Xyna's POV
"We're here." anunsyo ni Ezekiel.
Diko na namalayan na nakapag park na pala kami. Tulala lang kasi ako sa kawalan kanina sa byahe.
Iginala ko ang mga mata ko para matingnan kung saan nya ako dinala.
Lumingon agad ako sa kanya. "Enchanted Kingdom?" masayang tanong ko.
Tumango naman sya at ngumiti. "I hope nagustuhan mo yung place na napili ko para sa date natin."
"Ano kaba? Gustong gusto! 1st time ko kaya dito. Isa sa mga pangarap ko nung bata pa ako ay yung makapunta dito. Pero dahil nga medyo salat sa pera sina mama, hindi natupad." paliwanag ko.
Natigilan ako nang may napansin ako.
"Bat parang walang tao?" tanong ko sa kanya.
"I rented this whole place for a day." prenteng sabi lang nya.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ha!? Seryoso kaba?"
"Oo naman. That's why there's no one here except us, and the staffs of course."
Di ako makapaniwala. Ganun kayaman tong lalaking to? Nirentahan lang naman ang buong Enchanted Kingdom para sa activity namin. Wow.
"So, shall we go inside?"
Ngumiti ako at tumango. "Tara!"
Nagtungo na kami papuntang loob.
"Since it's your 1st time here, ako narin ang magiging tour guide mo."
Natawa naman ako sa kanya. "Ay hanep pala ang ka date ko ngayon. 2 in 1."
"At your service." nakangiting sabi nya at pabirong sumaludo pa.
Natatawa akong umiling sa kawalan. "Osya sige. San mo ako unang dadalhin, aber?"
"Kart Trak. Let's go!" yaya nya sakin. "Uh wait, alcohol muna tayo." biglang sabi nya at nagspray ng alcohol sa kamay nya. Kasama kasi ng car key nya yung alcohol. Inispray-an nya rin ako sa kamay.
"Bakit naman may pa alcohol pa?" tanong ko habang kinakalat ang alcohol sa mga kamay ko.
"Basta." sabi nya at lumingon sakin. "Tara na."
Nabigla ako nang hawakan nya bigla ang kamay ko. Holding hands while walking yan?
Hinayaan ko nalang at sinabayan syang mag lakad habang magkahawak ang kamay namin.
"Here it is." sabi nya. "Tara na sa loob." nag lakad na kami papasok.
Nang maka pasok na kami, nakita ko ang mga nakahilerang Karts. Nakikita at nalalaro ko lang ito sa mga video games noon. Ngayon mae-experience kona rin kung paano ba sya paandarin.
Binati muna namin ang mga staffs bago nila kami kabitan ng helmet at sumakay sa mga Kart namin.
"So pano? Race tayo?" pang hahamon nya.
"Baka nakakalimutan mong 1st time kong mag drive ng ganto. Enjoy enjoy nalang wala ng kompetisyon ha?"
Natawa naman sya sakin. Para kasi akong batang nagt'tantrums.
"Alright."
"Ready napo ba kayo, ma'am sir?" tanong sa amin ng staffs.
Tumango lang naman kami ni Ezekiel.
"On your mark... Go!"
Nang marinig namin ang go signal, pina andar na agad namin ang kart.
Since 1st time ko dito sa EK, nahirapan akong kontrolin yung kart kaya medyo mabagal ako sa simula.
Maya maya pa ay medyo nagegets kona sya kaya binilisan kona ang takbo.
"Whoooo! Ezekieeeeell!!" sigaw ko habang hinahabol sya.
Nag enjoy ako sa pagmamaneho sa kart. Siguro naka tatlong ikot kami sa buong track field sa sobrang enjoy hahaha!
"Grabe yun. Ang saya!" masayang sabi ko habang papalabas kami ng Kart Trak. "Saan naman tayo next?" tanong ko sa kanya.
Nag suggest naman ulit si Ezekiel ng panibagong rides na susubukan namin hanggang sa matry na namin lahat.
Mayroong rides na nakakalula, nakakalaglag ng puso. Muntik pako masuka katapos haha.
"So, this is the last one. And they call it Wheel of Fate." turo nya sa isang ferris-wheel na malaki.
Tumango lang ako. "Tara na sa loob."
Nang maka sakay na kami, dahan dahan itong gumalaw pataas hanggang sa mapunta kami sa tuktok. Magka harap kami.
Mula dito sa taas ay kitang kita mo ang magandang view mula sa labas. City lights and all. Ang ganda!
"You like it?" biglang tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.
Ngumiti naman ako at tumango. "Salamat ha? Tinupad mo yung isa sa mga childhood dream ko."
"You're welcome." ngiti naman nya sa akin pabalik. "So, bati na tayo?"
"Oo. Bati na tayo." sabi ko sa kanya. "Pero huwag mo nang uulitin yun ah? Ang sakit e. Ang tagal ko atang nawalan ng malay nun."
"I'm sorry."
"Wala nayun no. Bati na nga tayo e haha! Ikaw talaga." sabi ko nalang at tumingin nang muli sa tanawin sa labas. "Ang ganda ng view. Tara picture tayo?" yaya ko sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.
Nilagay ko sa front cam ang camera ng cellphone ko. Magse selfie na sana kami nang bigla syang lumipat ng pwesto at tumabi sa akin.
Kinuha nya ang phone ko at itinayo sa upuan sa harap namin.
"Yan. Para mas maganda ang picture." sabi nya habang sine set up ang phone ko. "I'll put a self timer in it. 5 seconds."
"O-okay." eto nanaman tayo sa pautal utal. Bat ba ako nauutal palagi? Nako naman.
"Ayan na." sabi nya at umupo na ulit sa tabi ko. "5... 4... 3... 2... And smile!"
Ngumiti nalang ako at tumingin sa camera. Feeling ko ang awkward ng smile ko dun.
"One more."
"A-ako naman pipindot." prisinta ko at pumunta sa phone ko para pindutin ito nang gumana na ang timer.
"Ayan na. 5... 4--ayy!" pabalik na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla akong madulas sa flooring.
Nasalo naman ako agad ni Ezekiel sa mga bisig nya. Nang dinilat ko ang mga mata ko, nakita ko ang mukha nya ng mas malapit. As in, sobrang lapit.
3... 2... 1. Click!
Bumalik ako sa huwisyo nang magflash ang camera. Nakunan kami nang nasa ganung posisyon, myghad!
Bumalik naman sya agad sa upuan nya at ibinigay sa akin ang phone ko.
Inabot ko naman yon at binulsa. Tumingin ako ulit sa tanawin sa labas para kumalma. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro.
Ezekiel's POV
I secretly took a photo of her using my phone habang nakatingin sya sa view sa labas. After I took one, I slid my phone in my pocket and stare at her.
While I'm staring at her, I suddenly hear my heart pounded. Throbbing loudly.. Again and again.
Wait, mula kanina sa sasakyan ganto na yung nararamdan ko nung nagka titigan kami. Everytime our eyes met, ganun yung nangyayari. Napapadalas na ata to. Teka, may sakit na ba ako sa puso?
I think I need to consult a cardiologist as soon as possible.
-TO BE CONTINUE