Chapter 13

2048 Words
Last night was unforgettable... Who would actually think that I would break the law of nature. People who were born blind have no understanding of how to see in their waking lives, so they can't see in their dreams. But last night, I saw Emman's face in front of me. Pagmulat ko ng aking mga mata'y muli kong nasilayan ang kadilimang kailanma'y hindi ako iniwan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi mabura sa aking isipan ang mga ngiti ng lalaking pinakamamahal ko... Never in my life I saw someone or something standing out of the darkness which had been everywhere since I first wake up. And the first man I had fallen inlove with was that someone my eyes had seen for the first time. Simula, sa araw na ito, hindi lamang puro kadiliman ang namumutawi sa aking isipan. Mayroon nang imahe ng isang ginoo na siyang nagpaniwala sa natutulog kong puso na kung maniniwala ako, ay magkakatotoo. Ngayon, masasabi ko pa ba na hindi siya totoo? Samantalang siya ang unang taong nakita ko? Marahil ay pinaghihiwalay kami ng oras at pagkakataon ngunit dahil sa tunay at dalisay na pagmamahal, nabuo ang isang mundong magbubuklod sa dalawang taong nag-iisa. Ako, na matagal nabuhay sa isang mundong nababalot ng kadiliman, at siya na kay tagal naghintay ng makakapiling at makakasama. He was the only person running in my mind the whole day around. Sa totoo mang mundo ay hindi pa rin ako nakakakita, mayroong alaala sa aking isipan na siyang aking binabalik-balikan, ang alaala ng mukha ng taong mahal ko, at minamahal ako. After reminiscing what happened last night, masaya akong bumangon mula sa pagkakahiga at maligayang hinarap ang panibagong araw. "Anak, I have to meet a client mamayang 3 pm, your Dad is on business trip, sa makalawa pa ang uwi niya." we were eating our lunch as mom started to speak. "O-ok po.." "Tsaka pala anak, baka gabihin na din si Mommy, dadaan na ako ng office namin para magpasa ng report, sayang naman at sa Caloocan pareho, siguro mga 10pm na ako makauwi? Magpadeliver nalang tayo ng dinner mo and initin mo nalang sa oven, ok lang ba yun?" mom added. There's a sudden spark in my heart when I heard that mom has something to do outside. "O-okay po." "Thank you honey, uhmm by the way, ano palang gusto mong dinner mamaya?" I'm on a diet so, konti lang ang pinabili ko kay mommy. "Uhm, ok na po ako sa 2 pcs. Fried Chicken, 1 large fries, 2 lasagna at 1 pizza solo. And padagdag na din po pala ng Large milktea, paadd ng pearls... Thank you mommy!" "Sige anak, naorder ko na siya sa website nila, paid na yun, I have to prepare na if in case dumating yung order mo, kunin mo nalang then lagay mo muna sa fridge." Matapos magsalita ni mommy ay narinig ko ang paglayo ng kaniyang upuan sa lamesa. 3 pm, mom is out. I am alone, at hindi naman niya malalaman na matutulog ako kaagad, I could eat my dinner in advaced, and I would have more time with Emman... AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! Bakit ganito! I'm getting luckier and luckier each day! "Anak, I think I should go now, hindi ko kasi alam ang status ng traffic, ayokong malate sa client ko." It's 2:30 in the afternoon and mom is still fixing her things, nasa sala ako at nakikinig ng radio. Tumango lamang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa radio. "Anak, kumain ka ng dinner ha? Always lock the door at huwag lalabas, if anything happen just call me, tinest ko na ang telephone sa room mo and it is still working. Oh paano, I have to go na, good bye honey, ingat ka dito, mwah." Niyakap ako ni mommy gamit ang isa niyang kamay at hinalikan ako sa noo. Maya-maya pa ay narinig ko na ang tunog ng kaniyang sasakyan at ang pagbukas ng main gate, hindi ko na kailangang lumabas dahil remote control naman ang gate namin, so mom could open/close this without my help. Agad kong kinuha ang pagkaing dapat ay dinner ko, isa-isa ko itong isinalang sa oven, pwera na lamang sa milk tea. Nagmadali akong kumain at nang tuluyang maubos ang mga ito, agad kong iniligpit ang aking pinagkainan at tuluyang nagtungo sa aking silid. Bago pa man pumatak ang alas tres ng hapon ay naramdaman ko na ang pagbigat ng aking mga talukap, ilang sandali pa ang aking hinintay and when I felt that I am sitting on a bench in a peaceful place, I slowly opened my eyes and saw someone in front of me. Medyo malayo siya ngunit kilala ko kung sino iyon. Nakatalikod siya sa akin. He was half n***d at tila kakagising lamang. His body is perfection, his perfectly tanned skin pairs up his well built body. Hindi ko maiwasang mag-init habang napapanood siya sa ginagawa niyang pag-uunat. His muscles keeps on flexing kasabay ng pag-alon ng kaniyang buhok na sinasabayan ang pagsayaw ng hangin. Hindi ko maiwasang matulala habang nakatingin sa kaniya. Maya-maya pa ay humarap siya sa akin, binigyan niya ako ng matatamis na ngiti at matatalim na titig. O dios ko, patawarin ninyo ang mga matang ito. Papalapit siya nang papalapit, hindi ko maintindihan ngunit napapansin kong bumabagal ang kaniyang paggalaw. Patuloy pa rin ang paglibot ng mga mata ko sa itsura ng lalaking nasa harap ko. His body is so perfect, his v shaped torso keeps on stealing my eyes as well as his 6 hard rock abs, pantay ang kulay niya mula sa likod hanggang sa harap. Hindi rin magpapahuli ang kaniyang dibdib na mayroong perpektong guhit sa gitna. His adam's apple makes me feel the thirst as well as his kissable lips. He has a noticeable dimples in his right cheek at sumasabay sa kaniyang pagngiti ang paggalaw ng kaniyang panga. Pointed nose, perfect eyebrows, brown eyes na may mahahabang pilik mata. Oo, nasa panaginip nga ako, because never in real world you'll meet someone as handsome as he is. Wala akong ibang magawa kundi ang mapatitig sa kaniya at mapanganga, until he reached his final step and stand in front of me. "Baby, laway mo tumutulo." sambit niya na nakapagbalik sa aking katinuan. Pinunasan niya ang likidong tumulo sa aking pisngi... Magkatinginan pa rin kami, mata sa mata, nang unti-unti niyang nilapit ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig. He licked my saliva sexily and gave me a sweet smile. "KADIRI KA!!!" hinampas ko ang puson niya dahilan upang mapalayo siya sa akin ng bahagya. "Hahaha, bakit, masarap naman ah.." sagot niya habang patuloy sa pagtawa. "Baliw ka talaga!" umurong ako sa aking kinauupuan senyales upang umupo siya sa tabi, at iyon na nga ang nangyari. "Pero promise masarap, lalo na kung galing sa bibig mo." unti-unti niyang nilapit ang mga labi niya sa akin. "Sira, nako lalaki tigil-tigilan mo ako ah." itinulak ko ang bibig niya gamit ang dalawang daliri ko. "Baby napaaga ka yata?" "Uhm, oo, may meet up kasi si mommy sa client nya at si daddy naman ay nasa business trip, so mag-isa lang ako sa bahay, then, I decided to sleep early, to spend more time with you." tugon ko. "Nuxx naman... Bakit baby, gusto mo bang gawin natin yung plan B?" pang-aakit niya habang unti-unti akong ikinulong sa kaniyang mga yakap. "Hay nako, napakakulit mo, bawal pa nga yun eh." Mas hinigpitan niya ang pagyakap at pilit akong itinumba dahilan upang mahulog kami sa upuan at mapahiga sa damuhan. "S-sige na. Please." "Aaaaaaaaaayyyyy!!! Anak ka ng tokwa talaga!!! Ahhhhh" Nang tuluyan kaming mapahiga sa damuhan ay nagsimula siyang humalakhak. Humiga siya nang nakataas ang isang kamay samantalang ang kanan ay nakayakap sa aking baywang. Inihiga ko naman ang aking ulo sa kaniyang dibdib at ikinulong ang kaniyang katawan gamit ang aking kanang kamay. "Emman, you don't know how happy I am simula nang makita kita. Thank you..." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "Anything for you Sheena, ang sabi mo, you wanna see my smile, so ayan na, binigay ko na sayo." he said with a sweet calm and clear voice. "P-pero, pero paano?" "Uhm, diba sa dream world, we can do anything we want? So, I decided to be your ophthalmologist, inoperahan ko yang mata mo, pinagpalit ko yung tig-isang mata natin... It worked naman eh, kahit wala akong clinical background...hahaha." "Ganun ba, sira ulo ka pala talaga no? Hahahaha" "Baby, para sa'yo I could do anything even if it's beyond the things I could do. " "Pero, bakit ikaw lang yung nakikita ko? Bakit black pa rin ang buong paligid? You're the only image projecting in my eyes." "Baby, since I swapped our eyes, at no'ng isang mata nalang din ang nakakakita sa akin, nawala na din ang vision ko sa ibang bagay at ikaw nalang din ang tanging nakikita ko. Remember last time I was talking to myself about different stuffs in this world? Sinusulit ko lang yung pagkakataon na makita ko sila bago ko tuluyang ibigay ang isang sight ko sayo, kasi in dream world, once we lose our one eye, isa na lamang ang tanging makikita natin sa mundong ito, at iyon ay ang tunay na laman ng puso natin." Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. He sacrificed every stuffs in this world just to give my happiness. "Love, we couldn't have anything in this world but we will have atleast one, kaya sa pagdedesisyon, mahalagang isaalang-alang mo kung ano yung gusto mo, kung sino yung mahal mo, para sa bandang huli, incase you have to sacrifice, walang pagsisisi." Maybe this man is a bit horny, but you can feel the sincerity in every single wor d that comes out in his mouth. May pagkabastos siya pero maginoo din pala. Unti-unti na akong nadadala ng emosyon ko sa mga pagkakataong iyon, pero ayoko nanamang umiyak, so I decided to open up another topic. "Love?" tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang daliri ko sa mga pagitan ng kaniyang abs. "Bakit Love?" "Uhm, kung, k-kung ano, hindi ko ba sinagot y-yung tanong mo..." "uhuh?" "a-aanakan mo ba talaga ako?" Hindi niya mapigilang matawa sa tanong ko kaya medyo nainis ako sa kaniya. "Ano ba? Nagtatanong ng maayos eh tapos tatawanan?" kumawala ako sa mga yakap niya at tumalikod sa kaniya. As he started to speak, unti-unti niya akong niyayakap mula sa aking likuran. "Baby, honestly, hindi pa talaga ako handa para sa ganoong bagay, maybe I'm a bit horny that time but I was just teasing you, kasi alam kong hindi mo naman ako mapipigilan but you would get upset to me after. And I know, you are responsible enough at pipiliin mo talagang sumagot nalang. So, sorry if I made you uncomfortable last time..." he kissed me in my cheeks after speaking. Napangiti ako sa narinig ko sa kaniya at muli akong humarap. Niyakap lamang namin ang isa't isa at sinulit ang pagkakataong magkasama kami. Time flies and silence still rule the whole time. Dahil sa katahimikan, may mg pangbaliw na katanungan ang nabuo sa aking isipan. "Emman?" pagtawag ko sa kaniyang atensyon. "Yes baby?" "Pwede ko bang hiramin yung isang mata mo? Kahit saglit lang, gusto ko lang makita yung paligid..." "Ayoko nga!" "Lah, napakadamot naman nito, ibabalik naman eh." "No!" "Luh? Parang hihiramin lang eh." para akong bata na nanghihingi ng piso. Ewan ko ba at kung anong kabaliwan ang naisip ko. "Baby, knowing that you're with me at hindi kita nakikita, mababaliw ako nun, khit 30 seconds, 1 minute, 2 minutes hindi ko kaya..." Nakakaurat pero kinilog nanaman ako sa pinagsasabi ng lalaking ito, kaya't hindi ko na siya pinilit pa. I got back from hugging him at muling sinulit ang mga oras na magkasama kami. A few moments past and we both heard the clock ringing. Una siyang tumayo at inalalayan ako, muli kong tinitigan ang kaniyang mukha at pilit na inabot ang mga ito, bahagya siyang bumaba upang bigyan ako ng matamis na halik sa noo. We hugged each other and I started to run. Binalikan ko siya ng tingin at kumaway ako sa kaniya. He waved back and gave me a flying kiss. Hindi man ako si Liza Soberano, o si Kathryn Bernardo, daig ko naman ang mga teleserye nila sa kuwentong binubuo namin sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD