Chapter 1

2445 Words
Henrietta Maevelyn lived in a really wealthy family. Mula bata siya ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya, sobra-sobra pa. It was her parents way of parenting. Never niyang naramdaman na mahal siya ng mga ito sa emosyonal na paraan. Never siyang kinamusta, niyakap, at kung ano pa man. Tanging pagpapaulan ng mga materyal na bagay ang ginawa nito sa kaniya bilang mga magulang. It didn't bother her, though. Gano'n na ang kinalakihan niya. But deep inside, there is this big spot in her heart that is empty. Hindi kayang punuin ng kahit anong materyal na bagay at pera. And she's looking for a way to fill that in. "Ang aga mo naman ako sinundo, Kuya Bill," reklamo niya sa driver. Nakasimangot niyang pinanood ang nagtatawanan niyang mga kaibigan dahil gigimik ang mga ito. She was aggressively chewing bubble gum in dismay. Palagi na lang siyang hindi nakakasama ro'n. "Sorry, Ma'am Henrietta. Napag-utusan lang ni Sir Henry. May pupuntahan yata kayo." She crossed her arms as she lazily sat on the backseat the whole drive. Pagdating sa driveway ng mansion ay tinatamad siyang bumaba at ibinagsak ang pinto. But her steps slowed down when she saw her parents waiting for her. "Mom, Dad," aniya paglapit at humalik sa mga ito. Kunot-noo siyang pinasadahan ng tingin ng Daddy niya. "Henrietta, what's with your uniform?" Tinuro din nito ang malaki niyang hoop earrings. "You look like a hooker!" sermon nito. She just rolled her eyes. Agad naman itong pinakalma ng Mommy niya. "Hija, buy a uniform with a decent measurement." Ngiting-ngiti sa kaniya ang Mommy niya. Kumunot ang noo ni Henrietta. No, this is weird. Her parents are cold to her. They never scold her. Walang pakialam ang mga ito sa kaniya. "What's happening? Why are you guys so creepy?" aniya. Nanindig pa ang balahibo niya dahil sa lambing ng titig sa kaniya ng Mommy niya. From that, she knew that they need something from her. Ang Ate niya lang ang mahal ng mga ito, hindi siya. "Well..." panimula nito at humawak sa braso niya saka siya marahan na hinila papasok sa loob ng mansion. "Henrietta, remember Christian? 'Yong anak ng client namin sa business na na-meet natin last week?" saad nito. Patuloy siya sa pagnguya sa bubble gum habang iniisip 'yon. Ah! The guy who obviously likes her. Nakasama kasi niya ang Mommy niya last week dahil pinag-drive niya ito. Walang available na driver ng time na 'yon. "Ah, that weird looking nerd guy," aniya at inikot-ikot niya ang daliri sa buhok niya. "Don't say that, Henrietta," sermon sa kaniya ng Daddy niya na nakasunod sa kaniya. Napairap siya. "Whatever. What about him?" Ngiting-ngiti na hinarap siya ng Mommy niya. "Can you meet him tonight? He wants to get to know you!" Napaatras si Henrietta. "What? No!" "Come on, Henrietta. Just give it a try. Sa fine dining naman 'yon. You'll just eat and talk to him. That's it!" ani ng Daddy niya. Humawak ulit ang Mommy niya sa kaniyang braso. "Just go out with him, tonight. Kailangan nating maka-deal ang Dad niya because it will give us a big opportunity! Remember, ang laki ng nawala sa atin two months ago dahil sa scammer. If we close this deal with Christian's father, mababawi na natin ang loss na 'yon!" They have different food businesses, and now, her parents are trying cosmetic industry. She remember that issue two months ago. Her parents were really devastated. Pinagkrus ni Henrietta ang braso. "Alright. I just need to be friends with him, right?" aniya. Lalong lumaki ang ngiti ng Mommy niya. "Yes, yes, hija!" Umirap ulit siya. "Fine." Nilampasan niya ang mga magulang. "Amazing! Nasa bed mo na ang susuotin mo later. 7 p.m, Henrietta. Don't forget!" masayang paalala ng ina niya. She checked the dress on her bed. It was a long silky red. Manipis ang strap no'n at may mahabang slit sa kanan na banda. She smirked in satisfaction. Red heels naman ang partner no'n. "This dress is the only reason why I wanna go," bulong niya. QUARTER to 7 nang bumaba siya sa sala mula sa kwarto niya. She's ready, smoking hot in the red dress and high heels. Nakaladlad lang ang alon-alon niyang buhok at nakasuot ng hoop earrings. She heard her parents talking to a man's voice. Pagbaba niya ay si Christian nga 'yon. She pursed her lips in dismay. Mamahalin ang suot nitong formal attire pero baduy. Napatingin ito sa kaniya kaya tinaasan niya ng kilay. Christian immediately stood kaya napatingin na rin sa kaniya ang parents niya. "Wow, you look gorgeous, Henrietta," marahan na saad nito habang nakanganga. Halos mapairap siya. Ngiting-ngiti ang parents niya nang magkalapit sila ni Christian. "Alright, Christian. Drive safely, okay? Pakiuwi nang ligtas ang anak namin," malambing na saad ng Mommy niya kaya lalong napasimangot si Henrietta. Plastic! "Of course, Tita." Nilingon nito ang Daddy niya. "Aalis na po kami." Pinanood sila ng parents niya na sumakay sa kotse at umalis. Tamad siyang umupo sa tabi ng driver's seat habang nakakrus ang mga braso. "Are you excited?" Christian asked while driving. Pilit siyang ngumiti. "Hmm, okay lang," aniya. As much as she doesn't want to be there, Christian is nice. Hindi naman tama na pakitunguhan niya ito nang masama. Pinanood niya lang ang dinaraanan nila pero maya-maya ay napansin niya na parang lumalayo sila. She knows where they would dine in. Alam niya ang daan patungo ro'n. "Where are we going?" tanong niya at napaupo nang maayos. Hindi umimik si Christian at inilagay lang ang kamay sa hita niya saka 'yon pinisil. She grimaced in disgust and slapped his hand away. "What the f-uck?" iritado niyang tanong. Paglingon niya rito ay masama na ang tingin nito sa kaniya. Lumiko ito patungo sa liblib na daan saka hininto ang kotse. "Let's have s-ex here," saad ni Christian. Kumunot ang noo niya. "Stop joking around. Iuwi mo na nga lang ako!" iritado niyang saad. Tinanggal nito ang seatbelt sa katawan saka inilapit ang mukha sa kaniya. He tried to kiss her. Mabilis ang kamay niya na sinampal ito. "Christian!" sigaw niya at tinulak ito nang malakas. Lalong nagalit ito at inabot ang mukha niya. Ang isang kamay ay hinuli ang magkabila niyang palapulsuhan. "Why are you refusing me, you sl-ut!" he shouted full of anger. Henrietta tried to be freed but he's too strong. Hindi siya makapaniwala na iisa lang ang tao na kasama niya ngayon at si Christian. She spit on his face that made his face darker. Malakas siya nitong sinampal matapos bitawan ang mukha niya. For a second, she almost lost her consciousness. "Ang arte mo pa, akala mo kung sinong santa. I saw you in your school and you look so s-lutty in your uniform. Now, show it. Ipakita mo ang kalandian mo. Pleasure me, Henrietta!" pang-iinsulto nito sa kaniya. "F-uck..." bulong ni Henrietta at nasapo ang ulo. Tinignan niya nang masama si Christian. "F-uck you, Christian. Even a sl-ut won't like you!" ganti niya at buong lakas niya itong sinuntok sa mukha. She pushed the button to unlock the door. Nagmamadali siyang bumaba sa kotse saka tumakbo palayo. She struggled because of her high heels. Napamura siya at akmang titigil para tanggalin 'yon nang biglang may humila sa buhok niya mula sa likod. "Where are you going, wh-ore? Don't try to run away. Sa akin ka na!" Hiniklas din nito ang suot niyang dress. Napasigaw