KELLY JOANNE
“O baka naman nandito siya sa closet mo? Tinatago mo lang siya–”
“See it for yourself para maniwala ka na wala naman akong kasama dito. I told you, umalis na siya,” sabi pa ni daddy ninong na para bang hindi man lang siya natatakot na buksan ng anak niya ang closet niya.
“Titingnan ko talaga, dad. At kapag nandito siya ay kakaladkarin ko talaga siya,” sabi nito at bigla na lang niya binuksan ang closet pero..
“Ang kulit naman,” sambit ni Mavie dahil may tumatawag sa kanya.
“Oo na, papunta na,” sabi niya sa kausap niya.
Ako naman itong pinipigil ang paghinga ko dahil nagtago ako sa mga coat ni ninong. Mabuti na lang at dito ako banda sa dulo kaya hindi niya agad ako nakita. Sinara na niya ulit ang closet kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pero nag-stay na muna ako dito dahil hindi ako puwedeng lumabas. Baka kasi nasa labas pa si Mavie.
Ilang sandali pa akong nandito nang bumukas ito ulit at si daddy ninong na ito. Nagkatinginan kaming dalawa.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
“I’m fine, daddy ninong,” sagot ko sa kanya pero palapit siya ng palapit sa akin.
“Bakit ka nagtatago dito? Sabi ko sa ‘yo na magstay ka lang sa labas diba?” tanong niya sa akin at sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
“Ayaw ko na mag-isip siya ng hindi maganda sa ating dalawa,” sagot ko sa kanya at parang naduduling na ako.
“Mas lalo siyang mag-iisip dahil nagtatago ka dito,” sabi pa niya sa akin at parang mahihiya na ang hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa.
“Daddy ninong, kailangan ko ng umuwi,” sabi ko sa kanya.
“Ihahatid kita,” sabi niya sa akin at hindi ko na naman inaasahan na maglalapat ang labi naming dalawa.
Para na naman akong napako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. Mas lalo akong nataranta dahil gumalaw na ang labi niya. At ako itong parang estatwa lang na hinahalikan niya.
“Hindi ka ba marunong humalik?” nakangisi na tanong niya sa akin nang bitiwan niya ang labi ko.
Mabilis ko naman siyang tinulak at mabilis na lumabas dito sa closet niya. Hinanap ko ang bag ko at nagmamadali akong lumabas para umuwi na. Hindi dapat ‘yon nangyari. Hindi dapat niya ako hinahalikan. Mali, mali ang ginawa niya. Maling-mali talaga ang lahat ng ito.
Kahit pa nakasakay na ako sa taxi ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Feeling ko ay nakadikit pa rin sa labi ko ang labi niya. Ang bilis rin ng t*bok ng puso ko na para bang may naghahabulan sa loob ko. Ano ba kasi ang ginawa ng matandang ‘yon? Bakit ba niya ako biglang hinalikan? Nakadalawa na siya ngayon.
“Miss, nandito na po tayo,” narinig ko na sabi ng driver kaya ngayon ko lang napansin na nandito na nga kami.
Nagbayad na ako at bumaba na ako agad. Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako dahil nandito si Mavie.
“Beshy, bakit ngayon ka lang?” tanong niya sa akin.
“May dinaanan pa ako,” sagot ko sa kanya.
“Maaga bang umalis si daddy sa office?” tanong niya sa akin.
“Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya.
“Dahil may babae siya. May babae siyang dinala sa condo niya,” kitang-kita ko ang inis sa mukha niya.
“Ako rin, nakita ko rin–”
“Si daddy?” tanong niya sa akin.
“Ang daddy ko, may babae rin siya,” sabi ko sa kanya.
Patawarin sana ako ni Mavie pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya na ako ang kasama ng daddy niya kanina.
“Magkaibigan nga silang dalawa,” sabi niya at alam ko na naiinis pa rin siya.
“Matanda na sila kaya hayaan na lang natin.”
“Alam ko, pero ayaw ko na mag-asawa siya. Baka kasi gold digger lang ang makuha niyang babae. Ayaw ko sa mga mukhang pera,” sabi pa niya sa akin.
“Baka hindi naman,” sabi ko sa kanya.
“Kilala mo ba ang babae niya? Bakit feeling ko pinagtatanggol mo siya?”
“Hindi ko kilala at hindi ko pa nakita. May pumunta sa office pero pinaalis naman siya ni daddy ninong. Kaya sure ako na hindi siya ang kasama ng daddy mo,” sabi ko sa kanya dahil ako ako ang kasama ng daddy niya at hinalikan pa ako.
“Kapag may pumunta doon at pinapasok niya sa office niya ay tawagan mo ako ha. Kailangan kung makilala ang babae niya. Hindi ako papayag na magkaroon siya ng babae tapos kukunin lang ang pinaghirapan niya,” sabi niya sa akin.
“Mavie, aminin mo nga sa akin. Mahilig ka bang manood ng mga drama?” tanong ko sa kanya.
“Lately,” sagot niya sa akin kaya napangiti ako.
“Baka naman dahil ‘yan sa kapapanood mo ng drama na nag-asawa ang daddy nila tapos may gold digger na babae. Mukhang hindi naman mahilig sa babae si daddy ninong,” sabi ko sa kanya.
“Sana nga hindi pero may babae talaga sa condo niya kanina. Alam ko na ipinagluto siya ng daddy ko,” sabi niya sa akin.
“Hindi mo ba tinanong ang daddy mo?”
“Kahit naman tanungin ko siya ay hindi pa rin naman magsasabi ang isang ‘yon. Dito na muna ako matutulog, ayaw kong umuwi,” sabi niya sa akin.
“Okay, miss ko na rin na dito ka,” nakangiti na sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng room ko para magbihis ng damit.
Paglabas ko ay nakikipaglaro ang anak ko kay Mavie. Magkasundo talaga ang dalawang ito. At ninang niya ito, pero sa totoo lang ay hindi pa naman nabinyagan ang anak ko. Pero soon ay papabinyagan ko na siya. Hinayaan ko na lang silang dalawa at pumasok na ako sa kusina para samahan si ate Lin na nagluluto na ngayon. Hanggang sa natapos na kami kaya naghain na kami para makakain na.
Tinawag ko na sila at nandito na kami ngayon sa kusina. Uupo na sana ako pero may kumakatok mula sa labas kaya naman nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas ako para tingnan. At nang buksan ko ang pinto ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.
“Why are you here?” tanong ko sa kanya.
“Naiwan mo ang–”