Chapter 18 ALLYSA Pagdating ko sa FGM Mall, ipinarada ko kaagad ang sasakyan sa parking lot area, dali-dali akong bumaba. Sobrang excited ako na makakain ng shawarma saka natatakam na akong uminom ng milk tea na walang tea. Pagpasok ko pa lang sa entrance dali- dali na akong tumungo sa shawarma house. "Welcome to shawarma house, Ma'am," bati ng nagbabantay ng shawarma house sa akin. "Isa pong S one. Huwag mo ng lagyan ng mayonaise, Kuy,a ha? Saka wala huwag mo rin lagyan ng sibuyas, basta damihan mo ng pipino." Napakunot ang noo ng waiter sa request ko sa kaniya. Nakangiti lang ako dahil sobrang natatakam na ako. "Anong drinks ninyo, Ma'am?" tanong ng waiter na bahagaya na rin nakangiti sa akin. "Milk tea, Kuya. 'Yong taroo flavor, ha? Pero huwag mo ng lagyan ng tea saka huwag mo ng

