Cheska's POV Tatlong araw na ang nakalipas ng mag away, ay hindi pala, ng inaway ko si Xander at tatlong araw na rin siyang hindi nagpaparamdam, mas okey na yun para makapag isip naman kami kahit papano. Habang kumakain ako ng tanghalian ko biglang bumukas ng marahas ang pinto ko at iniluwa doon si Jinri. Anong ginawa ng babaeng ito dito? Hindi ba busy ito? "Cheska, Cheska" nagmamadaling sabi ni Jinri. "Oh bakit?" tanong ko. "Nakita ko si Xander kanina sa restaurant" sabi niya. "Eh ano naman" walang ganang sabi ko at tsaka uminom. "May kasamang babae" nasamid naman ako bigla sa sinabi niya. "WHAT?!" sigaw ko. Wow, at nagawa pa niyang makipag date kahit mag away kami? Ang lakas naman ng loob ng lalaking yan. "Saang restaurant?" tanong ko. Kailangan ko siyang puntahan para turuan

