Chapter 34 : * Scheming b***h , Macy *

1530 Words
Natasha's POV Simula ng gabing may tumawag sa asawa ko ay lalo itong naging clingy at malambing sa akin na gustong gusto ko naman dahil feeling ko eh mahal niya ako talaga. Pero mas naging possessive at masyado niyang hinihigpitan dahil alam niya kung anong oras ang last subject ko sa school at talagang minomonitor niya kung anong oras akong nakakauwi or natatapos ang klase ko , kung sinong kasama ko for the whole day habang nasa university vicinity at kung anong ginagawa ko.. Ewan kung sinong nag a-update sa kanya basta nagugulat na lang ako dahil alam niya ang mga activities ko everyday. After school ay didiretso na ako sa Lee's kasi nandoon na ang mga bata sa office niya hinihintay ako at doon na pipirmi sa office ko na kung saan may ipinagawang private room incase gustong matulog ng mga bata ,at sa kwarto nila ay may iba't ibang palaruan tulad ng slide,, see saw, duyan at kung anu ano pang pwedeng laruin ng mga bata para na ngang playground ang kwartong ito para di mainip ang mga anak namin habang nagtatrabaho kaming mag asawa. Syempre meron ding.t.v. na pwede silang manood at ref para stock an ng pagkain nila. Kung minsan naman ay nasa university ang mga bata kasama ang mga yaya at hinihintay nila akong matapos ang klase at sabay na kaming pupunta sa opisina upang doon na maglagi hanggang gabi buti na nga lang walang nagrereklamo kung ba't nandoon ang mga anak ko at mga yaya nila, kunsabagay kasi isa si Albert sa nagbibigay ng malaking donasyon sa university..kaya close siya sa mga namamahala ng school.. " Hello Tash ?!.. pwede ka bang makausap mamaya?", si Eva habang magkatabi kaming nakaupo at nakikinig sa aming Prof na nagle-lecture sa gitna. " Sure ! mukhang seryoso 'yan ah, about kanino ba 'yan?", nakangiti pa ako ng itanong ko dahil mayadong seryoso ang bespren ko at naninibago ako sa kanya. " Basta tungkol sa asawa mo ", sabi ni Eva , may kaba na bumundol sa dibdib ko ng sabihin nito. Bigla akong naging interesado sa maririnig ko sa kanya dahil tungkol daw sa asawa ko. May kasalanan kaya ang asawa ko? ba't parang ang bigat ng problema nito? may babae na naman kaya ang asawa ko at nakita ni Eva? wala naman akong nakita na changes sa asawa ko unlike noon ng sila ni Melissa na kung saan siya pupunta lagi niya itong kasama at kung ilang days sa nawawala.Ngayon kung mag aabroad siya or out of town bukod sa sekretarya niya kasama niya kami at ni minsan di ko naramdaman na nagbago siya sa bed performance dahil mas naging aggressive siya at kung anu anong s****l positions or acts ang sinusubukan namin dahil 'yun ang gusto niya syempre payag ako dahil masarap naman at baka sa iba niya subukan kapag di ako pumayag mahirap na. Nang dumating ang closing time namin agad ko siyang inusisa sa gusto niyang pag usapan namin. " Kumusta kayong dalawa ni Albert? may napapansin ka bang pagbabago sa kanya ?", tanong nito sa akin. " Okey lang naman kami, pagbabago?mas naging sweet at clingy siya these past few months ", sagot ko sa kanya dahil 'yun ang totoo. " Ah ..okey... mabuti naman kung ganon ", tanging sinabi nito. " Ano bang sasabihin mo sa akin?", usisa ko ulit sa kanya. " Ah.. wala lang 'yun ", sabi niya sa akin , maski anong pilit ko,tumawa lang ito at sinabing 'joke!...", kaya binalewala ko na lang. Pakiramdam ko kasi meron siyang itinatago sa akin , pero dahil wala naman daw kaya baka mali lang ako ng hinala saka wala naman talagang nagbago sa asawa ko kundi 'yung sobrang clingy niya when I'm around para kaming ewan! kasi gusto niya kung nasaan siya ay noroon din ako , siguro sa iba parang nakakasakal 'yun pero para sa akin kinikilig ako kasi feel ko na ayaw niyang mawala ako sa paningin niya at ganun rin naman ako gusto ko alam ko lahat ng activities niya araw araw. ---------------- Eva's POV Gusto ko sanang ipagtapat sa kaibigan ko ang tungkol sa sinabi ng pinsan kong si Macy , dahil ipinakita niya kay mama ang result ng kanyang tsek up at confirm na buntis nga ito ng mahigit tatlong buwan raw . Nong inusisa siya ni mama kung sino ang ama ng kanyang anak ay sinabi niyang si Albert raw , ang asawa ni Natasha. Syempre nagalit si mama , at muntik na niyang saktan si Macy. Pero ako! maski mas matanda siya sa akin ng mahigit apat na taon , sinampal ko talaga siya , bahala ng magalit ang tita ko sa akin. " Bakit ginugulo mo ang buhay ng mag asawa ? sobrang landi mo! dapat pala di na kita ipinakilala sa kanila ! ako pa tuloy ang naging daan para masira ang pagsasama nilang mag asawa !" , tungayaw ko kay Macy na sinabunutan ko pa talaga sa sobrang inis ko. Pinigil lang ako ng mama ko dahil buntis nga raw baka makunan. " Eh sa nagkaroon kami ng relasyon ni Albert at may nangyari sa amin , anong magagawa mo !", pasigaw rin na sagot niya sa akin. Ni di umiyak ang bruha tinitigan lang ako ng masakit. " Hindi eh, sinadya mo eh , dahil type na type mo si Albert at plano mo talagang agawin siya sa kaibigan ko !", sinabi ko sa kanya ng harap harapan.. " Ano ka ba naman Macy ! may asawa 'yung tao ! alam mo bang napakabait ni Natasha? parang anak ko na rin silang dalawa ni Albert!", naghihinagpis na sabi ni mama. " Eh auntie , siya po ang nanligaw sa akin at dahil gusto ko rin siya kaya may nangyari sa amin !", rason ng bruha sa mama ko. " Hah... for sure inakit mo ! dahil mahal na mahal ni Albert si Natasha kaya di 'yun basta basta papatol sa 'yo ! maliban sa kung nilasing mo !", akusa ko sa kanya. " Bakit ba di mo matanggap na nagkaroon kami ng relasyon ni Albert at ngayon ay buntis ako sa magiging anak namin?", kapal talaga ng mukha di ba? ni konting remorse ay wala kang makikita sa expression niya kundi pagmamalaki na pinatulan siya ng isang Albert Lee. " Hindi ! hindi ako papayag na sirain mo ang masayang pagsasama nila ng kaibigan ko !", bulyaw ko sa kanya, naku! nanginginig talaga ako sa galit. " Eh bakit ba 'yung babaeng yon ang mas kinakampihan mo! ako ang pinsan mo kaya you're suppose to be on my side !", galit na " Because you're my cousin and I know what you're good at and that is ruining other's life you are the curse for the man you'll be interested and I know that you're capable of inventing lies just to back up your story , I'm not even sure if you're really pregnant I guess you just paid some scam clinic just to issue you such paper that says you're pregnant !", pang iinsulto ko sa kanya. ." Grabe ! ang sama pala ng tingin mo sa akin ! if you won't help me i'll personally tell Natasha this good news of another baby with me of Albert ! and she had no choice but to share with me her husband !" , nasusuka ako sa mga sinasabi nitong nakakahiya. " Wow ! planadong planado kunsabagay di naman stupid si Albert para maniwala sa 'yo ! malay ba kung anak mo yan sa ibang lalaki at gusto mo lang ipaako kay Albert para magkasira silang dalawa para makuha mo si Albert !", katwiran ko. Muli'y pinagalitan ako ng mama ko ng marinig ang mga sinasabi ko. ." Ano ka ba Eva? pamangkin mo yang ipinagbubuntis ng pinsan mo ,kaya dapat lang na makipag usap siya sa tatay ng anak niya kesehodang may asawa ! kasi ba't siya pumapatol sa ibang babae kung talagang mahal niya ang asawa niya !", rason ng mama ko. " Ano ka ba ma' , ba't imbes na pangaralan eh parang kinakampihan mo pa yang malanding yan?", naiirita kong sabi sa mama ko, parang kami pa yata ang mag aaway dahil lang sa pasaway kong pinsan. " Ipagpalagay natin , pero minsan ng naging dahilan ng di nila pagkaka intindihan ang ibang babae kays maaari ngang nagkaroon ng relasyon sina Macy at Albert ", paliwanag ni mama. " Ipagpalagay nating inakit niya at bumigay si Albert, pero sanay naman siya sa relasyong walang patutunguhan eh ba't kailangan niya pang sabihin sa kaibigan ko? para masaktan si Natasha at iwanan ng tuluyan si Albert para baka sakaling mapasakanya?", sabi ko pa. Kaya ng magkita kami ni Natasha ay tinanong ko kung nagbago ba si Albert sa pakikitungo sa kanya para malaman kung talaga nga bang nakipagrelasyon ito sa iba , ngunit mas naging clingy at sweet raw si Albert sa kanya , kaya di ko nagawang magkomento ng di maganda tungkol sa asawa niya and I am really glad that they have a happy relationship. I wish that they won't be destroy by my cousin's bad intention, they'll stay strong and together til the end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD