Chapter 22 ALLYSA Bumaba kami ni Gabriel sa airport nagtataka ako kung bakit kami naroon. ''Akala ko ba pupunta tayo sa mall, bakit nandito tayo sa airport?'' nagtataka kong tanong sa kaniya. ''Pupunta tayo sa Daddy mo. Ngayon ang flight nila ni Ate Kimberly papuntang Amerika,'' sagot niya sa akin. ''Ibig sabihin nandito si Daddy?'' excited kong tanong sahil name-miss ko na ang aking ama. ''Yes,Honey! Kaya bilisan na natin para maabutan natin sila.” Nagmamadali nitong yaya sa akin habang hila-hila niya na ang aking kamay. Ilang minuto lang kami naglakad ni Gabriel mula sa entrance ng Airport patungo sa loob. Mabuti naabutan namin si Daddy at Ate Kimberly. Papasok na sila patungo sa parking ng eroplano. Nakaupo si Daddy sa wheelchair may mga alalay ito na dalawang matitikas na lala

