Chapter 15 : * The Wedding *

1503 Words
" Kaya mo ba sinabi sa akin na tingin mo eh babaero si Albert dahil may ginawa siyang di maganda sa'yo ?", usisa ni Natalie sa bunsong kapatid. Di niya akalain na may pangyayari na palang binastos na pala ng kanyang fiance ang kapatid sa sarili nilang tahanan ng di niya pa rin alam. Akala niya pa naman eh gentleman lang talaga si Albert at gusto lang magpa goodshot sa kanya at sa pamilya niya kaya maski holding hands eh never itong nag insinuate sa kanya , 'yun pala eh , may iba na itong agenda kaya gusto nitong kasama palagi sa mga lakad nila ang bunsong kapatid. Hinayaan siya ng magulang at kapatid na ipagluksa ang kamatayan ng kanyang pag ibig sa lalaking di naman pala karapat dapat mahalin ngunit kailan kaya niya ito makalimutan? Tanging tango lang ang kasagutan ni Natasha kasama ng pagtulo ng masaganang luha sa mata nito para kumpirmahin ang totoo , awang awa siya sa kapatid dahil nakikita niya sa awra nito ang pilit itinatago na pait. Batid niyang labis itong nasasaktan sa nadiscover , kung siya lang wala siyang kaplano plano na sabihin o isumbong si Albert sa ginawa nito dahil nga sa nakikita niyang sakit ng kalooban na nadarama ng kanyang ate Natalie ngayon .Ginusto niyang itago ang lahat at kalimutan ang pangyayaring iyon pero ewan bakit kaya sinabi ng lalaking iyo sa kani kanilang pamilya? para kaya ipahiya siya ? pero aware naman siya sa gulong mangyayari if this things were out in the open pero ibinulgar niya pa rin. Haisst ! talaga namang napakapasaway ng lalaking iyon. Nang magkaroon ng modelling offer kay Natalie sa Canada ngunit pansamantalang doon maninirahan ito ay pumayag ang magulang niti dahil baka iyon din ang magiging daan para maka move on ang kanilang panganay sa heartbreak nito na sila rin ang may kagagawan dahil ipinagkasundo nila ito kay Albert noong bata pa ang mga ito kaya ni minsan ay di nito naranasan ang maligawan ng normal tulad ng ibang kabataang babae , di naman nila inaasahan na darating ang panahon na kusang tatalikod si Albert sa kasunduan maski pa sabihing ang kanilang bunso ang naging kapalit at mapapangasawa nito nakakaramdam pa rin sila ng sumbat ng kunsensya dahil alam nilang may ibang mahal si Natasha na sapilitan nilang pinaglalayo ang dalawa dahil kailangan nitong talikuran para pagbigyan silang matatanda , Ngunit di nila magawang tanggihan ang nakatatandang Lee na di rin kayang iturn down ang hiling ng mahal na apo ng mga ito. Tulad nga ng nakasunduan si Natasha na ang naging fiancee ni Albert kaya ng sumunod na bakasyon ng binata si Natasha na ang ka-date nito at ilang beses niyang tinangkang higit pa sa date ang gawin nila something physical dahil magiging mag asawa naman daw sila pagdating niya sa tamang edad , pero tuwina ay di siya pinagbibigyan ng dalaga. Lagi na'y katwiran nito ay bata pa siya at di pa handa sa mga bagay na for adults only at buti na lang ay di naman nagpupumilit ang binata. Mabilis na lumipas ang mga taon after three years ay dumating na rin si Natasha sa tamang edad para ikasal kay Albert. Walang pagsidlan sa kaligayahan ang binata ng maikasal sila di niya alintana kung umiiyak man ang dalaga ang importante sa kanya ay tuluyan na itong napasakanya simula sa araw na 'yon. " Natutuwa ako at mukhang maligaya ang apo natin sa kasal nito kay Natasha ", puna ng abwelo nito sa kanyang abwela dahil sa nakikitang kakaibang sigla ng apo at lagi na ay may nakapaskil na ngiti sa labi nito habang nag iikot nakakapit sa braso nito ang bagong asawa. " Tama ka , mabuti naman at palagay ko ay magiging maligaya ang apo natin kasama si Natasha ", sang ayon ng asawa nito. Marami ang nagtaka dahil ang alam nilang mapapangasawa ng binata ay ang modelong si Natalie na napakaganda at sexy na kapatid ni Natasha ,ngunit aminado rin naman silang maganda at sexy rin naman si Natasha subalit walang naglakas loob na magtanong at buti na nga lang at di rin naman alam ng pamilya nila kung pano sasagutin ang naturang tanong. " Ang ganda ng asawa ko , bagay na bagay sa'yo ang red and gold traditional chinese wedding dress !", pasimpleng bulong ni Albert sa asawang tahimik lang na nakakapit sa kanya kanina pa niya akay akay ito saan man siya pumunta. Ni hindi magawang ngumiti ni Natasha , masyado palang nakakapagod ang magpakasal halos buong araw na 'tong