2022, May
♣Jeorin♣
"Class dismissed."
Naeexcite talaga ako sa tuwing naririnig ang last word ng teacher namin before breakfast.
Kailangan ko agad pumunta sa dining area, baka hindi ko na maabutan si crush.
"Hoy babae, linisin mo nga muna ito bago ka kumain." Wrong timing palagi itong si Kayn.
"O-okay, pero kalat mo yan--"
"Aangal ka ba?" Pinandilatan niya ako ng mata at hinampas yung desk niya nang tumayo siya.
Agad akong umiling at ningitian siya. "Ofcourse not."
"Hoy!hoy hoy!..." Yung kaibigan ko bigla bigla nanamang sumusulpot dito sa classroom. "Paano kung sabihin ko sayo na aangal ako, aangal ka ba?"
Ningitian niya ako bago lumapit sa akin at kinuha ang hawak kong walis saka pabatong binigay kay Kayn.
"Vribon, hayaan mo na--"
"Hoy Vribon, hindi ka naman taga rito kaya anong ginagawa mo rito? At isa pa, she's my classmate so you don't have--"
"Yeah, coming from you, she's your classmate, classmate right? Hindi janitor, gusto mo bang ingudngod ko yang mukha mo sa kalat mo?" Tinaasan ng kilay ni Vribon ang kaklase ko at buti nalang ay nasindak niya ito.
Nag sigh ang kaklase ko. "Fine! You win!"
"Malaman ko lang na inuutos utusan niyo pa itong kaibigan ko lalo ka na!! ihahire ko talaga kayo as janitor sa school na'to at sa oras na pumalag kayo ipapakickout ko agad kayo! Kuha mo ba?"
Hindi naman kamaganak o kaanu-ano ni Vribon ang CEO ng school pero mayaman kasi siya kaya kaya niyang gawin ang sinasabi niya.
"Oo na! Umalis na nga kayo!" Tinataboy na niya kami, hinatak na ako palabas ni Vribon habang ako ay palinga-linga sa loob.
"Bakit mo naman ginawa yon Vribon, alam mo namang--"
"Alam mo, hindi ka naman mahirap... Pero bakit nag papaapi ka sa kanila?--"
"Sumusunod lang sa utos nag papaapi na? Hindi ba pwedeng umiiwas lang sa gulo." Nag simula akong mag lakad papunta sa dining area ang direksyon ko at sumunod naman sa akin si Vribon.
"Ewan ko ba naman kasi sayo, kami ayaw naming inaapak-apakan pero ikaw... Hay ambot, punta lang ako sa library." Iniwan na niya ako, wala man lang proper goodbye.
Saktong nakarating ako rito ay palabas na yung crush ko.
Kinikilig nanaman yung kaluluwa ko, mahuhulog ata yung panty ko.
"H-hi Phergon--"
Deadma.
Ni hindi man lang ako tiningnan at lumabas na.
"Wait, you're Jeorin right?"
Wait.
Tama ba ako ng rinig?
Kanakausap niya ba ako?
Omg, hindi ako nag dalawang isip na humarap sa kaniya at hindi ko maitago ang sayang nakapinta sa mukha ko.
"Y-yes." Sagot ko sa kaniya.
"You like me right?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
Omg, aamin ba ako? Pero kailangan pa ba yon eh kalat na kalat na nga sa school yung pagkaobsessed ko sa kaniya.
Nanahimik lang ako as sign na yes ang sagot sa tanong niya.
"Bro, tara na, wag mo na nga sayangin ang oras mo sa babaeng walang dating." Minsan ko na nga lang marinig na mag salita yung tropa niyang palagi niyang kasama, masakit pa ang lumalabas sa bibig.
"Gusto mo bang mapansin kita? Diba magaling ka sa paint? Why don't you paint my face there and I'll appreciate it pati na rin ikaw."
Nagising ang diwa ko sa sinabi niya, tiningnan ko yung place na kanina pa niya tinuturo at dingding naman dito sa dining area ang pipintahan ko kaya it's okay lang with me.
"Fine, and then--- ha? Phergon? Nawala agad." Hays, pagbalik ko ng tingin sa pwesto ni Phergon nawala na ito pati na rin ang mga kasama niya.
Hindi ako nag sayang ng oras, kinuha ko agad ang mga gamit ko at saka nag simulang pintahan ang digding.
After 2 hours natapos na rin ako.
"Ang galing mo naman Jeorin, pero hindi ka ba pagagalitan ng head ng school?" Isang student na unang nakakita sa ginawa ko.
Pisti, hindi ko naisip yung head ng school, vandalism pala itong ginawa ko.
Sa gitna ng pagiisip ko ay may grupo ng babae ang pumalakpak at lumapit dito sa pwesto ko.
"You idiot, number 1 rule yang nilabag mo idiot girl." Natatawa tawang sabi nito na mukhang leader ng grupo at hindi ko kilala.
"Pero napag-utusan lang naman---- Phergon!" Napalitan ng saya ang mukha ko nang makitang nakapamulsang pumasok dito sa dining area ang crush ko.
"No way, sinunod ka nga niya Phergon, alam mo bang malilintikan ka sa ginawa mo Jeorin." Natatawang sabi ng kaibigan nito.
Marami nang students ang nag sisidatingan at lahat sila ay pinagtatawanan ako.
"Bakit kayo natatawa, gusto ko lang naman..." Napayuko ako sa kahihiyan at akmang mag wawalkout pinigilan ako ni Phergon.
"Saan ka? Burahin mo yan bago pa kita isumbong at mukha ko pa ang ipinaint mo." Ngumisi siya sabay tulak sa akin sa dingding.
"What are you talking Phergon, you're the one who--"
"Blame your obsession to me, let's go."
Hindi ako papayag na ako lang ang haharap sa head ng school.
"Akala mo ba hindi kita idadamay? Phergon!" Matapos kong sumigaw ay napatakip ako sa bibig ko.
"Go for it, walang maniniwala sayo." Mapang-asar itong nakatingin sa akin.
"Ano'ng sinasabi mo." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya pero nakikita ko yung paglalaro sa dimple niya.
"Ask them, all of the students here, they will my witnesses." He rolled his eyes at tumalikod na.
"Yeah, sinong maniniwala na inutusan ka ni Phergon eh hindi hindi ka nga pinapansin nun, kaya siguro ginawa mo ito para mapansin ka niya at nag tagumpay ka naman." Yung isang student.
"Madadagdagan lang ang kasalanan mo kapag dinawit mo siya." Sabi pa ng isang student.
"Umamin ka na agad doon sa office bago pa sila ang unang makatuklas nito, baka mapagaan ang parusa mo." Isa pang student.
Bago pa sila lahat makapagsalita ay umalis na ako sa lugar na yon habang nakatakip sa tenga ko.
"Ms. Jeorin, come to my office."
The H. Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Mrs. Pecita sa likod.
She's the Head of School.
Patay na ako nito.
Pumunta agad ako sa office niya at naabutan ko sa loob si Phergon.
"P-Phergon? A-anong--"
"Umamin siya na siya ang nag utos sayo kaya wala kang parusang haharapin."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng Head.
"Hindi mo naman kailang--"
"Aalis na ako Mrs. Pecita, Babayaran ka nalang ni mom." Akala ko okay na kami ni Phergon pero nang daanan niya ako ay malademonyo siyang tumingin at ngumisi sa akin.
Ano'ng pakiramdam na'to, bakit kinakabahan ako.
"Ms. Jeorin, you may leave na rin but wait... There's something i need to ask you." May kinukuha sa drawer si Mrs. Pecita.
"Ano po iyon?" Lumapit ako sa kaniya at inabot niya sa akin ang isang litrato ng babae.
"If you gonna see her, don't ever talk to her dahil may mga itatanong siya sayo na hindi mo maiintindihan." Aniya.
Pero, ano naman kung tanungin niya ako ng ganoong bagay diba? Hindi ko ugaling mang deadma ng tao at kapag Hindi ko talaga alam sinasabi ko naman agad na wala akong alam.
"O-okay po pero is she new student here? Hindi ko pa po kasi siya nakikita rito."
She nodded. "Isa siyang PSE, alam mo naman ang meaning nun diba? Isa siyang Person with special eyes--"
"Na helper ng taskforce rito sa Philippines at dito sila sa school dinadala at pinagaaral dahil may connection itong school sa politics at 2% lang ang chance na may special eyes person kada bansa... What a unbelievable." Dugtong ko sa sinabi ni Mrs. Pecita.
"How amazing. Buti naman at magaling mag turo ang mga teachers dito sa school."
