Episode 3

2532 Words
Chapter 3 Allysa Pagkagising ko kinabukasan ay masakit ang aking ulo kaya nagpadala na lang ako ng pagkain kay Manang sa kuwarto ko. Nilapag niya ito sa lamesita na naroon. ''Kailan uuwi ang amo mo?'' tanong ko sa matanda. Sumagot naman ang matanda. ''Hindi ko po alam, Señorita. Marami po kasing inaasikaso si Señorito. Baka naroon 'yon sa kinakapatid niya na si Bella. ''Gano'n ba? Palagi ba 'yon na wala rito? Nasa'n ang mga magulang niya?'' sunod-sunod kong tanong sa matanda. ''Ahh, ehh.. sa personal po na buhay ni Señorito hindi po ako nakikialam, Señorita. Kaya, pasensiya na po kung wala akong maisasagot sa tanong n'yo," tugon nito. ''Haysss, 'di bali na lang! Oo nga pala, mamaya roon ako matutulog sa bahay. Baka hanapin ako ng amo mo. Kaya pakisabi na lang kapag tumawag siya. Sabihin mo na kina Mommy at Daddy lang ako,'' wika ko. ''Sabi po ni Señorito huwag daw po kayong umalis ng bahay hanggat 'di pa po siya nakakauwi," sabi ni Manang. Napaangat na lang ako ng kilay sa sinabi niya. ''Basta, sabihin mo riyan sa amo mo na roon ako matutulog kina Daddy at Mommy," pabulyaw ko pang sabi kay Manang. Tumango na lang ito at lumabas na ng kuwarto ko. Pagkatapos kong kumain ay binuksan ko ang aking laptop. Sakto naman na naka-online si Dexter. Tumawag ito kaya sinagot ko naman. Nag video call kami at nakangiti itong nakaharap sa monitor. ''Hi, Babe! Kamusta ka na? Malapit na akong umuwi. Miss na kita!" wika niya sa akin. ''Okay lang ako, Babe. Miss na rin kita. Kailan ang uwi mo?" tanong ko sa kaniya. ''Secret!'' nakangiting sagot nito. ''Tatawagan na lang kita kapag dumating na ako. May surprise ako sayo,'' sabi pa nito saka kumindat sa akin. Wala pa rin itong pinagbago. Ang guwapo pa rin niya. ''Hmm.. Ano kayang surprise mo, ha?'' nakangiti kong tanong sa kaniya. ''May surprise bang sinasabi kaagad? Kaya nga surprise 'di ba?" sagot niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Where are you, Babe? Parang iba yata ang kuwarto mo ngayon?" tanong pa nito ng mapansin ang ibang ayos ng kuwarto ko. Mas magara kasi ang kuwarto ko ngayon kaysa bahay namin. "Ah, eh, ano kasi, Babe pinaayos ko ang kuwarto ko. Ang ganda 'di ba?'' pagsisinungaling kong sagot sa kaniya. Nakosensiya naman ako dahil alam ko na masasaktan siya kapag sinabi ko na ikinasal na ako. "Gano'n ba? Sige, Babe may pasok pa kasi ako at last day ko na sa work. Tatawagan na lang kita, ha? I love you babe!" aniya sa akin at kumaway pa siya. "I love you, too, Babe! Mhuwaaaah!'' saka nag-flying kiss ako sa kaniya. Pagkatapos naming mag-usap ni Dexter ay nagbabad ako ng katawan sa bathtub na may gatas. Tuwing umaga ay pinapalitan ito ni Manang. Balak ko sanang pumunta sa pinsan ko na si Liam kaso mukhang broken-hearted pa ito sa katulong nila na si Sheina. Kaya napag-isipan ko na lang na pumunta sa bahay. Pero pagdating ko sa bahay namin ay bulyaw na naman ang inabot ko kay Daddy. "Dito ka matutulog, Allysa? May asawa ka na, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Hindi 'yong kilos dalaga ka pa rin," pabulyaw na sabi sa'kin ni Daddy na nakapameywang pa. "Dad, 'di ba puwedeng mag-adjust muna ako? Kailan lang naman kami ikinasal. Noong nakaraang araw lang, oh! Hindi ba puwedeng dito muna ako matutulog? Dito naman ako galing, ah?'' sagot ko naman kay Daddy sabay hagis ng shoulder bag ko sa sofa at umupo na rin. "Honey, pabayaan mo na ang anak natin. Hayaan mo at tatawagan ko si Gabriel para sunduin ang asawa niya,'' malumanay namang wika ni Mommy habang hinahagod nito ang likuran ni Daddy. "No, Mom! Busy siya at hindi rin siya uuwi ngayong gabi kaya nga rito na muna ako matutulog dahil malungkot ako roon. Wala man lang ako makausap,'' kunwa'y malungkot ko na turan sa kanila. "Iha, kailan ang honeymoon niyo ni Gabriel? 