si Henrietta. Pilit siyang kumawala. Natumba sila. Pagtihaya niya ay agad pumaibabaw sa kaniya ang lalake at sinimulan siyang halikan. She's beyond disgusted. Sinubukan niyang sipain ito ngunit sadyang mas malakas sa kaniya ang lalake. Her one hand started to reach for something. Kumapa-kapa siya sa paligid niya hanggang sa may nahawakan siyang bato. Out of desperation to be safe, she smashed it against Christian's head. Agad itong natigilan at gumulong sa tabi niya. Henrietta gasped for air and stood. Nanlalaki ang mata niya na tinignan si Christian na nakapikit habang halata sa mukha ang sakit. His head was bleeding but she didn't care. "F-uck you, Henrietta. H-humanda ka!" nanghihina na banta ng lalake. Pinilit niya ang tumayo at hinubad ang sandals saka lakad-takbo na lumayo ro'n. Ininda niya ang sakit ng paa dahil sa distance no'n at nagkakasugat din siya. She forced herself to stay strong. Nang dumating sa may highway ay napayakap siya sa sarili nang mapagtanto na halos hubad na siya. She waved her other hand to the car that is passing by. Fortunately, it stopped. "Hija, ano'ng nangyari sayo?" alalang tanong ng babaeng matanda na nasa tabi ng driver's seat. Her lips were shaking. "Please, help me," halos bulong na lang 'yon. "I want to go home." Nagkatinginan ang mag-asawang matanda bago siya tinanguan. With shaky hands, she pulled the door in the backseat. Tinanaw niya ang pinagmulan. She doesn't care if he dies. Mas mabuti pa nga 'yon. "Gusto mo ba dumiretso na tayo sa hospital?" nag-aalalang tanong ng matandang lalake. "You looks so miserable, hija. Kung sino man ang may gawa sa iyo niyan ay dapat makulong." Wala siyang emosyon sa mukha at ang panginginig lang ng katawan ang tanging senyales na takot siya sa nangyari. "P-pakiuwi na lang ako. My parents will handle this," aniya. The old couple looked hesitant but they followed her instruction. Inabot sa kaniya ng matandang babae ang isang jacket. "Wear this." Aligaga siyang tumango. "Thank you..." aniya at agad naman 'yon sinuot. Natulala siya sa bintana buong biyahe. Nakapasok sa subdivision ang kotse dahil nagpakita siya sa guard sa main gate. Pinatigil niya ang sasakyan sa harap ng mansion nila. "Please wait here. I'll just get money to pay you for the inconvenience," mahinang saad niya. Nilingon siya ng mag-asawa. Nahawakan siya ng matandang babae ngunit napaigtad siya dahil do'n. She's still scared because of what happened. "I-I'm sorry," aniya at inabot ang pinto ng sasakyan. "No, hija. You don't need to pay us. Gusto lang talaga namin na makauwi ka nang ligtas. I hope you take action for what happened," marahan na saad ng matandang babae. Natulala si Henrietta kapagkuwan ay tumango. Pagbaba niya ay pinagmasdan niya ang pag-alis ng sasakyan. She swallowed hard then covered herself even more with the jacket. The guard immediately opened the gate for her. "Ma'am, okay lang kayo?" tanong nito sa kaniya. "Where's Mom and Dad?" she asked instead of answering. "Nasa loob po." She nodded then went inside the mansion. Naabutan niya ang mga magulang niya sa sala, umiinom ng tsaa habang nagtatawanan at nagkekwentuhan. "Mom, Dad..." pagtawag niya sa dalawa. The two looked at her and stood when they saw her. "What happened, hija?" tanong ng Mommy niya. Hinubad niya ang jacket para ipakita sa dalawa ang sitwasyon niya. Her dress was destroyed. Pag-angat niya sa laylayan ng suot ay kapansin-pansin ang mga sugat sa talampakan niya. Napahawak sa bibig ang Mommy niya. "Oh my gosh!" Napasinghap si Henrietta. Her body shook in fear as she let it consume her body because she's finally safe. "C-Christian tried to r-ape me..." namamaos niyang saad. She looked at her parents with her tears falling. Natahimik ang parents niya. She waited for their angry words for her assaulter but it didn't happen. "What did you do that made him do that?" tanong ng Daddy niya. Henrietta froze. Pakiramdam niya ay nabingi siya. Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean, Dad?" Umiling ang Mommy niya. "We know Christian, hindi siya gano'ng tipo. Did you seduce him and now you're accusing him?" Mataas ang boses na tanong nito. Umawang ang labi ni Henrietta sa pagkabigla. "W-what?" "Where is he!?" her Dad asked loudly. Mariin na lumunok si Henrietta. "I left him. I smashed a rock on his head to stop him from r-aping me." "What the f-uck, Henrietta!?" Dumagundong ang boses ng Daddy niya. Malalaki ang hakbang nito na nilapitan siya at mariin na hinawakan sa magkabilang braso. Napasigaw siya dahil pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. "Daddy, no!" She began to cry. Hindi man lang natinag ang Daddy niya sa pinapakita niyang takot dito. "You're a crazy b-itch. You ruined our relationship with his family. Stop acting! Tell me where exactly did you leave him so we could save him now!" Henrietta's whole body panicked. Itinulak niya ang Daddy niya para depensahan ang sarili ngunit agad siyang natumba nang sinampal siya ng Mommy niya. "You are good for nothing, Henrietta. Dapat hinayaan mo na lang siya kung ano ang ginawa niya sayo! Kapag nagkaanak kayo at ikinasal, it will help our family! You wasted the opportunity!" sigaw ng Mommy niya na pulang-pula na. Sinapo ni Henrietta ang pisngi habang naluluha. "Nababaliw na kayo!" she shouted. "'Yan na lang ang iniisip niyo!" Dinuro siya ng Daddy niya. "Shut up. Kaya marangya ang buhay mo dahil sa business natin na pinapabagsak mo ngayon!" Magsasalita pa sana ito ngunit nag-ring ang cellphone ng Mommy niya. Nang sagutin nito ang tawag ay nawala ang kulay sa mukha nito. "W-what do you mean, Mr. Mendoza? Please—" Namatay ang tawag kaya natulala ang ginang. Then her face became so angry. Sinugod niya si Henrietta saka pinaghahampas. "Kasalanan mo 'to, Henrietta! We had one request to you, only one! But you failed to do it, sinira mo pa ang deal! Now that you almost killed his son, atras na siya sa deal. He will also pull out all of his share!" Naghe-hysterical na sermon ng Mommy niya habang sinasaktan siya. Napamura ang Daddy niya. "All of it ruined just because of you!" "Henry, Tiffany, tigilan niyo ang pananakit sa anak niyo!" sigaw ng Mayordoma at agad iniharang ang sarili kay Henrietta. Agad siyang kumapit sa nanny niya habang tahimik na umiiyak. She's all weak now. Grabe ang trauma na inabot niya sa kamay ni Christian, ngayon pati sa mga magulang niya. Sumulyap siya sa parents niya na galit na galit ang mga mukha. "Stop blabbering around that Christian tried to r-ape you or else, makukulong ka. For all I know, you seduced him. You brought this to yourself, dinamay mo pa ang buong business natin!" ani ng Mommy niya. Tumiim-bagang naman si Henry. "Mula ngayon, wala ka ng puwang sa pamilyang 'to. Since you ruined our relationship with the Mendoza, I'll cut off everything with you. We'll never give you money and everything. You have one month to look for a new home for yourself. Hindi ka na namin anak, Henrietta. You're nothing like your sister, perwisyo ka!" Kumuyom ang kamao ni Henrietta habang yakap siya ng mayordoma. She cried in anger silently as she watched her parents went upstairs. Itinakwil siya ng mga ito. They are crazy. "Fine," she whispered. "I can handle myself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD