ABALANG-ABALA si Sugar dahil isang linggo nalang ay pasahan na nila ng kanilang mga nagawang storya. Maski ang mga co-writers niya ay gahol na gahol na din dahil sa napapalapit ng deadline nito.
She's almost done on her 60th book for her almost 8 years in writing industry. Sa loob ng walong taong pagsusulat ay tatlong beses lang siyang nakapagsulat ng Action Genre na siyang gustong gusto niya. At ang iba naman ay love story'ing puro tragic ending. Hindi kasi siya naniniwala sa sabi-sabi ng mga fairytale na 'they lived happily ever after', alam niyang isang kathang isip lang din ng mga manunulat iyon. Sinasabi lang na masaya silang nabuhay ng walang hanggan para ma-inspire ang mga bata pero ang totoo, walang happy ending sa totoong buhay.
Hell yeah! She's a bitter writer at ang pagsasabing walang happy ending ay proven na ng kanyang mga magulang.
"Sugar? Di ka pa uuwi?" tanong ng kanyang co-writers.
Tumingin siya rito at umiling. "Nah, kailangan ko 'tong tapusin agad atsaka ilang chapters nalang naman epilogue na."
"Ay ganun sige. Pero sana happy ending na 'yan ha?" tanong nito at nakangiting lumapit sa kanya.
Napa-irap naman siya ng mga mata sa hangin. "Belle, that will never happen. Happy ending is just for fairytales."
"But your Samysth wants a happy ending. Hindi mo manlang ba sila pagbibigyan kahit yan manlang?" kunot noong tanong nito.
"Hindi." saad niya at nagpatuloy sa pagsusulat.
Dismayado namang umiling ito sa kanya and she bid her good bye.
Totoo naman kasi, it's just for fairytales. Duh?
Ipinagpatuloy nalang niya ang pagsusulat para matapos na agad at hihingi na siya ng pahintulot sa kanyang boss na magsulat ng isang Action Genre na storya ulit.
Kailangan niyang magpalakas sa kanilang boss para naman pagbigyan na siya nito. Walang araw kasi niya itong kinulit kulit para payagan siya nitong magsulat ng Action Genre.
And Samysth ang tawag sa mga taong tumatangkilik sa kanya kahit pa hindi happy ending ang mga ilan sa storya niya.
Ilang minuto pa ang ginugol niya sa pagsusulat at malapit na siya matapos. 3 more chapters plus the epilogue ay saglit na lang para sa kanya.
Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at ang kanyang ina ang tumatawag.
Noong naghiwalay ang magulang niya mas pinili niyang mapunta sa side ng kanyang ina kesa sa kanyang ama.
Recently lang ay nalaman niyang may bago ng pamilya ang kanya ama pero aside from that ay wala na siyang nabalitaan pa. Ayaw na niyang malaman pa ang tungkol sa kanya.
She answer her mothers call.
"Ma? Bakit napatawag ka?" tanong niya at tumigil muna sa pagsusulat.
"Anong oras ka ba uuwi ha, Sugar?"
"Ma, saglit nalang 'to then I'll go home right after I finish writing one more chapter."
"O sige. Basta mag-ingat ka ha at dumaan ka muna sa simbahan."
Sugar and her mother finished their chitchats at tinapos na ni Sugar ang kanyang isinusulat. Halos isang oras pa ang ginugop niya bago niya natapos ang isa pang chapter.
Uminat muna ito at isinandal ang likod sa swivel chair.
3 more chapters to go. Im done! Action Genre here I come.
Nagligpit na siya ng kanyang laptop at inayos na ang mga gamit at ang kanyang sarili. Konting retouch at ayos ng buhok at handa na siyang umalis.
Habang papunta siya sa elevator ay nakasalubong niya ang mga guards na nagiikot ikot para i-check kung ayos lang ba ang buong lugar.
"Mam Sugar, ingat ka po sa pag-uwi." paalala ng mga ito sa tuwing paalis siya.
Ngiti lang ang itinugon niya at nagmamadali ng tumungo sa elevator. Panay na rin ang pag-vibrate ng kanyang cellphone dahil tinatadtad na siya ng text at miss called ng kanyang ina.
Si Mama talaga. Napaka-kulit!
Anong oras na din kasi at kailangan na niyang uwi. It is almost 8 o'clock in the evening at sobra na ang kanyang oras ng trabaho.
Wala lang. She just want to consume her time on writing kesa maghanap ng lovelife na 'yan.
Nakalabas na siya sa elevator at patungo na sa kanyang sasakyan.
Nang makita niya ang kanyang sasakyan ay dali dali na siyang sumakay at tumungo muna sa pinakamalapit na simbahan para magdasal.
Hobby na niya ito. Sa araw araw na ginawa ng diyos at lagi siyang dumadaan sa simbahan para magpasalamat sa panginoon.
Papasok na siya sa loob ng simbahan nang may mabangga siya isang matipunong lalaki.
"s**t!"
"Aray naman!" sabay na saad nilang dalawa.
Hawak hawak niya ang kanyang noo dahil nabangga siya sa balikat nito.
Napakalaki naman ng lalaking 'to. Ano ba 'to? Kapre. Lintek.
Masamang tinapunan niya ito ng tingin at dali dali naman 'tong umalis na para bang may hinahabol.
Sinundan niya 'to ng tingin at nakitang hinahabol nito ang isang babae.
Sus. Ang harot harot naman. Puro kasi love eh. Wala kayang forever. Duh? Yan ha. Marurupok kasi kayo eh!
Napairap naman siya at naglakad patungo sa loob ng simbahan.
Hindi manlang mag-sorry. Ang kapal ng mukha.
Lumuhod na siya at nagumpisang magdasal.
Pumikit na ito.
Papa God, andito na naman ako. Sana hindi ka nakukulitan sa'kin ha. Ay alam mo ba Papa God may nakabangga akong lalaki dito nakakainis siya. Aba hindi manlang nag-sorry ang kapal ng mukha 'non.
Huminga muna ito ng malalim at ipinagpatuloy ang pagdadasal.
Hay nako. Bahala na kayo sa kanya ha, Papa God. Hmmm... By the way, Papa God. Maraming salamat sa ibinigay mong magandang araw sa'kin ngayon ha. At alam mo naman Papa God na lagi ko 'tong hinihiling sayo kaya sana maibigay mo na sa'kin. Yung Action Genre na story lang po okay na ako 'don. Salamat po.
Nang matapos siya magdasal ay lumabas na siya at pumunta sa kotse niya.
Sinilip niya muna ang kanyang cellphone at nakitang niyang halos sasabog na ang inbox niya sa messages ng kanyang ina.
Saglit niya kasing iminute ito para hindi maingay habang nasa loob siya ng simbahan.
Iiling-iling naman 'tong sumakay sa sasakyan niya at nagmaneho na patungo sa bahay nila.
KANINA pa hinihintay ni Nicolas ang kanyang kaibigan sa simbahan. Halos kalahating oras na itong naroroon at medyo naiinip na rin.
Kung hindi lang importante ang sasabihin niya dito ay hindi na siya maghihintay pa ng ganoon katagal.
Nakaupo lang siya sa bench na naroroon at panay ang tingin sa orasan at sa gate ng simbahan.
"Nicolas!" napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niyang ito ang kanyang hinihintay. Si Flaminia.
Tumayo siya at sinalubong ito.
"Kanina pa ba dyan? I'm sorry kung naghintay ka ng matagal ha." saad nito ng makalapit sa kanya.
"No. It's okay. Mukha yatang nakakaabala ako?" agad namang umiling ito at ngumiti.
Shit. My heart.
"Hindi ah. Ikaw pa!" sabay hampas sa kanya ng mahina sa braso. "Ahmm... Ano palang sasabihin mo? Dito pa talaga sa simbahan ah."
Napatahimik naman ito bigla.
"Flam?"
"Hmmm?"
"I like you. I like you so much. I mean... A lot." sabi niya at napatingin agad ang dalaga sa kanyan na may halong pagkagulat ang mukha.
Kinabahan ito sa reaksyon ng mukha nito at dahil na rin sa matagal bago ito sumagot.
"Hey? Are you okay?" nagaalala niyang tanong dito at hinawakan ito sa pisngi.
Iniiwas ng dalaga ang mukha. "Hinihintay ko lang na sabihin mong joke lang." huminga ito ng malalim at tinitigan siya. "Nicolas. Seryoso ka ba talaga ha? You know that I love yoy brother... So much. I treat as my boybestfriend plus kuya. Wag ka namang ganyan. Ayaw kong masira ang relasyon niyo ng kapatid mo dahil lang sa'kin. At ayaw ko din masira kung anong meron satin... Please naman." malungkot ang mga mata ni Flaminia habang sinasabi ang iyon.
"I know, Flam. Pero mapipigilan ko ba 'yon? f**k. Kung kaya lang pigilan na pigilan ko na. Kaso hindi eh."
Huminga siya ng malalim at tumingin sa kalangitan. Nakikita niya ang mga bitwing nagniningning sa madilim na kalangitan.
"I just want you to know that. Hindi ko naman sisirain kung anong meron sa inyo ng kapatid ko. I just want to say want I feel. Pagsasalita na nga lang ang libre, hindi ko pa ba lulubusin."
"I have to go... baka hinahanap na ako ng kapatid mo." sabi nito at nagmamadali ng umalis.
"Flam, wait! May sasabihin pa ako!" hinabol niya ang dalaga hanggang sa may makabangga siyang babae.
"s**t!"
"Aray naman!" sabay nilang sabi.
Hindi naman niya ito pinansin at dali-daling hinabol si Flaminia.
Nasa isip niyang babalikan nalang ang dalagang nakabangga at hihingi ng pasensya dito.
"Flam!"
Tawag niya dito at nakita niyang pasakay na ito sa taxi, hindi manlang siya nito nilingon.
Huminga muna siya ng malalim at binalikan niya ang babaeng nakabangga niya. Pero bago 'yon ay inayos niya muna ang kanyang hood dahil medyo nalalaglag na ito. Mahirap na at baka may mga makakita sa kanya at pag-fiestahan siya sa balita.
Pagkabalik niya sa loob ay wala na doon ang babaeng nakabangga niya.
Nag-sign of the cross nalang siya bago umalis sa simbahan.
God, ipagsorry mo nalang po ako ha.
-----
Author's Note:
Hi/Hello? Sooooooooo heto na naman ako. HAHAHAHA. Sana matapos ko na talaga to in God's will. Kasi naman, ilang story na ang mga nagawa ko pero hindi ko matapos dahil sa minsan bigla nalang akong tinatamad ganon tapos sabay unpublish.
Sana masuportahan niyo po ito. Advance thank youuuuu *insert virtual hugs*.
Marami pong errors ito kaya sana pakitama nalang po ako, salamat ulit!