Cheska's POV "Kyahhhhhhhh" tili ko. "WIFEY BAKIT KA SUMISIGAW?!" natatarantang sabi ni hubby may hawak pa siyang sandok, siya ang nag presintang magluto ngayon. Kadadating lang ni hubby kahapon at wala kaming ginawa kahapon ni hubby magkulong sa bahay habang nanunuod ng movies. "Kasi hubby dumating na yung inaanak ko galing America" sagot ko. Nag text sa akin si Dawn na dumating na anak anak niya. Tumira muna kasi pansamanta ang anak niya sa mga magulang niya nung nag aaral pa siya pero ngayong nagta-trabaho na siya kinuha na niya ang anak niya. "Inaanak?" takang tanong ni hubby. "Oo inaanak ko, anak siya ni Dawn" sabi ko. "May anak si Dawn?" takang tanong niya. Ay, hindi nga pala alam ni hubby na may anak si Dawn. "Oo, anak niya sa pagdalaga. Na buntis siya ng na ka one night st