Konti palang ang nakakaalam tungkol sa PSE dahil hindi naman lahat ng tao naniniwala na may kapangyarihan ang nag eexist sa mundo kaya nga mga kaedaran ko palang ang karamihan ang may alam sa PSE, dahil itinuturo sa amin iyon.
Sila ang helper ng Taskforce dahil ang mga criminal na nakakatakas ay sila ang nakakahuli, ewan ko kung paano dahil hindi naman ako isang PSE , basta, ang alam ko nasa mata yung kapangyarihan nila.
"Sige po, mauuna na ako--"
"Wala bang nababanggit ang parents mo sayo? Or ikaw, wala ka bang napapansin sa sarili mo?" Pahabol niyang tanong nang palabas na ako.
"Po? Sila? Ano naman po ang sasabihin nila at ano naman po ang mararamdaman ko?" Curious ko, napaisip tuloy ako.
"Nothing, iba lang kasi ang pakiramdam ko sayo, pero baka nga hindi ikaw."
Mag tatanong pa sana ako pero lumabas nalang ako, ang weird niya eh.
Teka lang, iniisip ba niya na pwede akong maging isang PSE? Eh diba--- ah, kasi yung babaeng nasa litrato palang ang nakikilalang PSE.
Bawat bansa kasi may tig 2 to 5 na PSE at isa palang ang nakikila rito.
Well, ako na ata ang swerte sa buong mundo kung papalarin akong maging isang ganu'n.
Aish,nag wawala na ang tiyan ko, makakain na nga.
**
"Pauwi ka na Phergon?" After ko mag breakfast ay inabangan ko siya sa labas ng room niya .
Gusto ko sana mag pasalamat sa ginawa niya kaso hindi nanaman niya ako pinapansin.
"Bro, may multo atang nag sasalita." Pagkausap niya sa mga kasama niya, lumingon yung tropa niya sa akin at patawang ibinalik ang tingin sa dinaraanan nila. Nakasunod lang ako sa mga ito.
"Nako bro, gusto mo bang dumiretso tayo sa simbahan?"
I can't take this, bumilis ako ng lakad at humarang sa kanila.
Si Phergon na ngumunguya ng bubble gum ay idinura ito padaan sa gilid ng mukha ko.
Yung isang kaibigan naman niyang engot ay nag crossed arms. Yung isa pa, tahimik lang naman.
"What do you want ba? You wasting my time." Anito't walang ganang nakatingin sa akin.
"Gusto ko lang naman mag--"
"Bro, diba natanggap mo yung letter niya? Nasaan na pala yon." Yung kaibigan niya.
"Tinapon ko, ano bang gagawin ko ro'n."
What, love letter ko yon sa kaniya at ilang araw ko natapos yon dahil sinigurado ko na magagandahan siya sa gawa ko.
"Eh yung pagkain na nilalagay niya sa table mo?" Tanong nanaman ng kaibigan niya.
"Ah yon ba, lahat yon.... Pinakain ko sa aso ng guard." Naiinis na ako sa tunog niya pero bakit mabilis nawawala ang inis na yon.
Huwag niyang sabihin na sa araw-araw na pagkain na nilalagay ko ro'n ay sa aso lang napupunta?
"Yung kwintas na inilagay ko sa bag mo?" Ako na ang nag tanong. Umaasa ako na kahit sana yon man lang ay kineep niya.
Ngumisi siya. "Isinuot ko....." Matutuwa na sana ako sa kaniya. "Sa aso ng Guard."
The H. Nasampal ko siya sa hindi inaasahan. "Alam mo bang galing sa lolo ko yon!"
"Ang lutong nun."
"Crunchy slap."
Napahawak sa pisngi si Phergon at dahan-dahang tumingin sa akin."bakit parang kasalanan ko pa? Hiningi ko ba? Ikaw lang naman itong nag lagay sa bag ko nun!"
Sinakmal niya ako sa leeg buti na lamang ay inawat siya ng mga kasama niya.
"Bro, huminahon ka."
"Umalis ka na Jeorin kung ayaw mong pag lamayan ka."
Wala akong ibang naramdaman ngayon kundi galit, galit sa sarili ko dahil bakit ko nga ba kasi naisipan na ilagay sa bag niya yon! Ni hindi ko man lang naisip na magagawa niya yon.
Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa nagawa ko sa pag sampal sa kaniya kaya napayuko ako at tinalikuran na sila.