'Di ba dapat mag-honeymoon na kayo para naman mabigyan n'yo na kami ng Daddy mo ng apo,'' nakangiti pang sabi ni Mommy. Lumapit ito sa akin at hinaplos pa ang buhok ko. "Eww! Never mind, Mommy dahil hindi ko kayo mabibigyan ng apo sa lalaking 'yon," pang-iinis ko pang wika sa kanila. Lalo namang kumunot ang noo ni Daddy. "At ano ang gusto mo, ha? Magkaroon ng anak sa ibang lalaki? Allysa ha! Hindi ka namin pinalaki ng Mommy mo para maging ganiyan ka. Kaya ginawa namin ang lahat para maikasal ka kay Gabriel. Para maging maganda ang kinabukasan mo at ang mga magiging apo namin. Kaya huwag mo kaming bigyan ng kahihiyan!'' mahaba pang sermon sa akin ni Daddy. "Dad, puwede ba? Kaya nga pumunta ako rito para makasama kayo ni Mommy tapos sermon lang pala ang maabutan ko rito?'' pagmamaktol ko pa kay Daddy saka tumayo ako para pumunta sa kuwarto ko. Pero bago ako nakapunta ng silid ay nagsalita ulit si Daddy. "Bukas, maaga pa lang ay umuwi ka na. Baka maabutan ka ng asawa mo na wala sa bahay niyo!'' mataas na boses na sabi ni Daddy. "Fine, Dad!'' sabi ko saka dumiretso na ako sa aking kuwarto. Pagdating ko sa kuwarto ay pasalpak akong humiga sa kama. Paidlip na sana ako nang tumunog ang aking cellphone. Isang number ang tumatawag na hindi naman naka-register sa aking cellphone kaya hinayaan ko na lang ito at baka kung sino lang iyon. Pero maya-maya lang ay tumatawag ulit ito kaya sinagot ko na lang. "Hello? Who's this?'' kunot-noo ko na tanong. ''Where are you?'' tanong ng baretonong boses sa kabilang linya. "Sino nga ito?'' pasigaw kong muling tanong dito. "Tskkk, tskkk, tsssk. Dalawang gabi lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na agad ang boses ko?'' tanong nito na parang nang-uuyam. "Gabriel? Sa'n mo nakuha ang number ko, ha?"nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Allysa, Allysa, Allysa!'' pang-uuyam niyang banggit sa aking pangalan. ''Kailangan mo pa bang tanungin 'yan? Im your husband, remember? Saan ka ngayon, hmm?'' tanong pa nito sa baretonong boses. "Pakialam mo ba! Bakit hinahanap ba kita? 'Di ba hindi naman?'' pang-iinis kong sagot sa kaniya. Narinig ko na lang ang buntong hininga nito. "Sasabihin mo ba sa akin kung nasaan ka o ipapasunog ko lahat ng gamit mo?'' mariin nitong banta sa akin. Kaya nagngingitngit na lang ako sa inis. ''Nandito ako sa bahay nila Mommy at Daddy,'' sagot ko sa kaniya. Tanungin ko sana kung nasaan siya pero para ano pa? Wala naman akong pakialam sa kaniya. "Okay, umuwi ka na sa mansiyon bukas at ayaw kong umalis ka roon ng hindi nagpapaalam sa akin. Dahil kapag naabutan kong wala ka sa bahay pupulutin lahat ng gamit mo sa basurahan,'' pagbabanta pa niya sa akin. ''Grrrrr...bwisit ka! 'Di ba may kasunduan tayo na walang pakialaman?'' inis kong sabi sa kaniya. "Kasunduan mo lang mag-isa 'yon at hindi sa'kin. Kapag wala ka pa sa bahay pagdating ko makikita mo," wika nito sabay pinatayan ako ng cellphone. "Nakakainis kang bwisit na lalaki ka!" sigaw ko sabay ibinalibag ang cellphone ko sa kama. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan. Sa inis ko sa kaniya ay tinawagan ko si Crystal para mag-unwind kami at nagpasundo ako sa bahay. Paglabas ko sa silid ay galit na naman si Daddy at sinermunan uli ako. "Ganiyan na lang ba ang gagawin mo sa'yong buhay? Saan ka na naman pupunta? Gabi na lalayas ka pa?" pasigaw na tanong sa akin ni Daddy. "Dad, hindi ba puwedeng mag-relax muna ako? Ano pa ba ang ikinagagalit niyo? Eh, nagpakasal na nga ako sa lalaking gusto n'yo para sa akin tapos lahat na lang ng kilos ko babantayan n'yo?'' sagot ko pa kay Daddy. Bigla naman akong sinampal ni Mommy ng malakas pisngi. "Hindi ka namin pinalaki para sagot-sagutin mo kami ng Daddy mo ng gan'yan. Porke' t malaki ka na, ganiyan mo na kami sagutin?'' pabulyaw na sabi sa akin ni Mommy. Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil sa sakit ng pagkakasampal sa akin. Ito ang unang beses na sinampal ako ni Mommy. "Mom, why did you do this to me?'' mariin kong tanong sa kaniya. "Dahil sumusobra na 'yang kamalditahan mo. Lahat ginagawa na namin ng Daddy mo para mapabuti ka. Tapos ikaw pa itong matigas ang ulo? Tandaan mo ito, Allysa, kapag pinahiya mo kami ng Daddy mo, magkakalimutan na tayo!" sabi pa ni Mommy saka tumalikod ito at umalis. Napakagat labi na lang ako. Si Daddy naman ay napailing-iling na lang at sinundan si Mommy. "Nakakainis naman, oh! Nasampal pa ako ng wala sa oras," maktol ko sa sarili. Kaya pagdating ni Crystal ay kaagad akong sumakay sa kaniyang kotse at nagtungo kami sa isang bar na malapit lang sa mansiyon ni Gabriel. Pagdating namin sa loob ng bar ay um-order kami ng sampung piraso ng soju. "Uy! girl, mauubos ba natin 'yan?" tanong sa akin ni Crystal. "Kulang pa nga 'yan dahil badtrip ako ngayon. Kailangan kong uminom ng marami." Saka naglagok ako ng soju. Napapangiwi pa ako ng bahagya sa mapait nitong lasa. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, ha? Bakit badtrip na badtrip ka?'' tanong ni Crystal sabay inom rin ng alak. "Sinampal lang naman ako kanina ni Mommy dahil sa Gabriel na 'yon. Ewan ko ba, bakit gano'n na lang nila hinahangaan ang lalaking 'yon? Nakakainis!" sumbong ko kay Crystal saka uminom ako ulit. "Well, kasampal- sampal ka naman talaga, besty. Sa dami ba namang mga babae na gustong mapangasawa si Mr. Moore, eh, ikaw ang masuwerteng napili niyang pakasalan. Ang engot mo talaga!" sabay kibot pa ng labi nito. Gusto ko nang batukan itong gaga kong best friend. "Duh!" pang-uuyam ko sa kanya. "Eh, 'di kung gusto mo, iyong-iyo na siya, noh!" sabay irap ko sa kaniya. "Naku, best! 'Wag kang ganiyan baka magsisi ka. Ikaw din. Baka magmakaawa ka sa'kin na ibalik si Papa Gab sa' yo," pang-iinis pa niyang sabi sa akin. Tiningnan ko siya at nagkatitigan kami sabay tawa. Pagkatapos ay nag toss pa kami ng soju. "Malabong mangyari na magmakaawa ako para ibalik mo siya sa'kin dahil ikaw ang best friend ko kaya ibinibigay ko na si Gabriel sa'yo," sabi ko sa kaniya sabay tawa. Tumawa rin ito. "Sira-ulo ka talaga best! Hindi mo dapat pinamimigay ang katulad ni Mr. Moore," sabay hampas pa niya sa akin. Hanggang sa naubos namin ni Crystal ang inorder kong soju at dumagdag pa ako ng ilang bote. Sobrang nalasing ako. Mabuti na lang at kaunti lang ang nainom ni Crystal dahil siya ang magda-drive. Pasadong alas kuwatro na ako ihinatid ni Crystal sa mansiyon. Sa sobrang kalasingan ko si Manang na ang umalalay sa akin patungo sa aking kuwarto. Sinusupladahan ko pa ang matanda. Lumipas pa ang ilang araw, gabi-gabi na ako sa bar. Mabuti na lang at sinasamahan ako ng kaibigan ko kahit na minsan ay panig ito kay Gabriel. Isang araw, nasa kuwarto ako ng tumunog ang aking cellphone. May email akong na-recieve mula sa telegram ko at binuksan ko iyon. Galing iyon kay Jenifer, ex-girlfriend ni Liam na pinsan ko. May pinadala ito sa akin na picture. Nagulat ako dahil ang nasa larawan ay si Gabriel at ang katulong ni Liam. At nasa isang hotel sila na pagmamay-ari ng asawa ko. Uminit ang ulo ko sa aking nakita dahil mukhang sweet na sweet ang dalawa. Bakit naman sila naroon sa hotel na iyon? At ano ang ginagawa nila roon? Kaya ba hindi umuuwi ang lalaking 'yon dahil sa katulong ni Liam? Dahil ito ang mahalagang bagay na kaniyang pinagkaka-abalahan? Naiinis ako sa babaeng 'yon. Hindi dahil sa nagseselos ako kun'di dahil ang alam ko ay may relasyon sila ng pinsan ko. Ang alam ko rin ay mahal ng pinsan ko ang babaeng iyon at balita ko pa nga na nagkaayos na sila ni Liam. Ito pa nga ang nag-aalaga sa pinsan ko no'ng panahon na nagka-amnesia ito. Pero bakit magkasama sila ng asawa ko? Maya-maya lang ay nag-message si Jenifer sa akin. Jenifer: Nakita mo ba ang kasama ng asawa mo sa hotel? Ang babaeng 'yan ang dahilan kung bakit nakipag-break sa akin ang pinsan mo na si Liam. Me: Gusto kong magkita tayo sa Homping restaurant. Jenifer: Okay, hihintayin kita roon. Pagkatapos naming mag-usap ni Jenifer sa telegram ay dali-dali ako na nag-shower at nagbihis. Naka- skirt lang ako at naka- t-shirt na kulay puti. Bitbit ko ang pouch ay dali-dali akong nagtungo sa restaurant kung saan kami magkikita ni Jenifer. Ginamit ko ang isang sasakyan ng asawa ko na kulay gray na BMW. Mabilis akong nag-drive at nagtungo sa restaurant. Pagdating ko sa restaurant ay naroon na si Jenifer. Nang makita ko siya ay lumapit ako at humalik sa kaniya. Naging malapit na rin sa akin si Jenifer dahil naging girlfriend ito ni Liam. Pero simula ng magkahiwalay sila ay madalang na lamang kami nagkikita. Wala naman akong pakialam kung sino ang makatuluyan ni Liam at Lance. Ang mahalaga sa akin ay mahal nila ang babaeng pakakasalan nila at mahal rin sila nito. Ayaw kong matulad sila sa akin. Um-order muna kami ni Jenifer ng tea. May hang-over pa ako kaya tea lang ang inorder ko. "Sa'n mo nakuha ang mga picture na pinadala mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Ako mismo ang kumuha ng picture na iyan. Kitang-kita ng dalawang mata ko na ang asawa mo at ang babaeng kinababaliwan ng pinsan mo ay pumasok sa hotel na iyon. Galing ako no'n sa salon na katabi lang ng hotel na 'yon nang makita ko sila noong isang araw," wika nito saka kinibot kibot pa ang labi. "Alam ba ito ni Liam? At ano ang ginagawa nila sa hotel na 'yon? Bakit sila magkasama?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Eh, malay ko ba! Ano ba ang ginagawa ng babae at lalaki sa magkasama sa iisang hotel?" balik-tanong sa akin ni Jenifer. Napaisip ako at naningkit ang aking mga mata. "Alangan naman na pumasok lang sila roon para sumayaw ng arikingking," nakanguso ko na sabi. "Ang sabihin mo, malandi talaga ang babaeng 'yan. Hindi lang naman si Liam ang inaakit niyan pati na rin si Lance. Nang hindi niya siguro makuha si Lance ay si Liam naman ang pinuntirya niya. At ngayon baka 'di naman siya kontento kay Liam. Ang asawa mo naman ang nilalandi niya," sabi ni Jenifer. "Ang landi talaga ng babaeng 'yon! Makikita niya ang hinahanap niya. Niloloko pa niya ang pinsan ko!" galit kong sabi. "Hmmm.. Sinabi mo pa," ani Jenifer. Pakiramdam ko ay umuusok ang aking ilong sa galit kay Shiena dahil mahal siya ng pinsan ko. Pero bakit niloloko niya ito at si Gabriel pa talaga ang napili niyang landiin? At ang gago kong asawa pumayag naman makipagrelasyon sa babaeng 'yon? Eh, alam naman niya na may relasyon si Liam at ang babaeng 'yon. Sa galit ko ay dali-dali akong tumayo kahit hindi pa dumating ang order namin. Lumabas ako ng restaurant at nagtungo sa kotse. Humabol naman si Jenifer sa akin. "Sa'n ka pupunta?" sigaw na tanong ni Jenifer habang nakasunod sa akin. "Hahanapin ko ang babaeng 'yon at tapak-tapakan ko hanggang madurog siya!" inis kong tugon kay Jenifer. Sumakay ako sa kotse ko at sumama na rin si Jenifer sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD