DION
"Ingat kayo, uwi agad ha?" Sabi ko bago kami maghiwa hiwalay ng daan, mag cocomute sila, habang ako pupunta sa parking lot para kunin ang sasakyan ko, medyo masakit ang ulo ko. Hindi ako pumayag na mag late lunch kami, nagkatamaran na tuloy sila na kumain, and i'm a bit guilty, kaya nung uwian namin at inaya nila ako to grab a snack, hindi na ko nagpabebe at sumama na lang, halos mga ka co-department ko lang naman ang kasama, they shot a little, habang ako juice lang, i don't really drink, it's just, it's not my thing.
Medyo madilim na ang daan papunta sa parking lot, pero may mangilan ngilan din naman na street lights, hindi naman sa takot ako, may experience lang ako nung college ako.
Agad na hinanap ko ang car key ko sa bag nang matanaw ko na ang kotse ko, pero bago ko tuluyan na maisuksok ang susi nito, may dalawang pares ng kamay na biglang humiglat sakin, marahas at walang pasintabi na hinila nila ako.
"What the f**k!" Hindi ko napigilan na sumigaw, dahil sa sakit na naramdaman ko.
"Sumama ka nalang, okay?" Sabi ng isa sa mga nakahawak sakin.
Nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko, and this is not right. Nagpatiunod nalang ako sa kanila, i can't barely move my arms, and it's fvcking frustating! Damn!
"Get off me, you jerks!" Lakas loob na sabi ko, naramdaman ko naman ang isang malamig na palad na dumikit sa kaliwang pisngi ko.
"Tahimik muna miss, para hindi ka na masaktan, hindi ka naman namin aanuhin eh, pero kung gusto mo sabihin mo lang, pagbibigyan ka namin."
Perverts! Fvck!
Nanlalata na ako dahil sa kaba, ayokong maulit ang nangyari dati, s**t happen.
"You'll let her go or i'll blow all your heads, choose." Napatigil sila sa paglalakad, kaya tumigil din ako, ang hawak nalang nila ang nagsisilbing lakas ko para tumayo.
Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, nang luminaw ay nakita ko sya na malamig na nakatingin sa mga lalaking nakahawak sakin at may baril na nakatutok, hindi sya mag isa, he was accompanied by four guys, beside him, who's pointing a gun to the other guys.
Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ng lalaki na nakahawak sakin, walang pasabi na binitawan nya ko, kaya diretso akong natumba sa sah-teka, kelan pa nagka wall dito?
A warm and broad arms wrapped on me, that made me feel very secure, i felt his breath on my neck.
"Dormi per ora amore mio."
--
Masakit ang ulo ko nang magising, kaya agad na hinilot ko ang sentido ko, parang binibiyak, hindi ko naman masabi na hangover kasi hindi naman ako umiinom ng alak.
Pero kusa akong napatigil sa ginagawa ko nang makita ang kabuuan ng lugar na tinulugan ko, and I'm damn sure na hindi sakin to.
This is not my room, although i like it, using white, black and shades of gray to create a masculine vibe inside this room was fairly easy. This mesmerizing luxury bedroom volumetric design everywhere, huge windows flood the space with natural light, while the details construct a dreamy scenario for unforgetable nights.
Fvck, ano daw? Unforgetable night? Ginagago yata ako ng utak ko.
"Glad you're awake." Agad na hinagilap ng mata ko ang pinang galingan ng boses, and i saw him sa pinto, at may hawak na tray.
Balak ko sana syang sigawan, pero kusa na rin sumarado 'to ng maalala ko kung ano ang nangyari kagabi.
"Salamat kagabi." Tanging nasabi ko.
Nakita ko ang pagtango nya, lumapit sya at ipinatong sa side table ang dala niyang tray. May laman na pagkain yon, bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.
"Sakin ba yan? Kung hindi, sakin na lang, nagugutom na ko eh." Hindi na ko nahiya, kesa naman sabihin ko sa busog ako, na hindi naman totoo.
"Sayo talaga yan, tapos na ko kumain." Nakangiti niyang sagot.
Hindi na ko sumagot at kinuha na lang ang mga pagkain na nakapatong don. Tahimik lang sya habang pinag mamasdan ako, kaya naman tumigil ako. Naiilang ako eh.
"Can you please stop staring at me?" Sabi ko, gusto ko pa talagang ipag patuloy ang pag kain ko, kaso hindi ko magawa dahil sa pares ng mata nya na nakasunod sa bawat kilos ko.
"Am I distracting you?" Tanong nya at umupo sa katapat na silya.
Tumango ako bilang sagot. "Yeah."
"I'm glad, I still have an affect on you."
Naging abnormal naman ang t***k ng puso ko, mahirap din pala ang maging straight forward minsan, nakaka pahamak. Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, nasa tabi ko lang ito, sinagot ko agad nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Maingay sa kabilang linya, may mga nag sisigawan.
[Bruhaaaa! Where ka?! Bakit hindi ka pumasok? Omy ghad! Nag runaway ka na ba? Akala ko wala kang jowa?!]
Natawa ako dahil sa sinabi nya, bruhang Jaycee talaga 'to, ang harot. Nawala tuloy ang kaba na nararamdaman ko kanina.
"Okay lang ako, kwento ko na lang pag nagkita tayo, bakit maingay?"
[Ang mga bruhilda kasi, kinikilig. May bago daw kasing dating sa kabilang department, pogi daw si koya.]
Wala akong maalala na may bago ha? Hindi ako informed, itatanong ko na lang siguro pag pasok ko.
"Okay sige, kita nalang tayo, baka mag half day ako." Sagot ko na lang, para makaalis na ko rito at makapag ayos na papasok.
[O sya bakla, ingat ka ha? Love kita! Mwa!]
Napangiti ako dahil sa sinabi nya, cute talaga nya pag nag aalala sakin, parang sister talaga.
"Oo na sige, I love you too. See you later sweetheart." Sabi ko, narinig ko naman ang pag iinarte nya sa kabilang linya, kaya malakas na tawa ang pinakawalan ko bago patayin ang tawag, pag kasi gusto ko syang asarin nilalagyan ko sya ng indearment.
Ibinalik ko na sa bag ko ang phone ko at isinubo ang huling piraso ng tinapay na kinakain ko.
"Who was that?" Napatigil ako sa pag nguya ng mag salita sya, halos makalimutan ko nang nandito sya.
"Who?" Maang ko na sagot, tumayo na ko at kinuha ang gamit ko sa tabi ng higaan. "Aalis na ko, papasok kasi ako, thanks again for saving me last night, I owe you one."
Pero hinawakan nya ang braso ko, na nag dala ng libo libong kuryente sa katawan ko, tinignan ko sya, madilim ang mukha nya.
"Who's that bastard you talked awhile ago? And why can he make you smile and laugh like that?" Madiin na sabi nya.
"Ahh! Yung kanina ba? Si Jaycee yon, tsaka bakit ba, enjoy ako kausapin sya eh, paki bitawan na ako." Hindi ako komportable sa pwesto natin. Hindi sinasadya na napatingin ako sa labi nya, kinagat ko ang ibabang labi ko, para pigilan ang sarili ko na sunggaban sya, bwisit, inaakit ako, nyemas. Kailangan ko na talagang makalayo sa kanya, hindi safe.
"Bakit mo sya sinabihan ng ganon?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Alin ba don? Ang gulo nya talaga kausap. "That bastard, you said you love him, you mean it?"
Tumango ako. "Oo, mahal ko naman talaga, ano ba ang masama ron? He's my friend." Taas kilay na sagot ko.
"A friend? Huh, you must tell me who is that fvcker, i should get rid of him, but i will let him give me a punch." Sabi nya, pero parang sarili lang naman nya ang kausap nya.
"Hindi mo gagawin yan." Sabi ko sa kanya, kaya naman kumunot ang noo nya.
"You really love him, huh? Mas gusto ko tuloy syang patayin ngayon pa lang."
Tuluyan na akong natawa dahil sa inaakto nya, parang baliw lang talaga ang isa na 'to, biglang nawala ang kaba ko at tuluyan nang na komportable sa klase ng pag uusap namin.
"You shouldn't do that, ni hindi sya sanay manuntok!" Sabi ko habang tumatawa pa rin.
"What? Paano ka nya ipagtatanggol kung hindi sya sanay manuntok? Kagaguhan na yan!" Inis na sabi nya, at kinuyom ang kamao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binatukan na sya. "What the fvck, why did you do that?!"
"Bakit, may angal ka?" Sabi ko.
"May sinabi ba ko? Nagtatanong lang naman ha." Parang bata na sabi nya.
"Bakit ka ba kasi nagagalit? Hindi sanay manuntok si Jaycee kasi bakla yon, natural, pero kung sabunutan go sya."
Nakita ko na natigilan sya, pero umaaliwalas din agad, at tinignan ako, isang ngiti ang sumilay sa mapuputi at pantay na ngipin, handsome.
"Talaga? He's a gay?" Tanong nya at niyugyog ng bahagya ang balikat ko.
"Oo nga, kulit mo, aalis na ko. Baka malate ako, at ikaw, hindi ka ba papasok? Kay bago bago mo, nag papalate ka." Paglilihis ko at hinampas sya sa braso.
Pero hindi nya pinansin yon, tumawa lang sya. "God! I'm insane!" Sabi nya pa. Ako ba kausap nya, o sarili nya?
"Bahay mo ba to?" Tanong ko, tumango lang sya, at hinila ako palabas ng kwarto. "Kaya pala parang hindi ka naman in need ng trabaho, pampalipas oras mo lang yata yon." Nanghihinayang tuloy ako, dapat pala sa iba ko nalang ibinigay sa kanya yon, sayang lang.
Hinihintay ko syang sumagot, pero wala naman akong narinig, kaya tinignan ko sya.
Nakatingin lang sya sakin habang nakangiti, kaya nag abnormal nanaman ang t***k ng puso ko. Putakte! Ano nanaman ba?
"Problema mo?" Gusto ko na talagang halikan ang sarili ko para i-congrats dahil hindi ako nabulol, lalo pa at hinila nya ko at ikinulong sa mga braso nya. "T-teka, anong ginagawa mo?" Naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko, dahilan para tumaas ang balahibo ko.
"I never thought that this day will come again, I missed you so much, i miss you baby."
--
"Huy ateng! Okay ka lang ba? Tulaley again?" Napatingin ako sa Carlo dahil sa mahina niyang pag tapik sa braso ko, tumango lang ako. "Saan ka ba kasi galing kagabi?"
"W-wala, umuwi lang ako, ayaw kasi mag start ng car ko kaya nag taxi na lang muna ako."
Tumango tango naman sya, at ininom ang coffee na dala nya kanina, bago sya pumunta sa table ko.
"Eh sino yung car na nag hatid sa'yo kanina dito? Yiiee! I saw that with sisteret! Lantod nito! Kunwari walang jowa!"
Agad na tinignan ko sya. "Nakita mo ko kanina?" Ngumisi naman sya, indikasyon na oo ang sagot nya.
"Pero don't worry, satin satin lang to no, shut up ang beauty ko, i respect privacy." Sabi nya at kinindatan pa ako. "Nga pala, where's Alex na ba? Three days na syang awol ha."
Oo nga pala, tatawagan ko pala sya, i need to say my apology.
"Naka leave yon, pupuntahan ko sya mamaya, may ipapasabi ka ba?"
Umiling sya at inayos ang mahaba niyang bangs. "Waley naman, miss ko lang ang chaka na yon, sige na work work na ko." Pakanta pa niyang sagot kay iiling iling na tumawa na lang ako. "Chika ko later sa'yo yung bagong employee sa kabila ha? Tadpolers yung nandon eh! Ayaw mag share!" Natawa tuloy ako lalo.
Pero nawala yon ng makaalis na sya, pagkatapos ng nangyari kanina sa bahay nya, hindi ko na sya kinausap ulit, sabay na kaming pumasok, pero sa malapit na sweet shop ako bumaba, ayokong makita ng iba na sabay kami, naramdaman ko ang laksa laksang saya, pero ganon din ang takot. Takot na baka nag huhukay nanaman ako ng pwesto nya sa puso ko, pero sa huli, tatakpan nya lang ulit ng lupa, hindi ko kaya na mangyari ulit yon, i promised to myself na hindi na mangyayari yon. Pero ano ang nangyayari sakin ngayon? Hindi pwede 'to, ako nanaman ang matatalo nito.
"Hello!" Umaangat ang tingin ko sa bulto na nakatayo sa harapan ko, and i saw him there, flashing his sweet smile, kahit na nakasalamin sya, naka ID as employee, at naka simpleng porma napakalakas ng dating nya, yung tipong mas bagay sya maging model or CEO, kesa ang maging empleyado. "Taken your lunch? I bought your favorite." Sabi nya at itinaas ang hawak nyang paper bag na may pangalan ng restaurant.
Iniwas ko ang tingin ko at inayos ang salamin na suot ko, inabala ko ang sarili sa mga gawain. "Hindi pa ako nagugutom, sa iba mo na lang ialok yan, baka sila gutom na." Pinilit kong palamigin ang boses ko, para iparating sa kanya na wala akong pakielam, kahit na sa totoo lang, gusto kong kunin yon, gusto ko syang kasabay kumain.
"Ganon ba, alright, pag naguguton ka na tawagin mo nalang ako, iiinit ko 'to sa pantry." Sabi nya at nag lakad palayo sa pwesto ko.
Huwag mo syang tatawagin, wala ka nang pakielam diba? Sinaktan ka na nya, hindi ka pa ba nadadala bruha? Ano? Gaga! Huwa-"Leigh!" Fvck.
Tumigil sya at humarap sa akin, kita ko ang lungkot sa mga mata nya ng tignan nya ko. "Yes?"
"Initin mo yan, mag kita tayo sa lobby, sabay na tayo mag lunch."
"Really?!" Ako lang ba yon, o nakita ko talaga na kumislap ang mga mata nya? Nah, baka ako lang yan. Wala sa loob na ngumiti ako.
You're right, you still have an effect on me, and it never change since the first time that i felt it.
*****
Dormi per ora amore mio- Sleep for now, my love