Chapter 2

1712 Words
Pinagkaguluhan ni Mommy,Scar at Yve si Ainna. Para kase itong manika sa sout niyang bulaklakin bestida na kinuha nila sa closet ni Hellga. "Mauna na po kami. Baka hinahanap na siya ng kuya niya" nasa labas na kami paalis para ihatid si Ainna at ako naman uuwi sa Penthouse ko. Si Yve kase dito mag-stay masyado na wili sa pamangkin namin. "Babyee po Tita Scar, Lola Athena at Ate Yve"paalam niya. Ang galang na bata at sweet pa sana ganun din si Hellga kaso walang pag-asa siya ata nag-mana sa ugali ni Kuya Hellios e, "Balik ka dito hija pag pinayagan ka ng kuya mo ah" Masiglang tumango-tango si Ainna kay Mommy. Matapos naming mag-paalam bumayahe na kami. Papuntang pasig kung saan ko siya muntik na masagasaan kanina. "Ate daph, thank you po ah! Alam niyo po kahit sandali na experience ko magkaroon ng mama"nakangiti siya pero kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Binalik ko ang tingin sa daan. "Ilan taon kana ba?" "6 po" "Nasaan ang mama niyo?" "Namatay daw po si mama pagka-panganak niya po sakin iyon po ang kwento sakin ng kuya ko po" naawa ako sa batang ito. She's too young to experience that kind of situation. Napag-kaalaman ko din na nagbebenta siya sa bangketa o kaya sa mga nag papasada na sasakyan. Ginagawa niya daw ito para makatulong daw siya sa kanyang kuya at makaipon para sa pag-aaral niya.Huminto kami sa isang Iskinita. Sandali ko binalingan ang lugar maraming maliliit na tindahan na may edad na babae nag kwe-kwentuhan, meron din mga tambay na mga binatilyo pa higit doon ang mga may edad na nag-iinuman at muli tinignan si Ainna. "Sigurado ka na dito ka nakatira?" pagkumpirma ko. "Opo" Natanggal na niya ang sout niyang seatbelt kaya nag-aalangan akong lumabas ng kotse para pagbuksan siya. Pag labas ko naiilang kase halos mata ng tao sakin nakatingin.Well, sila ba naman makakita ng dyosa sa ganitong lugar echos, nakamask kase ako at shade sa dilim na lugar sa malamang titignan talaga ako ng tao. "Salamat ate" ng makalabas si Ainna sa kotse. Bitbit niya ang ilan paperbag na binigay ni Mommy para sa kanya. Actually mga ayaw na damit yan ni Hellga na kailanman hindi pa na sout kase maarte sa damit ang pamangkin kong yon mana kase sakin haha. Tinulungan ko bitbitin ang ilan pang paperbag na nasa backseat na galing naman kay ate scar. Nagsimula na kami maglakad papasok sa isang makitid na iskinita. Sobrang naiilang ako sa bawat na dadaanan ko dumagdag pa ang amoy ng kalye. Amo'y ma sangsang na ewan. Kapansin-pansin ang mga nakatayo na kabahayan dito mga ilan kase dito gawa-gawa lang sa kahoy meron din nagawa sa maayos na materyales pero bilang lang. "Malayo paba bahay mo Ainna?" siguro pang apat na tanung ko na sa kanya ito. Kung saan-saan kase kami lumiliko masakit na ang paa ko kung alam ko lang dapat ng rubber shoes ako hindi ako nag heels asar! Tapos may lubak-lubak pa kami na dadaanan.Sa hindi kalayuan, may sumisigaw na binata. "AINNA, AINNA!" pinaningkit ko ang mata ko para ma-aninag ko ang binata na tumatawag kay Ainna kase naman ang dilim tanging ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag sa kalsada. Sinalubong ni Ainna ang lalaking halos maging si Flash sa bilis niya tumakbo sa direksyon namin. Niyapos niya agad si Ainna ng sobrang higpit pero hanggang ngayon hindi ko pa din maaninag ang itsura niya.Kaya walang choice lumapit ako sa direksyon nila kase naman si Ainna bigla nalang tumakbo tapos binitawan ang bitbit nyang paperbag. "Saan ka ba nagpunta alam mo ba halos libutin ko na ang buong pasig kakahanap sayo? Natakot ako ng marinig ko kay ate beba na muntik ka daw masagasaan. Ano bakit hindi ka sumasagot Ainna tinatan..." rinig kong sunod sunod na tanung niya kay Ainna. Automatic umikot ang mata ko sa dami niyang tanung paano kaya makakasagot ang bata sa kanya kung makatanong talo pa ang rapper. "Kumalma ka kuya paano naman sasagot ang bata sayo kung talo mo pa sumabak sa rap battle," putol ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sakin. Sa pag-angat ng kanyang tingin sinalubong agad ako ng kalangitan este ng gwapong nilalang tinapon dito sa Earth para sa tulad kong dyosa. Hindi ako makapaniwalang mayroon ganitong nilalang sa ganitong lugar kung alam ko lang matagal na sana ako lumipat at tumira dito. "At sino ka naman para maki-alam ka sa usapan namin ng kapatid ko?" ay lagapak agad ang ugali ni Kuya. "Kuya siya po yong muntik makasagasa sakin" maagap na sagot ni Ainna pero bakit naman yon ang sinabe niya naging mabagsik tuloy ang tingin ng kuya niya sakin para siyang Tigre na handa na niya ako lapain. 'Come to me, lapain mo ako' Sagot ng mahalay kong utak putik. I shook my head to erase my thought. "Anong ginagawa mo dito?" madiin na tanung niya at tinago sa likod niya si Ainna. Tinignan ko siya mula ulo hanggang ulo sa baba este sa paa pala. Lumang puting damit ang kanyang sout na pinaresan ang kupas na pantalon nakasout lang din ito ng mumurahin tsinelas. Sa sout palang naghihinayaw na 'Mahirap lang ako' or magandang sabihin 'Simpleng tao lang ako' yong kanta ni Glock 9 chos! "Hoy!" napabalik ako sa ulirat ko. "Pardon?" wala sa sariling bigkas ko lalo nagsalubong ang kilay niya. "Sa salita mo palang halatang mayaman ka. Ang tulad mo hindi nararapat dito kaya umalis kana" nagulat ako sa sinagot niya sakin. Para siyang may galit sa mayayaman. Pinaka'kunutan ko siya ng kilay. "Hinatid ko lang ang kapatid mo dahil I almost bumped her earlier as the payment hinatid ko siya dito pero hindi ko inaasahan na ganyan pala ugali ng kapatid niya. "I quickly answered him while raising my eyebrows. Nilapag ko ang mga paperbag na para kay Ainna. "Aalis na ako" paalam ko saka tumalikod. Nakaga't ko ang aking pang-ibabang bibig ko dahil sa totoo lang hindi ko alam saan ako dadaan palabas ng lugar na ito. Sa daming eskinita at likuan na dinaanan naming hindi ko na matandaan. "ATEE DAPHHHH!" malakas na sigaw ni Ainna. Rinig ko ang yabag niya kaya nilingon ko siya. "Wag ka po muna umalis. Pag-pasensyahan niyo na po ang naging asta ng kuya ko nag-alala lang po kase siya sakin" paliwanag niya in behalf of his brother. Ginulo ko ang kanyang buhok at pilit ngumiti. "It's alright I understand him. I had also brother ganyan din siya sakin" pilit kong pinababa ang boses ko at tinatago ang inis ko para sa kuya niya. Ayoko naman sabihin na 'f**k you yan kuya mo'. "Tss" tinignan ko ang likuran ni Ainna. Kasama pala niya ang kuya niya inirapan ko naman siya na hindi na papansin ni Ainna. Humakbang ito papalapit samin. Ayan na naman ang mala-anghel niyang mukha, ang mata niyang kung tumingin nakakalusaw. "Ihahatid kana naming sa labasan" wala akong imik na sumunod sa kanya. Nakahawak naman si Ainna sa kamay ko,pana'y kwento niya ng kung ano-anong bagay nguni't kahit isa sa mga sinabe niya wala ako naintindihan sa mga kwento niya tanging sa bulto ng kanyang kuya niya lang naka-focus na sinusundan naming palabas ng iskwater area na ito. Sa bawat na dadaanan namin. "Croo! " "Cro, shot muna!" "Cro tawag ka ni aling nene" Taray sikat ang kuya ni Ainna dito sa lugar nila. Inayos ko ng mabuti ang mask ko at hood ng blouse ko para hindi ako mamukaan. "Ate daph!" halos mapatalon ako sa biglang sigaw ni Ainna maski ang kuya niya huminto sa paglakad at humarap samin. "Ano ba yon Ainna?"baling ko sa kanya. Ngumuso naman siya, "Nandito na po tayo sa labasan" nakanguso siya sa highway. Tama siya, nasa highway na kami kung saan ko siya binaba. Napakamo't ako sa leeg ko at napapangiwi. "Ano pa inaantay mo umalis kana" umarko ng mabilis ang kilay ko ng pagtabuyan ako ng kuya ni Ainna. "Alam mo ang gwapo mo sana kaso ubod naman ng sama ng ugali mo. "prankang sabi ko sa kanya. "Anong sabi mo?" salubong kilay niya. "Gwapo nga, bingi naman ts" inirapan ko siya. Hinarap ko si ainna na tila naguguluhan samin dalawa. "Ainna, I'll send my assistant here tomorrow. She's going to help you to enrolled so you will come in school next week." Nanlaki ang mata niya kaya binababa ko ang mask ko para makita niya ang ngiti ko. "Salamat po ate daph!" dinamba niya ng yakap ang bewang ko. I feel happy everytime she hugged me. Kung hindi ko lang alam na virgin pa ako iisipin kong anak ko si Ainna kase sobrang gaan ng loob ko sa kanya. "Hindi!" napahiwalay ako Ainna ng sumigaw ang kuya niya. "Anong hindi po?" inosenteng tanung ni ainna sa kuya niya. Malaki ang bawat hakbang ng kuya ni Ainna at walang pakundangan niyang hinablot si Ainna papalayo sakin. Nakita ang pagdaan ng sakit sa mata ni Ainna dahil siguro sa marahas na pagkahablot ng kuya niya sa kanya. "Nasasaktan ang bata!" natatarantang suway ko akmang lalapit ako sa kanya tinago naman niya si ainna sa likod niya. Naluluha na ang mata ni Ainna, awang-awa ako kay Ainna kase halata nasaktan talaga siya. Nanlilisik ang mata ko umangat ng tingin sa Kuya niya. "What the f**k is your f*****g problems! " sighal ko sa kanya. Umigting ang panga niya para ata siya lalo nagalit. "Umalis kana at wag ka ng babalik pa!" muling sigaw niya. Naglalapitan na ang mga tao dito kaya dali-dali ko sinout muli ang mask ko. "Wala akong ginawa kung ano'man sayo. All my concerns is your sister but you seems dislike it" dismayado kong saad at binalingan si Ainna. Malungkot ang kanyang mata. Nagpakawala ako ng buntong-hininga saka dinukot ang wallet ko nilabas ko ang calling card. Humakbang ako papalapit sa kanila nguni't imbes ang kamay ng kuya ang nilapitan ko ang kay ainna ang kinuha ko. "Pagkinailangan mo ang tulong ko, wag ka mahiya at mag-atubili tawagan ako anytime Ainna. I'm willing to help you with any cost okey." Malumanay na pagkakasabi ko gustuhin ko siya yakapin pero nilayo na naman siya ng kuya niya sakin kaya umayos ako ng tayo. "Umalis kana" muling taboy niya. Bakit ang sakit? Dalawang salita pero pakiramdam ko sinaksak na ako ng maraming beses. Ano'ng ibig sabihin nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD