D I O N Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa upuan ko na hindi nag wawala dahil sa nakita ko, gusto kong sumugod, gusto kong hilahin ang buhok nang babae na humalik sa kanya, pero hindi, hindi ko gagawin, baka kung ano pa ang mangyari sa anak ko, hindi ko kakayanin. “Buntis, ano ba problema? Okay ka lang ba? Masakit ba tyan mo? Hindi ka naman kasi nag sasalita eh.” dun ko lang naalala na kasama ko si Zain ditto, kanina pa sya tanong ng tanong kung ano problema ko namumutla na raw ako. Kaya uminom ako ng tubig at huminga ng malalim, parang sinasaksak ang puso ko sa lahat ng nakikita ko ngayon, hahayaan ko sya mag paliwanag, bibigyan ko sya ng pag kakataon ipag tanggol ang sarili nya. “Okay lang

