CHAPTER 20 ALLYSA Ilang linggo pa ang nakalipas nagpaturo ako kay Manang magluto lalo na kung anong paboritong pagkain ni Gabriel. Sa tatlong araw niyang pagtuturo sa akin nakuha ko na ang tamang timpla, ang paborito I Gabriel ay ang karekare, sinigang na isda at bulalo. Sa may mga sarsa naman ang paborito niya adobo at calderitang kambing. Ang panghimagas nito ay leche plan at ang tamang pagtimpla ng tea niya sa umaga at coffee naman kapag sa hapon. Ang laki butil ng pawis ko matapos ako turuan ni Manang sa pagluluto. Pagkatapos ng niluto namin ni Manang, tumungo ako sa saking silid. Naakasanayan ko na rin na may kasamang daga sa loob ng silid, subalit hindi maiwasan na hindi ako kabahan sa daga dahil baka makawala ito at gumapang na lang sa higaan ko. Naupo ako sa aking kama at tinaw

