C-3

1072 Words
KELLY JOANNE Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Gusto ko kasing maaga na pumasok sa work ko. Maaga pa lang ay nagluto na ako ng pagkain ko at pagkain ni ate na puwede niya i-reheat mamaya. Ang sabi niya sa akin ay hindi naman siya mapili sa food kaya nagluto na lang ako ng gulay at fish. After ko magluto ay kumain na rin ako ng breakfast. Ngayon na lang ulit ako maagang kumain ng ganito kaya naman kaunti lang muna at baka manibago ang tiyan ko. Minsan kasi late na ako nagigising. Unang work ko ito at unang araw rin. Noong nabuntis kasi ako ay ang ipon ko na ang ginamit ko para sa amin ng anak ko. Ipon ko sa mga sideline ko noong nag-aaral pa ako. Ito ang unang full time job na gagawin ko. Sana lang talaga ay maging maayos ang lahat iyon lang naman ang hiling ko kasi sisipagan ko talaga. Magsisipag talaga ako para sa anak ko. Inayos ko muna ang lahat ng kailangan ng anak ko. Sinigurado ko na maayos ang lahat para hindi na rin mahirapan si Ate Lin maghanap kapag kailangan niya. Mukha naman itong mabait kaya hindi ako nag-aalala para sa anak ko. Kahapon kasi ay magkasama naman silang dalawa at okay naman pagdating ko ang anak ko. Magkasundo naman silang dalawa, umiyak pa nga ang anak ko nang umalis si ate. Mag-iiwan rin ako ng pera dahil baka kailanganin niya ito. Nagluto muna ako ng pagkain at nang baon ko dahil ayaw ko ng bumili pa. Mas makakatipid kasi ako. Mabuti na lang talaga at malaki ang naging ipon ko kaya nakabili ako ng bahay. Rights lang naman ito at wala pang titulo pero okay naman dahil sakto na ito sa aming dalawa ng anak ko. Mag-iipon na lang ako ng pera para may pambili na talaga ako ng lupa na masasabi kong akin. Ayaw kong umasa sa daddy ko dahil sure naman ako na wala akong makukuha kahit pa sa mana na iniwan para sa akin ng mommy ko ay sure ako na hindi niya ito ibibigay sa akin. Kahit pa nag-sorry na ako ng paulit-ulit sa kanya ay hindi niya ako pinapatawad. Matigas ang puso niya sa akin. Dahil nga hindi natuloy ang merge ng company niya sa company ng ipapakasal niya sa akin. Gusto niya akong ibenta para mas maging matayog pa ang company niya. Kaya hindi niya naisip ang nararamdaman ko. Dahil siguro ganun rin sila ni mommy noon. Dahil siguro ipinagkasundo lang rin sila at disappointed siya dahil babae ang naging anak niya. Dahil alam ko na gustong-gusto niya ng lalaking anak. At ngayon ay nabalitaan ko na may bago na siyang babae baka iyon ay magbibigay sa kanya ng lalaking anak. Hindi na kasi sila nagka-anak ni mommy dahil nagkasakit na ito at iyon ang dahilan kaya siya namatay. Lumaki ako na masasabi na lang na may daddy ako pero hindi ko ramdam ang pagmamahal niya. Naalala ko noon ay parang mas naging malapit pa nga ako kay daddy ninong dahil may mga pasalubong siya sa akin kapag dumadalaw siya sa bahay. Kaya talagang naki-daddy ninong na rin ako noon dahil mas feel ko kasi na gusto niya ako. Na naalala pa niya ang mga maliit na details about me kaysa sa daddy ko. Pero ngayon ay parang nagbago na si ninong. Siguro dahil siniraan na ako ni daddy sa kanya. Kung sabagay ano nga ba ang dapat kong ipagmalaki. Nabuntis na ako tapos wala pang ama at hindi pa nakatapos sa pag-aaral. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiiyak. Nag-aayos pa naman ako ng mukha ko. Kakatapos ko lang kasing maligo at nagbibihis na ako. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi dapat ako malungkot. Walang dahilan para umiyak ako. Dapat ay masaya ako, ano man ang maging trato sa akin ni ninong ay dapat ipagpasalamat ko dahil tinanggap niya ako sa company niya. Inayos ko ang buhok ko at light make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko. Nang makuntento na ako sa mukha ko at ayos ko ay lumapit ako sa anak ko at hinalikan ko siya sa noo. “Kailangan lang ni mommy na gawin ito. Para sa atin ito, anak,” parang naiiyak na sambit ko pero alam ko na matapang ako. Alam ko na kaya ko ito. Maninibago lang ako dahil ito ang unang araw na matagal akong malalayo sa kanya. Pero alam ko rin na masasanay rin ako. Kung hindi ko ito gagawin ay paano na lang kaming dalawa. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng magandang buhay. Bago pa magbago ang isip ko ay lumabas na ako sa room namin. Nandito na rin si Ate Lin kaya naman nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako. Nagpadala rin ako ng messages sa kaibigan ko para malaman niya na nandito na si ate. At para makapag-pasalamat na rin ako sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakapag-trabaho. Sumakay na ako ng jeep at maaga pa naman. Mabilis lang akong nakarating dahil isang sakay lang naman mula dito sa bahay. Medyo malayo pero isang sakay lang kaya hindi hustle para sa akin. “Good morning po,” binati ko ang mga guards sa entrance. “Good morning, Ma’am ganda,” nakangiti na bati rin nila sa akin. Kaagad naman akong pumasok sa may elevator. Wala pa namang mga tao kaya ang tahimik pa ng buong paligid. Kahit dito sa CEO’s floor ay tahimik rin. Hindi ko alam kung anong oras ba pumapasok si ninong sa office niya. Nandito sa labas ang table ko kaya inayos ko muna ito. Umupo ako dahil maayos naman ang lahat. Pero ang aga ko pala ng halos isang oras kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Naiinip rin kasi ako habang nakaupo ako dito. Naisip ko na pumasok sa office ni ninong dahil sisilipin ko lang kung may dapat ba akong gawin. Naisip ko na maglilinis na lang muna ako sa loob kaya kinuha ko ang gamit sa storage room. Parang ganito rin kasi ang set-up ng company niya sa company ni daddy kaya nakita ko agad ang kailangan ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng office niya ay nabitiwan ko ang hawak ko na walis. “Loving the view, Kelly?” tanong niya sa akin kaya mabilis kong tinakpan ang mga mata ko dahil nakita ko ang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD