Nagising ako sa ingay ng mga kabataan. Lahat sila may kanya kanyang hawak ng camera. Napalingon tuloy ako sa bintana
"Wow," sambit ko. Mabagal ang takbo ngayon ng Van dahil nadadaanan namin ngayon ang mga nagtataasang bundok. Nasa Kennon Road kami na tinatawag ding Zigzag Road
"Malapit na tayo sa Baguio," sambit ni Mama
Ang ibang mga kababaihang katulad ko ay aligagang kumuha ng mga litrato. Maganda namn talaga.
"Ilabas mo yung camera," excited na sabi ni Mama. "Kumuha ka ng mga litrato,"
"'Wag na Mama!," tamad kong sagot
"Dinala mo pa yung camera mo kung hindi karin namn kukuha ng litrato,"sabay hampas ni mama
"Pag nasa Baguio nalang tayo" iritado kong sagot at nag talukbon ng jacket sa mukha ko. Gusto ko na uli matulog!
"Ang gwapo ng anak ni Sir!"
"Patingin nga Ma!"
"Oo nga OMG!!!"
Nailabas ko ang mata ko sa jacket na nakatalukbon saking mukha at nakarinig ng mga tili. Napalingon ako sa mga kababaihang nagkakagulo.
"OMG ANG HOT!" sabay tilian nila kumunot naman ang noo ko
"Ang ingay!," usal ng binatang lalaking nasa likuran ko na nangangalang Maverick
May headphones syang gamit at nakapikit. Parang natatandaan ko na kung sinu itong Maverick. Ito yung laging epal kong kalaro. Walang araw na hindi ako naiinis nito. Nagkita pa talaga kami.
"What?" napakurap kurap ako ng nag mulat sya ng mata. Iniwas ko nalang ang mata ko at umayos ng upo.
At hanggang makarating kami ng Baguio, rinig na rinig ko parin ang hagikhikan ng mga kababaihan
"Makikita ba uli natin sya mamaya?"
"Maliliit pa tayo ng makilala natin sya,"
"Siya yung 1st crush ko,"
Nakakarindi mga tilian nila. Bwesit
"Kaya ngayon pinaghahandaan ko talaga ang pag- Opps Sorry!" naibagsak ko ang dala kong bag dahil nagmamadali silang makababa
"Sorry ah!," ngiti nito hindi ko na pinansin sa halip pinulot ko nalang yung nabitawan kong mga bag
"Sya daw yung close kay Killian?"
"Oo nga. Sabi din ni Mama. Close na close daw yang dalawa,"
Bulungbulungan nila. Killian? Killian again? WHO'S THAT f*****g KILLIAN! Tinignan tuloy ako ng masama nung babaeng sumanggi sakin.
"Hindi sila bagay. Mukha syang tomboy!,"
Bulong nya na hindi ko narinig.
"Sorry para sa pag sanggi ni Liza sayo" napalingon ako.
"You must be Ayla right?" si Maverick. "Nahuli kitang tumititig sakin. Bakit? Gwapo ba ko?," kumunot ang noo ko. Ang hangin din ng isang 'to , umiling nalang ako at tuluyan ng bumaba.
Nung makababa ako,hinintay ko nalang si Mama na makababa din.
"Liza ayan na yung sasakyan nila!," paimpit na tili nila. Isang Mercedes Sprinter ang kadadating lang, sabay nagsibabaan ang mga sakay nun,kaya nag iwas na ko ng tingin dahil pinagkaguluhan na sila upang bumati.
"How's the trip Congressman?"
"Very exhausted!" sagot ng boritong boses na nanggagaling sa congressman
"Halika Ayla. Bumati tayo kay Congressman," yaya ni Mama
"Hindi na Mama, ikaw nalang nakakahiya"
"Osige bantayan mo itong mga bag natin" tumango nalang ako at humalo na si mama sa mga tao roon.
"Alam mo ikaw lang yung babaeng hindi nag tungo roon!" alam ko na kung kaninong boses iyon. Tumaray lang ako
"Hey! Hello?Ano? Parang hangin lang ako dito?" nung hindi parin ako nag response,nagtungo na siya sa harap ko
"Hindi ka naman ganyan dati Blyth Layla ..." napaangat ako ng tingin sakanya. Alam nya full name ko?! Stalker! "There. Tinignan mo din ako," he tilted his head. "Nice to meet you again Blyth Layla after almost 15 years?"
"Don't start with me Maverick," he chuckled
"Inis na inis ka parin ba sa pag tawag sayo ng full name,"
"Just call me Bly," nag iwas na ko ng tingin. Nakakaasar!
"Ok. Ok." habang tumatawa nyang sabi. "Sorry dahil hindi ka nakasali noon sa patintero dahil sakin," Sinamaan ko sya ng tingin. At sabay taray,tumawa lamang sya sa pag taray ko.
"Hoy Rick huwag mo na naman inisin yang si Ayla," sabay tawa ng binatang maputi habang papalapit samin,may kasama syang isa pang lalaki at yung 3 babae kanina
"Wow parang reunion" sabi pa nito. Natatandaan ko ito, itong lalaking to,si Roland yung katukayo ni Maverick sa pang iinis.
"Si Killian at Vhong yung kapatid nalang nya yung kulang," sabi pa ng nangangalang Liza
"Ayla! Natatandaan mo pa ba ako?" tanung ni Roland
"Sayang Di makakasama satin si Killian" nakuha lang ang attensyon ko sa nag salitang si Liza then I turn again to Roland
"It's Bly," sabay buhat ko ng mga gamit upang umalis sa lugar na iyon
"Snober?,"
"Pagsensyahan nyo na. Tinawag nyo kasing Ayla e. It's Bly daw kasi," nag tawanan sila. F*CK YOU MAVERICK
"Pero. Tangina. Ang ganda nya na," hindi ko na sundan ang mga usapan nila dahil nakalayo na ko.
Nung may nakita akong mauupuan doon ako tumigil.
Ayoko talaga makipag halubilo sa maraming tao. Hindi ko type. Lalo na kapag napapalapit sa mga kalalakihan. Gusto ko sa mga kapwa ko. Yes. Im a lesbian. Alam iyon ni Mama. Pansin naman nya yun e. Na ayaw na ayaw ko magdadamit babae. I just want clothes to wear are pants,loose t shirts,basta yung hindi ako mag mumukhang kikay hindi katulad nung tatlong bibe.
I don't wear shorts na halos kita na ang singit. Then a revealing shirt na nag papakita ng cleavage.
Pero kahit boyish ang ayos ko. Nasasabihan parin ako ng maganda. f**k! I don't want to be center of attraction whenever I'm in school. I just want to be normal! I am not saying I am abnormal. It's just that... Ugh! God gawin niyo nalang akong lalaki!
And this is the worst. Ang daming nanliligaw. Kahit na sabihin ko sakanila na lesbian ako,wala parin. Kahit na sabihin ko sakanilang babae rin ang gusto ko tuloy parin sila sa panliligaw. f**k them!
Kahit isa sa mga manliligaw ko wala kong magugustuhan dahil babae rin ang gusto ko...