“I’m really really sorry na ngayon ko lang sinabi sayo.” Nakangiwi na sabi ko kay Adelaine. We were in my room, drinking wine after I confessed to her everything about Raius and what happened since the last time that I was tring to terminate the contract. Hindi sya nagsasalita. Naka tulala lang sya habang paunti unti ang pag inom sa win glass na hawak nya. Naka upo kami sa lapag sa carpeted area ng kwarto ko. Nakalatag ang charcuterie board na ipinahanda ko pa kay Faye, may pizza rin akong inorder pang suhol kay Adelaine. “Please, do not be mad at me. I can understand na magtatampo ka, but it was never in my intention na hindi mag sabi o mag kwento sayo. The first few instances, ayoko lang na mag worry ka or mag isip ka pa kaya sinarili ko. And then, nang maaksidente si Raius and daddy