selebrasyong 'to , nalulungkot pa siya dahil kulang ang miyembro ng pamilya nila , wala ang mahal niyang ate na siya dapat ang asawa ng lalaking ito at dapat two years ago pa sila ikinasal . Although nakikita niyang masaya ang kanyang magulang pero alam niyang di naman masaya ang kanyang ate at ni tumawag para batiin siya ay di nito ginawa kaya di niya mapigil ang mapaiyak kanina dahil feeling niya ay napakawalangkwenta niyang kapatid dahil inagaw niya ang mapapangasawa nito pero tulad ng kanyang ate ay wala rin siyang lakas ng loob na salungatin ang desisyon ng kanilang magulang pakiramdam niya ay para silang de susing manika na gumagalaw ng naaayon sa kagustuhan ng magulang at naiinis siya pero wala siyang magawa. Tulad ng ibang traditional na chinese wedding ay marami silang natanggap na regalo ,pero tiyak namang di nila madadala sa Pilipinas ang mga nasabing regalo . Dahil'yun ang gusto ng kanyang asawa ang agad silang bumalik sa Pinas dahil naroon ang negosyo ng kanyang asawa at doon sila magsisimula ng kanilang buhay may asawa doon sila bubuo ng sariling pamilya. " Grabe, ang ganda talaga ni Natasha , bagay na bagay sila ni Albert ,tiyak na napakaganda at gwapo ng kanilang magiging anak !", sabi ng isang ginang sa katabi nito , taas noo naman ang magulang ni Natasha sa mga papuring naririnig mula sa mga kakilala at kaibigan na dumalo sa kasal na ito. " Tama ka, pero bakit kaya sila ang ikinasal ? di ba si Natalie at Albert ang dapat nagpakasal? napansin mo ba wala si Natalie ?", puna ng ginang na kausap nito. " Oo nga ano? kanina ko pa nga sana gustong itanong pero nahihiya lang ako ", sabi ng ginang. " Hayaan mo na nga sila ! wala namang nag inform sa atin ", ani ng kausap nito.Napakalaking isyu ang pagpapalitang iyon ng magkapatid ngunit walang nagtanong dahil lahat halos ay takot dahil parehong kilala sa business world ang dalawang pamilya Ang talikuran ng mapapangasawa ay malaking dagok at kahihiyan sa tinalikuran ayon sa tradisyong chinese. Ngunit marami rin naman ang nakakaalam na matagal ng pumunta sa ibang bansa si Natalie at sikat na sikat na ito sa modelling industry. Siguro ay nakalimutan na nito ang kasal o di kaya ay kusa ng umayaw dahil sa pangarap nito kaya ang nakababata ng kapatid nito ang ipinakasal kay Albert. " Aba eh , napakaswerte ni Natasha dahil si Albert ang napangasawa niya isa ng successful businessman si Albert sa Pilipinas kaya kawalan ni Natalie ang pagtalikod sa bethrottal nila ni Albert ", sabi naman ng isang binatang kilala ni Albert sa pangalang Saimon Te. " Oo nga no' , pero di rin naman lugi si Albert kay Natasha , dahil kung di siya pinakasalan ni Albert , ako ang magpapakasal kay Natasha ! grabe sobrang ganda niya ", sagot naman ng isa pang binata. Tulad nga ng inaasahan ay gabi na natapos ang selebrasyon ng kasal ng dalawa . Kitang kita ang pagod sa mukha ni Natasha matapos umalis ang mga bisita na karamihan naman ay kamag anakan nila at ng pamilya ni Albert , gayundin mga kaibigan at business partners or associates ng pamilya nila. Nakakaramdam ng takot si Natasha sa nakikitang ngisi ng asawa sa buong araw na iyon ,parang gusto niyang kumaripas ng takbo sa nerbyos dahil tiyak niyang wala na siyang kawala sa masamang plano ng lalaking ito pero wala na siyang magawa dahil kasal na siya rito sa malao't madali eh kailangan niyang ipagkaloob rito ng buong buo ang sarili bilang asawa nito. Kailangan niyang pagbigyan ang matagal ng hirit nito sa kanya ,ngayong kasal na sila tiyak wala na siyang kawala rito. Haisst, mapipilitan na siyang pagbigyan ang hilig nito sa s*x. Gusto niyang kutusan ang sarili sa kabastusang naiisip ngayon masarap pa rin kaya tulad noong una nitong ginawa sa kanya? Pagkatapos ng kasal ay nagdesisyon si Albert na iuwi ang asawa sa bahay ng kanyang grand parents para sa blessings na ibibigay ng mga ito sa kanila for their happiness , prosperity at kung anu ano pang rituals for newlywed couple na tulad nila ,at after three days naman ay sa magulang naman nito sila pupunta bago tuluyang umuwi ng Pilipinas ,wala silang napag usapang honeymoon ,sapat na munang kasama niya ang asawa at masolo ito dahil atat na atat na siyang makuha ito ng tuluyan , matagal din siyang nag crave sa alindog nito na ni minsan ay di nito pinayagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD