong sa'kin ni Sage. Dahilan kung bakit parang hinalukay ang sikmura ko.
Nagwala rin ang puso ko at halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Ano 'to?