Chapter 37 Gabriel After 5 years Limang taon ang lumipas nang magkahiwalay kami ni Allysa. Limang taon ko na rin siyang hinahanap, pero sa kasamaang palad hindi ko pa rin siya nakikita. Nasa aking hotel ako ngayon na bago kong patayo dito sa lugar ng Heaven City, malapit lang ito sa Holand. Dalawang oras lang ang byahe mula Holand hanggang dito sa Heaven City. Kahapon lang binuksan ang hotel na ito, kaya pumunta ako rito para bisitahin ang baliw kong kaibigan na si Dexter subalit nasa Holand daw siya at busy ito sa kaniyang trabaho at sa pamilya niya. Nalaman ko na may anak na pala ito at hindi lang 'yon, Ang anak pa ni Manang Meding ang binuntis ng hinayupak kong best friend. Apat na taon ang na ang anak nila ng anak ni Manang Meding na si Hanna. At ang baliw kong kaibigan isang bes

